Tuesday, June 30, 2009

pagbabago ay simulan

maraming galit sa ulan. kesyo daw ang messy ng feeling dahil wet ang settings, wala daw silang dalang payong o di kaya ayaw lang ilabas ung payong na alam nilang sira at hindi matibay, traffic madalas kada umuulan at iba pang dahilang hindi kana magtatanong kung bakit ba.

isa rin akong naiinis sa ulan minsan dahil sa traffic nga. pero kalaunan eh tanggap ko na. naiintindihan ko kung bakit traffic. mga atat silang makauwi. mga natetense ang iba sa daan dahil basa ang kalsada at aksidente ang kasunod. ang mga motorista ding nagmamadali, pagewang gewang sa daan, pasingit singit, tuloy naguguluhan lalo ang mga sasakyan at ang mga taong patawid-tawid, palakad-lakad na ang bibilis ngang kumilos nakakatama o nakakasangga naman ng iba. Mapa may dalang payong o wala eh pare-parehong mga natataranta.

mapunta naman tayo sa bagyo. halos ang mga kabataan naman eh tuwang tuwa kapag may bagyo. bakit kamo? eh malamang walang pasok. inis lang ung iba sa bagyo kapag nasa school na sila tapos sabay bumagyo, ung iba kasi walang payong o di kaya bumabaha sa paligid ng school nila. ung iba ayaw ng bagyo kasi kapag walang pasok, walang baon. ung mga studious naman eh ayaw din, mga atat kasing grumaduate. pero ako? ayoko ba ng bagyo?

ayoko. sobrang ayoko. kapag may bagyo, nalalagas mga dahon ng puno namin, syempre kelangang walisan un. nawawalan minsan ng kuryente at bumabagal ang internet namin. hindi ganun ka sarap ang ulam dahil hindi makalabas inakoh para makabili ng iluluto. ung tv kahit naka cable eh medyo gumugulo ang reception. nagsisilabasan pa ang mga cockroach and rats sa mga kanals, pumapasoks sila sa aming house. *ew wee...* sige nga, dapat ba akong matuwa sa bagyo?

seriously, ang pinaka apektado kapag may bagyo ay ang mga magsasaka at mangingisda. hindi ko na dapat pang ipaliwanag. kapag apektado sila, apektado din tayo.

bat ko ba to topic? ala lang. hindi na kasi napapansin ang issue tungkol sa ozone layer na tuluyan na atang nakalimutan. puro ah1n1 na nagagamot naman, buti nalang medyo wala ng nagpapatugtog ng careless whisper. eh pero anu bang dahilan kung bat nasisira ang ozone? anung mangyayari kapag tuluyang numipis ito? tsktsk... kaya itigil na yang mga bisyo. clean living na dapat tayo mga tols. hehe. yeah!

Monday, June 15, 2009

pagbabago ay permanente


masyado akong naging mapanghusga at masyado kong inaangat ang sarili ko eh wala pa naman akong napapatunayan. bakit ko ba to nasabi? di pa naman matagal ang pagmamasid ko at panget na agad ang tingin ko sa iba. bagong kursong gusto, pinili ko. maingay silang lahat. parang wala ng bukas. ang ilan nagfifiling na parang sila ang perpektong ginawa ng dyos. ung iba nag-aaksaya ng laway para sa mga salitang mas magandang di nalang sinabi. ang iba naman na medyo tahimik na hindi pansinin ay parang may planong masama sa mga unang kong nabanggit.

naiintindihan ko kung bakit sila ganun. pero sana wag naman araw araw. nanghihinayang ako sa oras na binigay sa kanila. pakiramdam ko kapag may tinanong na isang bagay na hindi uso at kelangan mong ipaliwanag eh wala silang masasabi. pusta ko tatawanan pa nila ung tanong, na may inaasam na malalim na sagot.

