Tuesday, June 12, 2007

-=its not you, its me=-



Ok lang sana eh.. 4am ako nagising imbes na 5am. Nanaginip kasi ako.

Pumunta ako mall kasama inakoh para ipapalit ang school shoes na nabili ko. Masikip kasi. Ang nakakatawa pa nyan eh size 20 dapat. Tapos pag-uwi ko sa bahay, agad kong sinoot ulet ang sapatos. MALAKI! Size 21 ang naibigay sakin ng sales lady. Agad kong sinabi sa Inakoh.. ayun.. pinagalitan ako. Hindi ko daw chinecheck. Tapos nagising nalang ako bigla. Ok narin kasi yung isang alarm clock eh parang tumigil ata. Yung isang alarm naman sa cd player hindi ko alam kung mag wowork kasi 1st time kong gamitin yun kaya eto ako.. gising na. Nagtimpla ako kape mainet para hindi ako antukin.

Umakyat ako agad sa taas para mag computer. Ok naman ang connection. Nag check ako ng Pinster at ayos naman. Binuksan ang e-fan dahil mainet. Higop sa kape at bigla akong nakaramdam ng kakaiba.. natata*e ako. Agad akong pumunta sa cr dito sa itaas at ayos din naman ang paglalalabas nila. Papunta na kong sala sa taas kung san naka tambay ang computer… pagtingin ko sa bintana… WAHHHHHHH!!! (sa isip lang). Speachless ako.. ang daming nag flashback sa aking isip.. gusto kong umiyak dahil 1 buwan higit na kaming magkasama. Huhuhu… (SINONG PUNYEMAS ANG NAGBUKAS NG BINTANA?!!!) wala na si Coman.. este nakalaya na si Coman. Marahil hindi nya gusto ang mga pinapakain ko.. tulad ng egg pie mula sa Goldilocks, mani galing antipolo, pandesal at chiz curls na huling inihandog ko sakanya na mukhang wala pang bawas.

Pero ganun talaga ang buhay. Ayoko ng itanong kung sino ang nagbukas ng bintana. Mas magandang isipin ko nalang na nag sleep walk ako at ako ang nagbukas nito. Malamang kapag tinanong ko ang mga tao dito sa bahay eh pareho lang sumakit ang damdamin namin. Hayz… dahil naniniwala ako, na minahal din nila si Coman gaya ng pagmamahal ko.


Ow well… may bago akong kinahihiligan… ang mag lego. Pero eto lang lego ko. Pinagpapalit pakit ko lang ang ibang pwesto. Walang ibang kalalabasan kundi coffeeshop parin. Ok naman.. enjoy.

Yung kape tasa ng kape nayan eh katunayan, ubos na yan nung mga panahon na yan at kung e zu-zoom in nyo eh makikita nyo pa yung Chiz Curls na nasa bintana na para kay Coman. hayz...

First day of classes ko ngayon.. gudluck sakin. (grabe.. nakakalungkot.. iniiwan ako ng mga minamahal ko.. ingat ka Coman...)

10 comments:

WOOT! said...

WEE PERS AKO!
Naunahan ko mga PANS mo! YehEy!

dapat gigising ako maaga kanina eh..Gu-gudluck sana Kita! Eniway..bat ko pa ba to sinabi eh hindi ko naman ginawa? huh? dapat pala gumising na lang ako.. para ako una nakaalam ng pagkawala ni COman.

Iniiwan ka ng MGA minamahal mo?? waw nilalahat ah.. SSS "sino-sino-sila?"

ADIos Coman.. D next tym we see u around ..Hindi na mani at egg pie ang matitikman mo..kundi isang malutong na hampas ng tsinelas.. BWAHHAAHA(insert kontra-bida laugh here) hehe.. Joke lang Pibi. Mamimiss ko din si Coman mo.. Buti pa sya may Egg pie T_T huhu.

Kwentuhan mo ko mamaya ha!
condolensce ke COman

Poli said...

Shyeet! Hindi ito maari! Hindi pwedeng makawala si Coman!

TAAAAAKTTTE!

Tsk, natatae rin tuloy ako ngayon!

Poli said...

Shyeet! Hindi ito maari! Hindi pwedeng makawala si Coman!

TAAAAAKTTTE!

Tsk, natatae rin tuloy ako ngayon!

Anonymous said...

wah!! SI COMAN!! T_T how sad.. oh well.. that's life.. hehehe.. sa susunod kasi lagyan mu n ng tali ah?? hehehe

WOOT! said...

Rhenz...gawin daw bang salagubang ang ipis??-_-'''

Anonymous said...

ahehehe.. cute nmn un ah??hehe.. para naipapasyal nmn paminsan.. kwawa eh nakakulong lng.. hehe ^_^

Unknown said...

anak ng, abuso ka kasing amo kaya ka nilayasan... hehehehe....

biro lang brad!

sayang naman, pwede sana siya maglaro kasama ang lego..

paimbetigahan mo ang pagkawala ni coman kay detective conan... :D

Anonymous said...

Taos-puso kong ipagpapanalangin ang mga paglalakbay ng ating minamahal na kaibigang Coman sa mga susunod pang araw sa kanyang buhay.

Coman, hindi ka namin malilimutan kailanman. Harinawa'y magbalik ka, isang araw.

gerrycho said...

at sana mahanap mo na ang daan patungo sa joe's apartment...

p said...

naiyak ako..