Thursday, August 21, 2008

kikilos kaba?

Anu ba tong nangyayari sakin? noon, kahit papano eh nakakapag focus ako sa mga ginagawa ko. napapaganda at naayos ko. Napapabilib ko ang ilang nakaaangat. Napasasaya ko ang mga patapon ang buhay. Akalain mo yun para akong isang super hero na walang costume at kung pakapalan na ng mukha eh super hero akong mayabang. Pogi ko eh, machupa. Hehe.

Namomoblema ako sa katauhan ko. labing walong taong gulang na ako at habang tumatagal eh mas tumitigas ang ulo ko.

Panahon ng digmaan. Digmaang ang tanging kayang gawin eh ang magtago. Magbulag bulagan. Mistulang pipi sa kabila ng pagkakaroon ng mala ibong boses. Tulog sa panahon ng putukan at nananaginip sa oras ng pagdiriwang.

Pano ka makakakilos kung ramdam mong wala kang magandang patutunguhan? Nakakaramdam ka ng mga salitang masasakit galing sa mga taong mahal mo na dapat inspirasyon pero nagiging sagabal pa sila sa pangarap mo. Iniisip nga nila ang kalagayan mo pero gusto nilang sa paraan nila ka aasenso. Sino ang pakikinggan? Sino ang susundin? Sila bang may karanasan o akong alam ang dapat?

Marami akong alam na dapat. Uulitin ko nanaman to… “hindi lahat ng dapat ay tama.” Sinabi na sakin yan ng ate ko pero di ko na maalala kung kelan.

Asa proseso naman talaga halos lahat ng bagay para maayos. Nasa pag-uusap din. Asa intensyon pa…

At habang may kausap ako sa telepono noon, di ko din maalala kung ung unang sinabihan ko nun eh ang boyps ko o gelps ko… sabi ko… “hindi dapat ganun, pero nangyayari”. Kaya dapat tayong kumilos.

Sa hirap ng buhay. Talaga palang mahirap maging mahirap. Di ko literal na ramdam ang problema tungkol sa gas at bigas pero gamit ang ilang parte ng katawan ko, lalo na ang mga mata… parang gusto ko nalang pumikit. O di kaya ipikit ang isang mata para kahit papano, di parin ako mawala sa reyalidad na may mga ganitong pangyayari talaga sa buhay ng tao… na ang ilan, ang husay talagang mandeadma sa mga taong humihinga pa.