yun ang pagkakaobserba ko sa kanila. pero bilang isang makataong mamamayan, mabuting kaybigan ng kaybigan, napalaking maayos ng magulang, at mabait na anak ng dyos, kelangan kong maintindihan agad kung bakit ganun ang mga bagay bagay. tanggapin at respituhin ang kanya kanyang karakter na wala naman akong dapat gawin lalo nat wala naman akong pagmamahal sa kanila.(care meron). siguro naman hindi sila nag-aaral para manakit ng ibang tao. may kanya kanya lang talaga tayo ng piniling paraan kung papano natin magagawa ang mga pangarap natin.

ibat-iba lang talaga ang uri ng tao...syempre malamang diba iba iba rin nang hilig. iba iba ang galaw sa bawat sitwasyon. iba iba ang rason sa bawat dahilan. at iba iba ang plano sa buhay na wala namang kasiguraduhan.

oo walang kasiguraduhan, lalo na tong sinasabi ko. maaring mali lahat ng sinabi ko... gusto ko lang ilabas ang naiisip at nakikita sa mundong ginagalawan ko. kung sakaling dumating araw na malaman kong mali o tama ako, mababasa ko tong sinulat ko at magiging basehan ng pagbabagong inaasahan ko sa simula palang.

walang kasiguraduhan diba?

Thursday, June 04, 2009

hacker

ate, koya... click motongpic kung gusto mong lakihan
tsktsk. dumarami na talaga ang mga  taong walang magawang matino. hindi matino kasi nakaka purwisyo sila. nako naman, nung isang gabi nagulat ako nag bago itsura ng multiply ko, naisip ko may ng-hack kaso malabo, (pero aus na ngayon, nagconvert lang pla ung multiply ko at napag-aralan ko na kung pano gamitin). hehe.

hindi ko mawari kung bakit pa kelangang manira ka ng buhay ng iba, eh alam mo naman na kahit anong mangyari may mga magaganda paring bagay na mangyayari sa kanya. na ung mga magagandang bagay na un eh ang lakas nya para ipagpatuloy ang buhay na akala mong nasisira mo paunti unti. hindi ko alam kung naiisip ba ng mga maninira kung sino man kau na ang "lakas" ay nanggagaling sa sakit at kabiguan. tsktsk... 

nalulungkot ako ngayon. ang dami kong tanong tungkol sa paninira chuva ekers. pero alam ko namang kaya kong sagutin ang mga tanong ko, so bat pa ako malungkot? malungkot ako kasi wala akong kakilalang naninira ng buhay ng iba, gusto kong makakilala tapos babarahin ko sya, aapihin ko. kung may naninira... may nang-aapi. bwahahahaha.

kung wala akong kakilalang naninira ng buhay ng iba...
marami naman akong kilalang naninira ng sariling buhay nila...
naniniwala akong mas eksperto sila sa paninira ng buhay, 
kaya kaung mga naninira ng mga buhay ng iba...
beware sa mga taong sira na ang buhay.

ps. mag ingat kay "bornagainwannabe" hacker daw syang malupet. 
      (wow malupet, talented.)

Sunday, May 24, 2009

waste?

im in a closed box full of nothing
it feels wrong but it seems theres something
something i know that is important for me
for me to find and avoid insanities

inquisitively; eager to know
preventing myself stuck in that situation
inseparably; cant divide
blissful nightmares and rotten divine

cant see whats next, even whats before next
its like smilling, while suffering from stress
i really dont know what to do and why is this happening
but i do things that makes me unhappy


wat the... napapatula eh noh. hayz, tagal ko ng di nag blo blog, mag papasukan na. akalain mong 2 buwan akong parang walang nagawa para umunlad utak ko... tsktsk. masama to. masaya ba ko? mukang masaya naman ako eh no. dami ko lang talagang naiisip na kung anu ano. nakakalimutan ko na nga minsan na masaya naman ako eh at bakit ba ako nag hahanap ng problema. siguro sinusulit ko narin kasi, di na pwedeng mag topak kapag may pasok na. di na pwedeng mag-inarte kapag dumating na tatay ko. (june 5 uwi nya). ang dami ng hindi na pwede. kapag pumalpak ako eh masasaktan nanaman ako, pati boyps ko apektado malamang. tsktsk... kelangan kontrolado ko parin ang bawat galaw. at may nakahanda na dapat na sulusyon sa bawat sitwasyon.

