Monday, October 15, 2012

Wala Siguro

Wala na akong makitang ibang dahilan,
dahil pinili kong wag hanapin at makita.
Wala na akong maramdamang masarap,
dahil ginusto kong masaktan habang kapiling ka.
Wala na akong maintindihan kahit na ano, 
dahil pinili kong magmukang tanga sa harap ng lahat ng tao.
Wala na akong mukang ihaharap kahit kanino,
dahil ginusto kong ikaw lang at ako sa mundong ito.

siguro wala na talaga kung ano ang meron tayo
siguro dahil ganun talaga ang nakatakdang plano
ngunit alam naman natin na pwede pa itong magbago
lalo na kung naniniwala tayong, tayo lang hanggang dulo.

Wednesday, May 23, 2012

masochist

a magnificent nightmare
eager's me to be my reality
living and lying all my life
this love will stay as my fantasy

i forgot how to be normal
and the value or meaning of importance
but this makes me happy and glad
the best thing i've ever had

this disturbing silence suits the mood
of weird pretending doll in the woods
she likes being sad and all alone
keeping to herself all the pain and sorrow

Monday, April 16, 2012

GAMITAN

masyado na ata akong natutuwa sa mga bata... di ko namamalayan, anim na pala ang anak ko. tingin tuloy ng mga tao malibog ako masyado. di naman eh! tapos ngayon, napapadalas na naman ang pang-aasar sakin ng mga kapitbahay. bilog na bilog nanaman kasi ang tyan ni misis.tsk
buti nalang may maganda akong trabaho at nasusustentuhan ko naman sila lahat ng maayos.

"Oh?! Bat mga gising pa kayo?! Di porket bakasyon pwede na kayung magpuyat!!!"
"Papa naman eh,tapusin lang namin to..."
"Ano yan PBB? Walang katuturuang palabas. Puro kalandian. Patayin nyo yan!!!"
"Mama ohhh...si Papa naninigaw..."
"Anong Mama? Sumunod na kayo ke Papa nyo, sige papaluin kayo nyan..."
"Ay nako Ma'am, kanina pa pong alas dos naka bukas iyang tibi Ma'am"
"Tsk, gatong ka pa yaya eh no?!"
"SABI NG PATAYIN NYO NA YAN!!!"

Ewan ko ba sa mga anak ko... sa kapapanood ng TV, masyado na silang mareklamo at maraming sinasabi. Di nalang sumunod. Madalas ko na silang nasisita dahil sa pagpupuyat nila. Sarap magpatanggal ng
cable.. Makatulog na nga... "Honeyyy?!!! tara na..."

Hayyy... bagong araw, pero walang bago sa trabaho ko. Pagod nanaman akong uuwi nito sa bahay mamaya. Sabagay ayus lang, maalaga naman si Honey. Madalas nya akong minamasahe kahit pagod din sya sa kakaalaga sa mga bata at sa paglilinis ng bahay. Hayyy...Maswerte talaga ako sa pamilyang meron ako. Sana tumagal pa na ganito ang lahat. Nagkakaunawaan, di nagugutom at sama-sama.

"Oh?! Papa bat ang aga mo umuwi?"
"Nak, miss ko na si Honey eh..."
"Sus, naglalaba sya sa likod eh, umiiyak pa nga..."
"Bat umiiyak?!"
"Pinagalitan ni Mama, pakalat kalat daw ginamit nyong condom."

Tuesday, April 10, 2012

maling panakip

nasanay ako sa mga bagay na akala kong tama
ngayong bumabaliktad na ang lahat,
tingin ng lahat, isa akong tanga...

lungkot na alam kong dadating
sakit na kailangan tanggapin
planong naglaho lahat
pag-ibig na hindi sapat

init ng pag-ibig na matagal ko ng inaantay
ngunit bakit parang di kayang sunugin lungkot mong ibinigay?
tingin mo bang sapat na yan para sa akin?
o lulunurin mo lang ako sa usok at hahayaang mahimbing

Tuesday, February 14, 2012

manahimik

nagsimula sa katapusan ang lahat
may takot na baka di ko makayanan
pangambang ayokong maranasan
aanhin ko itong pusong pagod na?

gulatin ako lagi ang iyong kasiyahan
kahit sa paghinga, pilit mong sinasabayan
at ang mga dasal kong nilalagyan mo ng himig
oh pakiusap, wag mo kong pilitin...

kakalimutang nakilala kita
itatapon na parang basurang walang ng kwenta
lolokohin ang sariling di kita inasam
iisiping isa kang pangarap na walang halaga

tama na, kaluluwang nagpapanggap na ligaw
wag ng pagtripan, ayoko na sa gabing maginaw
kaya patawarin mo na ako, di kita gustong mawala
alam nating parehas, minahal kitang talaga