Saturday, June 14, 2008

--swerte--

“madamot ka po! sumbong kita sa ate ko!”

“behlat! Hindi ako takot. Baka sabunutan pa sya ng kuya ko. la la la!”

“kakagatin sya ng ate ko. kasi maganda ang ngipen nya. Hmp!”

“tamang tama. Mararanasan nyang mag mumog ng ngipen.”


Nagkapikunan sa isang birthday party dahil hindi nakaupo ang isang manlalaro sa larong trip to Nazareth, este Jerusalem, na ito ang isa sa paborito kong laro sa mga party dahil gusto ko talagang pumunta sa Jerusalem na yan.


Naisip kong marami pa namang ibang laro sa mga party. gusto ko rin ung longest ek ek. Ung gamit ung kahit anong gamit sa katawan mo tapos pahabaan. Maeffort kasi syang laro na kelangan mong tanggalin sintas ng sapatos mo at pati ang mga alahas mong pwedeng ma-misplace nalang bigla.

“damot mo talaga kahit kaylan. Magbago kana Sonia”

“pake mo ba Merry? Nakikinabang karin naman kahit papano ah!”

“hindi un ang punto ko, ok lang sakin na wala akong matanggap galing sayo pero ayokong isipin ng iba na masama ka”

“aba! Bahala sila no. inggit lang sila at syempre sino bang impokrito o impokrita ang hindi makasarile”

Narinig ko ang usapan. Natatawa tawa nalang ako. pareho silang may punto. Masamang maging madamot pero sino bang naging hindi? Siguro ubod lang ng damot nitong ni Sonia at ubod lang siguro ng inggit tong si Merry. Hindi ko naman sila makausap dahil busy ako at nag papahinga dahil sa matrabahong trabaho ko.

“potah ka Sonia! Wag ka na kasing madamot pls. ung bata kaninang nanghihingi lang ng baryang pampamasahe nya eh hindi mo mabigyan habang kumakain ka dyan ng Dairy Queen na ice cream?”

“potah karin Merry! Ang liit liit lang nung batang un, bat sya nasa Megamol? Tapos manghihingi sya ng pamasahe? Style ng mga puluboys yan, saka alangan namang ibigay ko yung ice cream ko? wala narin naman akong barya at puro papel din ang papel ko”

“letche ka Sonia. Dadahilan ka nanaman… bahala ka nga.”

Nag-aaway nanaman sila. Parang sa ngayon eh ang iinit na ng ulo. Makikisali naba ako sa usapang kadamutan o hahayaan ko nalang muna. Total malalaki na sila. Iba na ang pinagbago ng mga itsura nila simula nung isang taon. Inaasahan kong makikita ko sila pero hindi ko inaasahang ganun parin ang pag-aawayan nila. Kung hindi ko sila tutulungan at kung hindi ako makikisali, eh mas magandang subaybayan ko ang buhay nila. Saka ako tutulong kapag kaylangan na nila ako.




Tatlong taon ko narin tong ginagawa. Hindi naman sila laging mag kasama pero nauubos na ang ipon ko kakasunod sa kanila. Hindi ko narin maintindihan. Nung isang araw eh kalbo na itong si Sonia at ngayon naman eh nagpakalbo si Merry. Parang gusto ko tuloy mag pakalbo din. Ang init narin talaga masyado ng panahon.


“hay nako Sonia, ikaw na bahala. Matatanda na tayu at pwede ka na ngang mag-asawa. Masaya parin naman ako at kaybigan parin kita”

“drama mo Merry. Sinong gago ang mag papakasal sa tulad kong kalbo? Ayaw mo ng chippy diba?” ang pang gagong alok nya ke Sonia.

“gusto ko sana eh pero wag nalang, masama yan sa kalusugan at sakin din wala ding mag aayang mag pakasal, kalbo narin ako tulad mo.”


Sabi ko nga kanina na kalbo na sila. Hindi ko alam kung bakit un ang trip nila sa buhay. Mga pauso din tong dalawang to.


Makalipas ang isang buwan. Hindi ko na sila nakikitang mag kasama. Si Sonia nalang ang nakikita ko na namamasyal sa park kasama ang kanyang pinsan. Asan na kaya si Merry. Ah bahala na nga sila. Hindi naman ako yumayaman sa ginagawa kong to. Makabili na nga nga lipstick para sa trabaho ko mamaya. Magpapasaya nanaman ako ng mga batang maiingay at walang kamatayang happy birthday sa celebrant. Tutal, nung birthday naman ni Sonia eh napasaya ko na sila ni Merry nun. Makaalis na nga.