mahirap ng magkamali, lalo nat wala naman dapat maging dahilan para magkamali ako. unang una hindi ko problema ang pera (pero wala akong pera), pangalawa may natitirhan akong maayos na wala akong iniisip na babayarang kuryente at tubig, pangatlo may nagluluto ng pagkain para makakain ako at nasa tamang oras pa, pang-apat may pamilya, boyps at gelps akong laging nasa likod ko kahit anong mangyari at panglima... andyan si bigboss. nakakahiyang magkamali kapag ganun diba. ayoko din kasing masaktan sila. ayokong maging pabigat.

hayz... ganun talaga. kelangan ng matinding mind set at magagandang plano sa buhay. kaya ko to... kakayanin ko. para sakin, at para sa mga mahal ko.

Friday, February 06, 2009

-- bottomless --

"hinanap ko naman eh... kung san san na nga ako nakarating. kung sino-sino na ang pinag tanungan ko, di ko na talaga alam ang gagawin ko at kung ikaw man ang nakapulot, wag mo ng isoli sakin. Mas masaya nako ngayon."

Ako nga pala si Kino. Burara at makakalimutin. Isang di normal na binata na nagpupumilit maging ordinaryo, kinailangan kong makisama sa iba para makaranas daw ng sinasabi nilang saya. Pero hanggang ngayon, hindi ko parin alam kung ano bang ikinalungkot ng isang taong hilig mag-isa, na hindi naman tinatanong ng isang ordinaryong tao. Sa katunayan, masaya nga naman maging normal, wala masyadong problema at iniisip, pero di kaya nahahawa lang ako sa kanila at pinili ko nalang na maging ganun ang resulta?

Ulila nako. Yun ang sabi sakin ni boss na nag silbing tatay ko. Marami din akong kapatid na ulila kagaya ko kaya dapat daw masaya kaming lahat dahil malaki ang pamilya namin. Sabay sabay kaming kumakain, tatlong beses sa isang araw at maswerte pa kung minsan makainom kami ng vitamin C, iwas sa ubo at sipon. Sagana kami sa vitamin D, may batas kasi pinatupad si Boss (tatay) na kailangan gising na kami kapag alas singko ng umaga. Sisimulan na naming dumihan ang aming sarili at magmukhang di pa kumakain ng isang linggo at magmukha namang ginahasa ang mga kapatid kong babae. Hindi mahirap ang batas na iyon. Gugulong lang kami sa mga makikitid na eskinitang ginagawang cr ng mga lasing at libreng motel ng mga bading. Solb! mukha basura, amoy malansa.

Araw araw, na di man lang binago ng dyos. Lagi akong uuwing puro biscuit, tinapay at mineral water ang dala ko. Masyado atang kapani paniwala ang pagpapanggap kong isang linggong hindi pa kumakain. Kaya ayun, puro kutos ang natatanggap ko ke boss. Pero isang araw, sinipag ata ang maykapal na baguhin ang kapalaran ko, may isang kolehiyalang nakahulog ng panyo sa tapat ko. Kinuha ko, hinabol ko sya.

"ate..."

"panyo.."

"mo..."

Kinuha nya... ngumiti sya sakin. Bumuka ang kanyang mga labing may sinasabi na hindi ko marinig. Tumalikod sya at nag lakad papalayo sakin. Pero nangangausap ang kanyang buhok na humahampas hampas sa hangin. Sabay lingon sa akin na may mas matinding ngiti.

