Saturday, June 09, 2007

-=patay=-


Si Coman, habang kumakain ng Mani... pinaiinom ko narin sya ng tubig. Ang kainan nya eh takip ng litro ng Coke.



MACARTHUR... binili ko with Godfrey sa National Bookstore Sta. Lucia. natapos ko ng 3 hours medyo bitin pero ok lang. Astig! kakatuwa... isang makatotohanang istorya ng mga ordinaryong mamamayang pilipino.



Ang gagong gupit ko na parang gago lang...
Nagpagupit ako dito lang malapit samin. dapat sasamahan ko lang inakoh, ayun, nagpatabas narin ako.

Naalala ko ang aking nakaraan. Nung panahong hindi pa ako marunong sumaway sa utos ng kahit sino. Kahit simpleng bagay na imposible eh nagpapauto parin ako. Madali akong maniwala sa sinasabi ng iba na madalas eh nagmumukha na akong tanga. Pero sa mga pangyayaring yun, dumating ang araw at pangyayaring mali na pala ang aking mga ginagawa at hindi naisip na sumusuway na pala ako at nakakasakit.

Sa kabila ng aking kakulitan, kabiguan, kasamaan, at katangahan eh hindi parin ako napanghihinayang sa mga bagay na dumaan sa buhay ko na talagang nakakatuwa kahit me panget din naman. Mga tao at pangyayaring nagbigay saya at ngiti sakin pero nasaktan ko sila. Hindi ko intensyong manakit. Hindi lang talaga ako madalas marunong mag-isip ng tama at dapat. Tulad nga ng sabi ni RUTHAN gelpen ko na “pasok ako ng pasok.” Hindi ako nag-iisip muna sa mga bagay na bago sa akin. Masyado akong excited na sabi din ng mga magulang at kapatid ko. Siguro naging matakaw ako sa saya kaya sa mga bagay na ikapapahamak ko eh hinahanapan ko parin ng kasiyahan.

Malaking bagay sakin ang tuwa o saya. Sobra… ang mga bagay na ito ang nagpapatatag sakin kapag nadapa ako. Kahit mukang me tetano na ung kinabagsakan ko eh malakas ang immunne system ko para labanan ang mga mikyorbo. Kapag tamad na akong tumayo eh tatayo parin ako kapag naiisip ko ang mga masasayang nangyari sakin. Kahit me malaki akong sugat o gasgas.. nakakalimutan ko nalang ang sakit. Parang gustong gusto kong isipin ang mga nangyaring maganda na kahit pansamantalang saya lang eh may naitutulong pala. At hindi ko hahayaang makalimutan lang yun.

May pangyayari dati na sabay sabay kaming magkaka batch mates na kumakain ng lunch sa canteen. Tahimik kaming kumakain pero syempre nakakagulat na pati ako eh tahimik. Naisip ko agad ang topic na heaven and death.

Pb – woi.. alam nyo ba na pagnamatay tayo eh maaalala parin natin ang lahat?
Ruthan – hindi noh…
Pb – oo kaya.. may nagsabi sakin nun…
Ruthan – eh ang pagkamatay eh panibagong buhay lalo na kapag sa heaven ka. Kasi hindi mo na maaalala mga katangahan mo dito sa mundo kaya wala ka talagang maaalala kasi panibagong buhay nga dun..
Pb- wah! hinde!!! Sayang naman yung mga magandang nagawa mo tapos hindi mo matatandaan?Ruthan – ganun talaga yun…
Pb – hinde!!! Ayoko… basta kung ako mamamatay eh ayokong makalimutan yung panahong buhay pa ko kahit alam kong makakalimutin ako eh ayoko parin. Kung totoo nga na makakalimutan nga natin, eh sa gnomon, masaya akong ang paniniwala ko eh ito. Hmp!

At ayun… nakikinig lang yung mga kabatch mates namin sa debate namin ni Ruthan na wala naman atang pinatunguhan, tuloy parin ang kainan.

