Thursday, May 31, 2007
-=ALAMAT NG PINYA AT CHIKO PART 2=-
Napapadalas na ang pag de-day dreaming ni Cheko kasama si Piyona. Lumipas ang 3 taon ng pag de-day dreaming nya. Kung tatanungin nyo kung ano nangyari ke Piyona.. eh hindi ko na alam.
3 taon na ang nakalipas. Parang na wi-wirduhan na si Cheko sa kanyang nararamdaman. Mukhang mahal na nya si Piyona at ito ang gusto nyang makasama. Kahit dumating na sa kanyang buhay sina Pekta, Bretina, Carnee, Melinda at Lando eh si Piyona parin ang laging laman ng kanyang puso at isip.
Isang araw.. habang nagpipiko si Cheko kasama ang kanyang mga kaybigan sa tapat bahay eh may isang matandang lalake na naka long jacket coat na may hud na kulay pula na may dalang basket ang nagtanong sa kanya.
Lalake na naka long jacket coat na may hud na kulay pula na may dalang basket – boy… gusto mo ng mansanas?
Cheko – ayoko po. Busy ako at wala akong pera…
Lalake na naka long jacjet coat na may hud na kulay pula na may dalang basket – ah ganun ba.. ako rin eh, ayoko din ng mansanas. Mas gusto ko ang orange. Etoh oh… gusto mo?
(sabay abot ng orange ke Cheko)
Cheko – ay! Gusto ko nito… salamat po…
Lalake na naka long jacket coat na may hud na kulay pula na may dalang basket – ah bale.. limang piso yan.
Cheko – wah.. ah eh..
Lalake na naka long jacket coat na may hud na kulay pula na may dalang basket – biro lang pero ang talagang kabayaran nyan eh sumama ka sa amin…
Cheko – sa inyo? Sino pa ba kasama mo?
(at may 1, 2, 3… 4, 5… na naka ibat ibang kulay ng long jacket coat na may hud na may mga dalang basket din ang papalapit sakanila. Bale 1+2+3+4+5=16. 16 na mga lalake ang lumapit ke Cheko) Kung may napansing mali sa computation eh wag nalang pansinin.
Hindi na naka hindi si Cheko ke lalakeng naka long jacket coat na may hud na kulay pula na may dalang basket dahil natapakan narin nya ang pato nya sa piko kaya ayun. Nung una eh pumapalag pa si Cheko sa pagkakahawak ng mga kalalakihan sa kanya at nagalit…
Cheko – buhatin nyo ko. Sasama na nga ako eh. Bilis… buhat!
Nagpauto naman ang mga kalalakihang naka long jacket coat na may hud na may mga dalang basket at agad binuhat si Cheko.
Dinala si Cheko sa isang liblib na lugar kung saan sa dulo nito eh may makikitang isang malaking palasyo na mukhang beerhouse. Ang palasyo ay puno ng christmass lights na kikinang-kinang at sa mga puno nito ay may mga nakasabit na parol. Tawa ng tawa si Cheko sa mga nakikita nya. Sa mga puno puno kasi sa tabi ng palasyo eh may mga magkakasintahan na naglalampungan. Ang ilan ay nagtatakbuhan (papunta siguro sa Sssshhh…) at ang iba naman ay hindi nya maaninag kung pareho bang lalake.
Pabilis ng pabilis ang lakad nila Cheko at ang mga lalakeng naka long jacket coat na may hud na may kanya kanyang dalang basket. Napaisip si Cheko kung bat ata bumibilis ang kanilang lakad. Nagtanong sya…
Cheko – oh bat nagmamadali tayo?
Lalake na naka long jacket coat na may hud na kulay Puti na may dalang basket – ah eh kasi malapit ng umulan.
Cheko – ala ba kayong dalang payong? Baka magkasakit ako nyan…
Lalake na naka long jacket coat na may hud na kulay Berde na may dalang basket - oo nga eh. Kami kasi may hud pero ikaw wala… pero kasi kaya kami nagmamadali… renta lang tong mga suot namin sa isang dance group. 150 kada isa tapos pag nadumihan o nasira eh bayad kami 300 kaya dapat namin tong ingatan.
Itatanong pa naman sana ni Cheko kung bakit pa sila nag renta kaso hindi na nya nagawa dahil tumatakbo na ang mga kalalakihang naka long jacket coat na may hud na may kanya kanyang basket at nasa huliaan sya, tumatakbo narin dahil ibinaba na sya sa pagkakabuhat. Nagmamadali ang mga kalalakihan na makasilong at si Cheko ay half wet na dahil sa ulan. hehe.
Cheko – oh? Dito nyo lang ba ko dadalhin? Hindi nyo ba ko dadalhin sa palasyo?
Lalakeng… - oo. Dito na nga.
(at biglang nagsitinginan ang mga lalakeng… sa langit, nagsitaasan ng kamay at binigkas ang… “abadee abadee eh eh eh… achukole achukole tug pog pog… chuvaness chuvaness chi chum pay.. maiba…taya!”) at biglang bumukas ang lupa ng kanilang kinatatayuan. Ang ilang kalalakihang naka… ay nahulog sa butas ng hindi sinasadya.
