Wednesday, May 28, 2008
--Luhod--
Mukhang napipilitan lang ata ako sa mga inuutos sakin. Ang diligan kada hapon ang buong bakurang puro cactus lang ang tanim, mag pakain ng palay sa mga alagang manok ng tatay ko. Sa umaga ang ihatid sa palengke ang mga asin na mas pinaalat ng nanay ko, ang mga simpleng utos ng kuya ko tulad ng paliguan ko sya dahil tinatamad daw sya at ang kasama(katulong) naming sa bahay na nagpapatulong sakin mag-saing para sa aming meal. Napapagod nako pero pinipilit nila ako. Kaya napipilitan pala talaga ako.
Isang araw. Masayang binalita sakin ni tatay na…
“Mabell! Anak… yung kumpare ko, tinatanong ako kung gusto mo ba raw magtrabaho sa China… madali lang daw ang magiging trabaho mo dun”
ang sabi ni itay.
“tay… aba’y kung ok lang sa inyo edi sige. Gusto ko din na makaahon tayu sa kahirapan.”
ang mabilis at masaya kong sagot.
“tama yan nak. Naisipan ko rin kasing mag-alaga ng mga baka at kalabaw para naman may kasama ang mga manok natin.” hirit ni itay.
“tama yan kapatid. Gusto ko na din makapagtapos ng pag-aaral. Hanggang highskul lang ako eh… gusto ko sanang maging piloto. Tulungan mo kong makatapos ah.” ang nakakagulat na pangarap ni kuya Melboy.
“tama yan anak. Gusto ko namang mag business ng patis at syempre ang pag evolve ng pagpapaalat ng asin.” ang masayang request ni inay.
“sige lang…”
ang nasabi ko.
Masaya ako. Oo. Masayang masaya. Sa mga sinabi nila at pangarap ay parang hindi na nila kelangan na nasa tabi pa nila ako. Yung pang-araw-araw na utos at pabor nila ay parang nawala bigla. Tipong nag ka amnisya sila na walang Mabell na nabubuhay, na sila ang gumagawa ng mga bagay na ako naman talaga ang gumagawa. Kaya ang saya saya ko talaga dahil magiging masipag na sila sa mga bagay na hilig nila at dapat paglaan ng oras… na para naman sa kanila at hindi para sakin. Na ni minsan eh walang naibigay na pag asenso sa sarili kong buhay.
27 nako at ganun parin ang ikot ng mundo ko. Buti nalang hindi ako nahihilo. Saya saya…
Natuloy ang balak sakin ni tatay Melchor, ang makapag trabaho sa China na para sa mga pangarap nila, na para narin sakin para malayo ako sa mga utos nila na nakakasawa na talaga.
“masama ba akong anak?”
tanong ko sa katrabaho kong si Chika habang nag-tetext.
“nako naman. Kung masama ka, wala ka dapat dito ngayon”
sagot nya habang paikot-ikot na nag hahanap ng signal.
“pero kasi parang hindi ko sila nami-miss eh”
Dahilan ko habang nagsusuklay ng buhok.
“eh parang lang naman yan. kung ako sayu eh tawagan mo sila at sabihing ok ka lang dito.”
Payo nya habang nagwawalis ng banyo.
“eh hindi naman ako ok eh. Parang may mali sa pakiramdam ko.”
Pasigaw kong sabi habang naglilinis ng bubong.
“punyetang parang yan ah. Puro ka parang! Taga Marikina ka siguro no?!”
ang mainis inis na sabi ni Chika habang nagluluto sa kusina.
“ah ewan, basta bahala na sila dun, nag-iipon naman ako para sa kanila eh”
ang medyo pagalit kong sabi matapos kong labhan ang aking damit.
Wala na syang banat sa huli kong sinabi. Busy na kasi syang nag-aayos ng mga gamit nya para sa trabaho namin mamaya.
Ang mask, ang make-up, suklay, maayos na damit, matalas na kutsilyo at pinainitang luya na may tubig na nasa pitchell para sa aming boses.
Isang araw. Gabi noon, at sobrang hangin sa labas. Nag titiklop ako ng mga damit noon. May kumakatok sa aming tinitirhan, sa pinto sya kumakatok. Malakas at parang magigiba na ata ang pader na plywood namin.
Si Mr. Song pala ang kumakatok. Ang manager namin ni Chika na isang Tsinoy.
“belesan nyo… gostong gosto ng mga custumer ang geniwa nyo kagabe.”
