Tuesday, February 14, 2012

manahimik

nagsimula sa katapusan ang lahat
may takot na baka di ko makayanan
pangambang ayokong maranasan
aanhin ko itong pusong pagod na?

gulatin ako lagi ang iyong kasiyahan
kahit sa paghinga, pilit mong sinasabayan
at ang mga dasal kong nilalagyan mo ng himig
oh pakiusap, wag mo kong pilitin...

kakalimutang nakilala kita
itatapon na parang basurang walang ng kwenta
lolokohin ang sariling di kita inasam
iisiping isa kang pangarap na walang halaga

tama na, kaluluwang nagpapanggap na ligaw
wag ng pagtripan, ayoko na sa gabing maginaw
kaya patawarin mo na ako, di kita gustong mawala
alam nating parehas, minahal kitang talaga

0 napaso: