Natapos ang lahat sa isang aksidenteng sinadya ko ata. Oo aksidente sya, mas magandang isipin ko nalang na ganun dahil wala naman ding mangyayari kung sakaling aaminin kong sumagasa ako ng isang batang babae. Ano, makukulong ako? Eh mas matindi pa nga tong pagtatago ko habang sinusundan ako ng kunsensya ko. Di madaling makatulog ah! Mas gusto kong nahihirapan ako hanggang sa kahulit hulihang hininga ko, kesa sa 10 taong sintensyang di naman sapat para makalimutan ko ang lahat. Bubuhayin ba ng 10 taon yung batang makulet?
Sa sobrang gulo ng buhay ko noon di ko na alam kung ano na ang tama sa mali. Larga lang ako ng larga lalo na kung magiging masaya naman ako. Di ko na iniisip sasabihin ng iba, para akong hindi anak ng Diyos na wala ng paki kahit kanino. Para na akong isang alien na may sariling mundong ako mismo ang kumokontrol.
Nakalimutan ko na nga kung ano ang silbi ng mga simbahan, kahit ang magdasal di ko narin nagagawa. Masama na kung masama, basta masaya.
Sa lugar kung saan ako nakakakuha ng droga, madalas kong madaanan ang isang batang babaeng nagtitinda ng karyoka. Sa tatlong taon kong dumadaan doon, ni minsan di ako bumili ng tinitinda nya kahit lagi nya akong inaalok. Isang beses pa nga muntikan na kong bumaba ng sasakyan para kotongan sya. Pahiran ba naman ng
kulangot yung bintana ko.
Isang gabi habang nakikipagtalo ako sa kaybigan ko tungkol sa presyuhan nya.
"Kupal ka gago! Ang tagal na nating magkaibigan bat ang taas ng singil mo ngayon sakin?"
"Pare naman, sabi ng may sakit yung anak ko diba?"
"Anu yang anak mo, suki ng ospital? Pare naman, alam mo namang kelangan ko nyan eh"
"Pare kung di mo kayang bayaran, babawiin ko yan..."
"tang ina naman pare..."
Di ko na namalayan, bigla ko nalang binato sa mukha nya... Natapon, nasayang... Sumabay sa hangin...
Di ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari, naalala ko nalang nasa sasakyan ako, mag-isa, pawis na pawis at naghahabol ng hininga.
Kinabukasan, parang walang nangyari. Bat parang papunta parin ako kay Pare? Bat sa kanya pa rin ako babalik at kukuha? Bahala na... ang mahalaga masaya parin ako...
"Gago, kelan ba ako nagtaas?"
"Tarantado kahapon lang nag-away tayo diba tungkol sa presyo mo?"
"Adik ka na nga talaga. Eto na oh..."
Bigla nalang akong nagising, naguguluhan ako. Di ko na alam kung nasan na ako. Di ko narin alam kung ano ang totoo sa hindi. Di ko na alam ang gagawin. Masama na to... kaylangan ko ng lumayo...
sundan mo ko kunsensya ko...
0 napaso:
Post a Comment