Tuesday, July 22, 2008

--wala--

Naiinip nako kakaantay sa wala
Niloloko ang sariling,
makakakita ng nakamamangha
Na mag-uudyok ipag patuloy ang buhay
Magbibigay panibagong pangarap
Magtuturong maging tiyak sa lahat


Imposible ang ilang imahinasyon
Ngunit nagbibigay saya,
sa manhid kong pandama
bagamat matibay parin at malakas
na handang tumanggap…
iba’t ibang kalungkutan


Lahat ng tiniis ay iniluwa
Di ko kagustuhan,
na wala akong magawa
Inuto ang sarili sa prosesong mahirap
akala kong masaya, wala palang kwenta.


kalungkutang masaya sa iba
ligayang problema ang punta
emosyong katuwaan ang hangad
puntong walang halaga
may pake kaba?
Ako wala…

9 comments:

gillboard said...

di ko alam kung pano tatagalugin to... pero ang susi sa kaligayahan eh "lowered expectations"

wag umasa masyado para di madisappoint. yun yung punto ng iyong tula di ba?

kung hindi... tanga talaga ako. hehehe

Anonymous said...

"Niloloko ang sariling,
makakakita ng nakamamangha..."

-kahit ako minsan nangyayari sa kin 'to. ;) pathetic, ika nga ng karamihan. pero bakit ba? paki nila. hehehehe

Bienthoughts [a.ride.to.life] said...

"...Imposible ang ilang imahinasyon
Ngunit nagbibigay saya, sa manhid kong pandama..."

minsan talaga, may mga bagay na alam nating imposibleng mangyari, o makamit, pero ito rin yung mga bagay na nagbibigay sa atin ng pag--asa.

-bienthoughts

Unknown said...

tula ba yan!?

sali ka sa linggo ng wika.. hehe

Axel said...

Nakakaiyak naman yan... Hehehe...
Wag ka ng malungkot, smile naman dyan... hehehe...

Ganda ng tula, medyo nahirapan akong intindihin yun ah...

Anonymous said...

tumutula... bagong latest

lethalverses said...

WALA PA BANG BAGONG POST??
WALA PA BANG BAGONG POST??
WALA PA BANG BAGONG POST??
WALA PA BANG BAGONG POST??
WALA PA BANG BAGONG POST??
WALA PA BANG BAGONG POST??
WALA PA BANG BAGONG POST??
WALA PA BANG BAGONG POST??

WOOT! said...

ang lalim pala talaga nito eh no.. ooooohh.. napagtanto ko.

Amartinez said...

Ganyan ba talga kapag ala magawa... hehehe!! nice poem..