Wednesday, April 25, 2007

-=GOD OF WAR=-

matagal ko ng gusto ang kulay yellow kaya naisipan kong mas magandang ang gusto ko naman ang masusunod kaya naisipan ko ulet na baguhin ang gusto ko para hindi ko masunod ang dati kong gusto. Ngayon, gusto ko na ng white. Ikaw? Gusto mo rin ba ng blue? hehe.

Madalas kaming mag kwentuhan ulet ni Ruthan ngayon. Binabalik ang dating pinagsamahan na medyo nawalan ng kinang. Ako kasi eh, ang gwapo ko masyado kaya naisipan kong manguto nanaman ulet, pero this time bata na talaga ang inuto ko. Ow well...
Natanong sakin ni Ruthan isang araw kung ano bang mga nakakatuwang bagay ang nangyari na sakin. Sabi ko marami. Eh demanding tong si Ruthan, sabi nya yung bago bago daw yung mga hindi ko pa daw na kwekwento so ayun.. sya rin ang nakasagot ng ilang tanong nya.

- ako ay medyo naadik sa pag gawa ng Graham Cake, tapos may secret ingredient pa ko… weee…
- sa umaga kahit hindi pa nag-aalmusal, naghihilamos at nag sisipilyo eh mag ba bike na ko
- naaaliw na ulet sa anime lalo na ang Alice Academy sa channel 2
- madalas ang pagiging topak na parang baliw na, pero di ko na inuuntog ulo ko sa pader. Masakit eh.
- bihira nanaman kung maligo (wala kasing pasok)
- natutuwa na pinapapak ng lamok kahit pwede ko yun ikamatay
- nag away kami tatay ko dahil sa tinidor na akala ko pang desert, pang steak pala
- bihira na kung magdugo ang ilong (once a day nalang)
- madalas mag-init ang ulo pero hindi halata
- sabik sa badminton pero walang pang laro
- gustong mag bakasyon pero hindi binibigay ng pagkakataon
- maraming tanong sa buhay na wala ng pag-asang malaman pa ang sagot
(teka, hindi na ata nakakatuwa tong mga to ah… pero eto pa isa…)
- kapag ako tinopak nakakalimutan ko na ang mga magandang bagay kasi naiisip ko na hindi to para sakin.

Hayz… pero kung bibigyan ako ng pagkakataong mabuhay ulet, wag nalang. Kawawa ang mga taong makakakilala sakin. Baka mahawa pa sila sa ka abnormalan ko. Malakas pa naman ang impluwensya. Hehe. Kaya sa mga taong hindi pa talaga alam ang kanilang tunay, totoo at buong pagkatao, gudluck sa inyo. Sanay makita at malaman nyo yun. Wag masyadong magmadali. Amen…

Wish for today: sana maging matatag pako…

God news...
Natapos ko na God of War II sa PS2 kahapon (April 25, 2007 3:53pm)

Pero patuloy parin ang buhay…

Friday, April 06, 2007

-=ANG KATAPUSANG pwedeng balikan=-

weee... ma mimiss ko talaga to. sila Mikel, Karen, Kenet, Sherilane pati sarili ko mamimiss ko. (asa pic ako eh). hehe. Ang lalakas ng trip namin.. Hilig namin ang mag shoot ng bolang papel sa trashcan pero ako lang yung babaeng hilig talagang ginagawa to kasama ang mga lalake ko, este lalake kong classmates. At mamimiss ko talaga lahat sa Greenville lalo na ang classroom naming may aircon na laging nirereklamo kasi hindi lumalamig.
Titser - ok... get 1 fourth, may quiz tayo...
Karen - ANO?! QUIZ NANAMAN? WALA PA NGA AKONG NATUTUTUNAN EH!
Pb - woi Karen, wag kang ganyan.. (bulong nito habang patagong tumatawa).
nyahahahaha... hinding hindi ko to malilimutan. Tawanan talaga ang buong classroom pag labas ng titser namin. Ayus talaga...




At etoh si Mama na inaway ko pa bago mag graduation. Yung soot kasi nya nung una mukhang pupunta lang ng Mall.
Pb - ma... ano grad. gift mo sakin?
ma - ano ba gusto mo?
Pb - ah eh... wag na. ok lang.
(pero gusto ko new phone ang bulong sa sarili)

Ang graduation day... nakakalungkot kasi wala akong flower na sinasabit o pinipin sa toga. Sabi ng nanay ko wag na daw. hehe. Di ko alam kung tinitipid ako. Kaya ayun, humingi nalang ako ke Mikel nung sinasabit kasi marami sya eh. hehe.
Natatawa sila sakin kasi nakatanggal sapatos ko kapag nakaupo na kami eh hindi kasi sakin at hiniram ko lang sa tita ko. Old school ang style kaya astig. haha!
Natatawa din sila kasi Habang Graduation...
Pb - oi! video ba yan?
Kuya - oo...
Pb - oi oh... bid-yo, bid-yo, bid-yo (habang kaway ng kaway)
Kristel - parang ikaw yung vini-videohan ah...hahahaha!
Pb - haha... your watching Myx, your choice, your Music (hindi pinansin sinabi ni Kristel)
Kuya <--- kuya ni Kristel. haha

Hayz.. ewan ko ba. Nahihiya parin ako sa mga taong hindi naman dapat. Lalo na sa magulang ko, nahihiya akong manghingi ng favor at hiling. Sabagay, binibigay naman nila kahit hindi ko sabihin pero kahit ayaw ko binibigay. Pati tuloy mga plano ko sa buhay sila na gumagawa kasi alam nilang wala akong angal. Masasabi kong masunurin ako pero may mga kalokohan parin ako. Bale yung kabaitan ko burado kapag nakagawa ako ng simpleng kasalanan, sabagay, kahit simple, kasalanan parin. hayz...