Cheko – wow! Astig… tara na. (at papasok si Cheko sa butas)
Lalake na… - hindi tayo dyan dadaan…
Cheko – huh? San ba? Hindi ba dito?
Lalake na… - hindi. Wala lang… gusto lang namin buksan yan. Hehe.
At… Kung gusto nyo pang matuloy ang kwento eh ipagbigay alam ulet sa akin. Hehe.
Monday, May 28, 2007
-=ALAMAT NG PINYA AT CHIKO PART 1=-
Noong unang panahon… may hari at reyna na hindi ganun kayaman, may palasyo sila, may strawberry farm, apple farm, at diamond farm. Naghahanap sila ng baby sitter para sa kanilang anak na si Piyona… dalaga nilang anak na mahilig sa computer games at basketball. Maganda si Piyona at mabait. Palakaybigan sya at masipag kahit may mga katulong sila sa palasyo eh sya parin ang naglilinis ng kanyang silid at taga linis ng kanilang elektrikpan.Naghahanap sila ng baby sitter para kay Piyona dahil aalis ang mga magulang nito upang magbakasyon dahil pagod na sila sa kanilang bussiness na special pitchi-pitchi at BJ section kung saan maraming ibat-ibang klaseng toppings sa Buko Juice na talagang kakaiba at masarap. Pwedeng choco springkles, starberry springkles, spicy, bet-chin, peppermint, peper, mint, bigas, salt at sugar. Mabili ang mga ito kaya dumami ang branch nila at ayun nga.. kelangan ng pahinga ng kanyang mga magulang.
Nung una gusto ni Piyona na mag ka baby sitter sya dahil para may makasama sya at magkaroon ng bagong kaybigan ngunit naisip nya na bat pa nya ito kakailanganin eh malaki na sya at kaya na nya ang kanyang sarili. Nagbago nalang ang ihip ng hangin at nagustuhan nya ulet mag ka baby sitter sa isang pagtatagpo nila ni Cheko, na isang mahirap na walang inatupag kundi ang kanyang mga bisyo. Bisyo sa alak, yosi, barkada, babae, psp, cellphone at damo.
Nakita ni Piyona si Cheko sa isang comp. shop na nanonood ng naglalaro ng dota ngunit mukhang walang hilig si Cheko sa computer games dahil mukhang hindi kakayanin ng utak ni Cheko ang mga rules at instructions nito dahil sa kanyang pagiging adik, kaya ang tanging bala lang ni Cheko sakanyang PSP eh Mario, Pacman at Tetris kung saan masayang masaya naman si Cheko sa paglalaro ng mga ito.
Nag-astang stalker si Piyona ke Cheko dahil na lab at per-sayt ata sya. Sinunsundan nya ito kahit saan, sa Pasig, Antipolo, Cainta, Maynila, at Cubao kung saan madalas itong tambayan ni Cheko kasama ang mga adik nitong kaybigan. Sinusundan ni Piyona si Cheko, lakad lang dahil naglalakad lang din si Cheko dahil mahirap lang sila at walang perang pamasahe. Hindi napapagod si Piyona dahil masaya syang nakikita itong si Cheko.
Naikwento na ni Piyona si Cheko sa kanyang mga magulang na sya ang gusto nyang makasama habang buhay at nag-assume tong si Piyona na si Cheko narin ang mag-aalaga sa kanya para hindi na nya kailanganin ang baby sitter. Nagkwento na, na nag-kwento si Piyona sa kanyang mga magulang tungkol sa kanyang mga balak, plano at pangarap sa magiging pamilya nila ni Cheko. Alam ng magulang ni Piyona na adik, mahirap at masama si Cheko ngunit hindi sila laban sa kagustuhan ni Piyona dahil hindi sila mapag-mata at mapanghusgang tao.
Reyna – Piyona… hanggad namin ang iyong kaligayahan.
Hari – tama! Go’w lang ng Go’w anak… dito lang kami lagi ng madear mo.
Piyona – salamats sa inyo madear at papadear…
Sa hindi sinasadyang pangyayari eh nakita ni Cheko si Piyona na aaligid-ligid sa bahay nila. Mapa-araw o gabi eh andun lagi si Piyona. Nung una natatakot si Cheko na baka isa si Piyona sa imbestigador na hinuhuli sya habang sya’y nag-dadamo pero makalipas ang ilang linggo eh natitipuhan na ni Cheko si Piyona dahil sa angking kagandahan nito pero sa pananamit si Piyona eh alam nyang hindi sya papatulan nito. Mayaman ang pustura ni Piyona at may maganda itong sasakyan kada aalis na sya sa tapat ng bahay ni Cheko.
Piyona – tao po… (kumatok kela Cheko)
Cheko – wala ang ina ko dito… magkano ba utang nya sayo?
Piyona – ay hindi naman kalakihan… pwede ba akong pumasok at mapag-usapan natin…
Cheko – magulo bahay namin eh…
Piyona – lilinisin ko este ok lang.. walang kaso sakin yun…
Cheko – kung lilinisin mo eh mas ok
Piyona – oo ba.. my pleasure.
Cheko – marunong ka bang magluto?
Piyona – hindi pa pero kung gutom ka eh pag-aaralan ko awra mismo
Cheko – hindi.. biro lang. ano kasi eh.. balik ka nalang ulet mamaya... busy kasi ako eh…
Piyona – ano bang ginagawa mo…
Cheko – sinusuklayan ko yung alaga kong asong askal
Piyona – ah ganun ba.. sige balik ako mamaya.