Talagang binago ng Dyos ang araw na iyon. Bukod sa walang nagbibigay sakin ng mga biscuit ay ibang ngiti ang makikita nyo sa aking mga labi.
Nung gabing iyon, di ko mahanap ang tulog, mukhang nakitulog sa kama katabi ng isang kolehiyala. Wala akong ibang iniisip kundi ang makita syang nakahiga sa kama este ang makita lang sya. Yun lang.

Kinabukasan. Umaasa akong makikita ko sya ulet. Hindi ko na masyadong ginulo ang itsura ko para baka sakaling kapag kinausap ko sya eh kakausapin din nya ako. Aba'y ang pag uumasang iyon ay nag katotoo. Nakita ko sya. Nakita nya ko. Walang ibang reaksyon. Sa pagkakataong ito hindi sya ngumiti sakin. Dahil ba sa walang panyong nahulog na pupulutin at ibibigay sa kanya? Yun ba? Nakilala ba nya ako? May mata sya para makita ako pero hindi sapat na dahilan yun para makasiguradong naaalala nya ako. Parang gusto ko syang sigawan ng "woi miss, kahapon lang yun!"

Wala. Parang dapat ko na syang kalimutan. Kaya ko naman syang deadmahin eh. Di lang kayo ang kayang mambaliwala kapag humihingi ako ng limos. Sino kaba ate, maganda lang yang ngipin mo, maputi ka lang pero alam kong hindi ikaw ang tutulong sakin sa kahirapan at lalong hindi ikaw ang babaeng mag papasaya sakin.

Nakalipas ang isang linggo... di ko inaasahang hahabol ako sa isang snatcher na nanghablot ng isang bag. Na napag kaalaman kong si kuya Estong pala na anak din ni boss. Buti nalang at hindi ko sya naabutan at mapag kamalan pang mag ka kuntyaba pa kami. Binalikan ko ang babaeng nahablutan ng bag, aba'y mantakin mong si ate pala yun. Si miss panyo na suplada kuno. Di ko alam kung namumukhaan na nya ako pero di ko na pinatagal pa ang sitwasyon dahil bitter ako sa kanya.

"ay miss, ingat ka lagi... maraming ganun dito"

"huhu. yung wallet ko, pamana pa sakin un ng lola ko... huhu"

"nako miss, malamang makikita mo nalang yun sa basurahan."

"talaga?"

"ay di ako sigurado, pero sige kapag nakakita ako ng mga wallet ipapakita ko agad sayo baka sakaling yun yung wallet mo, gusto mong tubig? malinis to..."

"salamat... *hikbi*"


di ko na dapat pang ikwento ang mga sumunod pang nangyari. Ang mga nangyari lang naman eh nag pakilala ako, ako si Kino, sya si Pilar, mabango si Pilar, mabaho si Kino, maganda si Pilar, panget si Kino, nag-aaral si Pilar, si Kino hindi pero mahal ni Kino si Pilar, at mahal ni Pilar si Kino.

Mabilis ang mga pangyayari. Sinama nya ako sa kanila. Pinaliguan nya ako at binihisan. Pinautang pa nya ako ng pera para hindi ako makutusan pag uwi ko. Naikwento ko kasi sa kanya ang buhay ko. Naiintindihan naman nya at sa katunayan matutulungan nya akong makahanap ng trabaho para may pang bisyo na daw ako at maipag patuloy ang pagiging adik. Biro nyang may katotohanan.

Pag-uwi ko sa amin. Good mood si itay. Mukhang wala sa mood nya ang mangutos at manermon. Mukhang ang dami din naming pag kain. Tiba tiba ata ang nalimos ng mga utol ko.

"mga anak, wag nyo ng tanungin kung san galing ang mga pag kaing yan. Basta hablot yan mula sa langit"

Wala na ngang nagtanong samin baka mabato pa kami ng bote ng beer. Ayaw kasi ni itay sa mga bobo kaya kaming mag kakapatid ay madalas nagugulpi.