Ang masayang utos at sabi ni Koya Song.
Hindi nako nakapag salita at nangiti nalang ako. Panay tungo nalang din ako dahil nagsisimula nanaman syang mag-intsik.
Kinatok ko ng mabilisan ang pinto ng banyo para maka-gayak na kami. Ang tagal kasi maligo ni Chika. Nagulat nalang ako na nasa giled ko pala sya, nakatitig sakin at nagpapatuyo na ng buhok.
“narinig mo naman siguro ung balita ni Mr.Song, ang husay daw ng ginawa natin kagabi. Anu? Uulitin ba natin iyon? Oh pakikitaan sila ng mas malupit?”
Ang maangas kong sabi kay Chika habang ako’y nagbibihis.
“bahala na mamaya. Dipende sa mood ko yan. Sana makakita ulet ako ng gwapo.” Ang sagot sakin ni Chika habang nag she-shave ng legs.
Binilisan na naming ang aming kilos. Pinalantsa ko na agad ang mga damit. Sinamsam ang mga tuyong damit. Nagluto ng hapunan at almusal narin para bukas at napakain ko narin ang tatlong alaga kong love birds.
Hindi namin dapat makalimutan ang mga gamit namin para sa aming trabaho. Sana’y lumaki ang aming sweldo sa kahusayan namin. Hindi nakakapagod ang ganitong trabaho kung maganda ang laki ng iyong katawan at puno ka ng imahinasyon. Puhunan din ang lakas ng loob at tiwala sa sarili.
Tapos na ang aming mini show.
Kakaiba ang mga palakpak nila na nakakalikha ng musika.
Iba iba rin ang mga sigaw na hindi ko maintindihan,
pero nakakapagbigay galak.
Isang taon narin ako dito sa China Town.
3 oras lang naman ang biyahe pabalik sa amin pero hindi ko sila mapuntahan.
Masama nga ako diba.
Ako rin naman eh hindi nila mabisita.
Sulat nga rin eh wala.
Hindi siguro nila ako nami-miss.
Pero malabong makalimutan nila ako…
dahil ako ang sagot sa kahirapan namin.
“sige na nga. Mag da dalawang taon narin akong hindi nag papakita sa pamilya ko. Ni sulat, tawag o txt eh hindi ko ginawa.”
Ang sabi ko ke Chika habang nag luluto ng adobo.
“malamang hindi mo matetxt ang mga yun. Wala silang cellphone diba sabi mo?” ang tanong ni Chika sakin habang ako’y naghahardin.
“oo nga pala. Pero hindi ko naman kasi sila miss eh at ayoko talaga silang makita” ang masama kong sabi ke Chika habang nag hahasa ng kutsilyo.
“gaga! Puntahan mo na. ibalita mo na sa kanila na nakaipon kana ng kalahating milyon at sikat kana dito sa China Town bilang isang mahusay na chop-stick maker at part-time professional singer”. Ang maligalig na sabi ni Chika habang namamalantsa.
“di mo na kelangang sabihin pa yan sakin dahil alam ko ang katayuan ko sa buhay… ang hindi ko lang alam… kung sino ba talaga ako… bilang tao”
Wala nang nasabi si Chika sa akin. Marahil hindi nya narinig. Napansin ko nalang kasi na nag lilinis pala sya ng tenga ng mga panahong iyon.
Nakapag disisyon na ako…
Pupuntahan ko sila.
Susubukan kong ipakita ang dapat kong ipakita…
Ang tunay kong nararamdaman…
Pero huli na ata.
Wala na sila. Sunog ang bahay namin.
Puro itim lang ang nakikita ko sa paligid. Mga sunog na pakpak ng manok na pwede iulam. Mga kulay itim na asin na inaasahan kong kasing puti ko at mga bagay na tutong at tusta, na hindi ko mailarawan sa tagal na nito.
Isang reaksyon lang ang naipakita ko sa lugar na kinalakihan ko.
Ang emosyon ng kalungkutan. Lungkot na hindi naipapakita. Marahil ayoko talagang ipakita. Maapektuhan ang mga kilos ko noon kung malungkot ako, at syempre, ang mahal kong pamilya, na pinag titiisan ko noon… ayoko din silang malungkot. Parang ngayon naiintindihan ko na...
Hindi pala parang. Sigurado akong hindi pala ako napipilitan noon, gusto ko rin ang mga ginagawa ko na utos nila, doon ko pala naipaparamdam na mahal ko sila. Sigurado ako… mahal ko sila.