Pagkasarado ng pinto ni Cheko eh si Piyona naman eh ngumiti ng sobrang ganda at umuwi nang nakatingala sa langit, (habang nag dradrive) at hindi parin mawala ang ngiti. Si Cheko naman eh nagtatatalon sa loob ng bahay nya sa sobrang saya. Tuwang-tuwa sya sa amoy at mga mata ni Piyona na talagang kaibig-ibig pero sabay hithit ng damo at sinabing “hindi nya ko magugustuhan… hindi ako naliligo araw araw, hindi ako nag tu-tutbrush at 3 lang brief ko.. hayz…”. Sabay sipa sa alaga nyang asong askal.
Wala pa akong maisip na susunod sa kwento. Aking inspiration eh ang Domino na ginawa ko noong nag-away kami ng tatay ko. At ayun sya.. asa taas ng entry. mukha kasi syang palasyo kaya yun, at ang mga karakter eh dahil sa Shrek. Hehe…
Kung nais nyong magkaroon pa ito ng kasunod eh ipag-bigay alam lamang sa akin. Weeee...
Saturday, May 26, 2007
-=LITRA-TO=-
<-- maglalaro sana ako kasi eto pinaka gusto ko sa loob ng arcade kaso eto oh... nahiya ako. pinaka mataas na score na nakita ko.. naglalaro pa sya ng lagay na yan. 
<-- Artwork sa Trinoma. weee... me nabili ako ganda cap kaso wala sa budget. hehe.

<-- pinicturan ko na.. hirap mag shoe-hunt grabe.

<-- ang shabu-maker este coffee pala. Astig diba? nakaka enjoy panoorin yan. Sa Wai Ying din yan...
<-- pagkain sa Wai Ying na malapit na maubos.. nauna ang subo bago kuha. Sarap ng chiken feet... 
<-- ganda noh? meron kayo nyan? yung katabi ng sasakyan na yan eh yun yung sasakyan namin. hehe.
-=FIRST TIME=-
Una.. Nung May 24 Thursday eh nag-enrol na ko sa Trinity University of Asia. May kadilaan naman ang pagpunta dun dahil hindi ganun kalayo pero may mga nananakot sakin na maraming snatcher at holdaper sa cubao kung saan kelangan kong bumaba para sumakay naman ng EspaÑa. Pero tapangan lang ang loob at magpusturang kunwari eh matapang ka talaga habang may hawak ka ng cellphone at naka i-pod pa eh dapat matapang ka parin. haha!
Puro ako jeep at walang aircon akong sasakyan kaya magandang me dala akong pamaypay lagi at payong. Sayang at masarap pa naman sa lrt at mrt.
Ayun nga… nakapag enrol nako. May mga cuties sa school ko at may mga FG din na hindi mawawala. FG <--feeling ganda. Ang iingay nila pero nakakaenjoy kasi maririnig mo usapan nila. Nyahaha.. mga topic tungkol sa school, syota, family, friendster at iba pa. Maaliw ka dahil makakalimutan mong may problema ka pala na dapat hanapan ng sulusyon. Nyahahaha!
Nakakapagod ang pag-eenrol lalo na't first time kong mag-enrol para sa college. Pero nakakatuwa naman kasi bagong mundo nanaman eh. Mundong para kang bagong silang. This time.. yoko ng gawing komplikado ang lahat. Kakayanin kong mag-aaral lang talaga ako. Kakayanin ko. (gudluck… sabi ni Casper).
Dahil pagod sa pag-eenrol eh niyaya ako ng ate ko pati ang kaybigan nya na mamasyal muna at makabili narin ng school shoes. May 25. Pumunta kami sa Trinoma.. first time ko. Ang ganda.. parang pinagsamang Market Market at Glorieta. Nakakatuwa kasi may garden sila sa itaas. Astig. Sarap tambayan. Hindi ko nakuhanan ng picture kasi parang di ko feel.. hindi ko magawang ilabas yung camera at para kumuha ng kung ano-anong maganda.
Pumunta din kami MOA at first time ko rin. actually hindi talaga, nakapunta nako MOA yun nga lang hindi pa sya gawa nun. hehe. Wala rin akong nakuhanan ni isa kasi nag shu-shoe hunt kami simula palang ng nasa Trinoma kami. Walang kagandahan sa Rockport at 2500 lang budget ko. Walang half-size ang Hush Puppies kaya wala talaga. May nakita kami sa Mendrez na ang ganda talaga… pwede pa akong bumili ng 2. Kaso… tae! Ung isa, walang size para sakin, yung isa.. last pair na eh may sira ng bahagya kaya sabi ko eh aalis nalang ako bukas para pumunta sa ibang branch ng Mendrez.
