Wednesday, October 31, 2007

-=halong emosyon=-

<-- pls... hinuhunt ko tong sapatos natoh.. kung makita nyo man.. paki msg ako dito.. basta size 7or7 and a half. grabe... di ako makatulog sa kakaisip dito. huhu..





<-- kapag wala akong magawa nag da darts lang ako. punta lang kayo bahay namin.. laro tayu. hehe.












<-- eto ang ate kong panganay. kasama ko sa puyatan lalo na kapag me kape. hehe. sya si DAMDAM.



<-- eto ang bandang Skid Row. adik ako sa kanta nilang I remember You. ala lang..kaya sila andito kasi ang gaganda ng buhok nila eh. wee.. ang gwagwapo pa.. wahihihihihi...





Malungkot ako na masaya. Malungkot dahil ang daming bagay at tanong na bumabagabag sakin. Masaya naman ako dahil me mga taong nagpapasaya sakin. Bale kung wala sila eh puro nalang ako lungkot at pagdradrama. Haha!

Kasalukuyan akong tinotopak at malungkot. Wala sa oras na to na me kahit anong ngiti sa katawan ko. Kapag ako kasi masaya, makikita mo ol ober my bady. Syempre makikita mo sa labi at ipens ko na masaya ako, sa mata din, sa ilong na nangingintab dahil sa mantika, sa tenga ko na alive na alive na kung ano anong salita na ang naririnig, sa kilay kong manipis na bigla nalang kukunot dahil napapaisip, sa mga daliri kong kung san san sumusundot, daliri din sa paa na kung san san din sumusundot este pagalaw-galaw pala, utak kong magulo na kung ano anong bagay ang naiisip na ayaw magpahinga at puso kong bigo este pipintig-pintig kahit pakiramdam ko patay na ko sa saya. Sinusubukan ko paring ngumiti… titingnan ko lang ang mga pamangkin ko, napapangiti nako pero pag inalis ko na ang tingin ko, back to lumbayan nanaman. Syempre me magsasabi siguro na ehdi titigan ko nalang ang mga pamangkin ko… ginawa ko na yun ilang beses na pero pare… grabe… naluluha ako. Masakit sa mata ang tumitig at hindi pumikit. Hehe.

Sa totoo lang eh ang hirap ng huminga. Me araw na sobrang saya ko, me araw na sobrang lungkot. Ganun ba talaga yun? Hindi talaga ako mapakali. Yung puso ko hindi makatibok ng maayos, kapag humihinga ako hindi normal (puro inhale lang) hehe. Eh tapos sinabayan pa ng mga horror movies sa tv, ahhh.. letche talaga. Di ako makahinga. Pero still.. buhay pa naman ako, lakas ako eh. Hehe.

Niloloko ko nalang sarili ko sa paraang mag-iisip ng mga kung ano ano. Tulad ng langgam, manok, baboy, baka, kamatis, lapis, gulong, ibon, ulap, puti, langit, paraiso at iba pa. Pero ang pinaka panloloko ko sa sarili ko na magiging eh ang deans list ako sa second sem.. haha. Buti nga deans list lang at hindi scholar. Sakanila na yun.. rich kami eh. Di ko kelangang maging scholar. Haha!

Ah basta.. halong emosyon ngayon pero dahil sa malapit ng dumating ang isa kong ate galing ibang bansa, masaya ako.. lalo na dahil me dala syang PS3. weee… tara laro tayu. Hehe.

Tuesday, October 23, 2007

-=MY OWN... ?=-

La la la la la… intro yan. Eto pa isa… dubiee dubiee duuu ah ah… ok ok, enough. Oh basta yun nga ehdi yung aleng natumba biglang tayo agad kahit duguan na yung labi nya tapos walang pumansin sa kanya tapos nasagasaan sya bigla ng trisikel “bike nalang pala kasi hirap ispel ng tri-see-kwel eh. Hehe”. Oh yun nga, nasagasaan sya ng bike tapos akala ko lang pala yun,,, muntik lang pala. Ayun, para akong gago kasi kasama din to sa intro ko eh. Biro lang toh ah.. hindi talaga nangyari to. Hehe.

