Wednesday, January 04, 2012

Sa sobrang gulo na ng utak ko ngayon... kelangan ko ng kausapin sarili ko.

Makasagot nga ng survey chenes na nakuha ko lang kung san...

Would you go for someone who you know could never be serious about you?
- oo, di naman porket kupal sya, kukupalin ko na eh... teka, anu ba yang serious na yan?

At this moment, are you following your dream or doing/preparing something that pays more?
- dream? eto balak ko na talagang magsulat ulet pero di dahil sa gusto kong sa paraan na to ako yayaman... wala lang, namiss ko lang kasi talaga.

What's the meaning of life??
- Yung alam mong nakakaramdam ka parin ng saya at lungkot.

Define love.
- yung kahit gaano pa sya ka gago, di parin magbabago kung ano yung nararamdaman mo.

Which is more blessed, loving someone or being loved by someone else?
- loving someone... minsan kasi di mo kelangan ng kapalit eh... minsan ah.

Is there anything that has made you unhappy recently?
- gusto kong kumain ng ice cream ngayong araw na to kaso di ko nagawa...

What is the biggest challenge in your life so far?
- yung pinili ko paring mabuhay kahit nahihirapan nako... ahuhuhu *emomode

Would you rather be single and rich or married and poor?
- single and rich tapos bibili ako ng love. hahahaha

What's your favorite C2 flavor?
- nung una apple, lemon na ata ngayon.

How do you want to die?
- magpapakalunod ako sa beach or tatalon ako sa building na napaka taas...

What type of friends do you like?
- yung kayang kontrolin yung sitwasyon ibig kong sabihin yung alam nya kapag kung kelan na dapat sumeryoso at kung kelan magpapaka kupal :D

If you played a prank on someone, and he/she fell for it, what would you do?
- bihira ko gawin saka inaamin ko agad, mas gusto kong pagtripan nako... di ko kayang mantrip ng matindi at matagal sa iba...

If you could tell someone how you feel now,...
- gusto ko ng ayawan ang ice cream... (kausap ko sarili ko ah)

Monday, December 26, 2011

Wag mo ng alamin

Wala na naman akong marinig kundi ang ikot ng elektripan kong madumi...
Iniwan na naman nila ako dito sa bahay, buti nalang di sumama si Yaya...

"Hoy Ashton, lumabas kana nga dyan sa kwarto mo ng malinis ko na"
"Yaya, ako na bahala dito... Usapan natin walang gagalaw ng kwarto ko"
"Ay nako, bahala ka na nga dyan, di naman ikaw pagagalitan ng Mommy mo eh!"
"Sweswelduhan ka parin naman ni Mommy kahit di mo linisin kwarto ko eh. haha"
"Diyosko Ashton, ang kulet mo talaga..."

Sa totoo lang, ayoko kay Yaya. Unang una di naman talaga sya masipag. Lagi kong nakikitang nanonood ng tv kahit may mga hugasan pa sa kusina. Ang gulo ng sarili nyang kwarto. Di marunong magpunas punas ng alikabok. Ang alam lang mag walis. Ewan ko ba, pero kapag kausap ko na sya, kapag tumitingin sya sakin, lahat ng inis ko nawawala. Tumayo na syang parang nanay ko, yung di mo magawang mainis sa taong lagi mong kasama lalo nat alam mong may malasakit sayo.

"Oh Ashton, anu nanaman tinitingin mo?"
"Yaya, ano ba talaga nangyari dyan sa isa mong mata?"
"Wag mo ng alamin, di mo magugustuhan..."
"Kwento mo na please, di ko pagsasabi kahit kanino... haha"
"Alam mo Ashton, ayoko ng maalala yun, unang una masaya ako at nakakakita pa ko kahit isang mata ko nalang yung gumagana, pero naiinis parin ako na nakikita ko yang panget mong mukha, haha"
"Kapal mo Yaya, ikaw kaya panget. Mukhang pang horror yung mata mo... haha"
"Salbahe ka talagang bata ka..."
"Okay lang, love naman kita eh..."

