Wednesday, April 09, 2008

~EROPLANONG PAPEL~

Nasaktan ako. Pinatay ako ng hindi pinapaalam. Sinaksak ako bigla ng kutsilyong purol sa tagiliran habang naghuhugas ako ng pinggan. Medyo ramdam ko pa nga ang dulas ng kutsilyo, ginamit pa ata sa peanut butter para sa pandesal.
Enjoy na enjoy ako sa paghuhugas nun eh (ng pinggan), kumakanta pa nga ako eh ng mga kantang hindi ko kabisado ang lyrics at ini-intsik ko nalang at hina-hum. Actually naririnig ko syang papalapit sakin na medyo natatawa pa sya at yun nga, sinaksak nya ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang salo-salo nya ako. Napangiti ako kasi ang sweet parin nya. Pwede naman nya kasi akong iwan nalang dun pero nagawa pa nyang saluhin ako.

Tinititigan ko sya sa buong mukha nya. Habang nakangiti. Pero mata nya ang pinupuntirya ko. Gusto kong sabihin sa mga titig ko na “mahal parin kita gago ka kahit sinaktan mo ko” para madrama ang dating (pero di ko pwedeng sabihin yun). Hanggang sa malagutan ako ng hininga eh nakatitig parin ako sa kanya. Nakatingin lang din sya sakin. Habang papaalis ang kaluluwa sa katawan ko eh luha ay sumasabay din sa aking pisngi. Papaakyat nako sa kalangitan kasi sa taas eh so langit yun. Patagos nako sa kisame ng bigla tumigil ang kaluluwa ko sa pag galaw. Na stuck-up, nag-hang. Di makakilos ang kaluluwa ko. Naisip kong baka hindi ko pa oras.

Hindi pa nga talaga. Nagulat ako. Tumingin ng dahan dahan si lalakeng sumaksak. Tumingin sya sakin. Saking kaluluwa. Saking buong katawan. At tulad ng ginawa ko bago ako mawalan ng hininga, mata ko rin ang pinuntirya nya. Mata ng aking kaluluwa. Na waring sinasabi ng kanyang mga titig ang “mahal na mahal kita, kahit san kapa naroon, pero sigurado ako kung san ka patungo ngayon. Ngayong alam ko na kung asan ka, mas madali ko ng mapaparamdam sayu ang pagmamahal ko”.
Ang haba nung sinabi nya diba. Sa haba nun eh di ko namalayang kahit ang kaluluwa ay umiiyak din pala.

Lumipas ang kinse minutos at nakatitig parin sya sakin, sa mata ng kaluluwa ko. Nakikipagtitigan din ako, di sya nagpapatalo kahit pulang pula na ang mga mata nya na parang dugo na ang mailalabas nitong luha. Nilalangaw na nga ang bangkay ko at pati sya nilalangaw nadin pero walang epekto at mukhang enjoy talaga sya sa paninitig.

Ako ang unang sumuko at pinilit kong umalis sa kinalalagyan ko. Di talaga ako makagalaw. Sinubukan ko ring bumalik sa katawan kong nilalangaw at malapit ng uudin para naman baka sakaling mabuhay ako bigla at mahalikan ko man lang sana ang mga tuyot na labi ng lalakeng killer. Ang cute nya eh. Kirat ang mata, tabingi ang ilong, medyo sunog ang kabilang parte ng mukha na mukhang binuhusan ng kumukulong mantika, tapyas ng bahagya ang kaliwang tenga na parang ginunting habang tulog, kakaibang hairdo na napagtripan ata ng isang beautician na lalake na may potensyal na maging bading at yun nga… ang kanyang mga labi na tuyot na nais kong laplapin hanggang sa magdugo. Ang cute cute talaga nya. Napaka unique.
Hala! Tumumba nalang bigla si cute killer. Nadaganan pa nya ang bangkay kong nilalangaw. Patay na kaya sya? Mukang hindi. Mamamatay tao sya, matagal pa syang mamamatay.

Biglang pumasok ang isang matandang lalake na ngayon ko lang nakita. Pumasok sya sa kusina kung san nandun ang bangkay ko at si cute killer guy. Nagulat sya! Mabilis nyang tinago ang itim na bakal na parang baril sa kanyang tagiliran na kung san malapit sa belt na hiniram pa ata nya sa anak nyang rocker. Hindi ko iniisip na masamang tao tong si manong tanda. Maaring mahilig lang sya sa baril o kaya eh napulot lang nya yun, o kaya manghoholdup sya kunwari sa bangko o kaya baka kunwaring babarilin nya ung kalaguyo ng kanyang asawa. Maraming dahilan eh. Hindi ko sya pwedeng husgahan agad at mag-astang mananakawan ako. Di ko rin naman yun magagawa (ang makasigaw) dahil patay nako at etong si Cute Killer Guy eh sinamahan pa akong magpahinga muna kahit pansamantala lang.