Kaso, wala na ata akong magagawa.
Ramdam ko rin namang wala na sila.
Kalat na sa baryong walang buhay na natira.
Pwedeng chismiss lang, pero sa amoy ng bahay namin…
Nalalanghap ko ang balat ng magulang kong hindi ko nayakap ni minsan,
at ang kulay chocolateng buhok ng kuya ko na lumilipad-lipad kasabay ng hangin.
“Ang dami kong reklamo noon sayu. Na kesyo napapagod na ako. Na ayoko na. Na hindi naman para sa akin ang mga ginagawa ko.”
“Wala kang reaksyon sa mga sinasabi ko. Wala kang sagot sa mga tanong ko. Ni senyas ng kasagutan eh wala.”
“Inis ako sayo noon. Hindi kita binibisita sa tahanan mo. Marami naman din silang bumibista kaya alam kong hindi ako kawalan sayo.”
“Ayoko na kitang kausapin lalo na ngayon, hindi dahil sa kinuha mo agad ang pamilya ko, pero dahil sa ‘nahihiya ako sayo’.”
“Sa ngayon. isa muna sa mga tauhan mo ang kakausapin ko. mag-iipon muna ako ng lakas bago kita kausapin.”
“At sa wakas, sa muli kong pag bisita dito…
Nakaluhod papalapit sayo…
Sisiguraduhin kong ang panyong matagal ko ng hinahanap,
ay madadampian ang katawan mo.”
Saturday, May 17, 2008
--tebele--
Raindeer?
Dear Rain,
Hindi ko alam kung panu sisimulan pero sisimulan ko na.
Onti lang naman po ang pangarap ko sa buhay.
Tulad ng pangarap ng nakararami, ang makapag tapos ng pag-aaral.
Isama mo narin ang makapag asawa ng mayaman lalo na sa isang tulad ko.
Practical na kung sa practical pero wala naman ng taong may obligasyon sakin kundi si Nanay Hilda nalang. Napulot nya raw ako noong 2 taong gulang ako sa isang dry market gawing Marikina. Hindi pa nga ako naniniwala noon.
“napulot lang kita! Kaya gawin mo mga sasabihin ko!”
“niloloko mo naman ako nanay eh. Anak mo ko at mahal mo ako.”
“asa ka! Sige na, umalis kana at mag tratrabaho kapa, wag ka ng mag-almusal.”
Sweet po talaga sakin si Nanay Hilda. Sa ka sweetan nya eh kinailangan ko syang tulungan sa mga gawain nya. Medyo mahirap ang mangilan ngilan tulad ng pagbubuhat ng mga drum na may lamang maduduming damit.
Mga damit na hindi naman amin. Pero kahit amin pa iyon, ako naman ang taga laba ng mga damit ko, sobra na kung ipapaubaya ko pa un ke nanay at hindi naman ako pala ligo at may ulan naman tayung tinatawag kaya hindi aksayado ang tubig at sabong tinitipid nya.
Ibang serbisyo ang naibibigay ni nanay sa katabing subdivision namin. Bukod sa paglalaba nya ng damit eh taga plantsa din sya. Mapa buhok ay wiling syang deretsyohin.
May asawa nga pala si nanay Hilda. Si tay Pedring na lagging lasing. Grabeng kaba ko kapag asa bahay sya, ang lalaswa kasi ng lumalabas sa bibig kapag nakainom. Kung san san pa umiihi.
Minsan tinabihan nya ako at sinabing “wag kang magsusumbong”. Kinabahan ako noon.
“wag kang magsusumbong…”
“wag… eee… bakit po tay Pedring?”
“may gelpren ako… wag mo sasabihin sa nanay Hilda mo, pag nagsalita ka kakalbuhin kita!”
Wala po akong nagawa noon at syempre hindi ko naman dapat sabihin. Hindi lang nya alam, may boypren din si nanay Hilda na isang driver sa mansion nila Mayor Kim-Kong.
Kahit lasing naman tong si tay Pedring eh hindi sila pala away ni nanay. Siguro naiisip nilang kasalanan na ang pangangaliwa nila tapos mag-aaway pa sila. Saka bihira kong makitang malulungkot ang mga mukha nila, madalas ko kasi silang nahuhuling magkayakap… habang hubad. Doon ko po napatunayang iba po talaga ang tunay na pag-mamahal.