Bago kami matulog sabay sabay eh syempre di ko nanaman makalimutan si Pilar. Biglang may binato sakin si itay. Isang wallet. Walang laman. Luma na ang itsura pero ayus pa naman. Sabi nya akin nalang daw iyon dahil mukha din daw akong luma. Di ko alam kung matutuwa ako sa sinabi nya pero natuwa ako kasi may wallet ako. Sweet pala si itay. Bago ako matulog eh tinago ko sya sa loob ng nag-iisa kong unan.

Kinabukasan, nag kita nanaman kami ni Pilar. Nilibre nya ako ng miryenda at hinatid ko sya sa kanila pagkatapos. Ang ganda nanaman ng ngiti ko pag-uwi sa amin kahit alam kong makukutusan ako dahil wala man lang akong dala kahit na ano. Buti nalang at wala si itay, asa beerhouse daw kasi nanalo sa sugal ang balita sakin ni bunso. Natulog nako agad ng lahat sila ay tulog na. Pagyakap ko sa unan, parang ang tigas. Naalala kong may tinago ako sa loob. Hinugot ko ang wallet at binuksan.

"wat the f..."

binilang ko lahat.... may sampung libo. Tig iisang libong sampu. San to galing? Anu gagawin ko dito? Bibigay ko ba ke itay? Di ko alam ang gagawin. Ang daming tanong sa isip ko. Naisip ko ang future ko kasama si Pilar. Pakakasalan naba nya ako sa halagang 10 libo? Kulang ata to. Siguro e ba bangko ko muna to habang wala pa akong maisip na gagawin. Kung gagastusin ko to maraming tanong sakin si itay panigurado kung san ako nakakuha ng pera. Basta bukas ilalagay ko to sa bangko.

Oo. Nilagay ko sa bangko. Pinapasok naman ako sa bangko kasi naligo ako sa Bambini Cologne, at nag suot ako ng puting damit na hiram ko ke Manong Ernest na isang security guard sa isang club. Nanghiram din ako ng isang pares ng tsinelas ke kuya para talagang papasukin ako. Medyo nahirapan ako sa pagsulat ng pangalan ko, magulo ang sulat at ang bagal pa.

Wala akong pinag sabihin ng ginawa ko. Kahit kay Pilar ay hindi ko sinabi. Masaya ako sa naging disisyon ko at umuwi nako agad sa amin para magplano ng kung anong susunod kong gagawin. Humiga muna ako at niyakap ang unan. POtah...

"matigas ka nanaman?"

Nagtawanan ang mga bata bata kong kapatid na akala nila ang tinutukoy ko ang aking ari. Nangiti nalang ako sa kanila at sinabing doon muna sila sa labas at may gagawin ang kuya nila. Natawa pa sila lalo.

Binilang ko. Libo libo... bente mil. Ano ito? Nadoble ang pera. Anong klaseng wallet to? May sa demonyo ba to? Kanino kaya ito? bat nya hinayaang mawala lang sa kanya ng basta basta to. Pero bakit sakin? bakit sakin ka napadpad? Eto nanaman ang mga tanong ko... kelangan ko na talagang mag plano.

makalipas ang 3 buwan...

Masaya na kami ni Pilar. Nakatira kami sa isang paupahang bahay. Nag-aaral parin sya at ako naman ay nag-aasikaso ng isang bakery shop at lotohan. Lahat ng mga kapatid ko ay napag-aaral ko. Dinahilan ko nalang kay itay na nanalo ako sa loto kaya ako nagkapera, at ngayon, si itay ay binigyan ko ng puhunan para sa pagpapatayo nya ng isang beerhouse.

Isang umaga. Saba'y kaming nagising ni Pilar at saba'y na nagdasal. Nagulat nalang ako sa dasal nyang parang may patama sakin...

"hinanap ko naman eh... kung san san na nga ako nakarating. kung sino-sino na ang pinag tanungan ko. Nagulat lang talaga ako noon, di ko na talaga alam ang gagawin ko at kung ikaw man ang nakapulot, wag mo ng isoli sakin. Mas masaya nako ngayon." amen.

Older Posts