Monday, June 25, 2007

-=ANG INSPIRASYON NG ISANG ABNORMAL=-











sila ang mga makukulet pero matatalino at gwapo kong mga pamangkin. si Shicho (cho) ang Santi (Ti).

cho - Zander Luis (pang b.star)
Ti - Santino Antonio. (pang action star)

ang gaganda ng mga pangalan.

yung bag na nasa giled eh Jansport yan.. kung me makita kayong ganyang style na Jansport din eh ipagbigay alam.. gusto ko kasi yan...


What makes your blogging unique?
me tanong muna ako.. kelangan ba eh english ang sagot? Dahil nasimulan ko ng magtagalog eh wala ng makakaawat sa pagtatagalog ko. Haha!
Hmmm… unique? Unique nga ba? Sabi nila lahat daw unique kaya sige… unique ang blog ko kasi sa dami dami ng blog na nadaanan ko eh ako lang ang me kapal na mukha na I post ang mga pic ko na halos mukhang tanga. Medyo sinisira ko image ko sa pagiging abnormal at syempre ang blog na ito eh hindi lang para sa mga bloggers, para rin ito sa mga tambay lang sa bahay na nag-uubos lang ng oras. Pwede rin sa blog ko ang mga hindi marunong magbasa. Hehe.

When did you start blogging?tagal narin.
Dating www.tangakoh.blogspot.com pa ko nun. Di ko na matandaan eh kung kelan yun. Basta year 2003 ata.

What are your feelings on the “blog popularity” issue?
Em ay popular ba? Hindi siguro. Si Coman ang popular.. ang alaga kong ipis na naglayas. Hayz… Popularity ng ibang tao eh sabihin na nating wala akong magagawa dun. Ehdi good kung sikat sila lalo na kung sa larangan ng pagiging isang magaling na blogger at mabuting mamamayang pilipino. Haha!

What's your favorite childhood memory?
Hmmm… nahulog nako sa hukay na malalim na me tubig kasi nahulog yung tsinelas ko at inabot ko.. ayun nadulas ako. Nashoot din ang paa ko sa kanal.. sinadya yun ng ate ko. Nakapikit kasi ako minsan maglakad habang kasama ko ate ko tapos nakahawak lang ako sakanya. Napapalo ako ng sinturon, yung bakal sa sinturon. Nabugbog ako dahil sa kamyas na pinapahingi sakin sa kapitbahay at hindi nako bumalik kasi naglaro nako. Ang dami pa eh…

Are you a spiritual person?
oo naman.. sarap barahin ng mga walang Diyos sa ganitong paraa...
Scientist – woi.. Diyos.. hindi ka namin kelangan. Marunong na kaming gumawa ng tao na kumpleto gaya ng mga gawa mo. Magpaligsahan tayo at magpagandahan ng nilikha…
Diyos- osige game.. kunin mo na ang mga kinakailangan mo…
(kumuha agad si Scientist ng mga sangkap, tulad ng buhangin, tubig, lupa, dahon at iba pa…)
Diyos – ay bawal yan.. kumuha ka sarili mong tubig…
Oh diba.. walang patunay na me Diyos talaga pero taena… masaya akong me Diyos at pinaniniwalaan. Malaking tulong sya sakin kahit anong mangyari.

What is the weirdest thing that ever happened to you?
hmmm.. patay tayo dyan. Ang dami eh… pero ang unang pumasok sa isip ko eh yung nakita namin ni Ruthan sa simbahan.. me mass nun at me mga tao syempre pero me napansin ako sa hindi kalayuan.. me aleng nakasuot ng headband.. headband na me sungay na nailaw-ilaw pa. malamang sa anak nya yun kasi me kasama syang bata pero nung nakita ko sya.. napatitig ako at dahan dahan itunuro ke Ruthan ang nakita.. kakaloko talaga! Tawa lang kami ng tawa.

What is your best quality?
abnormal ako… yun na yun.

What is your worst quality?
topakin ako.. patay patay na kapag ako tinopak. Haha!

kahit sino pwedeng gayahin to. Haha… kung wala kang magawa eh eto na ang sagot. Mas maganda wag mo nalang basahin yung mga sagot ko. Hindi ko naman kasi nasagot ng maayos eh.

