Monday, October 24, 2011

L.P.G.H

Nagsimula ang lahat sa pagpapanggap at di ko masabi kung maganda ba ang pinatutunguhan…

Isang ordinaryong araw… tinext ko sya ng gud mowningz powz :p at nag text back naman sya ng break past na pows kayowz ha puleez?! :) pauulet ulet na mga mensahe sa umaga, nagsasawa nako.

Minsan parang naiirita nako sa kung papano ko sya itxt pero di naman sya mawala sa isip ko lalo nat limang buwan na kaming txtmates. Isang beses lang kami nag kita at di na naulet dahil sa busy daw sya masyado sa trabaho at talagang magkalayo naman kami. Kaya siguro lagi ko syang naiisip dahil hindi ako busy tulad nya.

Keylanz bah tayowz mag a eyeballs again? Ang txt ko sa kanya…

Aym nut shures pa babe eh… still buzy parin mee powz… Ang reply nya

Simula nun, di ko na sya masyadong tinetxt… ganun din naman sya pero kahit ganoon, nagplaplano parin ako ng mga bagay na pwede naming gawin kapag nagkita ulit kami. Gusto ko naman syang dalhin sa mall, manonood kami ng sine at magpapalamig. Hanggang ngayon, patuloy parin ang pag-iipon ko para kung sakaling magsawa na sya sa mall, mag a out of town naman kami. Ngayon ko lang naranasan ang ganito, hindi ako umaasa pero nangangarap ako.

Isang gabi…

Hi Honey. I had fun last night. Hope to see you soon.

Wrong send ka Hanna… at ang galing mo palang mag-english :)

Huh? Ay sorry Lito. Bat ikaw ang ayos narin ng txt mo?

Di nako nag reply… Naguguluhan ako… Ang dami kong naiisip. Pakiramdam ko naloko ako. Ang tanga-tanga ko. Bat ba ako nagagalit, eh niloko ko rin naman sya. Di naman ako baluktot magtxt at nagpanggap akong tambay lang pero may trabaho naman akong marangal. Ano ba tong nangyayari?! Bat ako nasasaktan eh ako naman nagsimula ng lahat ng pagpapanggap. Kunwari pa kong nabasa ko ang number nya sa isang bus na sinasakyan ko pero nanghuhula lang naman talaga ako ng number.

Hoy Pablo… tawag tayo ni Sir. may ipapakilala daw bagong cashier…

Sabing Lito tawag mo sakin eh! Ayoko ng Pablo!!! (Bakit parang kinakabahan ako… pakiramdam ko matatanggal ako sa trabaho…)


Boss: Oh mga gasoline boy… eto si Hanna , bagong cashier natin… Wag nyo na tong popormahan, ikakasal na to sa kumpare ko. Haha

Boss: Oh, Mr. Gazo… tulala ka dyan? Ganda ni Hanna no?!

Lito Pablo Gazo: Ay Sir, di ko sya type… muka syang prostitute na jejemon… oo nga po pala. Magreresign nako.


entry para sa pacontest ni gasul http://www.gasolinedude.com/2011/10/gasoline-dudes-blogversary-writing.html

6 napaso:

reigun decena said...

khulitz jejeje..este hehe pala .;p

Goyo said...

prostitute na jejemon. lol

vivierepato said...

HAHAHAH!! ang galing!! Solid yun ah!

rah said...

hahaha naenjoy ko yung kwento. sakto lang sa haba at galing ng twist. posible!


goodluck :)

Traveliztera said...

hahahhaha love it!

The Gasoline Dude™ said...

After more than a month of reading and putting scores on each entry, FINALLY! Natapos din! Salamat sa paglahok at pagsuporta sa aking munting patimpalak. :)