Pero isang araw. Napansin kong iba na ang kilos ni nanay Hilda. Nanginginig sya lagi na parang nilalamig. Hindi ko naman masyado pinapansin dahil kapag nakauwi na si tay Pedring eh nawawala ang nginig neto. Hindi ko alam kung anong gamot ang binibigay ni tay Pedring pero nakakapag papawis eto at nagiging normal si nanay.
Sumunod na buwan. Hindi ko na nakikita nanginginig pa si nanay. Normal na sya. Normal syang natutulog sa isang malaking kahon na kasyang kasya sya. Parang sinukat lang.
Lahat sila malungkot. Ako lang ata ang masaya nung gabing un. Ang dami kasing bulaklak na ang lalake na bigay ng mga mayayamang customer ni nanay. Ang dami ding pagkain at inumin tulad ng kapeng iba iba ang lasa at mga biscuit at cookies pa. At ang talagang ikinatutuwa ko…
“ang ganda pala talaga ng buhok mo Neng…”
“salamat po”
“totoo nga ang sabi ng nanay mo, iba ang buhok mo.. natural ang ganda”
“salamat po”
Puro salamat lang ang nasasabi ko. Sobrang touch ako sa mga sinasabi nila. Talagang ang sweet mo nanay. Pinag mamalaki mo ako kaya pala ganun nalang ang trabahong naisipan mong gawin ko.
“te, bele naman kayu…” habang kumakatok si Neng sa isang malinis na bintana ng kotse.
Ngumingiti lang ang ilan nanay. Ang iba naman shine-shake shake ang kamay nila sa harap ko at may matching iling ng ulo.
Minsan naisipan kong bentahan naman ang lalake.
“koya… bili ka naman” kalabit ko sa braso sa na nakapatong sa bukas na bintana ng sasakyan.
“aanhin ko yan? may nakikita ka bang buhok ko?” ang sagot ni koya.
“sa gelpren nyo po” maawa awa kong sagot.
“wala ako nun.” sabay harurot ng madumi nyang sasakyan kahit naka stop sign pa.
Ngayon ko lang naintindihan nanay ang kahalagahan ng pinasukan kong trabaho noon. Trabahong ipinagkatiwala nyo sa akin.
Nay… sana nakikita nyo ako ngayon.
Kung hindi ngayon eh sa mga tv o billboard sana.
Okay ang sweldo ko at sobrang saya ko sa mga papuri nila sakin.
Nay… naiintindihan ko na kung bakit ok lang sa inyo na magpaulan ako noon.
Akala ko wala lang talaga tayong pambiling payong…

pero nakakaganda pala ng buhok ang ulan.
Sige nay, kainin nyo sana ang fruit salad na pasalubong ko.
Babalik ako bukas para alamin kung naubos mo
at lilinisin ko rin yang bahay bahayan mo.
Mag pahinga ka lang dyan…
Mahal kita.
Wednesday, May 14, 2008
-- ilista mo --
Ehdi ang mga hindi ko kilalang tao.
Ang mga nakasoot ng unipormeng pang eskwela.
Sila lang naman ang may lakas ng loob dahil hindi nila alam ang tunay na hiwaga ng lugar na ito.
Bahala silang mapahamak.
Mga bobo!
Tumahimik nanaman ang paligid…
Busy nanaman sa kanya kanyang trabaho ang lahat.
Balik sa normal na gawain na ikinabubuhay nila…
Makaalis nga muna.
Bibili ako ng ikabubusog ng tyan at ng utak ko.
“isa nga pong alam nyo na…” bungad ko sa tindahan ni kuya Nestor
“may utang kapa ah?! Pero eto oh, umaasa ako sa kinuwento mo sakin kagabi, sa plano mo” sambit ni Kuya Nestor
“haha! Nako. Kalimutan mo na un. Lasing tayu nun eh…” matawa tawang sabi ko.
“pakyu ka naman… bayaran mo yan ah” ang madiin nyang sagot.
Ngumiti nalang ako ng mukhang gago sa kanya at umalis para simulan na ang pagbibigay buhay sa katawan ko.
Pagkaraan ng 30 minuto eh bumalik na ako kung saan ako nakaupo kanina.
Aba’y nagpalit na nang damit si Ana at medyo basa pa ang buhok.
Naligo to malamang, pero walangjopay naman! Ang ikli parin ng soot. Kapag eto napadaan talaga sa harap ko, huhubaran ko talaga to hindi lang sa tingin eh.
Asan na kaya si Manong Bertong dirty ice cream…
Baka nag bebenta na ng taho…
Si Tsester kaya?