Sunday, June 17, 2007

-=LABORATORY SCIENTIST not Medical Technicians.. haha!=-

Etoh ang TUA or Trinity University of Asia na dating Trinity College palang. Syusyalan na ngayon. Pero astig ang skul ko.. daming bago.. mga buildings, hallway sa campus at canteen na mukhang foodcourt sa mall na 45 pesos lang eh me 2 rice kana at eat all you can na rice. puro rice talaga kaya solve na solve na lalo na kung nauwi kapa ng Pasig o Binangonan eh mabubusog kana talaga. nyahaha... (2 ulam yun ah.)

Ayos naman ang classrooms pero kadalasan eh nilalamig ako. As in.. madalas pa akong mapatapat sa E-con yun nga lang.. badtrip ang systema ng sked. namin. Kasama pati ang nursing. Hindi pa fixed ang sked namin, oras, prof at clasrum. Pero syempre, maaayos din ang lahat. Pasensya lang sa pag-aantay ng 3-4 vacant. Nakakapanghinayang pero walang magagawa eh.

at meron pang hindi ayos.. grabe ang usok sa Cubao. katakot pa mag labas ng kung anong bagay na mahalaga sayo. Buti nalang hindi nako nag bre bracelet at hikaw. delikado na.. nga pala, hindi ko papala naikwekwento ata na hinabol ko ang snatcher na kinuha bracelet ko. next time ko na kwento. hehe. ayun nga..pag uwi ko bahay eh ang dumi dumi ko talaga. Kamay, tenga, ilong... malamang pati buhok kaya dapat maglinis talaga ng katawan bago matulog saka eto sinisipon na ko dahil sa dumi ng pinas. Malalaman mong galing ako sa Cubao kapag madumi kuko ko... ang tawag dun eh Cubao Check. hehe.

Eto ako… feel na feel na ang pagiging med. Tech este… LABORATORY SCIENTIST pala. Susyal diba. Yan na daw ang tawag saming mga medical technicians kapag grumaduate kami kaya parang ginanahan tuloy akong tapusin ang med. Tech dahil tingnan mo naman… scientist na kami pagkatapos ng 4 na taon. Astig diba…



Eto ang 2 kong madalas kasama. Mga Med.Tech din sila. Left si JC na grad. ng Lasalle at si Mikel na hindi ko alam kung san. Hehe. At ako syempre..
Ayos sila kasama. Pwede mong makausap ng matino at mga simple lang.





Si Ti at mama na mga inspiration ko kapag nasa skul ako. Lalo na kapag uwing uwi nako.. gusto ko na silang makita agad. Kaming 3 ang hari ng bahay namin. Kami kasi lagi yung nagsisigawan at maiingay. Kami ang main characters ng bahay naming mukang Zoo kaya importante kami sa lipunan. Nyahahahaa.. lahi kami ng gwapo at magaganda noh... wag na palag.. nakikibasa ka lang eh. haha!




Eto si Ruthan na gelpen ko na isa rin sa inspiration ko. Ang taong konsensya sa aking sarili. Kapag naiisip at naalala ko sya, hindi ako makakagawa ng kalokohan kaya dapat lagi nya ako I txt. Nyahahahaha… (sa Tiendesitas yan at First time nya yan.. binilhan ko sya shoelace na maganda). Weee…



Eto ang new phone kong 6300 na taena… ganda… kasama ko ate ko saka si k.jon sa pabili nyan…

Pb – huhuhuhu.. me cp na ko.. sariling cp. Huhuhuhhu…
(natatawa sila ate at ang babaeng tindera)

Pb – may bluetooth na to?
Ate – meron..
Pb – wah.. me bluetooth nako..
(natatawa ang babaeng tindera)

me name pala ang cp ko. kung yung luma kong cp eh si LeePown(3220), etong si 6300 naman eh si PownLee. astig diba...


At etoh pah… ang pinaka mahabang bench na kahoy na nakita ko sa buong buhay ko. Sa Tiende. din ito.. si Ruthan gelpen ang kumuha nyan… ayos ba ang pose?

sarap iuwi neto sa bahay tapos siksikan kayo tapos nanonood kayo movie habang nakain ng popcorn tapos tutumba patalikod ung upuan. haha!



Tuesday, June 12, 2007

-=its not you, its me=-



Ok lang sana eh.. 4am ako nagising imbes na 5am. Nanaginip kasi ako.