20 years na kaming magkasama ni Yaya pero hanggang ngayon ayaw nyang sabihin sakin kung anong nangyari sa mata nya...

Isang gabi, bigla nalang akong di makatulog. Di ako makahinga kaya nagpasya akong lumabas ng kwarto ko at kumuha ng tubig sa kusina.

Buti nalang at mukang tulog na si Yaya, makakainom ako ng sobrang lamig na tubig. Bakit parang ang lamig din ng hangin? oh?! Bat nakabukas tong pinto sa likod?

"YAYA!!! Yaya, anong nangyari sayo?!!! Yayaaaaaaaa!!!"

Huli na... ayon sa imbestigasyon, nanlaban daw si Yaya sa magnanakaw na papasok sa bahay namin. Mukang hinabol ni Yaya palabas at siguro may nakaabang pang isang magnanakaw sa may pinto... sinaksak lang naman si Yaya sa bandang tagiliran, at ang pinaka nakakainis sa lahat nabanggit sakin ni manong pulis na hindi lang pala unang beses may nagbalak na magnakaw sa bahay namin.

19 years ago, nanlaban din si Yaya sa isang magnanakaw... Ang kwento sakin ni Mommy at ng pulis na kaming dalawa lang ni Yaya noon sa bahay at nautusan si Yayang wag na wag akong pababayaan. Nakarinig si Yaya ng kaluskos sa sala, pinuntahan nya at nakipaghabulan papuntang kusina... natumba ang magnanakaw kasabay ng mga kubyertos sa lamesa, mabilis ang mga pangyayari, biglang hablot si magnanakaw ng tinidor at sinugod si Yaya.

Tama ka Yaya, hindi ko nga talaga magugustuhan...

Sunday, December 25, 2011

Kayo ang bastos!

Papano ko ba to tatapusin kung hindi ko naman talaga sinimulan?
Siguro nakalimutan ko lang talaga kung ano ang mga tama at mali, at hinayaan ko nalang kung ano ang tingin kong dapat.

Sa lahat pa ng pwede kong tanggapin, eto pang hindi talagakatanggap tanggap. Hanggang kelan ko to titiisin? Hanggang kelan ko hahayaan?

Nagsimula ang lahat sa isang aksidente. Sa dami ng tao sa lugar na iyon, bat ako lang ang nakakita sa kanyang mga kamay na sumasayaw sayaw sa ilalim ng ulap. Ano pa nga bang gagawin ko? Hindi ko naman gawaing manood ng taong unti unting nalulunod habang nanghihingi ng tulong.

Pagkalipas ng ilang buwan. Naging close kami sa isat-isa. Wala naman akong inaasahan na kahit na ano pero masaya ako kung ano man tong nararamdaman ko.

Marami kaming pagkakaparehas, madalas kaming magkasundo sa mga bagay, di kami maubusan ng pag-uusapan at lalong masaya kami sa lahat ng oras. Hanggang kelan ba ito? at bat ba kelangan kong malaman kung hanggang kelan? Kailangan bang lahat ng tanong ko ay masagot? Di ba pwedeng wag nalang akong magtanong? Wag ko nalang alamin?

Ang daming kumakalat na maling kwento tungkol samin. Bat ba hindi nalang sila maging masaya na masaya kami? Wala naman kaming ginagawang masama. Masama bang ilabas at ipakita kung ano ang tunay naming nararamdaman? Oo pag-ibig ito. Pag-ibig na hindi dapat kinukwestyon.

Di kami masagwang tingnan, lalong wala naman kaming intensyong manakit o manira ng araw ng iba. Di lang siguro sila sanay sa dalawang parehas na kasiraan na nagpapalitan ng puso't kaluluwa ng harap harapan.

Yung bigla lang naman naming naramdaman. Isang pakiramdam na alam naming malinis at wagas. Isang emosyong kayang makalikha ng libo libong paraan kung papano maging masaya. Isang bagay na alam naming hindi mawawala kahit anong mangyari.