Ganito kasi yan… me gusto akong pasabugin na Banko. Wala akong pake kahit malaman pa ng lahat kung ano ang balak ko. Landbank yung gusto kong pasabugin. Gantu kasi yun…

Nisamahan ko ang inakoh sa banko para mangholdup este para maghulog ng pera sa mga taong hindi naman namin kaano-ano, syempre mabait kami este magulang ko lang pala para mag-pautang. “kung sino ang nangangailangan ng pera eh andito kami este magulang ko lang pala. Haha!” BIRO LANG! letche nga eh, napapagod yung inakoh sa kakapunta ng mga banko… ang inet inet tapos wala naman syang own car yeah para magamit sa trans-po-tey-syeeeooonnn… pero takte kayo! Malaman ko lang na balak nyong holdapin inakoh, una ko kayong pasasabugin.
Teka.. wala na.. kinalimutan ko na yung tungkol sa Landbank. hehe.




Tungkol nalang sa National Bookstore. Siguro naman eh nagpuputa kayo sa baggage counter (potek! Wrong spelling nanaman) oh basta yun na yun. Nagpupunta kayo dun diba para sandaling iiwan ang inyong gamits. Diba diba? Tapos e-e-eat-tsa nalang nila yung gamit mo sa kung saan at syempre bago yun didikitan muna nila ng no. tapos bibigyan ka nila ng no. na kaparehas ng nakadikit sa gamits mo tapos diba bakit ko pa to sinasabi eh mukhang alam nyo na yun. Oh yun nga.

PB – Ruthan… tara, National Sta.Lucia naman tayo…
(galing kami National ng Rob at me binili kami doon)
Ruthan – tara lets…

Pagdating sa national Sta.Lucia.. ayun nga.. punta kami ke baggage counter, pinatago yung binili namin sa national at pati narin yung bag ni Ruthan, galing kasi sya skul nun.

La la la la la… ayun.. me binili din kami…

PB – Ruthan! Wag muna nating kunin yung nasa baggage counter kasi pupunta pa tayong National sa Tropical. Mabilis lang naman tayo.
Ruthan – geh geh…

Oh basta yun.. nagpunta kaming national ng Rob, National ng Sta.Lu at national ng tropical. Lahat ng branch na yun eh me mga binili kami. (hindi ako mapera ah).

Galing kaming national ng Tropikal at kukunin na namin ang bag ni Ruthan at mga plastic sa Baggage counter sa national ng Sta.lu… naglalakad palang kami malapit dun eh nakatingin na si Kuya (yung taga kuha at balik ng gamit). Papalapit kami eh me sinasabi na sya at hindi ko naman maintindihan…

Kuya – kamusta shopping? (ang kupal ng tono)
Pb - ayos naman…
Kuya Kupal – gawain nyo ba yan lagi?
(nagpintig na tenga ko)
Pb – Di nAmAn… mInSan…
Kuya Kupal – bla bla bla bla….
Pb – oo sige… ayus ah…
Kuya Kupal – ayus din kayo eh… (mas kupal ang tono)
(umalis nako baka masapak ko na eh)




Grabe yun… nakakainis. Sino sya para magsalita ng ganun? Fine sige.. hindi ko alam na bawal mag-iwan ng gamit dahil wala namang rules akong nababasa sa loob ng national na bawal mag iwan ng gamit… fine sige, commonsense pero para sa mga taong walang common sense, papano yun? Wawa naman sila. saka buti pa sa grocery me rules eh. Fine sige, wag kang pupunta sa mall kapag wala kang commonsense.. eh hindi naman makatarungan yun. Wah!!! basta customers always right saka hindi dapat ganun ang approach.. mas ok sana kung ganito yung nangyari eh…

Kuya – ah miss… sorry po ah.. bawal ho kasi ang mag-iwan ng gamit dito tapos lalabas ho kayo… (mahinahon)
Pb – ay ganun ba… sorry din. Now I know.. sensya na ho…
Kuya – ay wala ho iyon. Geh ho… ingat.

Oh diba? Ganun lang naman sana eh. Eh kaso takte eh, sinira nya araw ko. Ang saya saya ko pa naman nun.

Ayun.. mukhang apektado si Ruthan sa nangyari.. nag-inet na kasi ulo ko eh. Kainis talaga. Papatawag ko sana yung manager eh kaso hindi ko nagawa… hayz… kinuwento ko nga yun sa ate ko tapos ang nagawa nalang nya eh mang-asar na kesyo kung sya daw yun tinawag na nya yung manager. Grabe talaga…

Eh one time, napadaan ako ng national sa Sta.Lu… iba na yung nasa baggage counter. Nyahahahaha… sayang, pasasabugin ko pa naman sana yung national nayun. Haha!

