Kailangan ko ng tanggapin ang katotohanang sobrang sakit
at kasama narin ang pagtanggap na kelangan na kitang kalimutan.
Nagsimula ang lahat sa loob ng jeep.
“ganda mo… este ang gwapo mo pala”
“di mo kukunin no. ko?”
“kukunin, pati address nyo narin ah”
Eto nanaman ako. Nananaginip sa jip. Nakakaisip na may makakatabing babaeng super ganda na tipong nanaisin ko naring maging babae. Ung tipong mag eenjoy akong pintahan ang makinis kong mukha at magiging hobby ko ang pagsusuklay ng buhok.
“arouch! Miss naman… eee…”
(tang ina lalake ka pala)
Akala ko babae. Ang kinis kasi. Nakakainsecure tong gwapong toh ah. Ganda pa ng sumbrero mong kulay pula. Mukhang mayaman ka. San ka kaya papunta. Mukhang may kikitain kang shota sa gateway o di kaya sa eastwood. Kung ayaw mo naman eh sige sa makati nalang sa Highstreet.
Bago ang lahat. Kelangan kong e pastporwards ang mga pangyayari.
Ayun nga. Tama talaga ako. Ang gwapo nya. Ang gwapo nyang babae. Isipin nyo un, babae sya. Ung may kike sya at dudo na malaki. Di ko lang napansin nung una kasi nakapanlalake sya eh. At pota eto pa, ang ganda nyang babae. Ang ganda nya lalo na kapag nakalugay pero taena lalo na kapag nakahubad, nako po, ibang ganda ang makikita mo. At parang ang bastos na ata ng mag kinukwento ko, mabuti ng ipagpatuloy ko ang mga masasakit na eksena.
Nainlove ako sa kanya. Nung una kuntento na akong kasama ko lang sya. Kakwentuhan, kakulitan, labasan ng ka emohan sa buhay at kasama sa pagluluto kapag nasa apartment nya ako. Nung una nga eh, este pangalawa na pala, ayun, nakita ko syang naka balot lang ng twalya. Di ko napansin nung una pero tumigas, tumigas ung titig ko sa kanya, na para bang hinuhubaran ko na sya. Medyo parang ganun ang nangyari, pero hindi ko sya hinubaran. Nahulog ng dahan dahan ang twalya sa maduming tiles na parang may ibang taong nag co control dito, lumapit sya sakin at hinalikan ako ng dahan dahan pero wala eh… TITIg ko lang talaga ang matigas. Hinahalikan nya ako ng “hameyzing” pero di ako makagalaw, nakatitig lang ako sa mga mata nyang maamo na makakapag padala ng isang demonyo sa paraiso.
Tinigil nya ang “hameyzing” na halik. Sumimangot ang kanyang mukha. Di sya nag sasalita at maging ganun din ako. Nag papakiramdaman kami pero wala akong maramdaman na kahit ano. Pero ng biglang mamula ang kanyang mga mata, pumatak ang di mabilang na luha, isang jurasic na pakiramdam ang nadama ko… nadama ko sa buong katawan na nanggagaling sa puso ko. Pumasok sa isip ko nun, na hindi kita paiiyakin na hanggang ngayon eh ayaw pang lumabas sa utak ko.
Nakakalungkot ang mga eksena diba. Etong si gwapong girl eh hindi nakuha ang gusto nya. Buti nalang eh hindi ako ung taong malibog para galawin sya agad. Pero siguro kung sinayawan nya ako, ewan ko lang. haha.
2 linggo kaming di nagkita noon. Ewan ko, matapos nya akong pagtangkaang gahasain eh ako pa tong nagtatago. Siguro nahihiya ako at hindi naibigay ang gusto nya. Maari diba pero sa 6 na buwan kong sinusundan ang halos lahat na galaw nya, na 6 buwan kong tinitiis na iba ibang pogeng lalake ang kasama nya. Nakikipag tawanan at nagpupunta ng mga motel para makipag katuwaan eh taena, parang ang manhid ko.
Dumating ang panahon. Na parang tanga na ako. 1 taon ko na syang sinusundan sa kung san san. May pera pa naman ako dahil rich ako eh pero nakakalimutan ko na ang makipag talik este ang pumunta ng simbahan. Napadaan ako sa Quiapo church at naaliw ako sa daming taong nasa loob kahit sobrang init ng panahon. Lahat sila nakatingin lang sa altar sa harap at nahilo ako nun bigla sa kakatitig sa mga makukulay na pamaypay na gagalaw galaw.
Umuwi nako agad nun at di ko na tinapos ang misa. Wala naman talaga akong balak tapusin dahil wala naman akong balak magsimba, ang sabi ko nga eh, napadaan lang ako.
Nakahiga ako noon. Nag-iisip. Iniisip si gwapong babae. Kasama parin kaya nya ung lalakeng mukhang iguana? O ung butiki? Asan kaya sya ngayon.
Sa totoo lang eh araw-araw, gabi-gabi ko tong naiisip at masasabi kong wala na akong pinag kaiba sa mga taong baliw na kinakausap lagi ang sarili.
Natapos ang lahat sa isang planong wala ng kasunod na isa pang plano kung di magtagumpay. Nagbinti ako. Nagbinti ako sa kwarto ng longkatuts namin. Lagi kasi nya akong ginugulat sa kwarto ko para sabihing luto na ang ulam kaya ngayon, sya naman ang ginulat ko.
Oo, patay nako at kailangan ko ng tanggapin ang katotohanang sobrang sakit, na di ako maaring bumalik at kasama narin ang pagtanggap na kelangan na kitang kalimutan.
Akala ko ganun lang kadali ang lahat. Pero dahil nga sa nag pakamatay ako at naniniwala akong pagala-gala lang sa kung saan ang mga nag pakamatay eh putang na, di parin nag bago ang proseso ng buhay ko, nandito parin ako sa mundong ginagalawan mo ng hindi mo nalalaman. At taena, eto ang isa sa pinaka matinding sakit na dapat kong tanggapin, hindi na lalake ang dinadala mo sa motel, babae na.
Nung isang buwan ka pang ganyan ah. Babae naba ang gusto mo? Yan tuloy, nagsisisi ako kung bat di ko binigay sa iyo noon ang gusto mo, para malaman mo kung gano kasarap ang tulad ko, akong dating bading na nagbago para sayo.
Gusto ko ulet mag pakamatay kahit alam kong patay nako. Balak ko ulet mag bigti eh, pero jumping rope ang gagamitin kong panali, alam mo naman, ang hilig kong tumalon habang naka pilantik ang mga daliri.