Umaga ng May 17… normal na naming gawain ni Ruthan na magtawagan. Kwento tungkol sa mga napapanod namin sa TV, mga mapagtripang topic at mga kwento tungkol sa aming panaginip. Natawa nalang kami ng sabihin kong
PB – ano kaya noh.. hindi ako makasama…
Ruthan – haha.. oo nga. Ikaw pa naman yung nag-aya samin at nag set ng araw kung kelan…
PB – tama! Hindi nalang ako sasama… Teka, si Jensee nagtatanong kung SPIDERMAN o SHREK papanoorin ah…
Ruthan – ako kahit ano..
PB – ako din pero astig kung SHREK kasi onti palang nakakapanod nun saka astig e-entry yung sa blog kasi puro sila Spiderman.
Ruthan – haha oo nga…
Natapos ang usapan dahil syempre magpapakain pa ako ng mga aso at may 2 bata akong inaalagaan. Nagpaalam ako sa nanay ko last week palang kaya alam nyang may lakad ako, hindi sya makakaangal kasi ilang linggo akong nagpaalipin at kailangan bigyan nya ko ng pera. Haha! Nainis lang ako kasi sabi ni inakoh eh magpaalam din ako sa amakoh.
PB – pa! may lakad ako ngayon..
(tumingin ng masama ang ama ko sakin)
Pa – bat ka nagpapaalam sakin.. sa mama mo ka magpaalam.
Tae! Dapat pala hindi nako nagpaalam. Nakalimutan kong hindi pa pala kami OK. Haha! Pero atleast respeto diba eh sya parin nagpapakain sakin eh at masarap lagi ang kain ko kahit paulet ulet ng ulam. Haha! Ow well…
Ayun! Tinawagan ko agad si Ruthan at sinabing hindi ako sasama. Speechless sya pero binawi ko rin agad at sinabing maligo na sya kasi lagi syang late. Sinabi ko ding dito sya mag lulunch samin kasi kelangan nya kong sunduin para malaman ng tatay ko na kasama ko si Ruthan.
Ayun.. ulam namin Tinolang manok na mukhang nilaga. Sarap at may bagoong pa. Natuwa naman kami parehas kahit onti lang ang kinain namin kasi ako ang naglagay ng mga kanin sa kanya kanyang pinggan. Pinakita ko ke Ruthan si Coman at sinabi nyang alagaan ko itong mabuti at naisip isip ko na pwede ko ring tong paramihin.

Usapan sa Sta. Lu ay 1pm pero wala. Kami ang unang dumating sa meeting place sa Mcdo sa may bench kung san laging nakatambay si Ronald Mcdonald. Ayun, nanghusga kami ni Ruthan ng mga dumadaan. Ang saya at tawa lang kami ng tawa. Nakita pa namin yung kumanta ng “I love you once, I love you twice…” at binalak pa namin mag pa picture dahil dala ko ang aking este camera ng ate ko.
Dumating din ang mga kasama namin. Ang kukulet at hindi namin mapagdisisyunan kung ano ang papanoorin. Kaya sinabi ko na mag-survey nalang tayo. Nagtanong si Ruthan at Jens dun sa babaeng taga benta ng ticket…Pb – oh ano nah?
Jens – mas maganda daw ang SHREK
Ruthan – oo nga… sabi na eh…
Pb – magkano ba SHREK?
Ruthan – 110
Pb – eh yung spiderman?
Jens – 140
Pb – oo nga! Mas maganda nga ang SHREK. Tara!
Nagpagdisisyunan namin ni Ruthan na bumili ng Popcorn at naisipan kong ilibre sila pero naghati kami ni Ruthan. First time ko kasing manood ng sine kasama ang mga frends ko kaya magandang sa unang beses eh maipamahagi ko ang aking grasya na pinagpaguran dahil maraming pawis ang nailabas at muscles ang lumaki.. kaya yun. Haha! Nung una hindi pa naniniwala si God, Ledie at Jens. Kahit ako magugulat din kung ililibre ako ng Popcorn. May kamahalan kasi saka wala naman talaga akong malaking pera. Tipong sakto lang at kontrolado ko ang bawat galaw. Nakapag load pa nga ako eh at nakabili ng panabit sa cellphone at pinangalanan ko syang si STRESS (isipin kung bakit stress, pero kung wala kang pake eh wag na lang) Weee…
Maganda ang Spiderman. Akala ko color black daw sya pero color green pala at meron syang kaibigang pusa, donkey, Pinokyo at cookie at marami pang iba. Nakakatuwa at ang saya saya. Tawa kami ng tawa pero ako ata ang pinaka tawang tawa. Ang onti ng mga nanonood kaya medyo naririnig ko ang tawa ko sa buong sinehan. Masaya lang talaga ako.
