Saturday, May 12, 2007

-=KAPALARAN NG TAONG TOPAKIN=-

eto si tino tonio depaz tuting...
(Santino Antonio dela Paz Tuting). ang napaka gwapo at talino kong pamangkin. Para ko na syang anak kasi lagi ko syang kasama at ako yung nag-iinit ang ulo sa kakasaway. Napagtripan namin ni Ate LA na ipagsuot sya ng mga luma kong bestida. Ang ganda naman ng kinalabasan at nasa itsura nya na natutuwa din sya. hehe. Sayang, nakalimutan kong lagyan ng headband. hehe...
ang daming nangyari. May maganda, may panget. May long hair, maitim. Makulet, nagdradrama. May nagrebelde, may napikon. Basta ang dami. Pero sino ba sila? Bat ko sisirain ang simpleng outing na toh kasi wala pang 1 oras eh andun na kagad kami sa pinuntahan namin. Pero masaya naman at nakaka relax ang hangin at ang tanawin na hindi namana kasing ganda ng Bora, Laguna, Batanggas o Baguio na kaygaganda at layo talaga. Yung tipong mararamdaman mo talaga na mag babakasyon ka saka yung amin, wala pang kalahating araw lang kami nagtagal dun. Ow well.. makuntento dapat.

Kung wala tong 2 to.. si Zeus at si Paolo na mga makukulet kong pinsan eh hindi ako makakangiti o tawa. Sa mga kalokohan ko kasi eh game sila at natatawa sila sa mga mababaw kong jokes.

sa pool..
pb - naiihi ako...
paolo and zeus - yuck...
pb - ayan ok na.
pao and zeus - nyahahaha... Si ate pibs umihi...
(malakas ang boses nila at naririnig ng ilang nasa pool)


Etoh naman ang picture na kinuhaan ko habang naandar ang kotse namin dahil pauwi na kami… ganda noh? Haha… nagulat ako ng makita ko toh kasi hindi ko expected na ganito kalalabasan kasi naandar nga yung sasakyan.


May isang insidente naman na parang nag rerebelde nako. Kapag nakikita ko si Mojow eh nagiinit na agad ang ulo ko. Ewan ko ba kung nahawa lang ako sa kainitan ng ulo nya.
Pa- ano nga.. chuvanes eklavoo tampuline… (may inutos at kasalukuyang asa kotse)
Pb- di ko mabuksan ang pinto (kasi naka childlock)
Pa- mabubuksan mo yan…
(binaba ni pb ang bintana saka pinuksan ang pinto sa labas)
Pa- oh diba…
(at sinara ni pb ang pinto ng kotse ng padabog)
Pag balik ni pb sa sasakyan…
Pa- nagdadabog ka?
Pb- hindi… napalakas lang…
Pa- napalakas? yang ugali mo ah…

Sermon nanaman inabot ko sa ama ko… Sabagay kasalanan ko naman. Ah ewan. Gusto ko na kasi talagang ilabas tong nararamdaman ko.

Dalawang bagay ang nahuli sakin ng tatay ko…
nahuli nya kong gumagamit ng phone sa gabi buti nalang si Pet ang kausap ko nun kaya carry naman…
nakita na nya yung hikaw ko sa tenga sa taas… nag alibi ako na matagal na to at 2 taon na kahit kakabutas ko lang dis year kasi dahil sa kanya dahil inaway nya ko dahil sa pansit kanton, pero yung isa matagal na talaga pero mag to-2 years palang. Hehe. Di na sya naka awat at napapangiti nalang sya kahit asa likod ng ngiti nya na gusto nyang tapyasin tenga ko.


May 1… Birthday ni Petutoy…
Napag disisyunan namin ni Ruthan na pumunta kela tutoy at ng tawagan ko si Tutoy eh mag bihis daw dapat kami ng pang-alis dahil pakakainin nya kami sa labas at syempre tuwa naman kami ni Ruthan dahil nung mga panahon na yun eh hindi pa kami na nananghalian.
Nagbihis ako ng pambabae para maiba naman. Lagi nalang kasi akong gwapo sa paningin ng iba… hehe. Nagkataoon nanaman na pareho kami ng suot ni Ruthan. Parehong fingk.