Kakain na kami.. yipee.. around 10 na nun pero hindi pa kami kumakain ng dinner. Kakain kami sa Wai Ying Fastfood sa Binondo. First time ko rin pumunta dun. Pag-punta namin eh walangjohpay! Under construction daw.. sarado! Wah! buti nalang na may ibang branch pa dun ng Wai Ying.. malapit lang. Pwedeng lakarin ang lapit nito. Kaya ayun.. weee… saya. Pagpasok nga lang namin eh waiting kami sa dami ng taong gustong kumain doon. Ang nakakatawa pa nyan eh lahat ng nandon eh singkit. May mga lahing chinese ata lahat. Buti nalang singkit ako, baka kasi bawal ang hindi singkit. Nakakain din kami agad at kain agad kaya hindi ko naiispang picturan agad ang mga pagkain kasi gutom na gutom na talaga ako. Ang sarap grabe! Lalo na ang chiken feet.
Ayun pagtapos kumain eh naisipan ng ate ko na pasalubungan ina namin kasi galit na eh. Pinapauwi na kami. Ayun… bumili kami ng lai-che… yung prutas. Di ko lam spell eh. Hehe. Ang tamis nya grabe! First time ko rin kumain nun. 1kilo kalahati eh nasa halagang 120. Pwede na.. sarap naman eh. Ayun.. umuwi din kami na parang wala lang. Wala akong nabiling sapatos pero nakabili ako ng payong na Fibrella.. ganda ng kulay at cap sa Artwork na hindi naman talaga kasama sa budget. Hehe.
Nakakain na ako ng Pitchi-pitchi.. first time ko rin kumain nun. SARAP! cheese yung nasa ibabaw. the best...
Wednesday, May 23, 2007
-=OK ka lang Coman?=-

May nakapag kwento sakin… eto daw ang nangyari. Nag-uusap-usap sila tungkol sa mga pamahiin ng humirit ang isa nyang kaybigan ng “diba malas yun?!”Nyahahaha… malas nga ba ang pamahiin? Ang pagkakaalam ko eh kapag sinunod mo to eh swerte o malalayo ka sa aksidente pero bat ang pagkakaalam nya eh malas daw ito? Ano ba talaga? Nung unang kwento sakin hindi pa ko natawa agad, tapos naisip ko nalang na tae… ang slow ko ah. (sabay tawa)
Hindi ko pa naikwekwento na ang kinakain na may hotsauce ay ma-anghang? Alam nyo naba yun? Hehe. Pero alam nyo ba na MAS a-anghang kung ang inumin mo habang nakain ng pagkain na may hotsauce ay Coke? Oo.. coke. (teka may nagsabi na ba ng hindi?) Oo… coke nga. Wag kang makulet! (teka, ginugulo ako ni Casper.) Pero coke na malamig, di pa tested kung pati mainit na coke.
Naranasa ko na ito 3 times na. Habang nakain ng pizza na may hotsauce eh coke ang drink ko. Grabe.. parang sabi ko sa sarili ko “ilang beses na tong nangyari sakin, bakit inuulit ko parin?” tapos wapak wapak bu-chug tadeng toink… Nagflashback bigla ang mga katangahan ko sa buhay na minsan eh nauulit parin dahil sa kapabayaan ko.
Hindi ko alam kung matutuwa ako kasi narealize ko bigla ito sa tulong ng pizza, hotsauce at coke pero nakakalungkot kasi matagal na iyon ipinapaliwanag ng mga nagmamalasakit sakin na naiintindihan ko naman pero tae.. nakakalimot ako o minsan kapag andyan na eh ginugusto ko nalang ang mga bagay na hindi tama. Aminado akong makakalimutin ako pero hanggang kelan toh? Kung kelan tapos na ang lahat? (drama mo?!) Kapag may nawala ng mahalaga? Kung hindi ko na kaya? Kung kelan stop the clock na?
Nakakaramdam si Casper na totopakin ako kaya sabi nya eh huminga muna ako ng malalim, iuntog ng 5 beses ang ulo sa pader at mag dasal ng angle of the God. Hindi ko ginawa kasi nakakahinga pa naman ako, masakit na ulo ko at mamayang gabi ko pa kakausapin si Derek (God) dahil may seassion kami tungkol sa mga bago kong plano at pananaw.
Kanina habang akoy padapo-dapo, lipad-lipad, tambay-tambay eh napansin kong medyo sumisikat na si Coman. (ang ipis na naisipan kong alagaan). May mga nag-rerequest na picturan ko ulet si Coman at si POLI ang nagparequest nun at si BLEUE naman ang nangamusta. Nadawit pa si Coman sa blog ng iba, blog ni THE PHILOSOPHER.
Ok naman sya.. May 13 ko sya itinuring na kapamilya dahil yun yung araw na pinakain ko sya ng mani.. the next day eh pinakain ko sya ng ham kaso hindi nya masyadong trip at gnomon nalang ulet ang next meal nya.. ang egg pie na galing pa sa goldilocks. Kinurutan ko lang sya ng onti at hinulog ko na sa bahay nya.. Akala ko nahihiya lang syang lumapit sa egg pie nya kaso mukhang nalipasan na sya ng gutom o baka nagtampo kasi ngayon ko nalang ulet sya pinakain. Ayaw nyang kumain. Di ko alam kung nauuhaw sya kasi simula ng makita ko sya eh hindi ko pa sya napapainom. Di ko naman din alam kung umiinom sya ng pineapple juice pero minsan narinig ko sya, gusto daw nya ng yakult. Haha! Wah.. natatakot ako na baka isang araw, pag-gising ko eh naka halandutay na sya at hindi na gagalaw pa. Anong dapat kong gawin? Matutulungan nyo ba ko?