Tapos isang araw eh tumawag si Ruthan. (lagi kaming magkausap) at naikwento nya ang tungkol sa death na kapag pumunta kang langit eh magkakakilala parin kayo. At ikwekwento palang nya ang isang kwento sa Bible eh inunahan ko na sya sa ikwekwento nya dahil alam ko na iyon. Tungkol ito sa storya ni ano.. ni.. Lazaro ata. Si Lazaro nga ba… basta namatay sya, mahirap sya tapos sa heaven sya pumunta tapos may isang mayaman tapos sa hell naman sya. Basta yun na yon. Hehe. Tapos sabi ni Ruthan na ganito…

Ruthan – diba nga sabi mo dati hindi mo maalala lahat pag namatay kana…
(hindi ako nagsalita at nag-isip)
Pb – ah eh… hindi ba ikaw ang nagsabi nun?
Ruthan – nyahahahaha.. oo nga. Tinetesting ko lang kung tanda mo…
Pb – wah! ang sama mo.. napaisip tuloy ako kung nakalimutan ko bang sinabi ko yun. Wah!!! huhuhu..
Ruthan – nyahahahahahaha…

Lesson:
- kapag naiisip na susuko na eh kantahin ang kantang Batang Bata ka pa ng Apo Hikings lalo na ang Chorus. Hindi lang ito pang bata…pwede pang all around. Parang Mang Tomas.
- wag makalimot sa mga paniniwala baka kasi minsan eh bumaliktad na ito.

Speking of death eh may namatay na sa akin. Bukod sa buhok na patay eh namatayan na ko ng kuko. Kuko sa thumb sa paa. Sumikat itong patay na kuko ko noong 2005 ata. Hindi ko naisipang e blog pa ang hitsura nito pero etoh na sya… muling nabuhay.

Namatay ang kukong ito dahil sa sobrang preno sa pag gu-gudminton. Mali pala ang rubber shoes na may allowance. Dapat sakto lang. At pagkauwi ng bahay, dahil bugbog nga ang kuko, naapakan naman ako ng aking mabait na pamangkin sa paa, hindi ko agad sya inalis at hinayaan ko lang na apakan nya ko.. mayang onti.. namumuo na ang dugo sa aking kuko kaya ayun… namatay sya. Sad nga eh pero astig. Kapag may nakakakita ng kuko ko eh parang nandidiri sila at awang-awa.


<-- totoong kuko nya yun yung katabi nya... yun sya dati. mukhang maliit pero yan talaga yun...

7 comments:

gerrycho said...

hmnnn... kagila-gilalas, ang muling pagkabuhay ng kuko ni pheebs! shchiwmng!

Anonymous said...

haha... ang astig naman ng iyong bagong hairdo... at isang eksplosibong pagbabalik naman para kay pb... haha, astig picture ng patay na kuko... pamatay, wala sila panama diyan...

dumaan lang...
:P

Anonymous said...

grabe.. ang tindi ni coman.. buhay p pala xa.. ang akala ko maikli lng ang lifespan ng ipis.. pero tumatagal din pala pag inalagaan.. haha!! peram ako ng MACARTHUR!! d ko pa nababasa.. hahaha.. cge cge.. ciao!

Unknown said...

aba! kinikiss mo ba si coman?

kamuka mo pala si kuchicki rukia sa gupit na yan.. hahaha... :D

WOOT! said...

ahaha! aus! oo nga pala noh..naaalala ko ang mga panahong yan. nyahaha! Lagi na lang akong talo! hmf! hehe

mikyorbo?? ahaha san naman galing ang salitang ito?? ang alam ko kasi eh mikrobyo yun! ahaha! ang sarap mamuna para kahit sa mga ganitong paraan eh nananalo ako! nyahahaha!

at talagang tinotopak ka parin sa mundo ngaun..Ang pagalala ng kamalian ay para sa pagunawa ng mga bagay na hindi na dapat maulit.Ito ang mga panahon kung kelan dapat ay nagiipon ka ng lakas upang maging matatag tungo sa ikauunlad mo, ako, ikaw, tayo at ng buong mundo. Hindi para ikasama ng loob mo, ako, ikaw, tayo at ng buong mundo. Gawing kapaki-pakinabang ang mga pangyayari sa nakaraan(nasabi ko na to)..pero hindi lahat ay dapat gamitin..meron lang talagang mga bagay na kelangan pang mangyari para sayo, ako, ikaw, tayo at ng buong mundo. ahaha. ayoko na nga..nakakagagao na tong mga sinasabi ko hindi ko na din naiintindihan :P

dotep-hindi nyan kilala si kuchiki rukia. ayaw nya ng Bleach. hehe

Poli said...

Nasarapan ba si Coman sa mani? Hehe!

Takte yung kuko! Parang sumakit tuloy ang daliri ko sa paa!

Anonymous said...

onga phibs!! parehas kayo ng hairdo ni rukia.. hahaha.. may kumuka na sa anime.. hahahaha...