Pumunta ako mall kasama inakoh para ipapalit ang school shoes na nabili ko. Masikip kasi. Ang nakakatawa pa nyan eh size 20 dapat. Tapos pag-uwi ko sa bahay, agad kong sinoot ulet ang sapatos. MALAKI! Size 21 ang naibigay sakin ng sales lady. Agad kong sinabi sa Inakoh.. ayun.. pinagalitan ako. Hindi ko daw chinecheck. Tapos nagising nalang ako bigla. Ok narin kasi yung isang alarm clock eh parang tumigil ata. Yung isang alarm naman sa cd player hindi ko alam kung mag wowork kasi 1st time kong gamitin yun kaya eto ako.. gising na. Nagtimpla ako kape mainet para hindi ako antukin.

Umakyat ako agad sa taas para mag computer. Ok naman ang connection. Nag check ako ng Pinster at ayos naman. Binuksan ang e-fan dahil mainet. Higop sa kape at bigla akong nakaramdam ng kakaiba.. natata*e ako. Agad akong pumunta sa cr dito sa itaas at ayos din naman ang paglalalabas nila. Papunta na kong sala sa taas kung san naka tambay ang computer… pagtingin ko sa bintana… WAHHHHHHH!!! (sa isip lang). Speachless ako.. ang daming nag flashback sa aking isip.. gusto kong umiyak dahil 1 buwan higit na kaming magkasama. Huhuhu… (SINONG PUNYEMAS ANG NAGBUKAS NG BINTANA?!!!) wala na si Coman.. este nakalaya na si Coman. Marahil hindi nya gusto ang mga pinapakain ko.. tulad ng egg pie mula sa Goldilocks, mani galing antipolo, pandesal at chiz curls na huling inihandog ko sakanya na mukhang wala pang bawas.

Pero ganun talaga ang buhay. Ayoko ng itanong kung sino ang nagbukas ng bintana. Mas magandang isipin ko nalang na nag sleep walk ako at ako ang nagbukas nito. Malamang kapag tinanong ko ang mga tao dito sa bahay eh pareho lang sumakit ang damdamin namin. Hayz… dahil naniniwala ako, na minahal din nila si Coman gaya ng pagmamahal ko.


Ow well… may bago akong kinahihiligan… ang mag lego. Pero eto lang lego ko. Pinagpapalit pakit ko lang ang ibang pwesto. Walang ibang kalalabasan kundi coffeeshop parin. Ok naman.. enjoy.

Yung kape tasa ng kape nayan eh katunayan, ubos na yan nung mga panahon na yan at kung e zu-zoom in nyo eh makikita nyo pa yung Chiz Curls na nasa bintana na para kay Coman. hayz...

First day of classes ko ngayon.. gudluck sakin. (grabe.. nakakalungkot.. iniiwan ako ng mga minamahal ko.. ingat ka Coman...)

Saturday, June 09, 2007

-=patay=-


Si Coman, habang kumakain ng Mani... pinaiinom ko narin sya ng tubig. Ang kainan nya eh takip ng litro ng Coke.



MACARTHUR... binili ko with Godfrey sa National Bookstore Sta. Lucia. natapos ko ng 3 hours medyo bitin pero ok lang. Astig! kakatuwa... isang makatotohanang istorya ng mga ordinaryong mamamayang pilipino.



Ang gagong gupit ko na parang gago lang...
Nagpagupit ako dito lang malapit samin. dapat sasamahan ko lang inakoh, ayun, nagpatabas narin ako.

Naalala ko ang aking nakaraan. Nung panahong hindi pa ako marunong sumaway sa utos ng kahit sino. Kahit simpleng bagay na imposible eh nagpapauto parin ako. Madali akong maniwala sa sinasabi ng iba na madalas eh nagmumukha na akong tanga. Pero sa mga pangyayaring yun, dumating ang araw at pangyayaring mali na pala ang aking mga ginagawa at hindi naisip na sumusuway na pala ako at nakakasakit.

Sa kabila ng aking kakulitan, kabiguan, kasamaan, at katangahan eh hindi parin ako napanghihinayang sa mga bagay na dumaan sa buhay ko na talagang nakakatuwa kahit me panget din naman. Mga tao at pangyayaring nagbigay saya at ngiti sakin pero nasaktan ko sila. Hindi ko intensyong manakit. Hindi lang talaga ako madalas marunong mag-isip ng tama at dapat. Tulad nga ng sabi ni RUTHAN gelpen ko na “pasok ako ng pasok.” Hindi ako nag-iisip muna sa mga bagay na bago sa akin. Masyado akong excited na sabi din ng mga magulang at kapatid ko. Siguro naging matakaw ako sa saya kaya sa mga bagay na ikapapahamak ko eh hinahanapan ko parin ng kasiyahan.

