Thursday, October 23, 2008
--mantika--
mga pangarap na mataas, na hindi ko naman kayang abutin
isa akong tindero ng fishballs. fishballs na madalas bilhin ng mga tropa kong construction worker. ang dami na nilang utang sakin at hanggang ngayon eh hindi pa talaga ako nakakabawi sa pinuhunan ko. marami rami din kasi akong kaybigan at syempre tinda ko lang ang hindi nagmamahal na hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa. mahirap pala ang ganun, lalo na sa isang taong tulad ko, na nahihiyang tumanggi sa mga bagay na kayang kaya namang ibigay.
isang karumaldumal na pangyayari ang nasaksihan ko. holdaper ata sya. nakaakbay ang kaliwang kamay sa balikat at may hawak syang patalim na nakatutok sa tagiliran ng isang binata. di sila gumagalaw parang statua. bahagya kong nababasa ang bawat bukas ng bibig ng dalawa. "di ka masasaktan kung ibibigay mo sakin yang bag mo ng maayos". "te...te..ka laaaaannngggg ho... di ho ako makakauwi... tirhan nyo ho ako ng kahit trenta(30) lang." Mabilis na maayos na binigay ni teenager ang bag at agad tumakbo ang holdaper na parang di nya narinig ang pabor ng binata. di parin sya gumagalaw... humarap sya sakin, namumutla,itsurang paiyak... matang nakatingin sakin na nagsasabing bakit wala akong ginawa. bigla nalang syang natumba.
Nagsilapitan ang mga tao sa paligid ng katawan nyang nakatumba. parami ng parami ang tao. paingay ng paingay. di ko na maintindihan ang ibang salita na may ibat ibang kahulugan. kahulugang di lahat ay tama at totoo. sino ang dapat kong pakinggan?
di nako nagtagal pa roon dahil hindi ko maaring iwan ang tulak business ko para makisingit pa at maki-isyoso. paniguradong nahimatay sya sa kaba at takot. umuwi nalang ako agad kahit may masasayang akong isang plastic na fishball na malapit ng masira.
sarap talaga ng pakiramdam natoh. nakalublob ang dalawang paa ko sa batya na may mainit na tubig at mga bulang galing sa labada ng gelpren ko. di pa kami kasal dahil kelangan mabuntis ko raw muna sya. 1 taon na kaming nagsasama at wala pang bunga. bungang ayoko talagang maisilang at mamulat sa kahirapan ng bansa. kaya eto, masaya ako kahit wala pa kaming anak. naliligalig nalang ako sa mga gwapo't maganda't malulusog na bata sa commercials. lalong lalo na ang anak ni zoren legaspi at carmina... ang talinong bata, di tulad ng tatay nya na tatanga tanga at sa ice cream lang sya magaling.
ok. balita na pala. kahit ayoko ang sistema ng bansa eh gusto ko parin malaman ang kalagayan nito. halos di maganda ang balita at walang kamatayang isyu ng melamine yan na tingin ko naman eh hindi sapat na dahilan para ma alarma ang lahat. taas noo parin tayo sa mga singkit na yan. pareparehas lang yang mga singkit nayan. yang i phone na yan, mga mac chu chu, mga gadgets na talaga namang nakamamangha pero sa totoo lang, taas noo rin naman ako, lalo na kay maria ozawa na isang janapnesse canadian.
ano toh? ung kaninang nasaksihan ko. ang binatang hinoldap. abay nakuhaan pala ako ng video sa tv. wala naman akong napansin dumating ang abs kanina, malamang di ko mapapansin dala nalang siguro ng pagkaggulat ko at sabik kong makauwi na. pero ano?! patay ang binata? napadiin pala ang patalim sa tagiliran nito. di ko napansin un ah. mas lalo akong nagulat. kaya pala ang mga matang humihingi ng tulong... anu tong nararamdaman ko? di ako makahinga... makatulog na nga lang. zZzzz...
bagong umaga kahit galing sa masamang panaginip. para atang hindi natatahimik ang binata. pati ba naman ako damay. pero hindi sya sagot sa kahirapan ko, bat ako mag aaksaya ng oras para isipin sya. patay na sya at matuwa syang ganun at tuloy parin ang buhay kong mahirap at walang pag-asa. "alis nako honey, wag ka masyadong papakapagod sa paglalaba. pag-uwi ko pramis ubos ang mga fishballs ko".
lalake - "manong? magkano sa balls mo?"
ako - "eto lang di nagmamahal... ganun parin iho" (habang naghahalo ng mantika)
lalake - "ay sige ho sampung piso ho. tagal ko ng di nakakakain neto"
ako - "oh sukli mo..."
anu toh? binatang kamukhang kamukha ng binata kagabi... kambal? o minumulto ako? hindi eh.. sya talaga. taong tao. di ako makahinga... di ako makagalaw. natutuyo na ang mantikang iniinit ko. parehong lugar kahapon. parehong pareho. kung san sya nakatayo... ang binatang namatay at may papalapit sa kanya... waring may tinatago kanyang kasuotan...
"di ka masasaktan kung ibibigay mo sakin yang bag mo ng maayos". "te...te..ka laaaaannngggg ho... di ho ako makakauwi... tirhan nyo ho ako ng kahit trenta(30) lang."
malinaw na malinaw ang narinig ko...
nahulog ang paninda ko... oh fishballs...
mabilis ang mga pangyayari...
tumingin ulet sya sakin... pero sa ngayon...
malapitan... nakatayo sya habang ako'y nakahiga...
mukha nyang namumutla parin...
pero ang mga mata ay iba na ang sinasabi...
kayanin nyo ho...pasensya... at maraming salamat...
napangiti ako...
at
pumikit.
Friday, October 17, 2008
--dreams---