
Mabuhay! Ako po si Phoebe Grace D. dela Paz. Nakatira sa bahay na mukhang Manila Zoo sa dami ng hayop dahil me higit sampu kaming aso at di mabilang na ibon sa Pasig City kasama ang aking magulang. Hindi po kami mayaman, kasi kung mayaman kami, dapat marami akong pera. Mukha lang kaming mayaman dahil me lahi kami ng kagwapuhan at kagandahan pero me kasamang kayabangan. Hindi lang kami gwapo at maganda, matalino din ang aming lahi. Nagkataon lang na tamad kaming mag-aral kaya wala pa ni isa sa amin ang nakatanggap ng diploma sa kolehiyo. Pero kahit na, san kapa? Ang aking ama eh may magandang trabaho at ang aking ina eh masarap magluto, hehe. Magaganda din ang trabaho ng aking 2 kapatid na babae. Lahat sila me pera, pero ako wala. Pero ok lang.. gwapo naman.. machopa. hehe
Kanina ko pa binabanggit yang pera na yan? Gano ba kahalaga to sakin? Satin? Bat ko paba tinatanong eh alam naman natin ang sagot pero wala akong sinasabing eto ang pinaka mahalaga. Pinaintindi lang kasi sakin ng ama ko na sa mga taong walang utak eh kelangan kahit pera eh meron ka. Sa sinabi nyang yon, parang naisip ko na madali lang bilhin ang lahat.. lahat… pagkain, tirahan, damit, luho, kaybigan at pag-ibig. Masakit man tanggapin pero yun ang totoo. Dumadami na ang masasama sa mundo. Dumadami na ang nakukuntento sa bagay na kung anong meron sila na hindi naman dapat kung marami ka pang pwedeng gawin at itulong. Kumbaga.. nakukuntento sa pwede na kahit me pwede namang maging kamangha-mangha.
Pera? Ako kelangan na kelangan ko yun. Gusto kong napapasaya ang mga mahal ko, isang paraan ko ang bilhan sila ng gamit, mahal man o mura. Pero ang pinaka gusto kong paraan eh yung pagtulong sa kanila. Kahit wala naman silang problema, andito ako para tumulong. Pero kelangan ko talaga ng pera eh.. bakit? PANGARAP ko ang maging isang PHILOSOPHER, me problema lang… ayaw pa ng panahon. Pero kung di talaga mangyayari yun eh kahit WRITER na matino eh ayos na ayos na sakin. Hindi lahat ng sinusulat ko matino, importante sating lahat ang saya kaya kelangan me saya din sa sinusulat ko. Alam naman nating lahat epekto ng saya sa buhay natin eh. Pero dahil nga sa letcheng pera na yan… kelangan ko sya. Kung wala publisher na makita na gagastos para sakin eh kelangan ko talaga ng pera. Do u get what I mean? Hindi ako mukhang pera pero reality check lang.. we all need money.
Ang pangarap kong yun.. di ko alam. Nung elem naisip ko yun pero dahil sa mga taong nakapaligid sakin na bi-ne-brainwash ako na walang pera sa pag-susulat eh wala parin akong pake. Sabi ko “hindi ako nabuhay para kumita at magtrabaho, nabuhay ako para tumulong sa paraang alam at kaya ko.”
Bata palang ako (pero bata pa talaga ako) mahilig akong maglaro. Palabas labas ako ng bahay. Kung san san napupunta na madalas eh wala pang paalam sa magulang ko kaya ayun, nagugulpi ako. kinakadena ako at hindi pinapakain. (biro lang) Pero dahil mas matigas ang busog na tyan sa ulo ko eh nahiya na akong lumabas ng walang paalam. Nagpapaalam na ko bago lumabas, kahit hindi nila ako pinayagan eh lumalabas parin ako, atleast nagpaalam. Tapos nun eh hindi parin nabago ang resulta, ginugulpi parin ako. Nakaisip ako ng bobong paraan para makaalis ng bahay. Bihis na akong aalis para wala ng atras pero dahil buo ang loob ng magulang ko sa pag didisisyon sa buhay eh wala silang pake kahit gano pa kaimportante ng lakad ko at kung gano pa ako nagtagal sa banyo dahil naligo ako ng kay lufet, kumbaga pinaghandaan ko talaga.
Nagbabago ang panahon. Umiinit, lumalamig. Dahil sa epekto ng panahon, eh pati ugali ng tao nagbabago rin. Hindi nako palaalis ng bahay. Taong bahay nako. Di lang yun, ako pa ang taga linis at bantay. Bago mag highschool eh madalas na akong iniiwan mag-isa. Mali! Me kasama pala ako.. isang dosenang aso at di mabilang na mga ibon. Enjoy sila kasama. Kapag kasama ko sila, parang ang tali-talino ko. Alam ko na kasi ang mga dapat gawin para matulungan sila. Kung puro hayop siguro ang kasama ko, baka kunin na agad ako ni Lord sa katalinuhan, kasipagan at kabutihan ko. Pero hindi eh.. mas marami ang nakakasalamuha kong tao na dapat bigyan ko ng pansin. Tulungan. Pasiyahin. At syempre mahalin. i love you.. yeah!