Nga pala. Umalis na tatay ko. Balik trabaho sya pero hindi parin kami ok pero binawi din nya yung sabi nyang di nya ko pag-aaralin dahil sabi ng inakoh nung hinatid nya sya eh kinukulet na syang e-enrol na ko. Kaya bukas eh mag-eenrol nako. Weeee… (pero tae ka pb. Ang pride mo sa tatay mo. Ang sama mo! –Casper)
Natatakot na talaga ko.. ayaw kumain ni Coman. Huhuhu… pero sabi nya OK naman daw sya. Labu nya eh.. Diet kaya sya?
Monday, May 21, 2007
May nabasa akong tungkol sa Kape at Starbuks… Hindi daw nya trip ang uminom dito. Una, mahal at pangalawa ay maraming tambay na tumatagal ng 2 o higit na oras doon. Sa pagkakatanda ko eh wala syang pangatlo pero ako meron. Hehe… nakakainis yung mga naupo sa labas ng Starbuks, upo lang.. literal na upo. Wala kang makikitang drinks sa lamesa nito kahit orange juice o coke in can wala rin. Ewan ko kung may inaantay o pagod lang sya pero hindi duon ang tamang lugar dahil maraming customers ang gustong makaupo sa nasabing bilihan ng kape.. unang rason kung bat maraming tambay sa starbucks..1. ala nga namang pumunta kapa ng ibang lugar para don inumin kape mo… ehdi dun kana kasi may mga upuan naman.
2. tahimik ang ilang branch ng starbucks at masarap makipag-usap duon ng masinsinan habang may classic background music pa
3. pwedeng may e-mimit duon at habang naghihintay eh nainom ka ng drinks nila at minsan me kasama pang yosi chuvaness (pero di ako nagyoyosi ah)
4. may pera ka ng pambili ng mahal na kape at palalagpasin mo bang hindi maramdaman ang salitang “huwow, starbucks”.
5. at isa kang stalker sa isa sa mga crew ng starbucks at gusto mo syang nakikita kaya andun ka lagi… haha!
Sa totoo lang eh bawal ako sa kape. Yun ang sabi ng magulang ko, di daw kasi pambata at hindi nako lalake. Naniwala naman ako dun pero ng dalhin ako ng ate ko at ni Pet sa starbucks, abay! Masarap pala ang kape. Kaya kahit wala sa starbucks, habang tulog ang aking mga walang kamalay-malay na magulang, eh mag-iinit na ako ng tubig at magtitimpla ako ng sarili kong kape na lasang KOPIKO.. yung candy. Hehe.
Natuwa ako sa starbucks kasi madami akong nakikitang tao na pwede kong husgahan ng hindi nila nalalaman, haha! (mean!) habang nainom ng kape at nakikipagkwentuhan sa mga kasama ko. Minsan may insidente na umiyak nako sa Starbucks dahil malaliman at masinsin na usapan na ang nagaganap at hindi ko na napigilang hindi umiyak kahit public na lugar pa iyon.
Aaminin ko na isa ako sa mga nagtatagal sa starbucks pero hindi naman planado yun. Tumatagal lang dahil ang daming kwento at dapat pag-usapan. Hindi mo rin namamalayan ang bilis ng oras kapag natutuwa kana sa ginagawa mo. Naniniwala akong hindi sadya ang ibang pag-tambay dito dahil walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang kaya naiisip nilang may nangangailangan din ng kanilang kinauupuan. Pero tae! Dun sa mga walang pake talaga eh sa bahay nalang kayo mag kape at hintayin nyo nalang na magkaroon ng delivery ang Starbucks… (kelan kaya mangyayari yun?)
Hindi sa nagmamayabang noh.. meron akong planner ng Starbucks na dapat ke Pet pero sakin nya binigay… hehe. Meron kayo nun ha? Ano?! Meron kayo?! Haha! Sinusulatan ko naman kahit papano at alam kong malaking tulong to in the future kahit feeling ko eh wala akong future. Haha!
Ngayon eh gusto ko ng kape bigla kahit tumatagatak na ang pawis ko. Tama! Mamaya mag titimpla ako ng kape tapos mag e-econ ako sa kwarto ko tapos magsisimula na kong mag-aral (kahit hindi pa ko enrol) at syempre txt galore na ito. Haha! Kaso gigising ako ng maaga para makatulong lalo nat wala pa kaming katulong. May kahirapan kasi ang mga gawain sa bahay dahil may higit 10 kaming aso at hindi mabilang na ibon na dapat alagaan at pakainin. Ow well… Pero ang balita eh ibebenta na halos lahat ng hayop namin. Nakakalungkot at hindi na Zoo ang bahay namin pero ayos narin dahil matanda na nanay ko para kayanin ang pag-aalaga dito at syempre hindi naman siguro ako binuhay para magalaga ng aso noh. hehe.
PS:
-kung sino ang gusto ng mini pintcher, japanesse spitch, boxer at beagle eh ibigay alam lamang sa akin sa pamamagitan ng blog na ito.
-kamiy naghahanap ng katulong. Recquired ay college graduate… hehe. Biro lang. Kelangan eh marunong mag tong-its, pusoy dos at poker ang katulong.
