Sa lumipas na ilang buwan. Sa mga araw na parang wala ng bukas. Sa mga panahong pa bago-bago. Sa gabing di makatulog dahil kakainom lang ng kape. Sa umagang puno ng muta ang mata dahil puyat. Sa tanghaling nakatingin sa kalawakan para pagmasdan ang ulap kahit mainit at nakakasilaw ang sinag ng araw. Sa hapong nag-aantay ng sundo para makauwi ng maayos sa bahay at sa mga araw na walang pasok... nalaman ko kung pano ang maging isang normal na tao.
Normal ba ako? Natanong ko na ng ilang beses ang tanong na ito sa kung kani-kaninong tao. Mga kaybigan ko, mga kaybigang kuno, kakilala, kapatid, gelpren, kapitbahay, tindera, si manang na nagluluto sa karinderya, security guard na nagbabantay ng mall kasama ang isang malaking aso at yung tambay na laging lasing malapit sa kanto namin. hehe.
May ibat-iba silang sagot. Oo, pwede, minsan, tama, cheneline, tarutch at iba pa pero isang sagot lang talaga ang tamang tama sa pandinig ko kaso di ko na matandaan kung ano yun kaya parang nagsisisi pa ako kung bat ko pa toh binibigyan ng panahon para gawing entry.
Ang totoo kasi nyan, kapag mahal mo ang isang tao, ang mga katangahan at kagaguhan nya sa buhay ika-aapekto rin ng buhay mo. Pero hindi ibig sabihin nun susuko kana. Para sakin ganun pero siguro para sa iba may hangganan ang pag-ibig. Ewan ko lang ah pero nangyayari kasi sakin ngayon eh. Nakakahiyang makagawa ng masama, nawawalan ako minsan ng karapatang maging isang tao kasi ganun nalang kahirap patawarin mga kasalanan ko. Ganun naba ako kasama? Hindi ko alam kung pano ko mapaparamdam na pinagsisisihan ko naman ang mga nagawa ko. Alam kong maihihirit nila sakin na "marunong ka palang mahiya" tapos ako naman tong mapapayuko nalang. hayz...
to be continued...