Wednesday, March 26, 2008

-=huh? kape?=-

Bumalik ang dating pakiramdam na hindi ko inaasahan. Ang sayang madalas na nangyayari sakin na hindi ko pinaplano. Binibigay ng Maykapal na inihahandog ng mga totoong taong nagmamahal sakin. Yung iba kasi hindi totoo; mga nagpapanggap na tao, nagmukhang tao pero asal hayop. Tapos mananakit sila, kakagatin ka, di mo naman inaano. Tapos one time, inano ko sila… sabay nagalit. Mga hayop nga naman oh. Mag asta kang tulad nila, magagalit, lalayo, bigla ka nalang iiwan. Hindi man lang nila naisip na naging amo nila ako, pinakain sila, pinaliguan, binihisan, pinag samantalahan este pinahalagahan tapos ganun lang? di nila ko matatanggap na nagbago ako at naging katulad nila? Pero syempre, magbabago ulet ang dating nagbago. Babalik ang dapat na mangyari. Magiging maayos ang lahat. Ganyan ang buhay. sa problema, sulusyon minsan ang isa pang problema pero maisasaayos ang lahat. Hindi lahat ng dapat ay ang tama.

Uulitin ko; Hindi lahat ng dapat ay tama. Dapat “ko” pa bang samahan ang mga taong hindi naman marunong magpahalaga; yung mga taong mukhang tao pero asal hayop, mga nanakit na pag sinaktan mo e galit. Tulad ko nanakit din “ako” at pag nasaktan at nagagalit din. Tulad din “ako” nila, kagaya “ko” rin sila. Impokrito.

Pero kapag mahal mo ang tao. Choice mong di sya tulungan diba pero choice mong mahalin sya. Kapag mahal mo sya, gagawa ka ng paraan para maayos sya. Para maging mabuti syang tao. Ganoon minsan ang paraan mo ng pagpapakita ng pagmamahal sa tao. Ayaw mo syang mahulog sa bangin na puro tinik ng isda. Kaya kelangan mag asta kang katulad nila para marealize nilang ang kupal nila. So… magbabago sila sa paraang pagaastang masama. Kaya nga… nasasaktan din ako, nagagalit. Tulad nila.

Pero bakit pa ako aangal kung “mahal” ko naman sila? Bakit di ko na lang bigyan ng oras at panahon ang mga taong tunay na nagmamahal at nag papahalaga sa akin? Bakit di ko simulan na ayusin ang mga relasyon ko sa kanila bago ang sa iba? Hindi ko alam kung bakit? Siguro di ko lang alam kung ano ang mahalaga sa importante.

Teka? Umaangal ba ako? Sinasabi ko lang naman na kupal sila eh. Na wala silang kwenta. Ikinasasama ng loob ko yun pero hindi ko ipapakitang ganun. Pag nagpakita ako ng kahinaan eh iisipin nilang talo ako. Na hindi ko kayang maayos ang lahat at ipagpapatuloy nila ang mga kalokohan at kakupalan na ginagawa nila sa buhay. Hindi ko nga siguro alam ang mahalaga sa importante pero ang gusto ko, maayos ang mga problemang alam kong maayos ko din kahit hindi agad-agad.

Kung di ako umaangal, bakit ako apektado? Kung tunay na mahal ko sila, kahit anong gawin pa nila sa akin e kakayanin ko. Sa punto pa lang na magpapakita ako ng kahinaan ay di nila matanggap, e hindi nila ako pinahahalagahan bilang tao; taong nag kakamali, nasasaktan, nanghihinayang. Di ko alam kung bakit pa ba ako nagsasayang ng oras? Samantalang ang daming tao na nagmamahal sa akin. Bakit din a lang ako gumugol ng oras para sila na lang ang pasayahin ko? Maikli lang ang buhay para sa gumugol pa ng oras sa mga taong “mahal” ko.

Pwede ka namang maging apektado sa positive way ah. Example, may isang isang pulibe na nagugutom, at naawa ka… at kasunod nun, tutulungan ko sya. Naging apektado ako sa nakita ko at positibo ito dahil pinili kong tulungan sya. Alam mo yun? Apektado ka sa mga bagay nay un naman talaga dapat ang maramdaman mo. Di mo masasabing mahal mo ang tao kung di ka apektado sa mga kalokohang ginagawa nya. Sa totoo lang eh hindi mo naman na kelangang sabihing apektado ka, gawin mo nalang yung dapat na gawin mo para matulungan mo kahit ayaw pa nya. Atleast nagawa mo yung part mo, part na gusto mo talagang gawin. At nga pala, hindi pag sasayang ng oras ang tawag sa effort na binibigay mo sa taong mahal mo kahit wala pa syang kwenta. Pero teka mali… sige… nagsasayang ka ng oras, pero ayos lang, ok lang, mahal ko sya eh.

Ang hirap kasi sayo, basa ang kilikili mo. Kaya lang kung minsan, mahihirapan kang magtimpla ng kape nyan, kasi din a maglalasang kape yung kape mo lalo na pag tumulo yang armpit juices mo patungo sa kutsaritang naka gilid sa tasa. Diba?

Ngunit, ang kape masarap kung iba iba ang lasa. Kung nuon ang kape ay dapat mainit lang, ngayon may kapeng malamig na, may frozen pa. Kung dati ang kape ay galling lamang sa coffee beans, ngayon may kape na galing sa tae ng isang daga(civet coffee). Hindi malayong magkaroon na rin ng kape na maalat.

ok. kape na ito... eto yosi pa.

