kapag nalulungkot, andyan ang telebisyon para aliwin ka ng mga gag shows, teleseryeng walang sawa sa pagsasabi ng kani-kanilang pangalan, mga commercials na inggitin ka ng mga machong lalakeng nag iindorse ng energy drink, mga long hair na babae na panay ang hawi ng buhok, mga pagkain na gugutumin ka kahit kakakain mo lang, mga bagong gadgets na sobrang mahal na after 5 months ka pa bago magkaron tapos after 1 week may bagong new arrival ulet, mga protection chuvaness na parang hindi dapat iniindorse kasi may mga nanonood din na mga bata na hindi pa alam mag ispel ng dog at cat (pero dapat din naman kasi iwas sakit) at ang uso ngayon, ang pamumulitika na may mga kasama pang artista at kakaibang background music. (PITCHAY, itanim sa senado) nyahahaha.
kapag nalulungkot, may computer games, cellphones, telebabad at chatrooms na anytime anywhere eh makikita mo kung saan saan. Hindi ko alam kung nauuso parin ang Eyeballs este Eyebol, Eyeball, ay-bol? ah... EB nalang. Hindi na kasi ako chatter at wala narin akong balak pang mag chat kung kani kanino na hindi ko naman kilala saka pag nag cha-chat ako hindi ko nacocontrol baka magka problema nanaman, mawalan pa ako ulet ng computer.
(hindi ko alam kung masaya ba ang magiging entry ko o malungkot) wah!!!
sabi sabi... ang gusto ng Dyos ay ang maging masaya tayo at mahalin sya at ang ating kapwa. Walang masama diba. Ala lang, gusto ko lang sabihin pero sabi sabi din na kelangan din nating mahalin ang ating sarili bago ang iba. Sabi sabi ulet na dapat mauna muna ang sarili bago ang iba dahil dapat masaya tayong nilikha ng Dyos at alagaan ang nilikha nya. At sabi sabi din na wag maniniwala sa sabi-sabi. hehe... joke lang.
Si Phoebe ay nagiging korny na... tumatanda na kasi kahit hindi naman kalbo. Manipis ang buhok ko at mukha pang dry dahil sa natural brown na kulay nito. hehe. (nagyabang pa). Yun nga lang pasmado at pawisin ang kamay at paa. (yuck!) astig nga eh kasi unique. (kasuluyan akong kumakain ng creamO at parang lasang alak at panulak ang Yakult.) sarap! Ang tagal ko na palang hindi nakakakain ng Chips Ahoy at Pringles… nakakamiss. Parang mga schoolmates mo na halos 2 taon kong nakasama. Ang saya saya, mamimiss ko talaga sila at ang mga trip namin. Ang mga sabay sabay na kantahan sa classroom kahit may titser. Ang mga may lakas ng loob na matulog kahit nag lelesson. (Di ako kasali dun ah). Ang mga kopya moments namin kasi walang nakapag review. Basta ang dami. Mapalungkot at mapasaya masaya parin kahit malungkot. Haha!
me, kenet, karen, she and elena
ang F-Pals.. hindi rin kumpleto.