Friday, May 09, 2008

--Kanton sa Ulan--

Iba parin kapag alam mo gusto mo…
pero hindi lahat ng gusto eh magagawa mo.
Nakabase ang disisyon sa sitwasyon.
Napapanahon ang lahat.


morning 10pm ng gabi sa paupahang bahay ni Fernand…

Fernand – “san ka galing?”

Gorgia – “nagpaload lang ako, paranoid ka naman”

Fernand- “malamang ma paparanoid ako! tang-ina moh, ang tagal mong nagpaload!”

Gorgia – “eh sarado tindahan kela ate Binglod”

Fernand – “ah.. so galing ka pang mall at dun ka nagload…”

Gorgia – “ah eh… ganun nga… hihi”

Fernand – “ok ok… kain na tayu ng tanghaliaan”

Ilang oras din naghintay si Fernand ke Gorgia pero panatag itong uuwi din sa kanya at makakasabay nya sa paghiga sa kama, matutulog. Hihi.

Fernand – “mahal na mahal kita Gorgia. Hindi kita iiwan. Ayus lang na magkalalake ka, kahit ilan pa yan dahil alam kong uuwi karin sakin, na ako lang ang mahal mo.”

Gorgia – “hihi. Talaga? Bakit?”

Fernand – “yan nanaman yang bakit na yan!”

Gorgia – “ehdi wag mong sagutin at matulog na tayu!”

Fernand – “eee… tabi ka muna sakin”

Gorgia – “ewan ko sayu! Sa ilalim ako ng kama matutulog!”

Fernand – “ayus ah! Bahala ka!”

Gorgia – “talaga!”

Gawain madalas ni Gorgia ang matulog sa ilalim ng kama. Minsan tinatabihan ito ni Fernand at kinukumutan at bago magising si Gorgia eh aalis na kagad si Fernand sa tabi nito.

Bago matulog si Gorgia eh lagi nyang hawak ang kanyang cellphone.
Hindi matigil-tigil sa pag pudpod ng hinlalaki.
Hindi ko alam kung may ka txt ba sya o nag lalaro lang ng sudoku na hindi alam ni fernand kung pano laruin.

Katawan lang ang kayang laruin ni Fernand. Hihi.


Isang taon narin ang nakalipas at ayus naman ang dalawang magkasintahan.
Madalas silang mag-away sa mga nababasang txt ni Fernand at hindi tamang oras na pag-uwi ni Gorgia.

Hindi pala kwento si Gorgia at tinutulugan nalang nya itong si Fernand pagkauwi galing pag papaload.
Kapag tigang sila parehas eh syempre labasan na ng init un…
ineentertain nila ang tawag ng laman.
Pero madalas pagod si Gorgia galing sa paloadan kaya madalas ding magtaka si Fernand.

Pang-uuto at pang-iintindi ang naging dahilan ng 1 taong pagsasama.

Kahit puro kapintasan si Gorgia…
kanyang sarat na ilong, matigyawat na mukha, maliit na tangkad, at kupal na ugali eh mahal na mahal parin sya ni Fernand.

“tanga nako pero mahal na mahal ko si Gorgia” ang madalas sabihin nya kapag kinakausap nya ang may kapal.

Ibang iba na ang pananaw ni Fernand sa pag-ibig. Pag-ibig na hindi nangangailangan ng kapalit. Respeto lang ang hangad… respeto…


Isang madilim na umaga ang sumira sa pangarap ni Fernand.

Fernand – “ALAM KONG MANGYAYARI TO EH! NAMAHUHULI KITA SA KALOKOHAN MO! SA PANG-GAGAGO MO SAKIN… huhuhuhu…” (naghahabol ng hininga)

Gorgia – “OH! ALAM MO NAMAN PALA EH! EH BAT KA GANYANG MAG REACT?!”

Fernand – “HINDI PA AKO HANDA! HINDI PA AKO HANDANG IWAN MO KO…”

Gorgia – “ehdi mag handa kana…” (malumanay na sabi nya)

Fernand – “wag mo kong iwan pls… huhuhuhu”

Gorgia – “kelangan kong gawin to… nakapag empake nako kagabi at naghihintay na sa labas si Anton”

Fernand – “san ba ako nagkulang? Ha?! San?!”

Gorgia – “wala… lahat ay maayos. Halos perpekto ka na nga. Ako ang mali. Hindi ako para sayu. Masyado kang mabait para sakin”

Fernand – “gago ka! Huhuhu… sino ka para sabihing hindi ikaw ang para sakin? huhu… mahal na mahal kita… wag mo kong iwan…”

Gorgia – “paalam… malapit ng umulan… walang dalang paying si Anton”

Fernand – “SIGE! TANG INA KA! POKPOK KA! WAG KA NG BABALIK!”

Tinulak papalabas ni Fernand si Gorgia at natumba ito. Agad naman nyang tinulungan tumayo at humingi ng tawad. Habang tinutulungan eh maraming paalala ang kanyang sinasabi tulad ng “ingat ka, kumain ka sa oras, maligo araw-araw at mahal na mahal kita, maghihintay ako”.

Habang naglalakad papalayo si Gorgia papalapit ke Anton na nakatayo sa kanto. Sumigaw sya kasabay ang hangin na malakas…

“KANTON LANG IPAPAKAIN SAYO NYAN! BABALIK KARIN SAKIN!”

At sumagot naman si Gorgia…

“OK LANG!”

Sumigaw ulet si Fernand…

“KANTOT LANG ALAM NYAN!”

Sumagot ulet si Gorgia…

“TALAGA!”

at ang may pang-gigigil na huling sinabi ni Fernand…

“MAHAL… NA MAHAL… KITA GORGIA!!!”