Nga pala.. kaya pala ako palibot libot sa national kasi bibili ako ng mga palawit sa MY OWN CHRISTMAS TREE ko na ilalagay ko sa aking own room. (importante kasi sakin ang christmas, kahit madalas malungkot eh gusto ko parin ng christmas).At eto ang finish product.





<-- dapat violet and yellow/gold ang motif kaso ang hirap maghanap ng violet.. grabe. kaya etoh, nauwi ako sa blue.. ok narin kasi secret color ko ang blue eh. nyahahahaha... "MY OWN KISMASTEE"

Thursday, October 18, 2007

-=LANDUTAY NI PB'ing MACHO=-



<-- ako yung nasa unahan na naka light blue. 1st runner ako, tapos katabi ko yung champion tapos yung naka red yung 2nd.









Kapag nakikipag break ang isang tao, hindi lagi ibig sabihin nun eh hindi mo na sya mahal. Maraming pang pwedeng maging dahilan tulad ng…
- need space
- need time
- (tama na ang english.)
- Ayaw mo na ng away
- Ayaw mo ng makasakit
- Ayaw mong magkasala yung tao dahil sayo
- Dahil napilitan ka lang na makipag break
- Dahil sa alam mong ginagago ka pero ayaw mong magkasala sya
- Ayaw mo ng lokohin sarili mo
- Gusto mo ng improvement
- Gusto mong patunayang mahal ka talaga nya
- Gusto mong masaktan dahil ayaw mo ng mabuhay
- Gusto mong magkaproblema ka
- May mahal ng iba
- nakadrugs
- Papansin ka lang
- Abnormal kang tao
- Topak ka kasi
- Trip lang
- Nabayaran lang
- Gutom lang
- Tawag ng laman
- Katuwaan lang
- (wala nako maisip)
- Any many more…

Isa lang masasabi ko, “ang pag-ibig ay parang star. Maganda, nakakaadik lalo na kapag nilapitan mo o nasa harap mo na, hindi mo na makalimutan at tatantanan dahil sa init neto” parang ang bastos ata ah. Ala lang.. star kasi ang naisip ko, gabi na kasi eh. Hehe.

Ow well. Daming nangyari talaga ngayon. As in! Akalain mong makasali ako sa Ms. Medtech sa skul. Naka 1st runner up ako pero mey champion pa ah. Tapos ayun, medyo parang gago lang yung talent ko. Sumayaw ako kasi dun lang ata ako me mabubuga eh wala kasing available na mga pako nun na lulunukin ko kaya ayun, sayaw na nga lang. Ang nakakatawa pa nyan eh yung mga steps ko eh imbento ko lang, medyo nagpractice naman ako, nagpractice ako mismo nung araw nung pageant tapos nung etoh na, dami ng biglaang steps, nagkaloko loko na kaya ayun, nabagok ulo ko na akala ng lahat eh sinadya ko, nagawan ko kasi ng paraan kaya ayun, hindi halata ang pagkabagsak ko. Haha! Mahilo-hilo ako nun. Salamat ke Usher “You make me Wanna”.

Me onting drama.. onti lang naman kaya basahin mo narin.

Pinapunta ko ang inakoh sa skul para mapanod ang pageant pero wala syang kaalam alam kung ano ba talaga yun. Ang sabi ko lang mag po-perform ako. Ako kasi yung taong sa mga mahalagang pangyayari ng buhay ko, kinakalimutan kong me magulang pala ako na pwedeng manood para makita nila ang kalokohan este talento ng anak nila. Busy kasi sila madalas. Tatay ko seaman, nanay ko house wife na puro pets kaya yun.
Batang bata palang ako, me talento nako sa pag-sayaw, pagkanta at pag-arte. Yung pag-arte, arti-artihan lang yun kunwari natulog ako ng hapon, mag-aasta akong bagong gising, medyo guguluhin ko pa buhok ko at kukusutin ang mata para mamula. Haha! Ganyan ako ka creative. Oh yun nga…

Pumunta sya ng skul. Natuwa ako. Di ko maipakita kung gano ako kasaya pero abot tenga ang ngiti ko kahit sobrang wasted nako kahit wala pang pageant. Maya mayang onti habang nakikipag gaguhan ako sa mga klasmates ko kasama ang mama ko at tita ko, aba’y sabi ng mama ko na kelangan na nyang umuwi kasi ang pamangkin kong si Ti na apo nya ay iyak ng iyak. Pinauuwi narin sya ng tatay ko na kausap lang nya sa cellphone bago nya sabihing uuwi na sya…

