matagal ko ng gusto ang kulay yellow kaya naisipan kong mas magandang ang gusto ko naman ang masusunod kaya naisipan ko ulet na baguhin ang gusto ko para hindi ko masunod ang dati kong gusto. Ngayon, gusto ko na ng white. Ikaw? Gusto mo rin ba ng blue? hehe.
Madalas kaming mag kwentuhan ulet ni Ruthan ngayon. Binabalik ang dating pinagsamahan na medyo nawalan ng kinang. Ako kasi eh, ang gwapo ko masyado kaya naisipan kong manguto nanaman ulet, pero this time bata na talaga ang inuto ko. Ow well...
Natanong sakin ni Ruthan isang araw kung ano bang mga nakakatuwang bagay ang nangyari na sakin. Sabi ko marami. Eh demanding tong si Ruthan, sabi nya yung bago bago daw yung mga hindi ko pa daw na kwekwento so ayun.. sya rin ang nakasagot ng ilang tanong nya.
- ako ay medyo naadik sa pag gawa ng Graham Cake, tapos may secret ingredient pa ko… weee…
- sa umaga kahit hindi pa nag-aalmusal, naghihilamos at nag sisipilyo eh mag ba bike na ko
- naaaliw na ulet sa anime lalo na ang Alice Academy sa channel 2
- madalas ang pagiging topak na parang baliw na, pero di ko na inuuntog ulo ko sa pader. Masakit eh.
- bihira nanaman kung maligo (wala kasing pasok)
- natutuwa na pinapapak ng lamok kahit pwede ko yun ikamatay
- nag away kami tatay ko dahil sa tinidor na akala ko pang desert, pang steak pala
- bihira na kung magdugo ang ilong (once a day nalang)
- madalas mag-init ang ulo pero hindi halata
- sabik sa badminton pero walang pang laro
- gustong mag bakasyon pero hindi binibigay ng pagkakataon
- maraming tanong sa buhay na wala ng pag-asang malaman pa ang sagot
(teka, hindi na ata nakakatuwa tong mga to ah… pero eto pa isa…)
- kapag ako tinopak nakakalimutan ko na ang mga magandang bagay kasi naiisip ko na hindi to para sakin.
Hayz… pero kung bibigyan ako ng pagkakataong mabuhay ulet, wag nalang. Kawawa ang mga taong makakakilala sakin. Baka mahawa pa sila sa ka abnormalan ko. Malakas pa naman ang impluwensya. Hehe. Kaya sa mga taong hindi pa talaga alam ang kanilang tunay, totoo at buong pagkatao, gudluck sa inyo. Sanay makita at malaman nyo yun. Wag masyadong magmadali. Amen…
Wish for today: sana maging matatag pako…
God news...
Natapos ko na God of War II sa PS2 kahapon (April 25, 2007 3:53pm)
Pero patuloy parin ang buhay…
6 comments:
twahhh! natapos mo din sawakas! addik talaga!!haha!
nyah! kaya pala tawag ka ng tawag.. kala ko wala ka lang magawa-_-''..hehe
nyahaha! natawa ko sa intro mo ah..
tulad mo yung mga dating nagugustuhan ko ay nagugustuhan ko na rin. madali lang pagkagusto ko kaya yung gustong gusto ko naman ang ginugusto ko...gusto ng nanay ko ang blue na hindi ko namn gusto na ang gusto ko at tulad ng gusto mo na white. kaya ayun pareho nating gusto nyahaha ^_^
Uy congrats nman sayo.. bakit ako solitare lang kaya kong tapusin! heheh!!!
Uy ang bagong anyo sya! heheh! malawak na ulit ang iyong kaharian at tayo ng magsayawan...
RUTHAN!
ayos ba ang intro? pwede bang ipangtapat sa intro ng hotel california? nyahahahaha...
kapag ako may gustong tapusing bagay, madalas hindi ako normal makahinga kasi na tetense aku. hehe.
-pb
TEKLA!
wah... ang galing.. naiintindihan mo pala ako at naiintindihan din kita. Ang totoo eh gusto ko rin ng blue bata palang ako pero minabuti ko nalang na secret color ko ito. ang dami kasing may gusto ng blu. nagustuhan ko ang blue dahil sa ulap at dagat. hehe.
TK!
salamat pow... hehe.
solitaire? adik din po ako dyan dati kapag walang nigagawa. hehe.
gusto ko ng lumawak ang aking tunay na tahanan. lagi nalang kasi akong nakakulong dito sa bahay. hehe.
-pb
Post a Comment