Bumalik ang dating pakiramdam na hindi ko inaasahan. Ang sayang madalas na nangyayari sakin na hindi ko pinaplano. Binibigay ng Maykapal na inihahandog ng mga totoong taong nagmamahal sakin. Yung iba kasi hindi totoo; mga nagpapanggap na tao, nagmukhang tao pero asal hayop. Tapos mananakit sila, kakagatin ka, di mo naman inaano. Tapos one time, inano ko sila… sabay nagalit. Mga hayop nga naman oh. Mag asta kang tulad nila, magagalit, lalayo, bigla ka nalang iiwan. Hindi man lang nila naisip na naging amo nila ako, pinakain sila, pinaliguan, binihisan, pinag samantalahan este pinahalagahan tapos ganun lang? di nila ko matatanggap na nagbago ako at naging katulad nila? Pero syempre, magbabago ulet ang dating nagbago. Babalik ang dapat na mangyari. Magiging maayos ang lahat. Ganyan ang buhay. sa problema, sulusyon minsan ang isa pang problema pero maisasaayos ang lahat. Hindi lahat ng dapat ay ang tama.
Uulitin ko; Hindi lahat ng dapat ay tama. Dapat “ko” pa bang samahan ang mga taong hindi naman marunong magpahalaga; yung mga taong mukhang tao pero asal hayop, mga nanakit na pag sinaktan mo e galit. Tulad ko nanakit din “ako” at pag nasaktan at nagagalit din. Tulad din “ako” nila, kagaya “ko” rin sila. Impokrito.
Pero kapag mahal mo ang tao. Choice mong di sya tulungan diba pero choice mong mahalin sya. Kapag mahal mo sya, gagawa ka ng paraan para maayos sya.
Pero bakit pa ako aangal kung “mahal” ko naman sila? Bakit di ko na lang bigyan ng oras at panahon ang mga taong tunay na nagmamahal at nag papahalaga sa akin? Bakit di ko simulan na ayusin ang mga relasyon ko sa kanila bago ang sa iba? Hindi ko alam kung bakit? Siguro di ko lang alam kung ano ang mahalaga sa importante.
Teka? Umaangal ba ako? Sinasabi ko lang naman na kupal sila eh. Na wala silang kwenta. Ikinasasama ng loob ko yun pero hindi ko ipapakitang ganun. Pag nagpakita ako ng kahinaan eh iisipin nilang talo ako. Na hindi ko kayang maayos ang lahat at ipagpapatuloy nila ang mga kalokohan at kakupalan na ginagawa nila sa buhay. Hindi ko nga siguro alam ang mahalaga sa importante pero ang gusto ko, maayos ang mga problemang alam kong maayos ko din kahit hindi agad-agad.
Kung di ako umaangal, bakit ako apektado? Kung tunay na mahal ko sila, kahit anong gawin pa nila sa akin e kakayanin ko. Sa punto pa lang na magpapakita ako ng kahinaan ay di nila matanggap, e hindi nila ako pinahahalagahan bilang tao; taong nag kakamali, nasasaktan, nanghihinayang. Di ko alam kung bakit pa ba ako nagsasayang ng oras? Samantalang ang daming tao na nagmamahal sa akin. Bakit din a lang ako gumugol ng oras para sila na lang ang pasayahin ko? Maikli lang ang buhay para sa gumugol pa ng oras sa mga taong “mahal” ko.
Pwede ka namang maging apektado sa positive way ah. Example, may isang isang pulibe na nagugutom, at naawa ka… at kasunod nun, tutulungan ko sya. Naging apektado ako sa nakita ko at positibo ito dahil pinili kong tulungan sya. Alam mo yun? Apektado ka sa mga bagay nay un naman talaga dapat ang maramdaman mo. Di mo masasabing mahal mo ang tao kung di ka apektado sa mga kalokohang ginagawa nya. Sa totoo lang eh hindi mo naman na kelangang sabihing apektado ka, gawin mo nalang yung dapat na gawin mo para matulungan mo kahit ayaw pa nya. Atleast nagawa mo yung part mo, part na gusto mo talagang gawin. At nga pala, hindi pag sasayang ng oras ang tawag sa effort na binibigay mo sa taong mahal mo kahit wala pa syang kwenta. Pero teka
Ang hirap kasi sayo, basa ang kilikili mo. Kaya lang kung minsan, mahihirapan kang magtimpla ng kape nyan, kasi din a maglalasang kape yung kape mo lalo
ok. kape na ito... eto yosi pa.






