Wednesday, November 26, 2008

--kelang bukas?--

sa kapit bahay ng classmate ko sa taytay.
nag hagilap agad ako ng cellphone na may flash.
tinatakot pa nila ako kasi may mumu daw dun sa bahay na un.
pero wala akong pake. aliw parin eh. haha.

Tuesday, November 25, 2008

--bottle--

By: Phoebe dela Paz

I’ve been a bad man;
hurting people with no intentions
and now I’m alone in the island
keeping all my emotions

I cried many times
and then accepting what’s behind
the truth that’s hard to find
need to cross a thousand miles

Sure I’ve learned my lesson
and I’m ready to do my obligations
I know, I know to handle things
fixing and solving mistakes

Now, I’m already better
believing I must be free
and ready to go back there
to spread love and peace

So hopping someone will find this
a simple message that will save my dreams

Thursday, October 23, 2008

--mantika--

kapag mag isa ako. marami akong naiisip.
mga pangarap na mataas, na hindi ko naman kayang abutin

isa akong tindero ng fishballs. fishballs na madalas bilhin ng mga tropa kong construction worker. ang dami na nilang utang sakin at hanggang ngayon eh hindi pa talaga ako nakakabawi sa pinuhunan ko. marami rami din kasi akong kaybigan at syempre tinda ko lang ang hindi nagmamahal na hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa. mahirap pala ang ganun, lalo na sa isang taong tulad ko, na nahihiyang tumanggi sa mga bagay na kayang kaya namang ibigay.

isang karumaldumal na pangyayari ang nasaksihan ko. holdaper ata sya. nakaakbay ang kaliwang kamay sa balikat at may hawak syang patalim na nakatutok sa tagiliran ng isang binata. di sila gumagalaw parang statua. bahagya kong nababasa ang bawat bukas ng bibig ng dalawa. "di ka masasaktan kung ibibigay mo sakin yang bag mo ng maayos". "te...te..ka laaaaannngggg ho... di ho ako makakauwi... tirhan nyo ho ako ng kahit trenta(30) lang." Mabilis na maayos na binigay ni teenager ang bag at agad tumakbo ang holdaper na parang di nya narinig ang pabor ng binata. di parin sya gumagalaw... humarap sya sakin, namumutla,itsurang paiyak... matang nakatingin sakin na nagsasabing bakit wala akong ginawa. bigla nalang syang natumba.

Nagsilapitan ang mga tao sa paligid ng katawan nyang nakatumba. parami ng parami ang tao. paingay ng paingay. di ko na maintindihan ang ibang salita na may ibat ibang kahulugan. kahulugang di lahat ay tama at totoo. sino ang dapat kong pakinggan?

di nako nagtagal pa roon dahil hindi ko maaring iwan ang tulak business ko para makisingit pa at maki-isyoso. paniguradong nahimatay sya sa kaba at takot. umuwi nalang ako agad kahit may masasayang akong isang plastic na fishball na malapit ng masira.

sarap talaga ng pakiramdam natoh. nakalublob ang dalawang paa ko sa batya na may mainit na tubig at mga bulang galing sa labada ng gelpren ko. di pa kami kasal dahil kelangan mabuntis ko raw muna sya. 1 taon na kaming nagsasama at wala pang bunga. bungang ayoko talagang maisilang at mamulat sa kahirapan ng bansa. kaya eto, masaya ako kahit wala pa kaming anak. naliligalig nalang ako sa mga gwapo't maganda't malulusog na bata sa commercials. lalong lalo na ang anak ni zoren legaspi at carmina... ang talinong bata, di tulad ng tatay nya na tatanga tanga at sa ice cream lang sya magaling.

ok. balita na pala. kahit ayoko ang sistema ng bansa eh gusto ko parin malaman ang kalagayan nito. halos di maganda ang balita at walang kamatayang isyu ng melamine yan na tingin ko naman eh hindi sapat na dahilan para ma alarma ang lahat. taas noo parin tayo sa mga singkit na yan. pareparehas lang yang mga singkit nayan. yang i phone na yan, mga mac chu chu, mga gadgets na talaga namang nakamamangha pero sa totoo lang, taas noo rin naman ako, lalo na kay maria ozawa na isang janapnesse canadian.

