<-- pls... hinuhunt ko tong sapatos natoh.. kung makita nyo man.. paki msg ako dito.. basta size 7or7 and a half. grabe... di ako makatulog sa kakaisip dito. huhu..
<-- kapag wala akong magawa nag da darts lang ako. punta lang kayo bahay namin.. laro tayu. hehe.
<-- eto ang ate kong panganay. kasama ko sa puyatan lalo na kapag me kape. hehe. sya si DAMDAM.
<-- eto ang bandang Skid Row. adik ako sa kanta nilang I remember You. ala lang..kaya sila andito kasi ang gaganda ng buhok nila eh. wee.. ang gwagwapo pa.. wahihihihihi...Malungkot ako na masaya. Malungkot dahil ang daming bagay at tanong na bumabagabag sakin. Masaya naman ako dahil me mga taong nagpapasaya sakin. Bale kung wala sila eh puro nalang ako lungkot at pagdradrama. Haha!
Kasalukuyan akong tinotopak at malungkot. Wala sa oras na to na me kahit anong ngiti sa katawan ko. Kapag ako kasi masaya, makikita mo ol ober my bady. Syempre makikita mo sa labi at ipens ko na masaya ako, sa mata din, sa ilong na nangingintab dahil sa mantika, sa tenga ko na alive na alive na kung ano anong salita na ang naririnig, sa kilay kong manipis na bigla nalang kukunot dahil napapaisip, sa mga daliri kong kung san san sumusundot, daliri din sa paa na kung san san din sumusundot este pagalaw-galaw pala, utak kong magulo na kung ano anong bagay ang naiisip na ayaw magpahinga at puso kong bigo este pipintig-pintig kahit pakiramdam ko patay na ko sa saya. Sinusubukan ko paring ngumiti… titingnan ko lang ang mga pamangkin ko, napapangiti nako pero pag inalis ko na ang tingin ko, back to lumbayan nanaman. Syempre me magsasabi siguro na ehdi titigan ko nalang ang mga pamangkin ko… ginawa ko na yun ilang beses na pero pare… grabe… naluluha ako. Masakit sa mata ang tumitig at hindi pumikit. Hehe.
Sa totoo lang eh ang hirap ng huminga. Me araw na sobrang saya ko, me araw na sobrang lungkot. Ganun ba talaga yun? Hindi talaga ako mapakali. Yung puso ko hindi makatibok ng maayos, kapag humihinga ako hindi normal (puro inhale lang) hehe. Eh tapos sinabayan pa ng mga horror movies sa tv, ahhh.. letche talaga. Di ako makahinga. Pero still.. buhay pa naman ako, lakas ako eh. Hehe.
Niloloko ko nalang sarili ko sa paraang mag-iisip ng mga kung ano ano. Tulad ng langgam, manok, baboy, baka, kamatis, lapis, gulong, ibon, ulap, puti, langit, paraiso at iba pa. Pero ang pinaka panloloko ko sa sarili ko na magiging eh ang deans list ako sa second sem.. haha. Buti nga deans list lang at hindi scholar. Sakanila na yun.. rich kami eh. Di ko kelangang maging scholar. Haha!
Ah basta.. halong emosyon ngayon pero dahil sa malapit ng dumating ang isa kong ate galing ibang bansa, masaya ako.. lalo na dahil me dala syang PS3. weee… tara laro tayu. Hehe.
16 comments:
hello PB, regarding the shoes...
I went to Ghills kanina, sa nike forum nila meron nyan. Nike sa shoppesville ha.
and dito sa may shaw blvd. Nike something something. Laging sale dun. Near Paladium. Infront of Pan de pugon shaw blvd.
:)
masaya na malungkot?!? sabagay nakakabaliw talaga pag teener ka...
too old to have growing pains but too young to have a midlife crisis...
geezz...
ayos sa darts ah. sana lang walang biglang sisilip sa bintana habang naglalaro ka o kaya may biglang gumugulong pababa sa hagdan..hehe..
