pakiramdam na ayaw mong mawala...
isang sakit at lungkot na gusto mong alagaan
hanggang sa makalimutan mo na kung ano ang sarap at saya
babaliktad nalang ang lahat... magmumukha kang tanga.
bobo ang bawat galaw at disisyon sa paningin ng lahat
pinagdukdukang masama at isa kang halaman...
halamang tumatahimik, halamang nagbibingi-bingihan...
halaman na walang kwenta, walang halaga...
siguro'y ayaw mo ng maarawan at madiligan,
kahit siguro maramdaman ang hangin ay kinamumuhian mo na
aantayin mo pa bang maubos lahat ng dahon mo?
o aantayin mong may susunog sayo at ililibing ka sa limot?
0 napaso:
Post a Comment