Saturday, May 17, 2008

--tebele--

Deer Rein?
Raindeer?
Dear Rain,

Hindi ko alam kung panu sisimulan pero sisimulan ko na.




Onti lang naman po ang pangarap ko sa buhay.
Tulad ng pangarap ng nakararami, ang makapag tapos ng pag-aaral.
Isama mo narin ang makapag asawa ng mayaman lalo na sa isang tulad ko.

Practical na kung sa practical pero wala naman ng taong may obligasyon sakin kundi si Nanay Hilda nalang. Napulot nya raw ako noong 2 taong gulang ako sa isang dry market gawing Marikina. Hindi pa nga ako naniniwala noon.

“napulot lang kita! Kaya gawin mo mga sasabihin ko!”

“niloloko mo naman ako nanay eh. Anak mo ko at mahal mo ako.”

“asa ka! Sige na, umalis kana at mag tratrabaho kapa, wag ka ng mag-almusal.”

Sweet po talaga sakin si Nanay Hilda. Sa ka sweetan nya eh kinailangan ko syang tulungan sa mga gawain nya. Medyo mahirap ang mangilan ngilan tulad ng pagbubuhat ng mga drum na may lamang maduduming damit.
Mga damit na hindi naman amin. Pero kahit amin pa iyon, ako naman ang taga laba ng mga damit ko, sobra na kung ipapaubaya ko pa un ke nanay at hindi naman ako pala ligo at may ulan naman tayung tinatawag kaya hindi aksayado ang tubig at sabong tinitipid nya.

Ibang serbisyo ang naibibigay ni nanay sa katabing subdivision namin. Bukod sa paglalaba nya ng damit eh taga plantsa din sya. Mapa buhok ay wiling syang deretsyohin.

May asawa nga pala si nanay Hilda. Si tay Pedring na lagging lasing. Grabeng kaba ko kapag asa bahay sya, ang lalaswa kasi ng lumalabas sa bibig kapag nakainom. Kung san san pa umiihi.
Minsan tinabihan nya ako at sinabing “wag kang magsusumbong”. Kinabahan ako noon.

“wag kang magsusumbong…”

“wag… eee… bakit po tay Pedring?”

“may gelpren ako… wag mo sasabihin sa nanay Hilda mo, pag nagsalita ka kakalbuhin kita!”

Wala po akong nagawa noon at syempre hindi ko naman dapat sabihin. Hindi lang nya alam, may boypren din si nanay Hilda na isang driver sa mansion nila Mayor Kim-Kong.

Kahit lasing naman tong si tay Pedring eh hindi sila pala away ni nanay. Siguro naiisip nilang kasalanan na ang pangangaliwa nila tapos mag-aaway pa sila. Saka bihira kong makitang malulungkot ang mga mukha nila, madalas ko kasi silang nahuhuling magkayakap… habang hubad. Doon ko po napatunayang iba po talaga ang tunay na pag-mamahal.

Pero isang araw. Napansin kong iba na ang kilos ni nanay Hilda. Nanginginig sya lagi na parang nilalamig. Hindi ko naman masyado pinapansin dahil kapag nakauwi na si tay Pedring eh nawawala ang nginig neto. Hindi ko alam kung anong gamot ang binibigay ni tay Pedring pero nakakapag papawis eto at nagiging normal si nanay.

Sumunod na buwan. Hindi ko na nakikita nanginginig pa si nanay. Normal na sya. Normal syang natutulog sa isang malaking kahon na kasyang kasya sya. Parang sinukat lang.

Lahat sila malungkot. Ako lang ata ang masaya nung gabing un. Ang dami kasing bulaklak na ang lalake na bigay ng mga mayayamang customer ni nanay. Ang dami ding pagkain at inumin tulad ng kapeng iba iba ang lasa at mga biscuit at cookies pa. At ang talagang ikinatutuwa ko…

“ang ganda pala talaga ng buhok mo Neng…”

“salamat po”

“totoo nga ang sabi ng nanay mo, iba ang buhok mo.. natural ang ganda”

“salamat po”

Puro salamat lang ang nasasabi ko. Sobrang touch ako sa mga sinasabi nila. Talagang ang sweet mo nanay. Pinag mamalaki mo ako kaya pala ganun nalang ang trabahong naisipan mong gawin ko.

