Wednesday, April 30, 2008

KAILANGAN ay ang DAPAT

Sanayan lang minsan ang mga bagay bagay…
Sanaying masaktan, sanaying malungkot…
Pero napatunayan kong nakakaumay din pala…
Nakakasawa.

Ang kakapal minsan ng mga taong magsalita kung anu ang tunay mong nararamdaman.
Sabihing… “di mo ko talaga mahal” o kaya “kalokohan yang mga sinasabi mo!”.
Hindi ba nila inisip na sya ang taong unang nagpakilala ng salitang mahal at sya ang taong naging tama sa buhay nya tapos ganun ganun lang, hindi mahal, kalokohan? Ayus diba?

Sariling kalungkutan lang ang iniisip. Hindi naisip na kapag nalungkot o nasaktan sila ay may masasaktan din. Kapag galit ang isang tao, astang Dyos na kung magsalita. Galit eh. Pero ganun ba talaga yun? Dapat ba ganun? Kapag galit kaba eh may point kana? Kasi astang Dyos kana eh. Hindi naman diba?

Ang dapat bang magalit ay yung may mga karapatan lang? ang balita ko eh lahat ng tao ay may karapatan… eh pano un? Hindi ako pwedeng mag-inarte kung di naman ako maarte? Papano kung fill kong gawin un? Eh tang na, papano kung mali pala yung fill ko? papano kung trip ko lang talaga at gusto ko lang mang-inis ng tao? Ehdi ang kupal ng dating ko nun… baho nun.

Pero eto lang yun eh. Madaling ipaglaban ang isang bagay na sigurado ka. Yung sobrang sigurado na kahit anong pambabara eh hindi magbabago ung kagustuhan mo. Pero hindi ibig sabihin nun eh gagawin mo na yung gusto mo sa lahat ng oras. May mga kailang at dapat gawin. Napapanahon yan. Ang panahon ang magbibigay mismo ng takdang oras. Matalino at mabait si God kaya totoo tong sinabi ko. At dahil dyan, kung meron ka ng gusto talaga, yung gustong gusto na pinaniniwalaan mo na eh wala ka ng pake sa mga sinasabi ko kahit totoo pa.

KAILANGAN talaga ay ang DAPAT. Pero anu nga ba ang dapat? (na dati ko ng tanong sa luma kong blog). May sagot nako…
“dapat ang mga bagay na nag papasaya sayu, sa kanya, at sa lahat.”

Pero uulitin ko… may kanya kanya tayung TUNAY at matigas na kagustuhan... maaaring wala ka ng pake sa mga bagay na kailangan at dapat talaga. Bale… bahala kana nga!

Saturday, April 26, 2008

--dapat--

Noong panahong di pa uso ang condom… Sa himpapawid. Masaya ang mga ibon sa pag fly-fly nila. Paikot-ikot sila at patambling tambling. Tuwang tuwa sila sa pagpapagaspas nila ng kanilang mga pakpak. Ang isa’y muntikan pang mahulog dahil sa hindi tama ang timing ng kanyang paglipad. Mumuntikan ding mahulog ang lalakeng nasa bubong sa kakatawa dahil sa mga pangyayari sa himpapawid ngunit ang totooy high na high na ang lalake sa pagbabato (drugs) nito. Imbes na ibon ang nakikita nya eh mga anghel na nakahubad ang nakikita nyang palipad-lipad.

Si lalake ay mahilig sa chiks pero mas trip nya ang mga malalakeng manok. Adik din kasi sya sa pagsasabong. Naniniwala naman syang ang mas matandang babae sakanya ay makakatulong sa kanyang mga bisyo. Bisyong ayaw nyang tantanan dahil ito lang daw ang kasama nya kahit san man sya magpunta, pero dapat me pera kasi adventutours tong si lalake. Mapasimbahan at hospital ay gumagawa sya ng paraan para makapag-bato. Nagtatago sya sa mga poste poste, bahagyang uupo at ilalabas ang kanyang mahiwagang mini plastic bag na parang hindi nauubusan ng laman, kung baga para itong bottomless water sa isang karinderya.