ano toh? ung kaninang nasaksihan ko. ang binatang hinoldap. abay nakuhaan pala ako ng video sa tv. wala naman akong napansin dumating ang abs kanina, malamang di ko mapapansin dala nalang siguro ng pagkaggulat ko at sabik kong makauwi na. pero ano?! patay ang binata? napadiin pala ang patalim sa tagiliran nito. di ko napansin un ah. mas lalo akong nagulat. kaya pala ang mga matang humihingi ng tulong... anu tong nararamdaman ko? di ako makahinga... makatulog na nga lang. zZzzz...

bagong umaga kahit galing sa masamang panaginip. para atang hindi natatahimik ang binata. pati ba naman ako damay. pero hindi sya sagot sa kahirapan ko, bat ako mag aaksaya ng oras para isipin sya. patay na sya at matuwa syang ganun at tuloy parin ang buhay kong mahirap at walang pag-asa. "alis nako honey, wag ka masyadong papakapagod sa paglalaba. pag-uwi ko pramis ubos ang mga fishballs ko".

lalake - "manong? magkano sa balls mo?"
ako - "eto lang di nagmamahal... ganun parin iho" (habang naghahalo ng mantika)
lalake - "ay sige ho sampung piso ho. tagal ko ng di nakakakain neto"
ako - "oh sukli mo..."

anu toh? binatang kamukhang kamukha ng binata kagabi... kambal? o minumulto ako? hindi eh.. sya talaga. taong tao. di ako makahinga... di ako makagalaw. natutuyo na ang mantikang iniinit ko. parehong lugar kahapon. parehong pareho. kung san sya nakatayo... ang binatang namatay at may papalapit sa kanya... waring may tinatago kanyang kasuotan...

"di ka masasaktan kung ibibigay mo sakin yang bag mo ng maayos". "te...te..ka laaaaannngggg ho... di ho ako makakauwi... tirhan nyo ho ako ng kahit trenta(30) lang."

malinaw na malinaw ang narinig ko...

nahulog ang paninda ko... oh fishballs...

mabilis ang mga pangyayari...

tumingin ulet sya sakin... pero sa ngayon...

malapitan... nakatayo sya habang ako'y nakahiga...

mukha nyang namumutla parin...

pero ang mga mata ay iba na ang sinasabi...

kayanin nyo ho...pasensya... at maraming salamat...

napangiti ako...

at

pumikit.

Friday, October 17, 2008

--dreams---

Babae nga siguro ako talaga. Napapansin kong napapadalas ang pagbabago ng isip ko na dati pa naman talaga, o siguro humuhusay nalang ako sa pang uuto sa mga bagay bagay.

Ang hirap ng ganito. Naka set na ang puso’t isip mo sa isang bagay tapos kinabukasan iba na ang plano mo. Parang ang dali ng buhay kung titingnan pero wala naman talagang kakayahan para magawa. Nakakainis pero kelangang tanggapin... at sana baguhin.

Isang magandang halimbawa nalang ang entry bago ito. Sabi ko doon na balak kong mag-aral magluto. Pero ano… ano ngayon? ibang plano nalang. Hindi ko nalang sasabihin baka mabago nanaman. Ayokong sinasabi noon ang bahala na pero napapadalas na ngayon sa sobrang ka walang kwenta kong tao pag dating sa pagsasalita at pagplaplano. Kakalungkot, at potek… dati ko pa atang problema ang ganito…

Masaya naman ako. Sa sayang to, matatanggap ko kung bigla nalang akong kukunin, kahit marami pa akong pangarap na pli-nano kong magawa.

Saturday, September 20, 2008

kelangan kong maging praktikal...

Hindi ko alam kung sigurado ba ako sa natatandaan kong pangyayari sa buhay ko. Kung pano ko nakahiligan ang pag susulat. Sa pagkakatanda ko nga eh, noong elementary ako, natuwa ako sa pag babasa ng mga libro. Di ko din maalala kung anong libro ang una kong nabasa na hindi librong pang edukasyon. Di ko nga rin maalala kung tagalog ba ito o sulat sa ingles. Minsan nga nakakalimutan ko narin kung pano magbasa este ang maligo pala.