Sana naman magpahinga naman sila ni aling Marta.
“pipay ng mermaid naman… its raining again!” ang sabi ni Mr.Black na katabi ko pala.
“its true nga po. Maybe the rains like u so you can smells good po.” ang sabi ko habang padugo ang ilong.
“yah. Totally. And opcourse its free like care… kumain kanaba?” ang banat ni Mr. Black sakin.
“ay tapos napo. Sarap po. nakakabusog.” Ang masayang sagot ko.
“alam ko. kanina mo pa ako katabi eh. Nakikita kitang masayang masaya sa pagkain mo.” Ang pang-aasar na sabi ni Mr.Black.
“Mr. Black naman eh…” ang mangiti ngiting sabi ko.
“dahil sa kinain mo kaybigan, eh tuparin mo ang mga sinasabi mo sakin kapag sabay tayong naglalakad pauwi… ha. Bibilan mo pa ako ng psp ung color pink.” ang magandang request ni Mr.Black sakin.
“abay opo. Walang problema… sige ho. Una na ho ako… may dadaanan pa ako at may aasikasuhin.” ang magandang pamamaalam ko ke Mr.Black.
Pumunta na agad ako sa skwela. Miss ko na ang mga guro ko.
“Mam Che! Peram naman ho ng ballpen at lapis, may isusulat po ako” ang sabi ko sa tister kong maganda.
“hay nako… puro kalokohan nanaman yan! asan assignment mo? Ginawa mo ba?” ang nakataas na kilay na bungad sakin ni mam.
“mam Che naman eh. Highblood ka? Sige na peram nalang muna ng panulat.” Ang pakiusap ko.
“nako naman. Siguraduhin mong yang isusulat mo eh may kwenta ah. Mahal na ang bilihin ngayon.. wala akong perang pambili ng bolpen.” Ang biro nito sakin.
“haha! Oo ba. Importante itong isusulat ko para sakin. ewan ko nalang sayu!” ang sabi sabay takbo sa labas ng silid aralan.
At biglang nag bell…
“punyeta ka Tektek! Nag de day dream ka nanaman dyan! Kanina ka pa namin hinahanap. Tara na may practice pa tayo…” ang sabi ni Jep.
“ok ok. Teka lang.. wag kanga atat” ang sabi ni Tektek.
“anu nanamang ka jologsan yang hawak mo Tektek. Pabasa naman…” ang pang-asar na sabi ni Jep.
“wag kang epilogs Jep. Importante to sakin…” ang matatag na sabi ni Tektek.
“taena mo! Pabasa na!”
At sabay hinablot ni Jep ang sulat sa kamay neto.
“animal ka, bilis parin ng kamay mo Jep.” Ang mainis inis na sabi ni Tektek.
Ang nilalaman ng sulat…
May 13, 2008
- Makapag tapos ng pag-aaral (pagtapos na…)
- bibigyan ng pang negosyo si Manong Berto kahit manyakis sya.
- isusumbong ko si Aling Marta sa asawa nya dahil malandi sya.
- Ipabubugbog ko si Tsester. (Gusto ko malaman kung gano sya ka macho)
- psp naman para kay Mr.Black na taong grasa para may libangan sya
- Si Jep snatcher naman eh bibilhan ko ng cellphone
- Si kuya nestor, pagagawan ko ng mall . haha!
- Si mam Che naman na bading na titser eh bibilhan ko ng boypren este bolpen.
- At bibilhan ko ng disenteng damit si Ana at aayain syang pakasalan ako.
Ako nga po pala si Teknisyo o Tektek for short…isang tambay sa palengke at rugbyboy na ulilang lubos. marami pa po akong wish at pangarap… alam ko pong dadating ang panahon na matutupad ko tong lahat.
Godbless me po.
“tektek… may tinatago ka palang ganito. Sweet mo ah…” ang pang-aasar ni Jep.
“letche ka! Hindi kana kasama sa pangarap ko. 2016 na, hindi na uso cellphone.
“sige na, pauusuhin ko ulet…” ang banat ni Jep sakin.
“fine. Pero tara na, last practice na… at bukas… sa wakas… sa loob ng walong taon, makakatapos din ako… sisimulan ko na ang mga pangarap ko.” ang may paninindigang sabi ko habang nakatingin sa kalangitan.