Masaya sya lagi. Laging nakangiti. Kahit di nya kilala eh nginingitian nya kaya madalas syang napapa-away pero natutuwa naman ang mga bading. Nung isang araw nga eh galing syang ospital dahil napag tripan sya ng mga tambay sa isang eskinita. Kayang kaya sya ng mga tao dahil si lalake ay mukhang geek. Oo, geek.. nakasalamin kasi sya, me braces ang ipen at laging me hawak na isang makapal na puting libro pero maliit lang, may nakadrawing pa na maliit na flower sa right side nito, mukhang gumamela ang dating ng flower.

Nakakamangha, Ni minsan hindi nya to binibitawan. Sa pagtulog eh yakap nya ang puting libro o di kayay nasa ilalim ng kanyang unan. Minsa’y tinatago pa nya sa tagong parte ng katawan para tago kasi sa tagong parte nya tinago kaya tago talaga. As in.

Puting libro? Anong nakasulat sa loob neto? Maaaring mga litrato ng kalikasan na nakadikit sa ibat ibang pahina na nangangailangan ng diskripsyon. Pwedeng mga autograph ng mga sikat na tao tulad nila Michael Jakson, Pres.Bush, Charice Pempengco, Gregory House, Mavrik and Ariel at iba pa. Baka (manok, baboy) malay natin mga pictures ng mga gelpens nya na iniwan sya pero hindi sumisagi sa isip na sunugin na ang mga ito.

Pero dahil isang araw habang naglalakad tong si lalake papuntang urinal cubicle na kulay pink gawing Marikina, eh nabitawan nya ng di sadya ang puting libro. Medyo nasilayan ko ng bahagya ang nasa loob… nakabasa ako ng “gulo, emosyon, galung-gong” sa unang pagbuklat at ng humipan ang hangin “ibon, langit, pangarap, kilos, bato, luha at katapusan” ang nakitang mga salita. Pasensya na’t mabilis ang mga pangyayari at yun lang ang aking nabasa. Pinulot narin nya ito kaagad at sisimulan na nya marahil ang kanyang ritwal.

Lumipas ang isang linggo. Wala akong balita sa lalakeng geek na ito. Nabalitaan ko lang na nagbakasyon sya sa Bicol kasama ang kapatid nyang maganda pero malandutay at ang ama nya na kabaliktaran ng ugali nya na sobrang cool pare. Isipin mo, tatay mo naka i-pod?

Nagbakasyon sila para mawala ang lungkot ni lalakeng geek na napansin ng kanyang ama na dapat eh matagal na. Ibang iba na talaga ang pinag bago ni geek. Mahaba na ang buhok nya at medyo tumangkad pa at talagang nakakagulat iyon. Ehdi yun, nag swim-swim sila sa dagat, kumain ng mga ihaw na pagkain, mga prutas, namapak ng pili nut, humigop ng buko at syempre itong si landutay sister eh talagang nagpapacute sa mga papoging kalalakihan na may mga buhok na kulay mustard.

Kinausap ng masinsinan ni cool tatay si geek. Kung ano bang problema nito at kung ano ba talaga ang gusto nya. Tulad ng dati, hindi parin nag sasalita ng bukal tong si geek. Sumagot lang sya ng “tay, ok ako. wag kang mag-alala” habang namumula ang mga mata. Hindi na pinansin pa ni cool tay tong si geek at nagkwento nalang tungkol dun sa concert ni Neyo na nasaksihan nya.
At talagang wala akong balita. Yun lang talaga ang alam ko.

Pero isang araw… habang nagsasampay ng basang damit namin ng nanay ko dahil sya ay may karamdaman eh isang sigaw sakin ang kinagulat ko na ikinahulog naman ng sinasampay ko. “potah naman! Mahal ang Downy eh! Anu ba yun?!” at sabi ng kaybigan kong sumigaw na “woi tang ina ka! Patay na si Gringgo! Uminom daw ng acetone”. “tang ina mo rin, may sakit nanay ko, wag kang mag mura!” Habang sinasabi ko ang mga salitang yan… walang katapusan ang pagpatak ng luha ko na parang wala ng bukas.

