Showing posts with label sawa. Show all posts
Showing posts with label sawa. Show all posts

Tuesday, March 20, 2007

-=GRABEH!!!=-

grabeng paglalakad sa daan nang buhay ang nangyari sakin. Di ko akalaing mya mga bagay akong nagagawa na hindi angkop sa mga sinasabi ko. Puro pala ako salita. Puro ako pag-papaasa. So beware kayo sakin. hehe. Sa totoo lang eh walang nakakatuwa at nakakatawa sa sinabi ko. Sinisira ko sarili ko eh o matagal na talagang sira? Ayokong magpost ng hindi maganda at ayoko na talagang magkwento ng hindi maganda sa buhay ko. Ano magiging resulta nun? Matutulungan ba ako ng iba eh kung minsan ako pa ang ayaw tumulong sa sarili ko? o diba... magsasayang lang sila ng panahon sa pakikinig ng mga storyang wala namang kwenta at maidudulot na maganda. Nakakalungkot lang talaga ang mga nangyari. Kung may magpupumilit na magsasabing ginawa ko nga ang mga yun tapos hindi ako masaya, oo.. hindi ako masaya o hindi ko lang siguro alam kung ano ba talaga ang saya o ang magpapasaya sakin. Marami akong katanungan parang ayoko ng malaman ang sagot. haha! Seryoso, nawawalan na ko ng paki sa mga bagay na para naman sa ikabubuti ko. Labo... nakakalungkot na parang lumalabas na hindi ko na minamahal sarili ko. what the... naiiyak ako sa mga sinasabi ko. Haha... (sige, mag panggap ka nanaman). hahahahahaha.... Ayus nga eh... saya saya.
Sa katangahan ko sa buhay... nakakahiya ng bumalik sa mga taong dating laging nasa tabi mo. Tipong hindi kana dapat patawari kahit sinasabi ng ilan na si "God nga nagpapatawad eh". Parang dapat hindi na ako patawarin. Haha... Ang saya ko pa noh kahit nawalan ako ng mga mahal sa buhay na iniisip nila na hindi ko daw talaga sila mahal. Sino ba ang makakapag patunay nun? ako ba? Eh papano kung hindi ko kaya, o hindi ko magawa, o hindi sapat? ibig sabihin ba nun eh hindi ko talaga sila mahal? haha... kung may sasagot ng mga tanong na toh, gudluck nalang kasi kahit hindi nyo sagutin o sagutin nyo man, hindi ko alam ang e-rereaksyon ko. Haha... siguro tawa. Oo nga noh.. tama... ah ewan!
Grabe.. sobrang hiyang hiya nako.. hindi ko alam kung san ako lulugar. Di ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ba mga plano at mga pangarap kong mahirap abutin. Sa ngayon.. nagpapaka normal akong nilalang. Go with the flow, aral, bahay, kain, tulog pero normal din ba ang malungkot araw-araw?