Inaapi nanaman ako nila Ruthan at Pet dahil sa pagiging pusong babae ko kaya ayun, sabi ko kumain na lang kami. Ayun, sa kahabaan ng santolan eh tumirik si Bea (kotse ni Pet) at nagkataon naman na malapit pala dun ang bahay nila Jensee. Nagulat pa nga ako na dun lang pala ang bahay nya…
Pb- tara, tawid muna tayo Ruthan at don muna tayo sa 711…
Ruthan- me pera ka?
Pb- wala… tatambay lang tayo. hehe
Ah!!! Lam ko na.. kela jensee nalang tayo…
Ruthan- tama!
At nagulat si Jens sa pagdating namin. Birthday pala ng ate ni jens kaya akala nya makikikain kami. Haha. At yun, kulitan lang at kumain kami ni Ruthan ng Twix at White Rabbit. Hehe.

Tutoy and Ruthan sa kinainan namin sa cubao na di ko na matandaan kung anong resto yun.. haha. basta puro seafuds... wah... makakalimutin talaga ko.

jensee, mee and Ruthan sa bahay nila Jensee...

17 comments:

Poli said...

Tsk, tsk! Kawawang bata, napag-tripan ng adik niyang tiyahin.

Pero cute nga ang kinalabasan! Mukha talaga siyang babae!

WOOT! said...

wah! naunahan ako!
cge peborit ko naman ang 2 pede narin..

bakit si pet hindi mukhang masaya sa piktyur?.. minsan na nga lang kami magpiktyur dalawa eh ..:(
ow well.

Seafood island po iyon! haha!
oo nga galing pareho tayo nakafwink! tapos dati pareho tayu nakahuwyt! hehe

kyut..kyut talaga ni ti!

Anonymous said...

Unang tingin ko nga du'n sa litrato e babae. Rakenrol.

Pero minsan talaga, napagtitripan na lang tayo ng mga tatay natin. Ewan ko, baka nagpa-powertrip...

Anonymous said...

gumagana fibz!

Anonymous said...

eh.. eto din.. gumagana ... test mike?

pb said...

ALLANTOTS!
nyahahaha.. di sya kawawa. swerte nga nya eh at may tita syang katulad ko. hehe.

RUTHANTOTS!
ganyan talaga si pet. kapag kasama lang ata nya sa pic si eletots nya kapag masaya sya. huhu... nakakaselos. ow well...

seafood island nga pala yun. haha! grabe na talaga makakalimutin ko. nakakainis na.

pb said...

JAKETOTS!
nyahahaha.. lalake yan. ang macho nyang si Ti... tinuturuan ko na kasing magbuhat at nag wre wrestling kami madalas. hehe.

tatay ko? oo... ang labu nga eh. mabait nanaman sya sakin ngayon pero mukhang sineryoso ata yung sinabi kong payag akong hindi nya ko pag-aaralin. wah!

pb said...

o ayan nagawa mo na! -ruthan

Anonymous said...

waah! bakit niyo binihisan si santi?!!!! NO! :) haha! well ginagawa dn yan ng ate ko sa pamangkin ko..hehehe :) happy mama's day pala (belated)

Anonymous said...

well sige punta lang kayo..hehehe :) weeeeee

pb said...

EMJENTOTS!
nyahahaha... eh kasi ate ko eh tapos ako naman uto uto na sumunod. kinuha ko agad yung cam at pinag pose sya. hehe.

geh ah.. surprise nalang pag pupunta kami sa inyo. hehe.

Anonymous said...

Idinagdag ko na ang link mo sa blog ko. Sana'y bumisita ka rin paminsanan. Rakenrol.

Anonymous said...

mike test

Anonymous said...

mike test

Anonymous said...

letche plan.. hindi na toh nakakatuwa. tinotopak comment ko. hindi ako makapagcomment ng matino...
-pb

lheeanne said...

waw ang gaganda nyo nman dine, naingget ako..

pb said...

TKTOTS!
nyahahahaha... ganda bah? hehe. ganda talaga gelpen ko. wag ka maingget.. malay natin magkikita kita tayung tatlo.. wee...