May nabasa akong tungkol sa Kape at Starbuks… Hindi daw nya trip ang uminom dito. Una, mahal at pangalawa ay maraming tambay na tumatagal ng 2 o higit na oras doon. Sa pagkakatanda ko eh wala syang pangatlo pero ako meron. Hehe… nakakainis yung mga naupo sa labas ng Starbuks, upo lang.. literal na upo. Wala kang makikitang drinks sa lamesa nito kahit orange juice o coke in can wala rin. Ewan ko kung may inaantay o pagod lang sya pero hindi duon ang tamang lugar dahil maraming customers ang gustong makaupo sa nasabing bilihan ng kape.. unang rason kung bat maraming tambay sa starbucks..1. ala nga namang pumunta kapa ng ibang lugar para don inumin kape mo… ehdi dun kana kasi may mga upuan naman.
2. tahimik ang ilang branch ng starbucks at masarap makipag-usap duon ng masinsinan habang may classic background music pa
3. pwedeng may e-mimit duon at habang naghihintay eh nainom ka ng drinks nila at minsan me kasama pang yosi chuvaness (pero di ako nagyoyosi ah)
4. may pera ka ng pambili ng mahal na kape at palalagpasin mo bang hindi maramdaman ang salitang “huwow, starbucks”.
5. at isa kang stalker sa isa sa mga crew ng starbucks at gusto mo syang nakikita kaya andun ka lagi… haha!
Sa totoo lang eh bawal ako sa kape. Yun ang sabi ng magulang ko, di daw kasi pambata at hindi nako lalake. Naniwala naman ako dun pero ng dalhin ako ng ate ko at ni Pet sa starbucks, abay! Masarap pala ang kape. Kaya kahit wala sa starbucks, habang tulog ang aking mga walang kamalay-malay na magulang, eh mag-iinit na ako ng tubig at magtitimpla ako ng sarili kong kape na lasang KOPIKO.. yung candy. Hehe.
Natuwa ako sa starbucks kasi madami akong nakikitang tao na pwede kong husgahan ng hindi nila nalalaman, haha! (mean!) habang nainom ng kape at nakikipagkwentuhan sa mga kasama ko. Minsan may insidente na umiyak nako sa Starbucks dahil malaliman at masinsin na usapan na ang nagaganap at hindi ko na napigilang hindi umiyak kahit public na lugar pa iyon.
Aaminin ko na isa ako sa mga nagtatagal sa starbucks pero hindi naman planado yun. Tumatagal lang dahil ang daming kwento at dapat pag-usapan. Hindi mo rin namamalayan ang bilis ng oras kapag natutuwa kana sa ginagawa mo. Naniniwala akong hindi sadya ang ibang pag-tambay dito dahil walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang kaya naiisip nilang may nangangailangan din ng kanilang kinauupuan. Pero tae! Dun sa mga walang pake talaga eh sa bahay nalang kayo mag kape at hintayin nyo nalang na magkaroon ng delivery ang Starbucks… (kelan kaya mangyayari yun?)
Hindi sa nagmamayabang noh.. meron akong planner ng Starbucks na dapat ke Pet pero sakin nya binigay… hehe. Meron kayo nun ha? Ano?! Meron kayo?! Haha! Sinusulatan ko naman kahit papano at alam kong malaking tulong to in the future kahit feeling ko eh wala akong future. Haha!
Ngayon eh gusto ko ng kape bigla kahit tumatagatak na ang pawis ko. Tama! Mamaya mag titimpla ako ng kape tapos mag e-econ ako sa kwarto ko tapos magsisimula na kong mag-aral (kahit hindi pa ko enrol) at syempre txt galore na ito. Haha! Kaso gigising ako ng maaga para makatulong lalo nat wala pa kaming katulong. May kahirapan kasi ang mga gawain sa bahay dahil may higit 10 kaming aso at hindi mabilang na ibon na dapat alagaan at pakainin. Ow well… Pero ang balita eh ibebenta na halos lahat ng hayop namin. Nakakalungkot at hindi na Zoo ang bahay namin pero ayos narin dahil matanda na nanay ko para kayanin ang pag-aalaga dito at syempre hindi naman siguro ako binuhay para magalaga ng aso noh. hehe.
PS:
-kung sino ang gusto ng mini pintcher, japanesse spitch, boxer at beagle eh ibigay alam lamang sa akin sa pamamagitan ng blog na ito.
-kamiy naghahanap ng katulong. Recquired ay college graduate… hehe. Biro lang. Kelangan eh marunong mag tong-its, pusoy dos at poker ang katulong.
-hindi akin yung yosi sa pic ah... saka di ako marunong magyosi. hehe
13 comments:
haha! ako una! pero di ka tapos basahin!
yosi...balasi..natatawa ako..hihihihi..