Patay na ang bestfriend ko. Di ko man lang sya nakausap. Ni di nga ako nagpapakita sa kanya pero ako sunod ng sunod sa likod nya. Nahihiya kasi ako sa mga nagawa ko. Ang pang-aapi ko sa kanya. Ang pagtaksil ko sa utol nya. Ang mga paninira ko sa kanya.

Pero tang-ina mo kasi eh. Bat pa kita nakilala. Dapat hindi ako matututong mag bisyo! Yan, nakakagawa ako ng mga bagay na hindi na tama at alam kong nasaktan kita. Dapat hindi ako matututong umintindi ng mga bagay bagay eh pero dahil matalino ka, iniintindi ko lahat at humantong pa sa pangingialam ko sa iba! Natuto akong kalabanin ang kunsensya ko. Kasalanan mo lahat to.

"Kasalanan mo Gringgo… Geek. DAPAT pala ako ang nagbago sa ugali mong yan, hindi yung ako ang nabago mo. DAPAT sana buhay kapa ngayon. Adik ka talaga! huhu..."

Nga pala… wag kang mag-alala… yung puting libro mo na iniingatan mo na sabi mo sakin na wag kong pakikialaman… babasahin ko ah kaya mali ako, mag-alala ka pala. Magalit kana sakin. Bisitahin mo pa ko. Matagal na kitang gustong makausap eh at talagang mamimiss ko ang pagtambay natin sa bubong nyo.

Wednesday, April 23, 2008

--BOSS?--

Kelangan kong bilisan ang paghahanap ng bigas. Gutom na ang limang anak ko lalo na’t may outing pa sila sa Subic mamaya kasama ang mga kabarkada nilang anak ng mga ina at ama nila na walang ginawa kundi ang makipag inuman, laro (apoy at dota), sugal, at weeds. Mga sesame weeds na tinatanim nila sa mga paso na dating cactus ang nakatirik. Mababait sila kung sa mabait. Kapag nagkakatuwaan kami ng isa sa mga anak ko at nasapak ko sya bigla sa ilong dahil nahuli kong may kinakabayo sa kwarto nya eh dun sya sa mga kabarkada nya nakikituloy. Masaya ako dahil nababawasan ang pakakainin ko este may mga tunay syang kaybigan na hindi sya iiwan. Tamang tama pa naman dahil mahal na talaga ang bigas este sa panahon ngayon eh onti nalang ang matinong kaybigan.

Hinugasan ko na agad ang bigas na hiniram ko sa kabilang bahay na nakuha ko dun sa tabi ng bahay na may 2 tao na nakahiga sa kusina kung saan dapat dun ako manghihiram ng bigas. Anu kaya nangyari dun sa dalawang yun? Ang wild naman nila at dun pa nila naisipang gawin yun. Ang mga kabataan talaga. Pero sana, makalimutan ko na ang babaeng nakahiga eh patay na at ang lalakeng binuhusan ko ng malamig na tubig eh na nagising eh sana, hindi nya ako maalala. Ayokong mapagbintangang ako ang pumatay sa babae. Bakit kaya namatay ang babae? Hala… baka patay nadin ang lalake. Baka nag cr lang yung killer tapos pinatay din nya yung lalake. Nako naman… anu ba tong iniisip ko.

Hmmm… baka naman nagpakamatay yung babae dahil sa kanyang minamahal. Oh kaya wala narin makain ang kanilang pamilya at ayaw na nyang palamunin pa sya. Oh di kaya eh katuwaan lang, ayaw na nyang mabuhay at siguro na kakasigurado syang sa langit sya mapupunta. Pwede ring naka droga sya bago sya magpakamatay. O di kaya eh nilason sya. Ang dami atang posibleng dahilan pero sino ba sila? Bat ko pa sila iniintindi? Dapat sarili ko ang isipin ko at ang pamilya kong madalas nang nagugutom. May kanta pa naman akong pinaniniwalaan... yung “walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang” pero sa ngayon, sarili ko at pamilya ko lang muna. Pass muna ako sa mga taong walang kwenta na may kailangan ng tulong ko.