Wala ng sagot si Gorgia sa sabi ni Fernand.

Mangiyak-ngiyak inuulit ni Fernand ang mga huling salita habang sumasabay ang pagpatak ng ulan.

Asa kanto parin ang dalawa dahil wala silang payong at nagpapaka masokista si Fernand habang nakatitig sa dalawang magkayakap.

Isang buwan na ang nakalipas at tinatawanan nalang nila Fernand at Chiky sina Gorgia at Anton. Si Chiky ang babaeng nakilala ni Fernand sa computer shop habang naglalaro ng dota. Simula nung iwan kasi sya ni Gorgia eh laking computer shop na sya sa umaga at bars naman sa gabi at nagkataon ding nag tratrabaho din si Chiky sa bar. Pinagtatagpo talaga sila.

May gusto si Chiky kay Fernand at gusto rin sya nito pero hanggang dun lang ang pagtingin ni Fernand. Sa tuwing magtatalik sila eh seryosong binabayo ni Fernand si Chiky at walang bahid na kahit anong ngiti. Wala ng tanong tanong si Chiky dahil nakakasigurado syang mahal pa ni Fernand si Gorgia at alam nyang makakagawa sya ng paraan para mahalin sya nito.


Isang hapon na ma-pink-pink ang kalangitan.
Masayang may galak na binalita ni Chiky ang…

Chiky – “Ferd! Ang saya saya ko…” (habang nag tatatalon)

Fernand – “wow! Ang saya saya mo nga… bakit?” (sumasabay narin sa pag talon)

Chiky – “buntis ako!” (jump jump)

Fernand – “talaga! Sino ama?” (tumatalon parin)

Chiky – “ikaw tanga”

Natigil sa pagtalon si Fernand at nanahimik. Hindi na nagtanong si Chiky kung bakit. Alam na nya ang dahilan…
Chiky – “anu na? anu plano natin?”

Fernand – “pasensya kana sakin… mahal na mahal ko talaga si Gorgia at hindi ko sya makakalimutan…”

Chiky – “alam ko naman yun” (habang nakayuko at umiiyak)

Fernand – “mahal na mahal ko sya… pero hindi kita iiwan. Palalakihin natin yan at hahayaang mangarap na matutupad nya”

Chiky – “talaga?! Saya naman”

Fernand – “pero may pakiusap ako…”

Chiky – “kahit ano…”

Fernand – “kapag babae ang anak natin, Gorgina ang ipapangalan natin at kung lalake naman eh Gorhelio… payag ka naman diba?”

Chiky – “walang kaso…”

Sa kabilang kanto naman…
Gorgia – “mahal mo ko Anton diba…”

Anton – “oo naman…”

Gorgia –“ mahal din kita kahit kanton lang kinakain natin lagi”

Anton – “mahal din kita at sensya na kahit puro kantot lang tayu”

Gorgia – “oo nga, buntis kasi ako…”

Anton – “di nga?! Ah eh.. ehdi ok.”

Gorgia – “gusto ko sana…”

Anton – “ipalaglag?”

Gorgia – “hindi noh! Gusto kong ipangalan eh Fernando”

Anton – “sigurado kang lalake anak mo?”

Gorgia – “OO SIGURADO AKO AT WALA AKONG PAKE KUNG AYAW MO! AT KUNG BABAE MAN EH FERNANDO PARIN ANG GUSTO KO. WAG KA NG UMANGAL! PAKYU!”

Anton – “tara!”

5 comments:

chroneicon said...

galeng naman, nagustuhan ko ang ending at nagutom ako. kala ko papalaglag.. pwede ka na sa wakasan!

Anonymous said...

wow.. level-up sa pagsusulat. ayos. nagustuhan kong parte ay yung kay chiky at fernand. di ko lang alam kung bakit. hehehe

WOOT! said...

ang dami ko ng nabasang artikulong tungkol sa kalibugan ngaung araw na to, anoveh?!..

ang husay ng idea.. maganda ang ending. ikaw na ikaw ang kwento... este ayus na ayus ang kwento. hihi("sa mga nakabasa kayu na bahala kung gusto nyo maniwala sa pinagsasabi ko" pangaasar na tono ni ruthan)

Isang hapon na ma-pink-pink ang kalangitan.>>mapinkpink? akin ba galing yun?

di ko alam kung san mo hinugot ang mga pangalan.. basta ako eh natawa na lang sa pangalan ni anton! haha!

Anonymous said...

naaliw ako sa takbo ng istorya. although, may mga tagpo na nakaka-relate ako. lalo na sa bayuhan na seryoso. ahihihi.
sad ending. ang papanget kasi ng pangalan ng babies. ahehe

matanong ko lang, ano yung 'paying'? ingles ba yun ng nagbabayad? bakit sa ulan gagamitin? lols. salamat sa madaming comments sa blog ko. nararamdaman kong isa itong magandang simula...natin. hehe

pb said...

CRONEICON!
anong pwede sa wakasan? haha.
salamat po.. hindi pwedeng ipalaglag,
religious ung babae eh. haha.

P!
malibog ka kasi. haha. biro lang. hihi.

RUTHAN!
dumarami na kasi ang malilibogs. hayz... kakalungkot no. haha.
salamat sa iyong papuri. hindi to based on experience kaya umayos ka.haha
ma pink-pink? nipols yan. haha.
anton kanton lang talaga kasi un. haha.

JEX!
bakit? kasi malibog ka rin? nyahahahah... biro lang.
panget talaga ung mga pangalan, hindi ko kasi pinag isipan. hehe. yabang eh no.