Malaking bagay sakin ang tuwa o saya. Sobra… ang mga bagay na ito ang nagpapatatag sakin kapag nadapa ako. Kahit mukang me tetano na ung kinabagsakan ko eh malakas ang immunne system ko para labanan ang mga mikyorbo. Kapag tamad na akong tumayo eh tatayo parin ako kapag naiisip ko ang mga masasayang nangyari sakin. Kahit me malaki akong sugat o gasgas.. nakakalimutan ko nalang ang sakit. Parang gustong gusto kong isipin ang mga nangyaring maganda na kahit pansamantalang saya lang eh may naitutulong pala. At hindi ko hahayaang makalimutan lang yun.

May pangyayari dati na sabay sabay kaming magkaka batch mates na kumakain ng lunch sa canteen. Tahimik kaming kumakain pero syempre nakakagulat na pati ako eh tahimik. Naisip ko agad ang topic na heaven and death.

Pb – woi.. alam nyo ba na pagnamatay tayo eh maaalala parin natin ang lahat?
Ruthan – hindi noh…
Pb – oo kaya.. may nagsabi sakin nun…
Ruthan – eh ang pagkamatay eh panibagong buhay lalo na kapag sa heaven ka. Kasi hindi mo na maaalala mga katangahan mo dito sa mundo kaya wala ka talagang maaalala kasi panibagong buhay nga dun..
Pb- wah! hinde!!! Sayang naman yung mga magandang nagawa mo tapos hindi mo matatandaan?Ruthan – ganun talaga yun…
Pb – hinde!!! Ayoko… basta kung ako mamamatay eh ayokong makalimutan yung panahong buhay pa ko kahit alam kong makakalimutin ako eh ayoko parin. Kung totoo nga na makakalimutan nga natin, eh sa gnomon, masaya akong ang paniniwala ko eh ito. Hmp!

At ayun… nakikinig lang yung mga kabatch mates namin sa debate namin ni Ruthan na wala naman atang pinatunguhan, tuloy parin ang kainan.

Tapos isang araw eh tumawag si Ruthan. (lagi kaming magkausap) at naikwento nya ang tungkol sa death na kapag pumunta kang langit eh magkakakilala parin kayo. At ikwekwento palang nya ang isang kwento sa Bible eh inunahan ko na sya sa ikwekwento nya dahil alam ko na iyon. Tungkol ito sa storya ni ano.. ni.. Lazaro ata. Si Lazaro nga ba… basta namatay sya, mahirap sya tapos sa heaven sya pumunta tapos may isang mayaman tapos sa hell naman sya. Basta yun na yon. Hehe. Tapos sabi ni Ruthan na ganito…

Ruthan – diba nga sabi mo dati hindi mo maalala lahat pag namatay kana…
(hindi ako nagsalita at nag-isip)
Pb – ah eh… hindi ba ikaw ang nagsabi nun?
Ruthan – nyahahahaha.. oo nga. Tinetesting ko lang kung tanda mo…
Pb – wah! ang sama mo.. napaisip tuloy ako kung nakalimutan ko bang sinabi ko yun. Wah!!! huhuhu..
Ruthan – nyahahahahahaha…

Lesson:
- kapag naiisip na susuko na eh kantahin ang kantang Batang Bata ka pa ng Apo Hikings lalo na ang Chorus. Hindi lang ito pang bata…pwede pang all around. Parang Mang Tomas.
- wag makalimot sa mga paniniwala baka kasi minsan eh bumaliktad na ito.

Speking of death eh may namatay na sa akin. Bukod sa buhok na patay eh namatayan na ko ng kuko. Kuko sa thumb sa paa. Sumikat itong patay na kuko ko noong 2005 ata. Hindi ko naisipang e blog pa ang hitsura nito pero etoh na sya… muling nabuhay.

Namatay ang kukong ito dahil sa sobrang preno sa pag gu-gudminton. Mali pala ang rubber shoes na may allowance. Dapat sakto lang. At pagkauwi ng bahay, dahil bugbog nga ang kuko, naapakan naman ako ng aking mabait na pamangkin sa paa, hindi ko agad sya inalis at hinayaan ko lang na apakan nya ko.. mayang onti.. namumuo na ang dugo sa aking kuko kaya ayun… namatay sya. Sad nga eh pero astig. Kapag may nakakakita ng kuko ko eh parang nandidiri sila at awang-awa.


<-- totoong kuko nya yun yung katabi nya... yun sya dati. mukhang maliit pero yan talaga yun...

