Showing posts with label umbilical. Show all posts
Showing posts with label umbilical. Show all posts

Tuesday, May 01, 2007

-=LATE ENTRY=-

nyahahaha... nakakatuwa at paunti unti nang nagbabago ang aura ng parte ng utak ko sa paggawa ng entry. Ayaw na daw nyang maging malungkot. Ayaw na nyang umiyak. Kung sakali mang malulungkot sya eh mas mabuting kalimutan nalang ito at isantabi muna dahil sa aking pagkakaalam eh mukhang walang panahon para sa magandang bakasyon upang doon makapag-isip isip at maglabas ng hinanakit.
hindi ko na ikwekwento at ilalagay dito na masama ang loob ko kay Mojo jojow.. di ko alam kung napapagaya lang ako sa mga ate ko oh kung galit ba talaga ako. Basta ayokong sabihing galit ako. hehe.

Nakakatuwa ang palabas na Alice Academy sa channel 2 tuwing 9am. Unang panood ko palang dito eh naalala ko na agad si Ruthan. Medyo hawig kasi ang kwento nito sa mga charecteristics namin at tulad ng Alice Academy ay may mga super powers din kami ni Ruthan. Yun nga lang hindi namin pwedeng sabihin sa inyo at baka pagkaguluhan pa kami. Tama na yung alam nyong mababait, matalino, masipag, maalalahanin, maasikaso, maka-Dyos, mabait ulet at talented. Ayokong isama ang pagiging maganda namin kasi baka mag react na talaga kayo.

Natutuwa ako kapag kausap ko si Ruthan sa phone. Tawa ako ng tawa at sumasakit na ang panga ko sa sobrang ngiti. Ang dami naming napagkwekwentuhan. Ideas na papalit palit. Mga imaginations na nakakaloko pero nakakatuwa at mga pilosopiyang minsan kapilosopohan na. Pero alam ko sa bawat usap namin ay pareho din naming naaalala ang nakaraan, lalo na ang nakaraang kasalanan ko at nakasakit naman sa kanya. Ow well... nag sorry na ko at napatawad na nya ko pero aminado syang aasarin parin nya ako para hindi ko na daw ulitin.

May mga nakakatuwang bagay na nangyari sakin na hindi ko pa na e lalagay dito...
- nag-away kami ng tatay ko dahil sa pansit kanton. "yan ang pagkain ng mga taong walang pangarap sa buhay"... Grabe naman diba, pero may punto sya. Ready to eat kasi ang pansit kanton at puro pa preservatives.
- pumalakpak sa practice ng Graduation kahit hindi naman kailangan... nagsigayahan naman ang aking mga ka batchmates pero nakita pala akong ako ang nag-umpisa.
Prinsipal- "PEBE! late ka kasi kaya hindi mo alam kung kelan dapat pumalakpak"
at gamit nya ang mike habang sinasabi yan.
- at ang pinaka matindi...

Ate LA - Pb.. san ang umbilical cord?
PB - ah dito.. (at hinawakan ang likod)
ay hindi pala... dito pala (sabay haplos sa leeg)
LA - nyahahahahahahaha... Tanga! sa pusod yun...
PB - nyahahahaha.. ay oo nga pala.

Makikilala si Phoebe na maraming iniisip at malawak ang imahinasyon kaya naisip kagad nya ang spinal cord at ang vocal cord pero pinaganda ko lang. Tanga talaga si PB. haha...

Nga pala... dapat sa AMA ako, pumayag na nung una tatay ko pero sabay binawi. Ayun... sa Trinity University of the Asia na ko mag-aaral at Med Tech ang cors ko.

Ate Ricel - hala.. mahirap daw ang med tech.. lagot ka. mas mahirap pa daw sa nursing...
PB - bakit ganun, hindi ako pumasa ng nursing sa trinity pero med tech pasado?
ah kasi siguro matalino ako eh mahirap ang med tech eh pang matalino lang yun. haha.
Ate Ricel - tanga! kasi in demand ang nursing at walang kumukuha na ng med tech kaya ganun.
PB - aminin mo na... hehe. (ay ganun ba?)

Ahhh… matagal na dapat tong entry na toh pero hindi ko na ipost… at ang tungkol sa pag-aaral ko.. parang ayoko na. hehe.. pero kung mag-aaral ako bahala na talaga.