“te, bele naman kayu…” habang kumakatok si Neng sa isang malinis na bintana ng kotse.

Ngumingiti lang ang ilan nanay. Ang iba naman shine-shake shake ang kamay nila sa harap ko at may matching iling ng ulo.

Minsan naisipan kong bentahan naman ang lalake.

“koya… bili ka naman” kalabit ko sa braso sa na nakapatong sa bukas na bintana ng sasakyan.

“aanhin ko yan? may nakikita ka bang buhok ko?” ang sagot ni koya.

“sa gelpren nyo po” maawa awa kong sagot.

“wala ako nun.” sabay harurot ng madumi nyang sasakyan kahit naka stop sign pa.



Ngayon ko lang naintindihan nanay ang kahalagahan ng pinasukan kong trabaho noon. Trabahong ipinagkatiwala nyo sa akin.

Buti nalang at nangarap talaga ako
at buti nalang, hobby ko ang pag susuklay.

Nay… sana nakikita nyo ako ngayon.
Kung hindi ngayon eh sa mga tv o billboard sana.
Okay ang sweldo ko at sobrang saya ko sa mga papuri nila sakin.

Nay… naiintindihan ko na kung bakit ok lang sa inyo na magpaulan ako noon.
Akala ko wala lang talaga tayong pambiling payong…

pero nakakaganda pala ng buhok ang ulan.

Sige nay, kainin nyo sana ang fruit salad na pasalubong ko.
Inaantay na ako ng dati nyong boypren,
sya kasi ng driver ko ngayon.
Babalik ako bukas para alamin kung naubos mo
at lilinisin ko rin yang bahay bahayan mo.
Mag pahinga ka lang dyan…
Mahal kita.

8 comments:

Anonymous said...

This light but very touchy. Saludo ako sayo dito Pb. Bagong-bagong Pb ang nakita ko sa akdang ito.

WOOT! said...

salamat naman nagsulat din sya ng inosenteng karakter.. pero may libog padin ah di talaga mawala-wala mukhang trademark na ng may akda :P

Unknown said...

yayks! medyo nakakagimbal na nakakaawa na tatangatanga.

yun lang masasabi ko dun.

The Gasoline Dude™ said...

Akala ko rereypin ni Tay Pedring yung bida. Whew! = D

Ang galing galing naman magsulat (kahit hindi ko naintindihan yung iba... *LOL*).

Teka lang, basahin ko ulit. = D

Poli said...

Magaling! Nagustuhan ko talaga ang ending mo!

Anonymous said...

ayan, binabasa ko na yung blog mo ha? haha. nakakatuwa naman yung story. matanong ko lang, lahat ba ng sinusulat mo e based sa experience mo? hmmmmm..madalas kang maligo sa ulan?

oist, pabago naman ng link ko o. supladita. ahihihi

Mar C. said...

wow! ang galing ng pagkakasulat, natouch ako. inosenteng karakter ang bida. galing! galing! galing!

pb said...

P!
wuchu.. may ganun. anu ang na touch sayu? ahehe

RUTHAN!
inosente nga ano. hehe. for a change pero nasa loob talaga kulo nyan. haha.

DOTEP!
ang dami mo ng nasabi, kuntento na ako. ahihi...

GAS.DUDE!
ikaw rapin ko gusto mo... haha. biro lang.
maiintindihan mo din yan. haha.

POLI!
ending lang? haha... salamats

I HEART!
experience ka dyan. di no.
pero i love rain un nga lang bihira ako makaligo.

PEN!
ikaw ba inosente... haha. salamats. hihi.