-hindi akin yung yosi sa pic ah... saka di ako marunong magyosi. hehe
Thursday, May 17, 2007
-=ANG CUTE NI SPIDERMAN, COLOR GREEN NA SYA=-
Umaga ng May 17… normal na naming gawain ni Ruthan na magtawagan. Kwento tungkol sa mga napapanod namin sa TV, mga mapagtripang topic at mga kwento tungkol sa aming panaginip. Natawa nalang kami ng sabihin kong
PB – ano kaya noh.. hindi ako makasama…
Ruthan – haha.. oo nga. Ikaw pa naman yung nag-aya samin at nag set ng araw kung kelan…
PB – tama! Hindi nalang ako sasama… Teka, si Jensee nagtatanong kung SPIDERMAN o SHREK papanoorin ah…
Ruthan – ako kahit ano..
PB – ako din pero astig kung SHREK kasi onti palang nakakapanod nun saka astig e-entry yung sa blog kasi puro sila Spiderman.
Ruthan – haha oo nga…
Natapos ang usapan dahil syempre magpapakain pa ako ng mga aso at may 2 bata akong inaalagaan. Nagpaalam ako sa nanay ko last week palang kaya alam nyang may lakad ako, hindi sya makakaangal kasi ilang linggo akong nagpaalipin at kailangan bigyan nya ko ng pera. Haha! Nainis lang ako kasi sabi ni inakoh eh magpaalam din ako sa amakoh.
PB – pa! may lakad ako ngayon..
(tumingin ng masama ang ama ko sakin)
Pa – bat ka nagpapaalam sakin.. sa mama mo ka magpaalam.
Tae! Dapat pala hindi nako nagpaalam. Nakalimutan kong hindi pa pala kami OK. Haha! Pero atleast respeto diba eh sya parin nagpapakain sakin eh at masarap lagi ang kain ko kahit paulet ulet ng ulam. Haha! Ow well…
Ayun! Tinawagan ko agad si Ruthan at sinabing hindi ako sasama. Speechless sya pero binawi ko rin agad at sinabing maligo na sya kasi lagi syang late. Sinabi ko ding dito sya mag lulunch samin kasi kelangan nya kong sunduin para malaman ng tatay ko na kasama ko si Ruthan.
Ayun.. ulam namin Tinolang manok na mukhang nilaga. Sarap at may bagoong pa. Natuwa naman kami parehas kahit onti lang ang kinain namin kasi ako ang naglagay ng mga kanin sa kanya kanyang pinggan. Pinakita ko ke Ruthan si Coman at sinabi nyang alagaan ko itong mabuti at naisip isip ko na pwede ko ring tong paramihin.

Usapan sa Sta. Lu ay 1pm pero wala. Kami ang unang dumating sa meeting place sa Mcdo sa may bench kung san laging nakatambay si Ronald Mcdonald. Ayun, nanghusga kami ni Ruthan ng mga dumadaan. Ang saya at tawa lang kami ng tawa. Nakita pa namin yung kumanta ng “I love you once, I love you twice…” at binalak pa namin mag pa picture dahil dala ko ang aking este camera ng ate ko.
Dumating din ang mga kasama namin. Ang kukulet at hindi namin mapagdisisyunan kung ano ang papanoorin. Kaya sinabi ko na mag-survey nalang tayo. Nagtanong si Ruthan at Jens dun sa babaeng taga benta ng ticket…Pb – oh ano nah?
Jens – mas maganda daw ang SHREK
Ruthan – oo nga… sabi na eh…
Pb – magkano ba SHREK?
Ruthan – 110
Pb – eh yung spiderman?
Jens – 140
Pb – oo nga! Mas maganda nga ang SHREK. Tara!
At duon na nagtatapos ang isa sa pinaka maliligayang araw ni PB. Pag-uwi ng bahay eh bak to normal. Pakain aso at alaga ng mga pamangkin. weeee....
Monday, May 14, 2007
-=COMAN ang dakilang Ipis=-
10 list ng ka abnormalan ko…- kaya kong mag mukhang pusa
- kapag malungkot at kinakabahan, hindi makahinga at nasusuka
- nilulunok ang suka
- halos araw araw nagdudugo ang ilong ko
- humahawak ako ng tae ng aso gamit ang walang saplot na kamay
- kumakain ako ng panis na pagkain, pulbos, papel, dahon at alikabok
- sit ups at pag-iyak ang pampatulog ko
- ayokong kumakain kapag may pinapanood akong magandang palabas
- na mimitik ako ng ipis kapag trip ko
- di ko mapigilang hindi malungkot.. huhu…
Lagi nalang. Araw araw nalang. Nakakasawa at nakakapagod ng malungkot at umiyak. Nakakahiyang sabihin na umiiyak ako dahil sa taong iniwan ako dahil sa nasasakal na daw sya at hindi na nya ako mahal na ngayon eh may iba nang minamahal. Ang sakit kasi ang dami kong kinalimutan dahil sa taong yun. Ang daming nagbago at nawala dahil sa kanya tapos bigla din syang mawawala? Ganun ba talaga ang kapalaran ng mga taong topakin at abnormal? Parang hindi pwedeng patagalin at manatili ang mga bagay at taong nagpapasaya sakin. Pero wika nga ni Ruthan at Pet na mahirap kalabanin ang reality. Matagal na naming alam na sasaktan at iiwan ako nung batang yun pero inuto ko parin ang sarili ko na hindi mangyayari yun at inuto ko rin syang mahalin ako. Nagwagi naman ako sa balak ko pero hindi naman nagtagal 4months lang kami at malabong maduktungan pa. ow well…
Sabi ng lahat.. I have to move on at marami pang iba na mas higit sa batang yun.. 2 years kasi ang tanda ko sa minahal ko (at mahal ko parin xa hanggang ngayon pero ayoko na). Move on? Mahirap dahil lagi ko syang naiisip at hindi ko naman talaga iniisip kasi naiisip ko sya. Sa totoo lang eh ayoko na rin talaga dahil pagod na kong umiyak, malungkot at masaktan. Pero ang hirap talaga kahit gustuhin ko.