Sa totoo lang gustong gusto kong maalala ang mga yon pero nasasaktan ako dahil mas napapatunayan kong makakalimutin na ako. sakit naba to?

Ang sigurado ko, naaliw ako kay Bob Ong at kinulekta ko ang mga libro nya. Name it?! Lahat meron ako, pero dahil sa may mala diamante akong puso eh walang pagdadalawang isip kong pinahihiram ang mga librong binili ko at dahil sa di maiiwasan ang mga taong makakapal ang mukha eh may mga libro na akong di ko na nakita pa. simula noon, di nako nag papahiram. Pilitin mo pa ako, potah ka, bumili ka ng sarili mong kopya.

Naaliw din ako kay Pol.Medina.Jr. Sa katunayan eh may kuha pa kaming dalawa sa litrato. May nagbalita kasi sakin noon na may comic convention sa UP Diliman at darating raw doon si Pol Medina. Sobrang saya ko nun. Dapat nga eh may kasama akong papunta doon dahil di ko kabisado ang loob ng UP kaso nga lang eh mas may importante syang gagawin pero hindi dahilan un para hindi ako tumuloy. Nag punta ako dun mag-isa. Nag tanong tanong sa mga taong nag lalakad sa daan. Sumakay ng dyip at di makahinga ng maayos sa kaba at yun nga… narating ko ang dapat kong marating, maraming ilaw at may mga babaeng nag sasayaw sa entablado na nakahubad este sa UP pala. Nawala na ang kaba ko at agad na akong pumasok sa loob. (at pota, di ko din maalala kung anong building yun sa UP).

May bayad ang entrance sa comic-convention. Medyo madami dami ang tao. Di lang pala medyo. Madami talaga. Ang daming mga sikat na writers ng comics pero di ko sila kilala. May mga lumang comics ng batmans at iba pa sa murang halaga. May mga mangilan ngilan na action figures na hindi naman ata binebenta. May mga food corner na masarap kahit di ko natikman. Ang dami kong gustong gawin doon pero nangingibabaw parin ang sadyang makapag pa autograph kay Pol.Medina.

Nagawa ko naman ang sadya kong tunay. Nag tawanan pa nga kami ng onti ni Pol.Medina dahil sinabi kong PB ang nickname ko. Hiniram pa nya ang whiteboard marker na akala nyang pentel pen na hiram ko lang din sa classmate ko. Ako kasi ang unang nag pa autograph sa kanya. Ewan ko ba, nakatitig lang ang mga taong nasa harap nya, speechless na nakatulala. Kaya ayun, inunahan ko na sila.

Sa dami ng librong nabasa ko na syempre wala pa un sa kalahati ng mga nabasa mo kung sino ka man eh potek, ang hirap tuloy mag disisyon ngayon. hilig kong mag basa at sumulat pero bat parang hindi ko pa ata dapat seryosohin ang bagay na yan sa ngayon? why?

Ang daming problemang dumating. Nakakagulat pa ang karamihan at muntikan ko ng hindi kayanin. Hirap na nga ako sa totoo lang at nagpapakita na ako ay sadyang may kahinaan. Pero bat pa ako nangangarap? Anung plano ang dapat kong sundin para sa aking kinabukasan? Kelangan kong makaisip ng isang bagay na pag-aaralan na paniguradong may perang bubunga.

Hindi ako pwedeng mag shift sa isang kursong walang kasiguraduhan. Alam naman natin kung ano ung mga bagay na mag bibigay malaking kita talaga. Parang sa ngayon ayokong munang isipin ang kaligayahan ko. kelangan ko agad makakuha ng trabaho, para magkasweldo at ipanggagamit sa pag-papaaral sa sarili ko, pag-aaralin ang bagay na magbibigay ligaya sa buhay ko.

Naisip kong mag-aral magluto. Tutal, masarap magluto ang mga magulang ko, ako wala pa akong alam. Tutal ulet balak ng tatay kong mag negosyo ng kainan at hilig ng pamilya namin ang kumain. What yu think? May future kaya akong maging chef?

(isang tabi muna ang mga bagay na sigurado ka namang nandyan lang)