Pagkatapos ng palabas eh naisipan kong mag picture picture muna kami at sa loob kami ng sinehan nag kuhanan. Akala ko kelangan ko pa ng mauutong tao para kuhaan kami pero naalala kong meron palang timer yung camera kaya eto ang kinalabasan...
At duon na nagtatapos ang isa sa pinaka maliligayang araw ni PB. Pag-uwi ng bahay eh bak to normal. Pakain aso at alaga ng mga pamangkin. weeee....




17 comments:
it's kinda weird that you have a pet cockroach, that you're starving. but i like it.
anyway... looks like you guys had fun.
Haha! Mukhang masaya ang Shrek ah.
Tae, gawain din maming manghusga ng mga taong dumadaan. Minsan ginagawan pa namin ng kwento yung mga tao. Hehe!
wah! tae naka-log in pala yung account mo.. sorii..
ako yun nagdelete ng comment! nakalog in pala kasi account mo..hehe
take 2:
nyahaha! naalala ko nanaman yan! oo nga.. ako din isa yan sa pinakamaliligayang araw ko.. at ngaun eh back to normal na din.. ang nabago lang eh hindi na ko tagadilig ng halaman.. hehe.
woi! wag mong padamihin si Coman!! kung wala lang sya sa bintana baka hinataw ko na sya..hehe
THE PHILOSOPHICAL
wee... hindi ko naman po talaga planong mag-alaga pero dahil nakita ko sya sa bintana eh naisipan ko lang. hehe.
POLITOTS!
haha! gawain din namin dati ang mag dub sa tao pero nanawa din kami. Mas masaya ang manghusga kaso bad eh. hehe.
Ganda talaga ng Shrek! panoorin mo...
RUTHAN!
wah! kahapon nakalimutan kong ikwento na nagdilig ako. haha! tagal ko na kasing hindi nagdidilig. nakakatuwa naman kasi medyo mahangin hangin.
Isipin mo nga.. papano ko sya pararamihin eh wala syang ka partner saka baka ako mahataw ng nanay ko pag ginawa ko yun. haha!
pb pti ba naman ipis...o wel..hahaha! dami niyo na nga aso and birds and ... ewan, basta animals! hahaha :) ikaw na si NOAH..hahaha :)
utot! (kasi palaging tae na expression dito) ulet..game..utot! antaba ko sa isang pic! huhuhu T.T well, SOWBRANG Saya ng SHREK...
SNOW WHITE!! SNOW WHITE!! Isa pa!! hahahaha :)
clifford ung pangalan nung aso..niresearch ko yan ng 2 araw..hahha! joke.. >.< peo akala ko talaga si blue (*toink-nagkakamot ako ng ulo)
waah! ung date namin ni mcdo,ndi natuloy..hhihihi :p
EMJENTOTS!
utot! hahaha.. pwede rin pala. haha pero mas feel ko parin ang tae! hehe.
Ang mga animals namin e bebenta na.. weee!!! kaso medyo nalulungkot naman ako.. hayz. hindi na Zoo bahay namin. Ow well..
talaga? Clifford ang name? haha!
Wah! cute mo nga eh.. ok lang. Di ka naman talaga mataba. Tumaba lang.
Gusto ko talaga si Pinokyo at yung cookie. Haha saka si Sleeping Beauty. haha!
haha...
mas nag-enjoy ako sa shrek...
kaya lang naman first time ko yatang manood ng sine na nakatayo...
simula ngayon ay sinasamba na kita...
ang ganda mo!
anchots///
Ayos. You had a rakenrol day with your friends. Kinakailangan mo nga namang lumabas minsan para maglibang.
Ako may alaga akong millipede. Tsaka pokemon sa loob ng tiyan.
Soooooobrang bihira akong makapasok sa sinehan.
TONIWONITOTS!
haha! nakatayo.. ako din na experience ko narin yan pero tagalog movie ata yung pinanood namin nun. ow well...
ganda talaga shrek!
ganda? letche plan.. suntukan nalang.. nyahaha!
JAKETOTS!
tama! first time ko nga eh manod sine with frends. hehe. Milipede? huwow! saka pokemon.. ano name nila? pakilala mo naman ke Coman. haha!
May DVD player ka kasi ata na pwedeng mong gamitin anytime eh. hehe.
cge nga panoorin ko ang shrek sure ka ha na maganda sya hehehe.
di ba mas masarap naman pagusapan ibang tao bwehehee...ndi naman ako bad :)
musta? saan ba papasok? gudluck!
TEKLATOTS!
tama! maganda ang shrek at madami syang nakatagong spiderweb. haha!
oo nga.. masarap pag-usapan ang iba kapag sawa na kayong pag-usapan buhay buhay nyo. haha!
di pa ko enrol. baka sa trinity po.
haha. baka makita na lang kita sa sta.lucia na pagala gala sa mga susunod na araw. :D
Post a Comment