Malamig ang summer naming pamilya ngayon. Gusto naming mag puntang dagat at magtampisaw sa malamig-lamig na tubig habang nakasoot kami ng pang swimming para mawala man lang pansamantalang init na pinadarama ng panahon, pero hindi na naming gugustuhin pa. Sabi ko nga, malamig ang summer namin, (paulit ulit ka ah).

Malamig talaga ang pakiramdam namin. Eto yung gutom ka, wala kang makain, tapos itutulog mo nalang ang gutom mo at lalamig ang buong katawan dahil petix lang ang mga systems sa katawan na dapat eh nasa proseso nang pagbibigay panibagong lakas para sa kinabukasan. Wala silang ma-digest na kahit na ano eh kaya minsan naiisip kong wag na lang sana kami gumising pa bukas. Sige, kahit ako nalang. Sinusukuan ko na ang gutom. Minsan nawawalan na ako ng pag-asang aangat pa kami. Naiiyak nalang ako minsan sa isang sulok ng maliit naming bahay kakaisip kung ano kakainin namin bukas habang tuwang tuwa naman ang bunso ko sa kakalaro nya sa ps2 nya. Namomoblema pa ko lalo ng sinabi ng bunso ko na PS3 naman ang gusto nyang gift sa 8th haburdey nya.

Etong asawa ko naman na ubod ng ganda eh napaka sipag. Sa umaga, gigising yan ng maaga para mag luto ng noodles o pansit kanton na may halong itlog na bli-nender muna. Papakainin naman nya ang mga alaga naming hamster at rabbit na nakakulong sa kulungan sa ilalim ng dinning table. Tapos nun eh paliliguan nya ang bunso namin at madalas este minsan eh sumasabay narin ako para tipid sa tubig. (hihi) pagtapos ng liguan eh magluluto na sya ng tanghalian na noodles o pansit kanton na may side dish na sunny side-up egg at mga gulay na repolyo, talong at swamp cabbage na crunchy pa. Pagkatapos ng kainan eh maliligo ulet ang asawa ko at makikisabay ulet ako. Mainit kasi sa tanghali. Aalis ang asawa ko para maghanap ng trabaho. Nakapustura parin ang pamilya namin kahit medyo hirap kami sa buhay. Naka pabangong ang misis ko ng 212Carolina Herrera On Ice at ang mga dalagita ko namang anak eh naka Elizabeth Arden. Importante daw ang amoy ng tao sabi nila, nakakalimutan nilang mahirap kami kapag may nagsasabing mabango sila.

Uuwi na ang misis ko galing sa paghahanap ng trabaho. Madalas este minsan nagugulat ako na nag e evolve ang amoy ng misis ko. Mabango parin sya. Nakakainggit. Amoy Hugo Boss na sya for men. Sana ganun din ang amoy ko kahit minsan lang at syempre may dala ng hapunan si misis para samin. Mainit init na noodles o pansit kanton at side dish na tofu na may masarap na sawsawan na toyo mansi at di mawawala ang mainit na kanin. At naiisip kong maswerte parin kami dahil nakakapag dessert pa kami sa lagay na ito. Di makakalimutan ng mabuting asawa ko na sumadya sa grocery store para bumili ng isang bote ng Garbansos. Panalo ang dessert na iyon, nabibigyan kami ng kakaibang lakas sa gabi.

Halos ganun ang pamumuhay namin. Masaya kami at iba iba ang kinakain naming kada meal di tulad ng ibang pamilya na kung ano ang ulam sa tanghali ay ganun din sa gabi. Pero mahirap talaga kami. Kung nung dati eh ako pa ang taga load sa mga N-series na cellphone ng mga anak ko eh, ngayon, mga shota na nila ang tagaload. Pinakikiusapan ko pa ang mga shota nilang anak ng mayor na sila na ang mag load sa mga anak ko at minsan eh samahan na nila ng pang load ko sa computer ko. De-card lang ako dahil naputulan ako ng dsl dahil nga sa kahirapan namin.