Syempre may mga bagay at taong nagpapasaya sakin at natutulungan akong makalimot. Unang una ang mga pamangkin kong dapat kong alagaan, nanay ko na dapat kong tulungan, tatay ko na aking pinakikisamahan, mga hayop na dapat pakainin, si Ruthan na ka telebabad ko, Pet na busy pero may naitutulong parin, mga ka batch at schoolmates para aliwin ako sa txt at si Lord God the Father na una at huling kong binabanggit pagkagising at bago matulog. Sila ang bumubuo sa mga araw na ito para palakasin ang loob ko dahil patuloy parin ang buhay. Buhay na sinisira ko pero hindi ko naman intensyon. Buhay na kinakalimutan ko na dapat ko ng alagaan. “mahalin ko ang sarili ko” ang sabi nila.
Ow well… ganun talaga ang buhay “ganyan talaga ang buhay. Lagi kang nasasabihan.. bla bla bla…” ika nga ng APO Hikings na lagi kong kinakanta kapag naiisip ko ang mga kapalpakan ko sa buhay at wala akong ibang magawa kundi tanggapin ang pagkakamali ko. Alam ni Ruthan yan kasi sakanya ko lagi kinakanta yan. Haha.
Pero syempre masaya nako ngayon. Tapos na ang pag-papanggap na ok naman kasi ok nako ngayon. Kumakain na ulet ako sa tamang oras at nagsasaya na ulet ako. Sa sobrang saya ko eh napag-tripan ko ang ipis sa loob ng screen sa bintana at hindi makalabas kasi sarado ang screen. Haha… 3 days na syang asa loob at kahapon eh pinakain ko sya ng isang butil ng mani. Haha.. kinain naman nya. Hanggang ngayon eh buhay pa sya at pinapanod nya ko ng magcomputer. Haha! Pinangalanan ko syang Coman… Katunog ng Conan kasi sya ay Cakroach at pinakain ko sya ng mani kaya Coman. Haha! si Coman pala yung ipis na nasa itaas... cute nya noh?!
Saturday, May 12, 2007
-=KAPALARAN NG TAONG TOPAKIN=-
Kung wala tong 2 to.. si Zeus at si Paolo na mga makukulet kong pinsan eh hindi ako makakangiti o tawa. Sa mga kalokohan ko kasi eh game sila at natatawa sila sa mga mababaw kong jokes.
sa pool..
pb - naiihi ako...
paolo and zeus - yuck...
pb - ayan ok na.
pao and zeus - nyahahaha... Si ate pibs umihi...
(malakas ang boses nila at naririnig ng ilang nasa pool)
May isang insidente naman na parang nag rerebelde nako. Kapag nakikita ko si Mojow eh nagiinit na agad ang ulo ko. Ewan ko ba kung nahawa lang ako sa kainitan ng ulo nya.
Pa- ano nga.. chuvanes eklavoo tampuline… (may inutos at kasalukuyang asa kotse)
Pb- di ko mabuksan ang pinto (kasi naka childlock)
Pa- mabubuksan mo yan…
(binaba ni pb ang bintana saka pinuksan ang pinto sa labas)
Pa- oh diba…
(at sinara ni pb ang pinto ng kotse ng padabog)
Pag balik ni pb sa sasakyan…
Pa- nagdadabog ka?
Pb- hindi… napalakas lang…
Pa- napalakas? yang ugali mo ah…
Sermon nanaman inabot ko sa ama ko… Sabagay kasalanan ko naman. Ah ewan. Gusto ko na kasi talagang ilabas tong nararamdaman ko.
Dalawang bagay ang nahuli sakin ng tatay ko…
nahuli nya kong gumagamit ng phone sa gabi buti nalang si Pet ang kausap ko nun kaya carry naman…
nakita na nya yung hikaw ko sa tenga sa taas… nag alibi ako na matagal na to at 2 taon na kahit kakabutas ko lang dis year kasi dahil sa kanya dahil inaway nya ko dahil sa pansit kanton, pero yung isa matagal na talaga pero mag to-2 years palang. Hehe. Di na sya naka awat at napapangiti nalang sya kahit asa likod ng ngiti nya na gusto nyang tapyasin tenga ko.
May 1… Birthday ni Petutoy…
Napag disisyunan namin ni Ruthan na pumunta kela tutoy at ng tawagan ko si Tutoy eh mag bihis daw dapat kami ng pang-alis dahil pakakainin nya kami sa labas at syempre tuwa naman kami ni Ruthan dahil nung mga panahon na yun eh hindi pa kami na nananghalian.