“minamalas nga naman, mangunguha lang ako ng bigas eh mapagkakamalan pa akong ako ang pumatay sa dalawang toh” ang sabi ni Manong Tanda sa sarili.
Sinilip nya ang bangkay ko at nakasigurado syang patay na nga ako. Napansin naman nyang humihinga pa si cute killer guy kaya naghanap kagad sya ng tubig. Binuksan nya ang ref at tumungga ng malamig na tubig sa pitchel at binuhos ke cute killer guy ang natira. Dumilat ang mga mata ni cute killer guy at nagmadaling umalis papalabas ng kusina si manong tanda.

Letche naman tong si cute killer guy. Sa mata naman ng bangkay ko sya tumititig. “mahal na mahal talaga kita Pamela, mahal na mahal. Ikaw ang buhay ko. Matagal na kitang hinahanap dahil tinataguan mo ako. Ano bang nagawa kong mali sa iyo Pamela? Inaamin ko, minahal ko ang paggugupit ng buhok at marami akong nakikilalang babae na mas maganda talaga sayu pero ikaw ang mahal ko. Ngayong wala kana Pamela, ayos lang… mahahanap ulet kita at sasamahan na kita dyan. Hindi kana makakatakas sa pagmamahal kong kay wagas”. (at bigla nyang hinugot sa tagiliran ko ang kutsilyo at sinaksak nya ang kanyang kaliwang dibdib). Mabilis ang mga pangyayari kaya wala akong nagawa.

Hindi ako makareact. Namumukaan ko na si cute killer guy. Naalala ko na sya. Sya ang naggupit ng buhok ko na sabi ko eh shaggy pero ginawa akong mukhang anime pero maayos naman kaso mainit ang ulo ko noon. Bago ako lumabas ng parlor na iyon eh kinuha ko ng palihim ang bote ng pulbos at binato ko sa mukha nya sabay takbo. Pero cute killer guy… hindi ako si Pamela.

PS: kilalanin ng mabuti ang taong minamahal. Maaring nagpapanggap lang sya bilang si ganito at si ganun. Pero kung talagang mahal mo sya, matututo mo syang tanggapin at makakagawa ng paraan para maiayos ang mga maling sitwasyon na makakahadlang sa inyong pagmamahalan.

(kunwari nabasa ko lang ito sa isang eroplanong papel na napulot ko sa alulod ng bubong namin habang humihithit ng yosi at nag sta-stargaze)

8 napaso:

(kunwari nabasa ko lang ito sa isang eroplanong papel na napulot ko sa alulod ng bubong namin habang himihithit ako ng yosi at nag sta-stargaze)

-nyahahha! natawa ko dito.

Apr 9, 2008 6:11:00 PM  

*tingin sa taas* oo nga naman. para mas may drama.

Apr 9, 2008 7:35:00 PM  

PS: kilalanin ng mabuti ang taong minamahal. Maaring nagpapanggap lang sya bilang si ganito at si ganun. Pero kung talagang mahal mo sya, matututo mo syang tanggapin at makakagawa ng paraan para maiayos ang mga maling sitwasyon na makakahadlang sa inyong pagmamahalan.

APIR TAYO DYAN! :)

Apr 10, 2008 1:03:00 AM  

toinks!

Apr 10, 2008 1:05:00 AM  

kun mamantakin mo mabute ang maikling kwento oh blog. puno nan trahedya pero pero ktang kita naman ang pag kahumaling ni babae sa lalake. na khit na gnun ka grabe ang mga nangyare eh. maliwanag pren ang pag tingin nya sa lalake:) hahaha. iba tlga epekto:)

tradyik un kwento pero sken lng ha. ang dating eh. positibo pren. "khit anong gwen mo mahal pren kita" - yan sakto yan hehehe. sulat lng nan sulat mgiging mas maliwanag pa un mga maisusulat mo. mas white at mas marameng patayan na mangyayare

Apr 12, 2008 3:10:00 AM  

Eroplano

una: Kahit gaano man kataas ang liparin, bumabagsak parin.

ikalawa: Walang positibong naidudulot ang tingnan ang bagay na bumagsak na. Kung di mo rin lang naman pupulutin, kalimutan mo na ang eroplano at huwag ng titigan.

ikatlo: Walang eroplano rito sa post na ito.

ikaapat: Wala lang. Magaling ang pagkakagawa.

Apr 12, 2008 11:54:00 AM  

WHAT WENT WRONG?????

Apr 20, 2008 4:17:00 PM  

RUTHAN
hihi. wuchu. alam ko naman talagang matutuwa ka eh. ako ang iyong kaligayahan. nyahahahhaha.

VERA
pwede rin sa baba... para naman pa emote ang dating.. tipong nahihiya. hehe.

DAK.TAM
di lang apir. kiss pa kita gusto mo? ahihi. hehe.

DARKBLAK
yeah! hihi.

ANONYMOUS
wow. dami mong sinabi ah. opo opo. nagsusulat nako madalas. hihi. baka may maitulong ako sa kaunlaran ng bansa.

IGNO
dahil sayu kaya napilitan akong tapusin yan. nyahahahhaah. hehe. salamats.

LETHAL
penge nalang yosi. hahaha.

Apr 25, 2008 9:11:00 PM  

Newer Post Older Post Home