Monday, May 12, 2008
--tissue--
Ang sarap mo talaga mahal kong Neykah…Iba ang katas mo…
Naghahalo ang ating mga katas na nakakalikha ng napakasarap na lasa.
Lasang pwedeng pwedeng i-ulam sa kanin.
Hindi nakakasuka, hindi nakakasawa.
Sa bawat dikit ng balat ko sa kutis mong makinis, nakakalimutan kong may oras palang tumatakbo.
Ang ganda mo. Mukha kang anghel. Mapatuwad kitang binabayo eh mukha mo parin ang naiisip ko. Papikit pikit kapa at napapakagat ng labi. Tinutulungan mo pa ako sa pagyanig at diin na nag papasarap sa ating pagmamahal. Iba ka talaga!
Matagal narin tayong mag kakilala ano? Walong buwan narin yon at masaya ako sa piling mo. Minsan nga eh kinailangan ko ng matulog dahil may pasok ako kinabukasan pero mas pinipili kong makipagtalik sayu kahit tulog kapa. Alam kong sa bawat pagdila ko sa leeg at tenga mo ay nakikiliti kang tunay at pati kaluluwa mo ay nangingiti sa galak. Madalas kong ginagawa yan at patuloy ko itong gagawin.
Ang sarap mo rin talagang magluto pero wag ka ng mag-abala pa... masaya na akong ikaw lang ang kinakain ko.
Masarap nga ako iniibig kong Beetoy…
Totoo ang mga sinabi mo.
Masarap karin naman eh, pero manawa ka naman kahit kunwari lang. Baka kapag ako nawala na (namatay) eh hanap hanapin mo ko.
Talagang hahanapin kita at kapag hindi kita nahanap eh papakamatay ako. Kung malaman ko namang patay kana eh akong bahala sa katawan mo, hihi. Kahit hindi ka nga naligo ng 1 linggo eh sarap na sarap parin ako sayu. Malamang matitiis ko rin ang katawan mong inaagnas na. Saka mahal kita. Mahal kita Neyka. Pakakasalan kita... bukas pupuntahan na natin parents mo...
Oo na Beetoy. Tara na makapag 5th round na tayu at matulog na tayu ng sabay. Wag mo na akong galawin habang tulog kasi sobrang dami kong ihi sa umaga… iniihian mo ba ako sa loob? Kung oo eh wag naman ganun, pumayag na nga akong iputok mo ng iputok eh. Hayz.. tara na’t mag last round.
Friday, May 09, 2008
--Kanton sa Ulan--
Iba parin kapag alam mo gusto mo…
pero hindi lahat ng gusto eh magagawa mo.
Nakabase ang disisyon sa sitwasyon.
Napapanahon ang lahat.
Gorgia – “nagpaload lang ako, paranoid ka naman”
Fernand- “malamang ma paparanoid ako! tang-ina moh, ang tagal mong nagpaload!”
Gorgia – “eh sarado tindahan kela ate Binglod”
Fernand – “ah.. so galing ka pang mall at dun ka nagload…”
Gorgia – “ah eh… ganun nga… hihi”
Fernand – “ok ok… kain na tayu ng tanghaliaan”
Ilang oras din naghintay si Fernand ke Gorgia pero panatag itong uuwi din sa kanya at makakasabay nya sa paghiga sa
Fernand – “mahal na mahal kita Gorgia. Hindi kita iiwan. Ayus lang na magkalalake ka, kahit ilan pa yan dahil alam kong uuwi karin sakin, na ako lang ang mahal mo.”
Gorgia – “hihi. Talaga? Bakit?”
Fernand – “yan nanaman yang bakit na yan!”
Gorgia – “ehdi wag mong sagutin at matulog na tayu!”
Fernand – “eee… tabi ka muna sakin”
Gorgia – “ewan ko sayu! Sa ilalim ako ng
Fernand – “ayus ah! Bahala ka!”
Gorgia – “talaga!”
Gawain madalas ni Gorgia ang matulog sa ilalim ng
Hindi matigil-tigil sa pag pudpod ng hinlalaki.
Hindi ko alam kung may ka txt ba sya o nag lalaro lang ng sudoku na hindi alam ni fernand kung pano laruin.
Isang taon narin ang nakalipas at ayus naman ang dalawang magkasintahan.
Madalas silang mag-away sa mga nababasang txt ni Fernand at hindi tamang oras na pag-uwi ni Gorgia.
Hindi pala kwento si Gorgia at tinutulugan nalang nya itong si Fernand pagkauwi galing pag papaload.
ineentertain nila ang tawag ng laman.