Saturday, June 02, 2007

-=may manliligaw si COMAN=-



Noong June 1, 2007. Araw ng Biyernes eh ang kapal ng mukha kong sabihin ke Ruthan na sama ako sa kanya sa pamimili ng kanyang mga gamit sa eskwela. Hindi naman na naka tanggi si Ruthan dahil syempre masaya ako kasama. Nyahahaha.. (wag ka ng pumalag).

Sabi ko sakanya na dito na sya sa bahay namin mag lunch. Habang kumakain kami ng tanghalian kasabay ang aking masipag na ina eh..

PB- ma! Papano papuntang Glorietta?
Mama- wag na.. malayo pero sakay kayo jip, baba Rosario at sakay kayo FX Ayala tapos yun, dun na kayo bababa…
PB- ah…
(maya mayang onti…)
Mama- dapat dala kayo tubig kasi mamamasyal kayo eh..
PB- dyan lang naman eh…
Mama- sta.Lucia lang ba?
(ibig sabihin expected nya na pupunta talaga kami Glorietta)
PB- ah eh.. ewan. Bahala na…
Hehe.

Ayun.. nagpunta nga kami ni Ruthan sa Glorietta ng hindi namin alam kung san kami bababa at kung pano kami uuwi. As usual, puro kami tanong kung kani-kanino. Jay walking pa kami sa patawid sa Glorietta, may underpass pala pero hindi namin nakita. Pagtawid namin eh may babaeng guard na sinita kami at buti nalang eh walang ibang bantay nung mga panahon na yun kundi eh huli kami.

Miryenda namin naghati kami sa hotdog na me tinapay na me mustard at dun lang nagustuhan ni Ruthan ang mustard at drinks na BLUE Lemonade. Sarap!
Nakabili si Ruthan ng Rusty Lopez na shoes na ako ang pumili. hehe. At bag na ang ganda sobra na gusto kong bilin para sakin pero sa kanya ko na ipinaubaya. Dami ko na kasing bag at wala talaga kong pera. Me kamahalan sya para sa Bag na Heartstring pero ang ganda kasi talaga nya.
Nakauwi kami sa paraang bababa kami ng WOW! Cubao! at sasakay ng Jeep Junction. Nung una eh sabi ko mag taxi na kami dahil pagabi na at hindi ko talaga alam kung pano tayo uuwi at may pupuntahan pa tayong b-day pero wala... napa Bus din kami at nagkaroon ng panahong mag-picture (sa wakas) dahil oras na yun ng tipong medyo pahinga. Lamig kasi dun sa Bus. Bago pa pala kami umuwi eh pumunta pa kami ng Robinsons Place Pionner para lang bumili sa National Bookstore. haha!



<-- nag tanong sakin si Toni-Woni kung bakit wala akong pic kasama si Coman at ayan na.. Bagong gising pa kami parehas nyan at wala pang hilamos. haha!

<-- June 2.. pag akyat ko para i check si Coman.. aba'y! babae na pala ang nanliligaw ngayon. (wuchu... PB, may napasagot ka na ngang lalake eh).May nanliligaw ke Coman. Di ko na sya binigyan ng pangalan kasi kinikilabutan ako. Baka kasi lumipad sakin bigla. Si Coman eh asa loob ng screen kaya hindi nila magawa ang nais nilang gawin. nyahahahahaha!

<-- Kasalukuyan akong nasa Medical City dahil ang 2 kong kapamilya eh na confine. Sobrang biglaan pero ayos naman na sila... yun nga lang, ako ata ang dapat na ma-confine. Balak nila akong dalin sa LonneyVille kung saan akoy nararapat.


Nga pala.. kaninang umaga. Nag-gudminton kami ni Ruthan at ng frend naming si Godfrey. 3 lang kami pero ayos naman. Solo namin ang buong badminton center. haha! Talagang begginer pala tong si Ruthan pero nakakatuwa kasi gusto talaga nyang matuto. Ayun.. pagod pagod kami pag-uwi dahil dumaan pa kaming Sta. Lu para mag withdraw. hehe. "Masarap turuan ang mga nagsisimula palang, kasi hindi sila kumokontra. haha!"

Sa mga panahon na hindi kana makahinga... agad umalis sa pinaglalagyan, maglakad ng onti at baka makakita ng gwapo sa kung saan. Agad makakalimutan ang problema. Nyahahahaha... Sa tagal-tagal ko ng hindi nakakita ng gwapo.. sa Hospital pa.. Grabe kaso mukhang i-intsikin ako nung lalake eh. wag nalang.. haha!