Inakoh – uwi na kami.. si Ti iyak ng iyak…
PB – wag na muna. Di pa nga nagsisimula eh.. kahit opening lang. geh na…
Inakoh – eh papa mo pinauuwi narin ako…
PB – eeeeee…. (sad face, tapos sabay ngiti)… teka ah mag-iisip ako…
(lumayo si PB sa mga tao at lumapit sa isang puno at nag-isip at bumalik ulet si PB sa kanyang ina)
PB – sige.. ok lang. (me magandang nakakalokong ngiti pero namumula ang mata) naiintindihan ko. Ingat kayo ah. (sabay walk out)

Pagbalik ko, aba’y si RUTHAN kinakausap nanay ko. Wah!!! mukhang alam ko na sinasabi netoh ah… at pagkatapos ng usap, ayun.. di na muna uuwi mama ko. Manonood na sila. Yey!!!

Ayun nga. Nanood sila pero dahil akoy laging nasa dressing room at wala akong ibang kaybigan dun na magsasabing kung ano na nangyayari sa mga audience eh wala talaga akong kaalam alam. Ang nakakalungkot pa ngang nangyari sa dressing room, pagkatapos kong ayusan eh wala na kong kasama o kakwentuhan. Lahat ng mga kasali eh me kanya kanyang julalays at moral support ng mga kamag-anak, kaybigan at klasmate. Eh ako? Nyemas, im all alone.. nakaupo lang ako sa plastic na upuan at nakatingin sa salamin habang inaantay ang turn ko. Ow men, pero ok lang.. First Runner Up naman eh. Hehe.

Ayun pagkatapos ng pageant, nyemas! Akala ko umuwi na nanay ko, ayun pala tinapos pala nya. Natuwa sya at puro okray sa mga ibang kasali. Puro pambobola nya sakin ang mga natanggap ko. Proud sya sakin.

Ma – ang galing mo pero bakit hindi mo naman sinabi sakin na sasali ka?
PB eh para namang papayag ka…
Ma
– haha!

Pag-uwi namin ng bahay kwento galore pa kami.





<-- yung katabi ko kasali din yan sa pageant. pareho kami freshmen. yeah!
ang gwapo ko diba.. talent ko sayaw diba, pinaghalong usher, justine timber., at mikel jackson yan. haha!









tapos tama na ang haba na eh.. eto muna sa ngayon. ang kwento tungkol sa kalandian ng isang baklang tulad ko. haha!

kung me magtatanong kung bakit me topic ng break up sa itaas eh... kasi eh... lovelife ko ang gulo. gulo talaga...

Sunday, October 14, 2007

-=PATIKIM=-





<-- umamin kana kung ayaw mong magmumog ng ipen...



<-- madalas kasi magdugo ilong ko eh... hehe... (sa lab toh)













<--- ililigtas kita.. kelangan ko munang mag kasya dito.






<-- kelangan ko munang maglaro ng apoy bago kita magamit. hehe!















<-- kapag tag uhaw...





<-- sayang yung tape eh... (napagalitan ako ng prof. dito eh.. puro daw kalokohan alam ko. haha!)













<-- eto ang walang magawa sa lab kapag walang prof.







<--- eto ang makapal ang mukha.












<--- ako at ang partner ko.. ang macho nyan. haha! nilakihan ko pala para makita nyo na maganda yung suot ko. haha!








<--- sensya nat malabo. sinadya ko para hindi nyo ma kumpara.







<--- eto ang namamahinga muna. gigising din yan mamaya, me naka reserve na eh.











hayz.. di pa ako makakapag entry ng matino. medyo patitikimin ko muna kayong lahat. hehe. (asa naman, onti lang nabisita sa bahay mong malinis lagi namang walang tao.) haha!


pero bago ang lahat, di porket sem break na namin eh makakapag entry nako... grabe. walang kwents yung dsl ko.. para syang wifi. gagana lang sya kapag me magandang signal. nakakainis. pinacage ko na nga eh at ready to surrender na sya sa kung san man sya galing... kakainis talaga. nasasayang yung nibabayad ng inakoh. concern lang naman ako bilang anak. nyahahahahahaha....