Thursday, August 16, 2007

-=BUSY-BUSYHAN=-




<-- nanay kong kay ganda... dapat kukunin ko yang card na yan eh kasi me collections ako ng mga card sa mga kainan. meron nako sa Greenwich din at mocha blends. hehe.


<-- nababasa nyo ba yung nakasulat sa pinto na collor yellow? ah basta.. kwarto ng adik yan.














<-- eto si Michael Angelo ng ninja turtle. haha! sa Tiendesitas ito...






<-- eto ang estudyanteng walang magawa kapag wala pang prof.









<-- masaya pala ang community serivice lalo na kapag nagtuturo ka sa mga grade 1. etong 4 lang ang estudyent ko... makulet dyan yung babae. pangalan palang nya ang Cholleen na.





Di naman ako masyadong busy. May panahon pa ko para sa mga bagay na hindi naman talaga kelangan sa buhay ko pero hinahanap hanap ko. Tulad nalang nang pag ha-hiking, scuba diving at golf. Haha! (asa!) biro lang…
Syempre kasi diba, kapag asa school ka, puro aral kahit minsan hindi nako nakikinig at nag se-self study nalang ako dahil sa mga prof na hindi naman nagtuturo at syempre idadahilan nila kapag bumagsak ka na bat hindi ka naman nag basa eh me notes at books naman… ehdi kasalanan ko pa at hindi sila nagturo diba. Ow well.. buhay college ibang iba sa highschool.

Me mga bagay din na hindi talaga maganda na patuloy parin na nangyayari. Tulad nalang ng dsl ko na walang modem at me nakapag sabing wi-fi daw ito.. wireless broadband. Wi-fi nga kaya? Takte! Wala akong pake kung ano man sya, ang gusto ko lang eh mabilis at makaconnect sa internet. Nakakasira kaya ng mood, yung dapat eh mag-aaral ka at me e-reresearch pero ayaw gumana. (haha! Ungas! Pi-pinster ka lang eh!). haha!

Meron pa… yung maling pagsasali ko ata sa org. sa school… masarap tumulong oo pero kung sarili ko mahirap tulungan baka hindi maganda pagtuturo ko sa iba. Masaya talaga ang tumulong, nakakataba ng puso at ang pagod mo talaga mawawala pero at the end of the day makakagawa ka ng mga bagay na hindi mo sinasadya na hindi tama at mapapatungan nanaman yung mga good deeds mo. Ala lang.. naisip ko lang na sa libo-libo ng kabutihan ng tao, kapag nakapatay ka, wala na.. impyerno na bagsak mo. Ow well.. ganun nga ba yun?

Nahihirapan ako sa course ko pero alam kong hindi ko pa nailalabas lahat ng kaya kong gawin tungkol sa bagay na ito. Mahirap maglabas ng best sa isang bagay na hindi mo naman gusto. Pero will see, di pa naman huli ang lahat… di pa tapos ang 1st year at kaya ko pang habulin ang mga alangan kong scores. Wala sa paligid ko ang problema sa pag-aaral ko.. ang problema, ang sarili ko. Ako ang poblema.

Puro ata negative to ah… kakahiya naman at parang sa kabila ng mga kapalpakan ko sa araw-araw ng buhay ko eh wala man lang akong magawang maganda. Fine fine.. to na. ilalabas ko na ang appreciation ko.
- nahihiya ako sa inakoh na lagi akong inaalagaan kahit hindi naman na kelangan. Mas matindi na ang pag-aasikaso nya. Tulad ng “hoy! Yung vitamins mo inumin mo na!” “matulog kana!” “umuwi kana para makapagpahinga.” At marami pa. dati dati kasi binabato nya sakin yung bote ng mga vitamins ko, kakatukin ako ng malakas sa pinto para patulugin at mananakot na lagot ako sa bahay dahil hindi pa ko umuuwi. Sweet na sya nagyon. One time nga ginawan ako ng avocado salad na ow key tsarap talaga at syempre ang mga request kong pagkain eh hindi sya humihindi at madali ng hingan ng pabor tulad ng ma… bilan mo ko bag. Hehe.

- pangalawa. Ang gelpen kong si ruthan na hindi ko alam kung pano ko
pasasalamatan dahil sa kabila ng mga kasalanan ko sakanya… andyan
parin sya para muling magtiwala at intindihin ang kalagayan ko. Samahan
ako sa mga panahong gulo-gulo ako. Oo sasamahan lang.. mukhang
ayaw na kasi nyang magsalita dahil lahat na atah ng payo eh nasabi na
nya. Hindi lang sa salita… saksakan ng dami mga letters nya sakin. Ow
well mukhang natuwa naman na sya dun sa dinner namin kahapon na
argentina cornedbeef na hindi ko niluto at ang pench pies na niluto ko na
me paminta. Ok na yun.. haha!

- pangatlo ang special some1 ko na panget na sa kanya ko naintindihan
na me mga bagay tayong dapat intindihin kahit masakit pa satin. Na alam ko na toh matagal na pero pinaramdam naman nya ulet. Tanggapin muna sa ngayon ang realidad habang wala ka pang magagawa. Ayoko ng masaktan, (sino ba gusto?) pero wala eh.. kasama sa buhay ang sakit. Hindi mo minsan mapapansin ang maganda sa buhay mo kung wala naman lungkot at sakit. Kelangan ng pagkakamali sa buhay para malaman mo ang kaibahan ng saya at lungkot. Ano nga ba kung malaman mo ang kakaibahan neto? Ah eh… wala naman. May choice ka lang kung sang landas mo ba talaga gusto. Hindi naman kasi pwedeng asa gitna ka lang. (play safe?)

yemas! Tama na nga ang dramahan… hehe… habang hindi pa topak tong dsl ko ulet eh ma I entry na to agad at baka bigla pang mang trip tong si Egay na 2 araw ng walang pasok at yemas talaga.. midterm na namin eh. Ow men…