Iba na talaga ang panahon ngayon lalo nat may sakit ang masipag kong asawa. Ginugutom na kami madalas at nanghihiram ako lagi ng bigas para pampaibsan man lang ng sikmurang gumagawa na ng banda sa tyan namin. Gusto ko ng sumuko talaga. Naawa na ako sa lagay ko lalo na sa mga anak ko pero isang gabi… masayang sinabi sakin ng anak kong dalaga na… “tay, wag kang mag-alala… ok lang ako kahit wala tayung makain, natutuwa ang mga customers ko este mga classmates ko dahil ang sexy ko daw at may abs pa, may nag aalok pa nga saking mag model tay. Ok lang talaga ako. love you tay”. Nawala naman ang lungkot ko nung gabing iyon at natulog ako ng masaya.


Hayz. Pero alam ko… sa panahong ito, mas maraming nagugutom at napapagod na sa buhay nila. Ako? masaya pa naman ako lalo nat nakikita kong may kinabukasan pa ang mga mabubuti at matitino kong anak.

PS: ang storyang ito ay naikwento sakin ng isang tambay sa kanto na malakas manigarilyo at amoy Hugo Boss.

Wednesday, April 09, 2008

~EROPLANONG PAPEL~

Nasaktan ako. Pinatay ako ng hindi pinapaalam. Sinaksak ako bigla ng kutsilyong purol sa tagiliran habang naghuhugas ako ng pinggan. Medyo ramdam ko pa nga ang dulas ng kutsilyo, ginamit pa ata sa peanut butter para sa pandesal.
Enjoy na enjoy ako sa paghuhugas nun eh (ng pinggan), kumakanta pa nga ako eh ng mga kantang hindi ko kabisado ang lyrics at ini-intsik ko nalang at hina-hum. Actually naririnig ko syang papalapit sakin na medyo natatawa pa sya at yun nga, sinaksak nya ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang salo-salo nya ako. Napangiti ako kasi ang sweet parin nya. Pwede naman nya kasi akong iwan nalang dun pero nagawa pa nyang saluhin ako.

Tinititigan ko sya sa buong mukha nya. Habang nakangiti. Pero mata nya ang pinupuntirya ko. Gusto kong sabihin sa mga titig ko na “mahal parin kita gago ka kahit sinaktan mo ko” para madrama ang dating (pero di ko pwedeng sabihin yun). Hanggang sa malagutan ako ng hininga eh nakatitig parin ako sa kanya. Nakatingin lang din sya sakin. Habang papaalis ang kaluluwa sa katawan ko eh luha ay sumasabay din sa aking pisngi. Papaakyat nako sa kalangitan kasi sa taas eh so langit yun. Patagos nako sa kisame ng bigla tumigil ang kaluluwa ko sa pag galaw. Na stuck-up, nag-hang. Di makakilos ang kaluluwa ko. Naisip kong baka hindi ko pa oras.

Hindi pa nga talaga. Nagulat ako. Tumingin ng dahan dahan si lalakeng sumaksak. Tumingin sya sakin. Saking kaluluwa. Saking buong katawan. At tulad ng ginawa ko bago ako mawalan ng hininga, mata ko rin ang pinuntirya nya. Mata ng aking kaluluwa. Na waring sinasabi ng kanyang mga titig ang “mahal na mahal kita, kahit san kapa naroon, pero sigurado ako kung san ka patungo ngayon. Ngayong alam ko na kung asan ka, mas madali ko ng mapaparamdam sayu ang pagmamahal ko”.
Ang haba nung sinabi nya diba. Sa haba nun eh di ko namalayang kahit ang kaluluwa ay umiiyak din pala.

Lumipas ang kinse minutos at nakatitig parin sya sakin, sa mata ng kaluluwa ko. Nakikipagtitigan din ako, di sya nagpapatalo kahit pulang pula na ang mga mata nya na parang dugo na ang mailalabas nitong luha. Nilalangaw na nga ang bangkay ko at pati sya nilalangaw nadin pero walang epekto at mukhang enjoy talaga sya sa paninitig.