Hindi naman masamang tumambay sa Starbucks. 'Wag lang talagang "overrated" ang mga dahilan.
Nitong mga nakaraang araw, nadagdagan ako ng dahilan kumbakit kinakailangan kong tumambay sa Starbucks: pang-neutralize ng tama ng vodka (see my latest entry for details).
Ang mahal naman kasi diyan tapos ang panlasa ko e parehas lang sa normal na kape. Hehe!
Hindi lang siguro pang-sosyal ang taste ko.
ako hindi na ako tumatambay sa starbucks kasi galit ako sa kape. nag-away kami last year...
nyahaha usapang kapihan pala dito ah..
ako nakapagstarbucks na ko!! hehe syempre dahil sayo! weee.
ako wala akong pakialam sa mga tambay duon basta ako hindi ako uupo lang kung wala akong order. basta hindi pa ubos ang kape ko.
ay.. bat ko pinost agad..continuation:
basta hindi pa ubos ang kape ko at nagkakatalakayan pa kami ng kasama ko.. uupo parin ako dun. kaya nga diba yung mga gusto magpahinga sa trabaho o gusto magkausap ang sinasabi nila ay "tara kape tayo."
minsan kasi ang tambayan pinipili dahil sa ambiance. eh lagi naman maganda ambiance ng starbucks diba..kahit isang beses pa lang naman ako nakakapunta..at teka.. anu bang ambiance itong sinasabi ko eh kapihan lang naman yun na tulad ng mocha blends o figarro??
hehe
RUTHAN!
Ang galing galing mo talaga. Tama ka. Conversation place ang mga kapihan dahil sa salitang “tara kape tayo..” weeee… pero malay natin kaya sila magkakape kasi ano.. ahh.. alam mo na.. yung tambay mode pero bat ba ako mag-iisip ng hindi maganda. Letche plan.
Isa pa.. ang kapihan eh pampahimas ng kalasingan at napatunayan ko yan ke Jake the Miserable. Nyahahahaha. Kape tayo minsan kapag me time tayo sa college.
JAKE-TOTS!
Oo nga tama. Ngayon ko lang naisip na oo nga naman. Pampawala ng kalasingan ang kape. Nyahaha pati ang tsa-a. Tama na ang pagmumukmok tol… isipin mo nalang ang mga paru-paro na kay gaganda.
POLI-TOTS!
Nyahahaha. Mahal nga talaga pero kasi minsan binabayaran mo dun yung ambiance at feeling na nasa ibang lugar ka at hindi ka magagalaw ng mga taong galit sayo pero wala pa naman akong kaaway kaya hindi yan ang dahilan ko. Nyahahaha.. tama ka, pang susyal talaga na lugar yun pero hindi ko aamining susyal ako. Kahit ako namamahalan din eh.
THE PHILOSOPHICAL-TOTS!
Nyahahaha.. nag-away kayo? Don’t tel me nadumihan ka nya at nasaktan ka dun? Haha! Eh nag tsa-tsa-a kaba?
may nabasa rin akong ayaw nya sa mga tambay ng starbuks! hnd ko maalala kung sino. NyahahaY! starbucks ang paboritong tambayan ng madla!
hay naku...
ako namumutakti sa mga yan...
kasi tambay kami sa starbucks rockwell dati ng mga barkada ko sa makscie...
as in tambay lang talaga, aali-aligid dun sa mga gumagamit lang ng wi-fi...
shiyeema diba?
bili isang kape, tapos limang oras uupo dun kasi wi-fi zone?
shiyeema talaga...
para ma-conscious sila...
pwesto kami lagi sa likod...
aali-aligid, tinitingnan yung mga fujitsu laptops nila...
venti, anyone?
ang gando mo talaga...
nagtsa-tsa-a naman ako. btw, baka sinama kita sa listahan ko ng 10 top emerging influential blogs of 2007. dahil yun kay coman. (lucky charm??)
ELOISKYTOTS!
nyahahaha.. ako din. babae yung nagsulat nung entry eh. haha. di ko narin tanda kung sino.
TONI-TOTS!
haha! kakainggit yung me mga laptop dun tapos nagdodota lang pala. nyahaha. biro lang.
tambay karin pala.. pinaka matagal kong tambay 3 hours lang eh.
THE PHILO.-TOTS!
nyahahaha.. sarap din ng tsa-a. nainom din ako nun. pero mas madalas nga ang kape. ow well..
oo nga po. nakita ko sa entry mo. salamat po.. wee...
pde mag apply ng katulong??!!! hahaha! uy gusto ko ng beagle..bkt mamimigay ka?hehehe :P
masama ba talaga mag starbucks ng sobra? e parang nagshoshopping kndn nun eh.. :p
Post a Comment