Nagbihis ako ng pambabae para maiba naman. Lagi nalang kasi akong gwapo sa paningin ng iba… hehe. Nagkataoon nanaman na pareho kami ng suot ni Ruthan. Parehong fingk.
Inaapi nanaman ako nila Ruthan at Pet dahil sa pagiging pusong babae ko kaya ayun, sabi ko kumain na lang kami. Ayun, sa kahabaan ng santolan eh tumirik si Bea (kotse ni Pet) at nagkataon naman na malapit pala dun ang bahay nila Jensee. Nagulat pa nga ako na dun lang pala ang bahay nya…
Pb- tara, tawid muna tayo Ruthan at don muna tayo sa 711…
Ruthan- me pera ka?
Pb- wala… tatambay lang tayo. hehe
Ah!!! Lam ko na.. kela jensee nalang tayo…
Ruthan- tama!
At nagulat si Jens sa pagdating namin. Birthday pala ng ate ni jens kaya akala nya makikikain kami. Haha. At yun, kulitan lang at kumain kami ni Ruthan ng Twix at White Rabbit. Hehe.
Tutoy and Ruthan sa kinainan namin sa cubao na di ko na matandaan kung anong resto yun.. haha. basta puro seafuds... wah... makakalimutin talaga ko.
jensee, mee and Ruthan sa bahay nila Jensee...
Tuesday, May 01, 2007
-=LATE ENTRY=-
hindi ko na ikwekwento at ilalagay dito na masama ang loob ko kay Mojo jojow.. di ko alam kung napapagaya lang ako sa mga ate ko oh kung galit ba talaga ako. Basta ayokong sabihing galit ako. hehe.
Nakakatuwa ang palabas na Alice Academy sa channel 2 tuwing 9am. Unang panood ko palang dito eh naalala ko na agad si Ruthan. Medyo hawig kasi ang kwento nito sa mga charecteristics namin at tulad ng Alice Academy ay may mga super powers din kami ni Ruthan. Yun nga lang hindi namin pwedeng sabihin sa inyo at baka pagkaguluhan pa kami. Tama na yung alam nyong mababait, matalino, masipag, maalalahanin, maasikaso, maka-Dyos, mabait ulet at talented. Ayokong isama ang pagiging maganda namin kasi baka mag react na talaga kayo.
Natutuwa ako kapag kausap ko si Ruthan sa phone. Tawa ako ng tawa at sumasakit na ang panga ko sa sobrang ngiti. Ang dami naming napagkwekwentuhan. Ideas na papalit palit. Mga imaginations na nakakaloko pero nakakatuwa at mga pilosopiyang minsan kapilosopohan na. Pero alam ko sa bawat usap namin ay pareho din naming naaalala ang nakaraan, lalo na ang nakaraang kasalanan ko at nakasakit naman sa kanya. Ow well... nag sorry na ko at napatawad na nya ko pero aminado syang aasarin parin nya ako para hindi ko na daw ulitin.
May mga nakakatuwang bagay na nangyari sakin na hindi ko pa na e lalagay dito...
- nag-away kami ng tatay ko dahil sa pansit kanton. "yan ang pagkain ng mga taong walang pangarap sa buhay"... Grabe naman diba, pero may punto sya. Ready to eat kasi ang pansit kanton at puro pa preservatives.
- pumalakpak sa practice ng Graduation kahit hindi naman kailangan... nagsigayahan naman ang aking mga ka batchmates pero nakita pala akong ako ang nag-umpisa.
Prinsipal- "PEBE! late ka kasi kaya hindi mo alam kung kelan dapat pumalakpak"
at gamit nya ang mike habang sinasabi yan.
- at ang pinaka matindi...
Ate LA - Pb.. san ang umbilical cord?
PB - ah dito.. (at hinawakan ang likod)
ay hindi pala... dito pala (sabay haplos sa leeg)
LA - nyahahahahahahaha... Tanga! sa pusod yun...
PB - nyahahahaha.. ay oo nga pala.
Makikilala si Phoebe na maraming iniisip at malawak ang imahinasyon kaya naisip kagad nya ang spinal cord at ang vocal cord pero pinaganda ko lang. Tanga talaga si PB. haha...
Nga pala... dapat sa AMA ako, pumayag na nung una tatay ko pero sabay binawi. Ayun... sa Trinity University of the Asia na ko mag-aaral at Med Tech ang cors ko.
Ate Ricel - hala.. mahirap daw ang med tech.. lagot ka. mas mahirap pa daw sa nursing...
PB - bakit ganun, hindi ako pumasa ng nursing sa trinity pero med tech pasado?
ah kasi siguro matalino ako eh mahirap ang med tech eh pang matalino lang yun. haha.
Ate Ricel - tanga! kasi in demand ang nursing at walang kumukuha na ng med tech kaya ganun.
PB - aminin mo na... hehe. (ay ganun ba?)
Ahhh… matagal na dapat tong entry na toh pero hindi ko na ipost… at ang tungkol sa pag-aaral ko.. parang ayoko na. hehe.. pero kung mag-aaral ako bahala na talaga.







