Sa lumipas na ilang buwan. Sa mga araw na parang wala ng bukas. Sa mga panahong pa bago-bago. Sa gabing di makatulog dahil kakainom lang ng kape. Sa umagang puno ng muta ang mata dahil puyat. Sa tanghaling nakatingin sa kalawakan para pagmasdan ang ulap kahit mainit at nakakasilaw ang sinag ng araw. Sa hapong nag-aantay ng sundo para makauwi ng maayos sa bahay at sa mga araw na walang pasok... nalaman ko kung pano ang maging isang normal na tao.
Normal ba ako? Natanong ko na ng ilang beses ang tanong na ito sa kung kani-kaninong tao. Mga kaybigan ko, mga kaybigang kuno, kakilala, kapatid, gelpren, kapitbahay, tindera, si manang na nagluluto sa karinderya, security guard na nagbabantay ng mall kasama ang isang malaking aso at yung tambay na laging lasing malapit sa kanto namin. hehe.
May ibat-iba silang sagot. Oo, pwede, minsan, tama, cheneline, tarutch at iba pa pero isang sagot lang talaga ang tamang tama sa pandinig ko kaso di ko na matandaan kung ano yun kaya parang nagsisisi pa ako kung bat ko pa toh binibigyan ng panahon para gawing entry.
Ang totoo kasi nyan, kapag mahal mo ang isang tao, ang mga katangahan at kagaguhan nya sa buhay ika-aapekto rin ng buhay mo. Pero hindi ibig sabihin nun susuko kana. Para sakin ganun pero siguro para sa iba may hangganan ang pag-ibig. Ewan ko lang ah pero nangyayari kasi sakin ngayon eh. Nakakahiyang makagawa ng masama, nawawalan ako minsan ng karapatang maging isang tao kasi ganun nalang kahirap patawarin mga kasalanan ko. Ganun naba ako kasama? Hindi ko alam kung pano ko mapaparamdam na pinagsisisihan ko naman ang mga nagawa ko. Alam kong maihihirit nila sakin na "marunong ka palang mahiya" tapos ako naman tong mapapayuko nalang. hayz...
to be continued...
10 comments:
talaga??you really need me???
hehehe..
kaw normal???no way! hahaha!
1. health mo palang hindi na normal
2. the way you think di tama sa edad mo para sa isang normal na tao
3. kumakain ng hindi normal kainin[maaaring cool sya para sau na gawin..pero wag mo ng gawin pa please.]
4. binulsa ko
5. tinakbo mo
6. dinedma natin
hehehe la na ko masabi..basta..sa buhay masasaktan ka talaga ng mga pagkakataon. pero dont worry..coz it makes you be a better person..
Hindi ka normal, kase hindi ka na nagboblog... ang mga normal na tao, laging nagbblog..nyehehehehe.
Ang haba nung tinype ko tapos biglang nawala huhuhu!.. uulitin ko mamya!
Sa buhay natin dito sa mundo, hindi maiiwasang magkamali, madapa, masugatan pero ang importante e may natututunan tayo hindi ba? hindi nman tlga natin iniisip na magkakasala tayo sa pag gawa ng isang bagay. Lahat nman tayo ganun. Ang mahalaga at importante sa buhay na ito, sa araw araw na pag daan ng buhay, wala tayong masyadong nasasaktan lalo na ang sarili natin..
lam mo mas maganda ung comment ko nung Una, keyalang nung biglang mawala dikona maisip ulit ang pinag sasabi ko! heheh!
RUTHAN!
bat mo naman sinama pa yung no. 3? nakakahiya tuloy.. haha.
RAZZY!
ehdi marami palang abnormal kasi mas marami ang hindi nag bloblog eh. hehe.
TK!
kaso may mga nadadapa na ayaw magpatulong o minsan wala na talagang tumutulong. Yung iba naman tutulong pero hindi naman gagamutin. alam mo yun, hindi nila pinaninindigan ung nasimulan na.
nyaha nahiya pa..meron ka pala nun??!! hehehe peace tau :D..
sori po kung sinama ku..stig nga eh! yun nga lang masama yun..
anong pakulo naman to ngayon. may sago ka na din sa background. ayos. apir.
OBI!
haha.. may sago din kasi yung iyo, nainggit lang ako.. pero ang totoo... nagamit ko na tong skins na toh dati... namiss ko lang. hehe.
mike test...
Post a Comment