“hello? Hello Sonia. Sensya kana hindi ako nakapag paalam sayu…”

“Merry… bat mo ko iniwan? Bat nasa America ka ngayon?”

“syempre. Mag-iipon ako. ipagagamot kita dito. Kukunin kita dyan. Ibang stage narin kasi yang Leukemia mo at mas mabuting dito nalang kita ipaubaya”
“dyosko naman Merry. Mas gusto kong kasama kita sa mga panahon na to. Napapagod nako.”

“babalik ako pangako. Kung hindi man eh kukunin talaga kita dyan… mag antay ka lang Sonia. Gagaling ka rin.”


Nagulat ako… nalaman ko sa katrabaho ko na may sakit na Leukemia si Sonia. Hindi ko alam kung pano nya nalaman pero parang dapat ko atang ipag patuloy ang pagsunod sa buhay nila lalo na ke Sonia na naiwan dito mag-isa.
Tama, babantayan ko sya ng hindi nya nalalaman.


Ayun. 2 buwan na akong parang stalker nya. Parang lang naman. Wala naman kasi akong gusto sa kanya maliban sa pagtulong sa kanilang 2 mag kaybigan. Isa lang naman akong clown sa mga birthday party ng mga bata at isip bata. Hindi ko ata kayang maibigay ang mga pangarap ng 2 magkaybigan natoh. Gusto ko pa naman silang shotain ng sabay. Haha.



Anu ito. Bat sya umiiyak. Bat ka umiiyak ng ganyan ka grabe Sonia. Anung nangyari? Hindi kita malapitan. Parang masasapak mo ko kapag kinausap kita. Wag mong suntukin ang lupa. Tigilan mo yan. Wag mong sipain ang buhangin. Ang mga bata ay napupuwing. Tigil mo nay an pls. natatakot na ang mga batang nag lalaro sa parke.

“miss. Tama na yan miss.”

“wag kang makialam! Wala na sya…”

“miss. Huminahon ka. Maayos din ang lahat.”

“hindi na mabubuhay ang patay! Kalokohan un. Huhuhuhu”

“tara… usap tayu…”

“sige. huhu”


Akala ko mahirap kausap tong si Sonia dahil sa hindi sya nag papatalo sa mga argumento nya kapag kaharap si Merry.

Patay na si Merry. Yun ang kwento nya sa akin. Hindi ako makapag salita sa nangyari. Nagpipigil ng emosyon si Sonia habang kinukwento nya sakin ang lahat at sa likod ng mga mata parang gusto nalang biglang lumuwa para hindi makita ang hinaharap.

Nakakalungkot talaga. Kinamatay ni Merry ay brain tumor na matagal na pala nyang sakit na magulang lang nya ang nakakaalam. Kaya siguro sya nag punta ng America ay para mag pagamot at alam kong sigurado akong tama ang sinabi nyang mag papayaman din sya para sa pag galing ni Sonia.

Oo, yumaman si Merry doon sa sandaling panahon. At bago sya mamatay eh ipinangalan nya ke Sonia ang lahat ng meron sya.

2 buwan ang nakalipas. Buhay parin naman si Sonia. At patuloy na nag papalakas. Nag papalakas dahil marami syang tinutulungan na tao. Lalong lalo na ang mga batang walang magulang at matirhan na maayos.
Nag pagawa sya ng isang bahay ampunan kung saan alam naman natin kung ano ang naitutulong nito sa mga batang musmos at ulila. Natuturuan sila ng tamang asal, napag-aaral at nabibigyan ng pagkakataong makaranas ng pagmamahal galing sa artipisyal na magulang. Kasama ko madalas si Sonia sa mga birthday party at minsan eh sumasali din sya para makapag pasaya ng mga bata. Medyo komidyante din pala tong si Sonia.

Pero sa hindi ko inaasahang araw. Aaminin ko na sana ke Sonia na mahal ko na sya. Na pakakasalan ko sya kahit alam ko ang kalagayan nya. Na pasisiyahin sya sa lahat ng oras habang nabubuhay pa sya. Na gagawa muna kami ng anak at palalakihin ko ng maayos. Ang dami kong pangarap. Pero wala, nawala ang lahat. Iniwan narin nya ako gaya ni Merry.

Ang bilis ng mga pangyayari. Dating sila ang unang mga batang pinasaya ko. Na unang misyong binigay ko sa sarili ko na pasisiyahin ko sila. Talagang mabilis nga. Tagumpay naman kasi ang misyon ko. Alam kong napasaya ko sila. Lalo na si Sonia habang sya’y nasa tabi ko pa at si Merry na hindi ko nakilala ng personal pero sigurado akong nag papasalamat sya sakin.