Wala eh, di ko magawang tanggapin na maraming tao ang mas maduming mag-isip kesa sa maging masaya nalang sila para sa iba. Bat ko kelangang tanggapin ang isang bagay na hindi naman katanggap tanggap? Ano, wala na ba akong magagawa? Hahayaan ko nalang?

Oo, hahayaan ko kung ano ang dapat.

Monday, October 24, 2011

L.P.G.H

Nagsimula ang lahat sa pagpapanggap at di ko masabi kung maganda ba ang pinatutunguhan…

Isang ordinaryong araw… tinext ko sya ng gud mowningz powz :p at nag text back naman sya ng break past na pows kayowz ha puleez?! :) pauulet ulet na mga mensahe sa umaga, nagsasawa nako.

Minsan parang naiirita nako sa kung papano ko sya itxt pero di naman sya mawala sa isip ko lalo nat limang buwan na kaming txtmates. Isang beses lang kami nag kita at di na naulet dahil sa busy daw sya masyado sa trabaho at talagang magkalayo naman kami. Kaya siguro lagi ko syang naiisip dahil hindi ako busy tulad nya.

Keylanz bah tayowz mag a eyeballs again? Ang txt ko sa kanya…

Aym nut shures pa babe eh… still buzy parin mee powz… Ang reply nya

Simula nun, di ko na sya masyadong tinetxt… ganun din naman sya pero kahit ganoon, nagplaplano parin ako ng mga bagay na pwede naming gawin kapag nagkita ulit kami. Gusto ko naman syang dalhin sa mall, manonood kami ng sine at magpapalamig. Hanggang ngayon, patuloy parin ang pag-iipon ko para kung sakaling magsawa na sya sa mall, mag a out of town naman kami. Ngayon ko lang naranasan ang ganito, hindi ako umaasa pero nangangarap ako.

Isang gabi…

Hi Honey. I had fun last night. Hope to see you soon.

Wrong send ka Hanna… at ang galing mo palang mag-english :)

Huh? Ay sorry Lito. Bat ikaw ang ayos narin ng txt mo?

Di nako nag reply… Naguguluhan ako… Ang dami kong naiisip. Pakiramdam ko naloko ako. Ang tanga-tanga ko. Bat ba ako nagagalit, eh niloko ko rin naman sya. Di naman ako baluktot magtxt at nagpanggap akong tambay lang pero may trabaho naman akong marangal. Ano ba tong nangyayari?! Bat ako nasasaktan eh ako naman nagsimula ng lahat ng pagpapanggap. Kunwari pa kong nabasa ko ang number nya sa isang bus na sinasakyan ko pero nanghuhula lang naman talaga ako ng number.

Hoy Pablo… tawag tayo ni Sir. may ipapakilala daw bagong cashier…

Sabing Lito tawag mo sakin eh! Ayoko ng Pablo!!! (Bakit parang kinakabahan ako… pakiramdam ko matatanggal ako sa trabaho…)


Boss: Oh mga gasoline boy… eto si Hanna , bagong cashier natin… Wag nyo na tong popormahan, ikakasal na to sa kumpare ko. Haha

Boss: Oh, Mr. Gazo… tulala ka dyan? Ganda ni Hanna no?!

Lito Pablo Gazo: Ay Sir, di ko sya type… muka syang prostitute na jejemon… oo nga po pala. Magreresign nako.


entry para sa pacontest ni gasul http://www.gasolinedude.com/2011/10/gasoline-dudes-blogversary-writing.html

Tuesday, May 24, 2011

-Dreams-

By: Phoebe dela Paz

Not easy for me to open my eyes

to examine the things here in paradise

hard turns to soft, fire turns to ice

when I suppose to wake and realize

Realize what’s good and bad

learn to recognize and make a plan

differentiates right from wrong

fix a belief and have to be strong

This calmest place, now I think I’m dead

maybe I’m missing, clothes must inverted

then the heart beats fast, from a Helldevilish power

forget the word calm, thoughts to ponder