Friday, March 07, 2008

-=ANG 18TH HABURDEY NG SU-WA-IL NA ANAK=-

Nakow! Masaya naman talaga minsan man-trip eh. Bakit ba masyado kayong nagpapaapekto sa mga kalokohan ko? Ang susungit nyo! Maaga kayong mamamatay nyan sige ka… o baka naman kulang ka lang sa romansa ha?! Anu? Sabihin mo lang… paliligayahin kita. Hehe.

Nag-birtday ako. Wala naman talaga akong balak mag celebrate at gusto ko lang talagang tulugan ang March 5 na yan. Minsan naiisip ko kung bat pa ko pinanganak at problema lang naman ang naibibigay ko. Maraming nagsasabing napapasaya ko sila pero sa tuwing nasasaktan ko sila eh parang dapat na kong ihawin ng buhay. Parang wala akong karapatang magkamali. Ano ako? Anghel? Ang masama pa nun eh hindi ko naman talaga intensyong makasakit. Bakit ba may mga taong ang hirap akong patawarin? Huhu… (taena, ayoko umiyak).

Masaya naman ang haburdey ko. Me mangilan-ngilan na nanggulo sa bahay. Pansit, Pancit Malabon, PUTCHINTA (puto na cunchinta), at Vanilla ice cream lang ang handa. Parang miryenda lang pero pang 18th birthday ko. Pero bigatin ang inumin namin…


bale sila yung mga pumunta para manggulo pero kulang pa ng 3 yan. mga classmates ko sila sa TUA na madalas kakulitan ko. hehe.-->

(parang wala ata ako sa pic nato.. kasi ako ata nagshot neto)




eto naman churprise nila... idea ni Nina to. cupcakes na me choco-choko na kunwari ice-sing na may 18 candles.-->
(kaya pala sila biglang nawala, sabi nila me inaantay lang sila sa kanto)
sweet nila noh... hehe. beh!

Ok naman talaga ang lahat. Walang nangyaring gulo pero syempre marami paring mga di inaasahan…

Umaga paggising ko…
Si mama at papa eh nag-aaway kasi me bagay na hindi mahanap. Parang di ata nila alam na haburdey ko pero wala akong pake. Sabi ko nga eh gusto ko ordinaryong araw lang. nagkakasenyasan na kami ng ate ko na “yan nanaman sila” habang nag aalmusal kami ng hotdog at pandesal.
Nagpaalam nako sa inakoh, sabi ko “ma, baon ko?” at binigyan nya ako ng 200 na dapat 180 lang. nagulat ako at napangiti. “wow, pag bday ba lumalaki ang baon?” natawa nalang ang inakoh at narinig pala ng amakoh ang sinabi ko.

PAPA – bday mo pala noh…
PB – oo.
PAPA – hapy birthday… ilan taon kana?
PB – 18
PAPA – sa 19 mo mag-aasawa kana?
PB – haha! Sira ulo!
PAPA – ako sira ulo?
PB – nyahahahaha… alis nako.
PAPA – ingat.

Nagulat ako sa sinabi ko. Nagulat ako nung pagkalabas ko nalang ng bahay. Takte… tatay ko nasabihan ko ng ganun? Pero hindi lang pala yun. Mas grabe yung sa inakoh. Medyo matagal na to nangyari, month of Feb.

Hindi ako pumasok nung araw na yun kasi tinatamad ako at me kelangan akong ipapalit sa Megamol. Bag na binili ng tatay ko para ke Laf-Lap kaso hindi ko trip kaya nagpasama ako sa inakoh para e-pa-change item.
Habang naglalakad kami ng inakoh papuntang sakayan ng FX sa Rosario…
MAMA – bili kaya ako ng crocks na tsinelas…
PB – ikaw… bahala ka…
MAMA – tama! Sarap impambahay nun…
PB – TANG-INANG YAN! PAMBAHAY? CROCKS?!
MAMA – hahahahahaha…
(tumahimik parehas)
MAMA – teka… minura mo ko ah?
PB – eh tang-ina kasi eh… mahal mahal nun tapos pambahay lang?
MAMA – ehdi sige… pang-alis ko nalang…
PB – pang-alis? Pamalengke mo?
MAMA – nyahahahahahahaha… galing mo ah.

Grabe diba… nagulat din ako eh. Nakakagulat din kasi yung sinabi nya. Parang gago lang eh. Pero napaisip ako, sabi ko tang ina eh ina ko sya eh. Pano yun? Haha!

Bale kung tatanungin nyo kung bumili nga sya.. eh hindi natuloy. Kasi yung pinang change item ko para ke Laf-Lap eh Samsonite. Pang laptop talaga. Pang executive ang dating. Ang mahal nya! Mas mahal pa sa letcheng Crocks na yan pero syempre para naman gumaan loob ng inakoh eh sinabi ko nalang na “sige, pa b-day mo na sakin tong bag”. Ayun… napangiti sya at siguro nakalimutan na nya yung mura ko sa kanya. Hehe.


ayus sa inuman diba... BAILEY'S mint chocolate flavor. 2 bote yan eh pero isang bote hindi maubos. tapos hinahaluan namin ng Vanilla Icecream. sarap! Try it! tapos pulutan nyo PUTCHINTA. hehe. -->

14 comments:

Anonymous said...

HAHAHA. dalaga ka na. hehehe.

kamusta naman yung paguusap niyo ng maderdir mo? nakakatuwa naman kayo. hehehe.

belated! ;)

Anonymous said...

Basahan niyo nga ng bibliya si pB! at ipray over para sa kanyang ika-18th bartdey.

Belated Pibs!!!

Dakilang Tambay said...

belated happy birthday pb!!!! hehe.. legal ka na gumala.. ahahaha.. :)

at bakit wala ako sa link m??

gerrycho said...

wehehe... nice naman pheebs :D
debutante, niweys -- just don't forget to honor your father and mother,

i'm sure close ka sa kanila and all but i think cursing in front of them is not as polite to honor them neh?

Anonymous said...

Hello. This post is likeable, and your blog is very interesting, congratulations :-). I will add in my blogroll =). If possible gives a last there on my blog, it is about the Webcam, I hope you enjoy. The address is http://webcam-brasil.blogspot.com. A hug.

insulare said...

kewl pero bad... dapat may respeto pa din. (umiepal lang)

Anonymous said...

hala... pwedeng pwede ka na pala!!

bi leyted!

FerBert said...

hahahaha.. ikaw lang ang kakilala kong tumatawag na sira ulo sa tatay nya.. hahaha

FB

belated ulet yammykoh!

Saminella said...

heyhey





















heypibday my kras. mwah.

pb said...

ISLANDER!
ah eh.. bad po talaga. alam kong bad yun. nakaka guilty. pero bad din naman sila minsa eh. hehe. di ako gumaganti ah. hehe.

KINGDADY!
pwedeng alin? anu yun ha... umayos ka. papatayin kita. hehe.

pb said...

FB!
nyahahaha.. nagulat talaga ko. pati ate ko nagulat nung sinabi ko yun sa tatay ko. nyahahaha.
salamat chubbykoh. hehe.

SAM!
mahilig kang mag space no. nyahahahha.. hehe. salamats din.

chroneicon said...

belated!

chroneicon said...
This comment has been removed by the author.
chroneicon said...
This comment has been removed by the author.