Wednesday, March 21, 2007

-=MASAMA KA KASI=-

HINDI MASAYA PERO KAILANGANG MAKUNTENTO.
ANG MGA PANGET NA NANGYAYARI ARAW ARAW SA BUHAY KO DAHIL PARA SAKIN TALAGA YUN. GANUN TALAGA ANG BUHAY... SWERTEHAN LANG.

Tuesday, March 20, 2007

-=GRABEH!!!=-

grabeng paglalakad sa daan nang buhay ang nangyari sakin. Di ko akalaing mya mga bagay akong nagagawa na hindi angkop sa mga sinasabi ko. Puro pala ako salita. Puro ako pag-papaasa. So beware kayo sakin. hehe. Sa totoo lang eh walang nakakatuwa at nakakatawa sa sinabi ko. Sinisira ko sarili ko eh o matagal na talagang sira? Ayokong magpost ng hindi maganda at ayoko na talagang magkwento ng hindi maganda sa buhay ko. Ano magiging resulta nun? Matutulungan ba ako ng iba eh kung minsan ako pa ang ayaw tumulong sa sarili ko? o diba... magsasayang lang sila ng panahon sa pakikinig ng mga storyang wala namang kwenta at maidudulot na maganda. Nakakalungkot lang talaga ang mga nangyari. Kung may magpupumilit na magsasabing ginawa ko nga ang mga yun tapos hindi ako masaya, oo.. hindi ako masaya o hindi ko lang siguro alam kung ano ba talaga ang saya o ang magpapasaya sakin. Marami akong katanungan parang ayoko ng malaman ang sagot. haha! Seryoso, nawawalan na ko ng paki sa mga bagay na para naman sa ikabubuti ko. Labo... nakakalungkot na parang lumalabas na hindi ko na minamahal sarili ko. what the... naiiyak ako sa mga sinasabi ko. Haha... (sige, mag panggap ka nanaman). hahahahahaha.... Ayus nga eh... saya saya.
Sa katangahan ko sa buhay... nakakahiya ng bumalik sa mga taong dating laging nasa tabi mo. Tipong hindi kana dapat patawari kahit sinasabi ng ilan na si "God nga nagpapatawad eh". Parang dapat hindi na ako patawarin. Haha... Ang saya ko pa noh kahit nawalan ako ng mga mahal sa buhay na iniisip nila na hindi ko daw talaga sila mahal. Sino ba ang makakapag patunay nun? ako ba? Eh papano kung hindi ko kaya, o hindi ko magawa, o hindi sapat? ibig sabihin ba nun eh hindi ko talaga sila mahal? haha... kung may sasagot ng mga tanong na toh, gudluck nalang kasi kahit hindi nyo sagutin o sagutin nyo man, hindi ko alam ang e-rereaksyon ko. Haha... siguro tawa. Oo nga noh.. tama... ah ewan!
Grabe.. sobrang hiyang hiya nako.. hindi ko alam kung san ako lulugar. Di ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ba mga plano at mga pangarap kong mahirap abutin. Sa ngayon.. nagpapaka normal akong nilalang. Go with the flow, aral, bahay, kain, tulog pero normal din ba ang malungkot araw-araw?

Saturday, January 06, 2007

-=weeeee=-

eto ang normal na PB
Me and the tres marias.
mag titinikling kami nito. Si Ruthan ata galit sakin ng mga panahon natoh at pinilit ko lang magpa pic.
Me, Kenneth, Vincent, Ruthan ang Migs...
kakatapos lang ng JS. Ako dancing queen si Ruthan early bird. hehe.
Hindi pa nag sta-start ang SABAYAN namin. Akalain nyong nakaya naming mag perform ng nakayapak sa ganyang kainit... grabe yun! Ruthan and Me
malungkot kaba talaga dito Ruthan? hehe... Christmas Party neto at nandun kami sa teachers table.
Lawrence, Cristine, Me, Ruthan, Nico and Jensee.
mano po (blessing) ng bahay nila Ruthan. Sa laki at ganda ng bahay nila, pwede kang mag patintero sa loob. Ang sasarap pa ng mga handa nila at talagang malaki ang kanilang pamilya. Dami nilang kamag-anak. Astig at ang saya!

minsan napipikon talaga ko sakanya at gusto ko syang suntukin...
(sa starbucks)

pero ang totoo, madalas talaga... gusto ko na syang sakalin..
pero sa kabila ng lahat... nasasabayan parin namin ang mga trip ng bawat isa... mish you tutoy!
dvd with book bout guitar, notebook from grassroots, planner from starbucks, slippers, cute cap and si Bimgirl.. mga gifts mula kay Tutoy.

Friday, December 29, 2006

-=bakasyon ba ito?=-

kelan paba magtatagal ang ganitong sistema ng buhay?