Pero madalas pagod si Gorgia galing sa paloadan kaya madalas ding magtaka si Fernand.
Pang-uuto at pang-iintindi ang naging dahilan ng 1 taong pagsasama.
Kahit puro kapintasan si Gorgia…
kanyang sarat na ilong, matigyawat na mukha, maliit na tangkad, at kupal na ugali eh mahal na mahal parin sya ni Fernand.
Isang madilim na umaga ang sumira sa pangarap ni Fernand.
Gorgia – “OH! ALAM MO NAMAN PALA EH! EH BAT KA GANYANG MAG REACT?!”
Fernand – “HINDI PA AKO HANDA! HINDI PA AKO HANDANG IWAN MO KO…”
Gorgia – “ehdi mag handa kana…” (malumanay na sabi nya)
Fernand – “wag mo kong iwan pls… huhuhuhu”
Gorgia – “kelangan kong gawin to… nakapag empake nako kagabi at naghihintay na sa labas si Anton”
Fernand – “san ba ako nagkulang? Ha?! San?!”
Gorgia – “wala… lahat ay maayos. Halos perpekto ka na nga. Ako ang
Fernand – “gago ka! Huhuhu… sino ka para sabihing hindi ikaw ang para sakin? huhu… mahal na mahal kita… wag mo kong iwan…”
Gorgia – “paalam… malapit ng umulan… walang dalang paying si Anton”
Fernand – “SIGE! TANG INA KA! POKPOK KA! WAG KA NG BABALIK!”
Habang naglalakad papalayo si Gorgia papalapit ke Anton na nakatayo sa kanto. Sumigaw sya kasabay ang hangin na malakas…
“KANTON LANG IPAPAKAIN SAYO NYAN! BABALIK KARIN SAKIN!”
At sumagot naman si Gorgia…
“OK LANG!”
Sumigaw ulet si Fernand…
“KANTOT LANG ALAM NYAN!”
Sumagot ulet si Gorgia…
“TALAGA!”
at ang may pang-gigigil na huling sinabi ni Fernand…
“MAHAL… NA MAHAL… KITA GORGIA!!!”
Wala ng sagot si Gorgia sa sabi ni Fernand.
Mangiyak-ngiyak inuulit ni Fernand ang mga huling salita habang sumasabay ang pagpatak ng ulan.
Asa kanto parin ang dalawa dahil wala silang payong at nagpapaka masokista si Fernand habang nakatitig sa dalawang magkayakap.
May gusto si Chiky kay Fernand at gusto rin sya nito pero hanggang dun lang ang pagtingin ni Fernand. Sa tuwing magtatalik sila eh seryosong binabayo ni Fernand si Chiky at walang bahid na kahit anong ngiti. Wala ng tanong tanong si Chiky dahil nakakasigurado syang mahal pa ni Fernand si Gorgia at alam nyang makakagawa sya ng paraan para mahalin sya nito.
Isang hapon na ma-pink-pink ang kalangitan.
Masayang may galak na binalita ni Chiky ang…
Fernand – “wow! Ang saya saya mo nga… bakit?” (sumasabay narin sa pag talon)
Chiky – “buntis ako!” (jump jump)
Fernand – “talaga! Sino ama?” (tumatalon parin)
Chiky – “ikaw tanga”
Natigil sa pagtalon si Fernand at nanahimik. Hindi na nagtanong si Chiky kung bakit. Alam na nya ang dahilan…
Fernand – “pasensya kana sakin… mahal na mahal ko talaga si Gorgia at hindi ko sya makakalimutan…”
Chiky – “alam ko naman yun” (habang nakayuko at umiiyak)
Fernand – “mahal na mahal ko sya… pero hindi kita iiwan. Palalakihin natin yan at hahayaang mangarap na matutupad nya”
Chiky – “talaga?! Saya naman”
Fernand – “pero may pakiusap ako…”
Chiky – “kahit ano…”
Fernand – “kapag babae ang anak natin, Gorgina ang ipapangalan natin at kung lalake naman eh Gorhelio… payag ka naman diba?”
Chiky – “walang kaso…”
Sa kabilang kanto naman…
Anton – “oo naman…”
Gorgia –“ mahal din kita kahit kanton lang kinakain natin lagi”
Anton – “mahal din kita at sensya na kahit puro kantot lang tayu”
Gorgia – “oo nga, buntis kasi ako…”
Anton – “di nga?! Ah eh.. ehdi ok.”