Ako ang unang sumuko at pinilit kong umalis sa kinalalagyan ko. Di talaga ako makagalaw. Sinubukan ko ring bumalik sa katawan kong nilalangaw at malapit ng uudin para naman baka sakaling mabuhay ako bigla at mahalikan ko man lang sana ang mga tuyot na labi ng lalakeng killer. Ang cute nya eh. Kirat ang mata, tabingi ang ilong, medyo sunog ang kabilang parte ng mukha na mukhang binuhusan ng kumukulong mantika, tapyas ng bahagya ang kaliwang tenga na parang ginunting habang tulog, kakaibang hairdo na napagtripan ata ng isang beautician na lalake na may potensyal na maging bading at yun nga… ang kanyang mga labi na tuyot na nais kong laplapin hanggang sa magdugo. Ang cute cute talaga nya. Napaka unique.
Hala! Tumumba nalang bigla si cute killer. Nadaganan pa nya ang bangkay kong nilalangaw. Patay na kaya sya? Mukang hindi. Mamamatay tao sya, matagal pa syang mamamatay.

Biglang pumasok ang isang matandang lalake na ngayon ko lang nakita. Pumasok sya sa kusina kung san nandun ang bangkay ko at si cute killer guy. Nagulat sya! Mabilis nyang tinago ang itim na bakal na parang baril sa kanyang tagiliran na kung san malapit sa belt na hiniram pa ata nya sa anak nyang rocker. Hindi ko iniisip na masamang tao tong si manong tanda. Maaring mahilig lang sya sa baril o kaya eh napulot lang nya yun, o kaya manghoholdup sya kunwari sa bangko o kaya baka kunwaring babarilin nya ung kalaguyo ng kanyang asawa. Maraming dahilan eh. Hindi ko sya pwedeng husgahan agad at mag-astang mananakawan ako. Di ko rin naman yun magagawa (ang makasigaw) dahil patay nako at etong si Cute Killer Guy eh sinamahan pa akong magpahinga muna kahit pansamantala lang.

“minamalas nga naman, mangunguha lang ako ng bigas eh mapagkakamalan pa akong ako ang pumatay sa dalawang toh” ang sabi ni Manong Tanda sa sarili.
Sinilip nya ang bangkay ko at nakasigurado syang patay na nga ako. Napansin naman nyang humihinga pa si cute killer guy kaya naghanap kagad sya ng tubig. Binuksan nya ang ref at tumungga ng malamig na tubig sa pitchel at binuhos ke cute killer guy ang natira. Dumilat ang mga mata ni cute killer guy at nagmadaling umalis papalabas ng kusina si manong tanda.

Letche naman tong si cute killer guy. Sa mata naman ng bangkay ko sya tumititig. “mahal na mahal talaga kita Pamela, mahal na mahal. Ikaw ang buhay ko. Matagal na kitang hinahanap dahil tinataguan mo ako. Ano bang nagawa kong mali sa iyo Pamela? Inaamin ko, minahal ko ang paggugupit ng buhok at marami akong nakikilalang babae na mas maganda talaga sayu pero ikaw ang mahal ko. Ngayong wala kana Pamela, ayos lang… mahahanap ulet kita at sasamahan na kita dyan. Hindi kana makakatakas sa pagmamahal kong kay wagas”. (at bigla nyang hinugot sa tagiliran ko ang kutsilyo at sinaksak nya ang kanyang kaliwang dibdib). Mabilis ang mga pangyayari kaya wala akong nagawa.

Hindi ako makareact. Namumukaan ko na si cute killer guy. Naalala ko na sya. Sya ang naggupit ng buhok ko na sabi ko eh shaggy pero ginawa akong mukhang anime pero maayos naman kaso mainit ang ulo ko noon. Bago ako lumabas ng parlor na iyon eh kinuha ko ng palihim ang bote ng pulbos at binato ko sa mukha nya sabay takbo. Pero cute killer guy… hindi ako si Pamela.

PS: kilalanin ng mabuti ang taong minamahal. Maaring nagpapanggap lang sya bilang si ganito at si ganun. Pero kung talagang mahal mo sya, matututo mo syang tanggapin at makakagawa ng paraan para maiayos ang mga maling sitwasyon na makakahadlang sa inyong pagmamahalan.

(kunwari nabasa ko lang ito sa isang eroplanong papel na napulot ko sa alulod ng bubong namin habang humihithit ng yosi at nag sta-stargaze)