Ang sosyalin ng batang ire! so hanggang dika parin makatulog dahil sa sapatos? heheh
PORNSTAR!
salamats... wee.. mukhang marami pa akong pag asa eh. salamats po.
GERRY!
tama ka... ganun nga siguro. bata pa kasi ako. dami pang magulo at gumugulo. hehe... kaya ko naman to diba.
JECKASS!
nangyari na yun pero nanay ko sumilip. ginulat ako.. magugulatin pa naman ako. hehe.
TIKEY!
haha.. di naman. maganda na kasi yung mahal pero sulit. tumatagal kasi ng 3 yrs ang sapatos sakin saka maingat ako sa gamit. (bat ba ko nag eexplain? haha)
ngayon ko lang nalaman na pati pala ngipin ay nakakapag pakita na rin ng expression.. imagine nyo.. wala lang.. labuy!
(panandaliang napagisip-isip..)
.
.
.
(natawa muna sa comment ni ate dang)
.
.
.
.
(ok bak to normal.) nyahahahaha behlats! kaw eh! wala ng bago...same old topakin pb.. Kulang ka lang sa usapang may saysay. Baka hindi mo na din kinakausap si Direk..
Sana someday magpapasalamat ako sa PS3 for keeping you busy...pero baka isumpa ko din yan pag pinagpalit mo ko jan. hahaha!
mabibili mo rin yang sapatos na yan..if it's meant for you...pero kilala kita eh.. ugali mo--"MEANT TO SAKIN. MAGIGING PARA SAKIN TO. WALA AKONG PAKE BASTA BIBILHIN KO TO.BWAHAHA!" haha! pero sana pababa ang presyo diba..hindi pataas. (--,
pansin ko palaki ng palaki pagkakasulat mo sa mga caption compare sa mga dati mong entry -.-
sureness pheebs! talented, well rounded persons like you can make it anywhere neh!
DAMDAM!
oo.. nalalaglag sila minsan. haha.. labuy. me kasalanan pala ako sayu.
RUTHAN!
haba ng comment mo.. namiss ko to ah. haha.tama ka.. hindi ko na nakakausap madalas si direk.. gusto ko bago ko matulog, tulog na ko pa puntang kama. kapag nagusap kasi kami baka hindi talaga ko makatulog.
tama! makukuha ko yung shoes na yun. letche yun.. wah!
caption? nyahahahaha... pansin mo? eh ganun talaga para ka size nung pic. hehe.
hey, babe.
palaro naman ng ps3 pag dumating! thanks!
try mo sa robinson's pioneer, laging sale din dun... may hinahanap din akong nike shoes, kulay black, tapos violet un check nya... old model na daw pero gusto ko kase, me nakita na ako, wala lang size ko..
kelangang maging masaya, may parating na ps3 e.. hehehehehhe.. palaro ha.. :)
hoy. kaya mu yan. tama bata ka pa... pagdating ng panahon eh marerealize mong lahat ng gumugulo sayo eh may mahalagang lesson na dala... natutuwa ako sa blog mo, sobra. tagal na rin ako nagbabasa dito, ililink na talaga kita. :D mabuhay!
pREHO tayu ng shorts..hehhehee.......i love skidrow too!!!weee!!pump up the volume!!
JAISKYY!
oo ba,, dala k ng mga bala ah,, 2 lang bala ko eh.. hehe. o kaya mag downloads ikaw... weee,,,
haha...
RAZZY!
nabile ko na pusha... salamats ng marami.. weee...
oow. masaya talaga ko kaso hindi ako makaalis dun sa nilalaro ko.. ang hiwap!
JOICE!
wah.... ang gaganda ng mga sinabi mow.. nakaka expire este inspire pala. hehe... salamats po ng marami.
wuchu... nagbabasa kaba talaga dito? wuchu...
MALDITO!
di nga? weee.. peborit kong shorts yan eh,.. skid row din trip mo? wer meant to be pare... nyahahaha. biro.
Post a Comment