Gorgia – “gusto ko
Anton – “ipalaglag?”
Gorgia – “hindi noh! Gusto kong ipangalan eh Fernando”
Anton – “sigurado kang lalake anak mo?”
Gorgia – “OO SIGURADO AKO AT WALA AKONG PAKE KUNG AYAW MO! AT KUNG BABAE MAN EH FERNANDO PARIN ANG GUSTO KO. WAG KA NG UMANGAL! PAKYU!”
Anton – “
Tuesday, May 06, 2008
--i want manny--
Kahit nakakasakit na eh tuloy parin sa pagtawa.
Minsan nga eh nakakapagpaiyak pa.
Baka sinasadya ito dahil wala talagang magawa.
O sadyang gago lang at ito lang ang libangan.
Nababasa nyo naman siguro ung mga jokes ke Manny Pacquiao. Yung maling pag e-english nya. Sabihin na nating nakakatawa naman kasi talaga eh, pero sasali ka paba sa mga taong nakikitawa sa kanya? Wala na bang ibang jokes? Madami naman ah. Siguro’y katatawanan nalang din un ke Manny kung nababasa nya rin ung mga yun, pero yung part nya bilang tao, na dapat nirerespeto lalo na’t world champion ng boxing, na nag-eendorse pa ng NIKE eh talagang nakakamangha. Ang lufet.
Malufet sya. May nag sasabing mayabang sya pero sakin, para sakin eh walang kaso yun, ok lang. May ipagyayabang sya eh.
Posible bang mawala ang mga mayayabang sa mundo? Kung oo ehdi dapat mainis ako ke Manny, pero kung hindi naman eh hindi dapat ako mag-paapekto sa kayabangan nya.
Kung mawawala ang mga tumatawa sa jokes ni Manny, hindi kawalan ng kahit sino yun. Sikat parin si Manny kahit wala syang jokes. Eh tayo este kayu, Masusulusyunan ba nya ang problema nyo? Makakapag-bigay ng numerong tatama sa lotto? Ika-eevolve ba yun ng walang kwenta nyong buhay? Kung oo ehdi sige, tawanan nyo parin, ipagpatuloy ang isang bagay na ikauunlad nyo… malay nyo, makatulong yang tawang yan na mabayaran utang ng pinas at para naman hindi na tumaas ang presyo ng bigas. Hehe.
for more funny pics check nyo yan kasi ang galing… pareho kami ng subject ng hindi sadya. Weee…
Sunday, May 04, 2008
--betah late than nevah--
kailan nga ba to? nyemas.. hindi ko maalala kung kelan to. haha... pero masaya to. EB ng mga tambay ng Greenpinoy na dapat eh mas marami pa kami pero kami lang ang mga available. at wala kaming ginawa ni GP kundi mag tawanan

at may ganito pa. yang Reserved na yan. na sobrang ikina touch ko talaga. haha. kakaaliw eh. hindi ko lang alam kung san ko ilalagay yan. gusto kong butasan at isabit sa may pinto ko sa kwarto. haha.
Thursday, May 01, 2008
--namiss ko--

tagal na akong hindi nagplaplantsa... siguro 2 buwan ng hindi. nakakamiss lang. lalo na yung tambak na plantsyahin ng tatay ko na ang lalake pa. sobrang chalenge sakin un. haha!
naalala ko tuloy nung grade 3 ako, pinalantsya ko ung palda ko sa skul, ayun sunog. hihi.
(si Ti (4 yrs old) ang kumuha ng pic nato)
isang taon naman na halos nung huli kong pagwawalis.
dati halos araw araw akong nagwawalis sa labas namin at pati narin ang sa labas ng mga katapat naming kapitbahay.
natigil nalang nung may MMDA na umaaligid sa lugar namin at isang babaeng may diperensya sa utak na hobby ang pagwawalis habang kinakausap ang mga dahon.
(inuto ko naman ang kapitbahay naming kababata ko na kuhaan ako ng pic)
ito naman... ah ewan. imbentong drinks lang naman ng tatay ko.
taenang lasa. (medyo ok naman)
itsurang lupa na may damo nga lang. hehe.
actually trial palang pero sasarap din yan.
blinender na...
saging, carrots at celery...
na may springkled sugar.
try it.
mama - paunahan tayung maubos...
pb - mauubos na sakin oh
mama - galing ah...
pb - woi! wag mong tulakan ng tubig! daya mo eh!
mama- hehe...