Di ko alam kung bakit parang ang seryoso ko ata. Nagseseryoso lang naman ako kapag me problema akong ke lufet talaga. Pati syempre kapag damdamin ko na yung nasasaktan. Kung mapapansin nyo, pero wag nalang.. masiyahin akong tao. Maraming nagugulat kapag nakikita nila akong tahimik o malungkot. Natatawa sila, tinutukso ako. Di daw bagay at wag daw akong ganun. Malamang kasi ako lagi ang pinagtritripan kahit san ako magpunta. Sabi sakin ng close frend ko… ako daw yung taong pwedeng pwede mong kausapin ng kahit na ano, pero dahil hindi maiwasan ang mga abusado sa paligid, eh kahit saktan nila ako eh pwede narin. Nung marealize kong aba, oo nga no. hindi ko na alam ang gagawin ko. Sabi ko nga eh baka masaya naman silang ginagawa yun. Kaya ko naman silang intindihin. (Nyemas, makikilala mo nako… baka maging katulad mo rin sila. Sasaktan din ako).
Matapang akong tao. Talaga! Tara suntukan! Pero sabi nila ang tawag daw talaga dun eh kakapalan ng mukha. Siguro nga oo. Marami na kasi akong nasalihan na kung ano-ano pero halos lahat ng yun eh katuwaan lang. Dahil sa madalas nga akong apihin eh sanay na sanay na kong napapahiya kaya kahit minsan, sa mga bagay na hindi ako kapanatag eh sumasabak parin ako. Makapal nga ang mukha. Sa kakapalan ko eh nalaman kong marami akong kayang gawin.. talentado ako. Kaya kong kumanta, sumayaw, maglaro ng mga sports (ng maayos), magpatawa, me itsura (ehem!) at mapagmahal. Pero ang nakakalungkot dun, hindi ko na ma master ang mga yun. Sa dami ng yun eh hindi ko alam ang pipiliin. Madalas maraming kontra sa paligid. Kesyo ganyan, kesyo ganun, dapat ganito, eto sya.. eto yun.. ang dami eh. Daming concern sa galaw ko dahil sa talentado nga ako. Ang totoo nyan, madalas gusto ko ng sumuko. Ang hirap maging perpekto eh. Hehe
Marami-rami na kong naranasan. Mga ka abnormalan sa buhay. Ayoko ng ikwento ng detalyado. Bibigyan ko nalang ng title.
- BUTI NALANG MAY PANTY (nalaglag ang palda pagkababa ng jip)
- MACHO HATE KIKAY STUFS (kumakain ako lotion at powder)
- DO U REMEMBER? (sobrang makakalimutin ako)
- NATURE LOVER (kumakain ako petals at dahon)
- PATAY GUTOM (kumakain ng panis, sayang eh)
- MULTI-TASKING (dami kong kayang gawin ng sabay-sabay)
- I WILL SURVIVE (2 times na dengue,sumusuka nako ng dugo nun)
- RUNNER WEARING SKIRT (Nanghabol ako ng snatcher,kinuha yung bracelet ko, nabawi ko naman)
- SO CLOSE (muntik na kong maholdup, tinitigan ko yung holdaper ng masama)
- EAT ALL I CAN (kinakain ko lahat ng pagkain, as in lahat at kahit hindi pagkain)
- MY CUTEST PET (nag-alaga ako ng ipis for 1 month)
Actually mahaba pa talaga tong mini talambuhay ko pero kelangan mag-isip na ko ng ending para matapos na. ang haba na masyado eh.
Yan nakaisip nako.
Ako po ay masiyahing tao. Labing pitong taong gulang, ako po ay babae (talaga) Masipag po ako pero hindi sa pag-aaral. Me ugali akong I wanna know everything but I have to understand it in a hard way that would make it stay longer in my memory. (makakalimutin nga kasi ako). Gusto ko ang nagmamahal. (ginusto ko narin ata ang nasasaktan, wala pa kasi akong magawa). I love reading, sleeping and eating. But what I really like most? It is… when im talking to my Boss, telling everthing to Him.. yelling at Him what I felt and wanted, but His not answering me.. (hindi pa tapos ah). Ang pinaka gusto ko talaga dun eh… “kahit hindi sya sumasagot at nag rereact sa mga sinasabi ko, alam kong nandyan lang sya lagi sa tabi ko”.
BOW.