Kahit ganun ang nangyari. Patuloy parin naman ang buhay. Lalo na ang buhay kong hangad ang kasiyahan ng lahat. Ako na ang humahawak ng bahay ampunan. Nag pagawa din ako ng simbahan katabi neto. Iba nga naman talaga ang may pera ano. Salamat ke Sonia sa pag bibigay instant pamana.

Hindi pa huli ang lahat at walang huli para sakin. aayusin ko ang mga maling ginawa ng mga taong mahal ko. sa larangan ng pag papasaya at pag bibigay panibagong pangarap sa mga taong lihis ng landas.

Pero dahil sa madamot ako. Kasinungalingan at kalokohan lang lahat ng sinabi ko. hindi ko planado ang lahat pero pera talaga nila ang habol ko.

Thursday, June 05, 2008

--hu? me?--

Your Personality at 35,000 Says...
Deep down, you prefer spending time alone to spending time with others. You enjoy thinking more than talking.
<-- hmmm... deep down naman eh. oow. kasi kapag walang kausap, minsan nakakapag plano ako ng mas bigating engrande. hehe. oow enjoy akong nag-iisip pero enjoy din ako sa pag sasalita. kaya kalokohan to haha.

You are good with your place in the world. You are confident and comfortable with who you are.
<-- hmm... minsan hindi ako comfortable pero mukhang ang saya saya ko. puro lang kasi ako lakas ng loob at si taong "go game"

Your gift is having a good eye. You take amazing picture and have the natural talent for most visual arts.
<-- huwow cubao. nakakahiya naman to. di naman masyado pero isa akong wanna be artist. oo i like wrting at mga pictures pero, sa pag draw drawing eh pang gagaya at ideas lang ang kaya ko.

You are inspired by freedom. Whenever you are able to do what you want, good things happen.
<-- oo naman. eto kasi ung wala ako masyado. freedom. pero dadating din tayu dyan. hehe.

It's very easy for you to feel happy. You can find peace with any situation.
<-- oow. tama to. mind set lang at tamang bonggang imahinasyon.

Tuesday, June 03, 2008

--subaybayan--

Umangat naba ako?
Maabot ko na kaya ang pangarap ko?
O uulitin mo nanaman…
Hahayaan akong mahulog…
pero hindi mo masalo.

Napapagod din naman ako. Tulad ng mga kalabaw sa bukid na palihim na nag-hihingalo sa init ng panahon. Minsa’y ninanamnam ko nalang ang problemang wala akong magawa at hindi matakasan, tulad ng mga isdang nalulunod, sawa na sa tubig at naghihintay ng huhuli sa kanila. Nag tatapang-tapangan din ako para mag mukhang malakas, tulad ng mga leyon na grabeng manigaw pero buntot nila’y hindi makagalaw. May kahinaan naman talaga ako. Sino bang wala?

Basag na salamin ng bintana ang tumulong sakin.
Na makatakas sa problema.
Hindi para hiwain ang pulsong pumipintig-pintig.
Pero para makita…
Makita ng mas malinaw ang nasa kabila.

Para makilala ka pa.

Galit ako. Wala ka ng ginawang tama sa paningin ko. Nagpapaniwala ka sa mga taong pumupuri sayu. Hindi ka naman nila kilala. Itsura mo at ang pag papanggap mo lang ang kaya nilang tuklasan.

Walang wala sila sa kakayahan kong mahulma ang baho mo at mapinta ang kababuyang hindi kayang gawin ng baboy.

Pasensya kana.
Eto lang ang kaya ko.
Hindi ako tulad nilang maalindog.
Nagbibigay ligaya sayo.

Pinangako kong gagaling ako. Para makasama ka pa ng mas matagal. Sasabayan ka sa pag ligo sa maduming batis. Aakbayan ka sa harap ng mga adik. Bibilhan ka ng kalamares sa tapat ng restaurant. Mag aalay ng bulaklak na galing sa inyong hardin at aakyatin ang balkunahe nyo habang sila’y tulog.

Lahat ay gagawin… pero ang panloloko’y wala sa aking isip.

Isang masamang banta.
Makita kang luhaan.
Hindi nga kita niloko.
Pero dapat kitang iwan.

“punyetang station ng radio toh! May drama pa pala hanggang ngayon. wala akong maintindihan. Makapanood na nga lang ng may mas kabuluhan…”

(manood ng PBB)