Hindi ko alam kung sigurado ba ako sa natatandaan kong pangyayari sa buhay ko. Kung pano ko nakahiligan ang pag susulat. Sa pagkakatanda ko nga eh, noong elementary ako, natuwa ako sa pag babasa ng mga libro. Di ko din maalala kung anong libro ang una kong nabasa na hindi librong pang edukasyon. Di ko nga rin maalala kung tagalog ba ito o sulat sa ingles. Minsan nga nakakalimutan ko narin kung pano magbasa este ang maligo pala. Sa totoo lang gustong gusto kong maalala ang mga yon pero nasasaktan ako dahil mas napapatunayan kong makakalimutin na ako. sakit naba to?
Ang sigurado ko, naaliw ako kay Bob Ong at kinulekta ko ang mga libro nya. Name it?! Lahat meron ako, pero dahil sa may mala diamante akong puso eh walang pagdadalawang isip kong pinahihiram ang mga librong binili ko at dahil sa di maiiwasan ang mga taong makakapal ang mukha eh may mga libro na akong di ko na nakita pa. simula noon, di nako nag papahiram. Pilitin mo pa ako, potah ka, bumili ka ng sarili mong kopya.
Naaliw din ako kay Pol.Medina.Jr. Sa katunayan eh may kuha pa kaming dalawa sa litrato. May nagbalita kasi sakin noon na may comic convention sa UP Diliman at darating raw doon si Pol Medina. Sobrang saya ko nun. Dapat nga eh may kasama akong papunta doon dahil di ko kabisado ang loob ng UP kaso nga lang eh mas may importante syang gagawin pero hindi dahilan un para hindi ako tumuloy. Nag punta ako dun mag-isa. Nag tanong tanong sa mga taong nag lalakad sa daan. Sumakay ng dyip at di makahinga ng maayos sa kaba at yun nga… narating ko ang dapat kong marating, maraming ilaw at may mga babaeng nag sasayaw sa entablado na nakahubad este sa UP pala. Nawala na ang kaba ko at agad na akong pumasok sa loob. (at pota, di ko din maalala kung anong building yun sa UP).
May bayad ang entrance sa comic-convention. Medyo madami dami ang tao. Di lang pala medyo. Madami talaga. Ang daming mga sikat na writers ng comics pero di ko sila kilala. May mga lumang comics ng batmans at iba pa sa murang halaga. May mga mangilan ngilan na action figures na hindi naman ata binebenta. May mga food corner na masarap kahit di ko natikman. Ang dami kong gustong gawin doon pero nangingibabaw parin ang sadyang makapag pa autograph kay Pol.Medina.
Nagawa ko naman ang sadya kong tunay. Nag tawanan pa nga kami ng onti ni Pol.Medina dahil sinabi kong PB ang nickname ko. Hiniram pa nya ang whiteboard marker na akala nyang pentel pen na hiram ko lang din sa classmate ko. Ako kasi ang unang nag pa autograph sa kanya. Ewan ko ba, nakatitig lang ang mga taong nasa harap nya, speechless na nakatulala. Kaya ayun, inunahan ko na sila.
Sa dami ng librong nabasa ko na syempre wala pa un sa kalahati ng mga nabasa mo kung sino ka man eh potek, ang hirap tuloy mag disisyon ngayon. hilig kong mag basa at sumulat pero bat parang hindi ko pa ata dapat seryosohin ang bagay na yan sa ngayon? why?
Ang daming problemang dumating. Nakakagulat pa ang karamihan at muntikan ko ng hindi kayanin. Hirap na nga ako sa totoo lang at nagpapakita na ako ay sadyang may kahinaan. Pero bat pa ako nangangarap? Anung plano ang dapat kong sundin para sa aking kinabukasan? Kelangan kong makaisip ng isang bagay na pag-aaralan na paniguradong may perang bubunga.
Hindi ako pwedeng mag shift sa isang kursong walang kasiguraduhan. Alam naman natin kung ano ung mga bagay na mag bibigay malaking kita talaga. Parang sa ngayon ayokong munang isipin ang kaligayahan ko. kelangan ko agad makakuha ng trabaho, para magkasweldo at ipanggagamit sa pag-papaaral sa sarili ko, pag-aaralin ang bagay na magbibigay ligaya sa buhay ko.
Naisip kong mag-aral magluto. Tutal, masarap magluto ang mga magulang ko, ako wala pa akong alam. Tutal ulet balak ng tatay kong mag negosyo ng kainan at hilig ng pamilya namin ang kumain. What yu think? May future kaya akong maging chef?
(isang tabi muna ang mga bagay na sigurado ka namang nandyan lang)
8 comments:
ayos sa shifting ng story ahh..biglaan..pero un din ung nais iparating..¨isang tabi muna ang mga bagay na sigurado ka namang nandyan lang¨ mukang alam ko to ahh?mukang desidido k na..kung ako tatanungin mo..alam mo na sasagot ko..kung ipipilit mu un..un padin sasagot ko..
Kaya mo ba naiisipang mag-shift ay dahil sa hirap ng Chemistry subjects mo? Nandito lang ang mga Greenies parang i-tutor ka. Matalino sina GP at LV. Si Chie Chie din. Ako moral support na lang. Nyahaha! *LOLz*
Tuloy mo lang kung ano man.. Doon din uuwi ang lahat. Tsaka malay mo, pag graduate mo ng medtech eh laos na siya pero ang pagiging chef ay di matatawaran ngunit baka di malaos ang medtech... hmmmmmmmn....
Masyado pa yatang maaga para makaramdam ka ng "quarterlife crisis" huh. Wala ka pang 20s, 'di ba?
babae,hinay hinay lang sa pag iisip, lalo ka lang maguguluhan at hindi makagawa ng magandang plano. magtapos ka muna. ayan ang susi upang maging malaya ka na at maging independent at maisasagawa mo na ang iyong pangarap.. alam mo naman na "walang madaling paraan". alam kong ayaw mo may masayang pero isipin mo na lang na isa un sakripisyo para sa iyong pangarap.
even strong women, If they can't rely on a man. its hopeless but there's no point in relying on them if you can do it yourself.
In the course of person's life. you must make many choices, Whether the choice is right or wrong. No one knows. That's why people believes that the choices they make are the right one's
sa panahon ngaun... halos lahat naman tayo dapat maging praktikal... pero sana.. ung mga bagay na nakapagpapasaya sa atin... wag lng natin basta isantabi lang...
alam nating anjan lang yan.. pero kahit papaano... gawin mo un... ung mga nakahiligan mong gawin... kung saan ka sumasaya...
baka kasi ung mga bagay naman n un ang magtampo... mawala bigla... kasi sobrang focus ka sa ibang bagay... tapos hindi k naman masaya...
naisip ko lng.. wala lng.. hehehe...
Post a Comment