- sira pc ko, parang tao na kelangan ng pahinga bago gumana
- hindi matapos tapos na gawaing bahay, as in araw araw hindi nawawalan ng alikabok.
- ang pag-aalaga sa napaka bait kong pamangkin na si Ti
- ang paghuhugas ng pinggan na kahit hindi ako ang kumain
- laging nakasita at utos ang tatay kong napakabait din
- nanay kong sobrang sipag na hindi ko maawat sa kakakilos
- ate ricel kong kapag pinapatulog ko na galing trabaho ayaw makinig
- ate la kong puro kalokohan na puro talaga kalokohan.. as in...
- si Ruthan na napapadalas ang kadramahan
- si Tutoy na nawee-weirduhan at naninibago sakin
- at ang sarili ko na natutuwa naman sa mga nangyayari.

nakakatawa na nakakalungkot. Tinulugan ko lang ang Pasko. Kakaibang gawain kasi parang wala lang talaga. Nalungkot ako pero di ko na masyadong dinamdam kasi baka magdrama nanaman ako. Ikaw ba naman kasi kumain ng spaggeting walang lasa eh pero inubos ko kasi luto ng tatay ko eh.


sa totoo lang, masaya naman ako at hindi ko naman to nirereklamo. May mga bagay lang talaga na kelangan tanggapin para madali nalang ma-e-enjoy. Natututo na akong magtiis at makuntento sa kung ano ang meron ako ngayon. Pero syempre hindi ko parin maiiwasang mag-asam at maghangad ng ibang bagay tulad ng mga simpleng pangarap ko na makaLIPAD.

Saturday, December 09, 2006

-=dreams can be true=-


hanggang pangarap nalang ba toh?


Pangarap ko ang makakita ng sunset sa dagat. Dagat na malinis, kahit hindi white sand ok lang, yung dagat na may mga naglalakad pa na alimango sa buhanginan tapos hahabulin ko sya tapos magtataka sya bakit ko sya hahabulin tapos ako naman hahabulin nya tapos madadapa ako, gugulong kami sa buhanginan. haha... teka iba na ata toh. Ahh basta, kahit hindi agad agad tong pangarap na to. Hindi naman dapat minamadali ang pangarap para sakin dahil hindi ako papayag na hindi to mangyari bago ako mawala.

Kanina wala naman masyadong nangyari...
- hindi lang ako naligo papuntang school kahit may review kami
- at nagbike lang ako papuntang skul at pauwing skul
- inasar asar ako ng mga ka batch ko kasi hindi nga ako naligo... pinamalita ko kasing di ako naligo at sinasabi ko nalang "buti nga pumasok ako eh!" haha!
- nagkukulitan kami sa classroom ni Ruthan kahit na hindi naman kami magkatabi.
- naeexcite kami sa mga grades sa mga biglaang grades namin...
- 9 sya ako 9 out of 20 sa math. 15 kami parehas sa english, perfect nya filipino ako may maling 2. galing galing talaga ng gelpen ko.
- kumain kami ni Ruthan ng lugaw na 25pesos tapos first time nya atang kumain ng twalya. nung una ayaw pa nya hanggang sa matuwa at mapilitan na sya.
- ayaw at hindi kumakain si Ruthan ng garlic na ito naman akong gustong gusto.
- mas gusto nya ang may lasang inumin, ako masaya na sa tubig. pero ang totoo, nagtitipid lang kasi ako. haha.
- nagkapikunan sa classroom, tinamaan kami ni Ruthan dun sa sinabi pero di ko na sinira pa araw ko. haha... masakit sa umpisa pero not big deal para umabot pa sa pataasan ng pride.
- pag-uwi ko ng bahay pagod. Ikaw ba naman mag-bike ng nakajacket tapos tanghaling tapat tapos ang usok pero astig kasi kanina ko nalang ulet nagawa yun. haha.
- kumain ako ng tanghalian na talong at talbos salad na hilaw na may suka at buntot ng tilapya, uminom ng malamig na tubig at ininom ang vitamins.
- naalala ko yung diskette na nawawala na andun yung project ko. huhu... asan na kaya yun? tulungan nyo kong maghanap.
- tapos na badtrip ako sa pc ko, ang bagal bagal kasi..
- tapos wala na atang balak parents ko na magpa dsl... huhu... hirap talagang umasa.
- tapos nakalimutan ko pang ipaabot sa ate ko yung card ng starbucks kay Tutoy.

bakit ba kasi makakalimutin ako.. nakakainis na. Madali akong naloloko sa pagiging ulyanin ko eh. May pagdagdag ba ng memory sa utak? gusto kong palagyan ng 80 gig tapos pwede ko ng lagyan ng videos yun. haha.
nagiging nonsense nanaman entry ko.
sked... wednesday, friday and sunday lang pwede akong mag pc lalo nat kailangan magreview for NCEE ata yun. Bale sa January start nung exam at tuwing saturns day eh may libre kaming review sa school pero may bayad ang pag papaxerox ng mga papel na ang ilan eh hindi naman malinaw kaya sayang yung ink tapos itatapon lang nila sa basurahan. hehe. dapat binibigay nalang nila sakin yun tapos gagawin kong eroplano o di kaya kakainin ko nalang.