Monday, March 24, 2008

-=LIKAS na KASAMAAN=-

mag kwe-kwento ba ako ng malungkot? Wag na no? malungkot na kasi ako sobra. As in.. alam mo yun? Diba alam mo… lungkot ko no? lulungkot karin ba? Wag! Ako lang dapat. Saya sayang mabuhay eh tapos mahahawa ka lang sa kalungkutan kong walang kwenta? Wag ganun.

Kwekwento nalang ako tungkol sa isang babae na ubod ng tanga. Na nag-mahal na isang taong umpisa palang eh hindi naman nya talaga gusto. Papano nangyari yun na minahal nya yun? Aba ewan ko dun sa babaeng tanga na yun. Nag-mahal ng hindi nya gusto? Pwede pala yun no… stig!

Ayun. Tanga sya. Niloloko na nga sya nung lalake, mahal parin nya. Hanggang ngayon mahal na mahal parin nya. Pero sabi nya pagod na sya. Di nya daw alam ang gagawin. Para na nga syang baliw eh. Laging tulala, ngumingiti mag-isa, di kumakain, kung kakain sya, hindi naman pagkain, nagpapanggap na masaya at nagpapanggap na ok lang ang lahat. Maraming taong handang tumulong sa kanya, sa babaeng tanga. Pinapasaya sya. Pinapangiti. Maraming nag jo joke kahit korny. Madami silang kwento na ang ilan ay imbento. Di naman sila nabibigo sa balak nilang mapasaya tong tanga na to, pero sa oras na kelangan ng umalis ng mga super hero, totopakin nanaman ang tanga at gagawin ang ritwal ng mga emo.

Nakakaawa na tong si Tanga. Dating taong mukhang walang problema. Ngayon? Basta… nakakaawa sya. Kung kaya ko lang pumatay ng tao, pinatay ko na sya. Wala akong magawa eh. Pansamantala lang lagi ang ngiting naibibigay ko sa kanya. Natutuwa naman ako minsan at nagpapasalamat syang nandito ako, nandito kami na sa kahit sandali, nakakaramdam sya ng pag-asang magiging maayos ang lahat. Nakakaawa ang tanga, pero nakakabilib din, na sa dami ng lungkot na nararamdaman nya, sa dami ng sakit na tinitiis nya, eh sa bawat tawa at ngiting nakikita ko sa kanya, parang puro pagmamahal lang naman ang tangi nyang hinahangad na ako naman… kayang kayang ibigay sa kanya.

Problema lang… hindi ako yung taong gustong gumawa nun sakanya. Marami naman akong kayang gawin. Alam kong mapapasaya ko sya. Sya lang ang problema eh, matigas talaga ang ulo nya. Pinagpipilitan nya ang bagay na imposible ng mangyari. Gusto nya pahirapan ang mga bagay bagay… sinabi nya yun sakin. Bakit? “kapag pinaghirapan mo ang isang bagay, mas iingatan mo, mas mamahalin mo at dadating sa puntong hindi mo ito kayang mawala”. Sinabi nya yan. Pero tanga sya eh! Puro sya pagbibigay eh. Sa lahat ng naging lalake nya, di man lang naghirap yung mga lalakeng yun sa pag-asam ng OO. Ako na andito na maganda naman ang intensyon sa kanya eh hindi man lang nya mapansin pansin. Anu ba talaga?! Ang ganda mong tanga eh! Sayang ka… sobrang sayang. Nagtitiis ka sa isang sitwasyong pwede mo namang iwan. Iiwan mo para maging masaya ka na talaga. Pero anu nga ba ang nagpapasaya sayo? Abnormal ka eh… malamang iba yung inaasahan kong sagot mo. Sabihin mo nga… ano ba?

Tangang babae – si Jolibee ang nagpapasaya sakin. Si Jolibee lamang…











nagsimula kong ma appreciate ang Jolibee nitong pag college ko. tatawid lang ako sa kabilang side ng skul ko, onting lakad, at jolibee na. May aircon at mababait ang mga crew. may mga gwapo pa nga eh. may onting sablay lang kasi kapag aakyat ka ng hagdan nila eh may kakaibang amoy. di nalang ako nag rereact at natatawa nalang ako sa mga nagrereklamo. hindi naman babango kapag nakisali pa ko sa kanila. mas mabuting tumahimik nalang kapag wala kang magagawa at wag ng makisali kung obvious na obvious naman.

siguro 3rd time ata na nagpunta ko sa Jolibee na yun, kasama ko ang 6 kong classmates. 2 lang kaming babae. nagtatawanan. nagkukulitan kami. ng maisip kong...

pb - stig tong baso ah.. kunin ko kaya..
sila - tadu ka... kaw bahala...
pb - katuwaan lang. wala naman sigurong camera dito diba?
sila - wala pero kapag nahuli ka, di ka namin kilala... hahahahaha!
pb - bahala na. (sabay lagay sa bag)

yung isang classmate ko naman na babae na kasama ko, yun din yung araw na yun. nakakita kasi ako nung no. yung order no. na nahulog sa giled. tinuro ko sa kanya at kinuha din nya sabay lagay sa bag.

yung tray naman... matagal ko na talagang plano. chume-chemps lang ako. ayun.. nung birthday ko.. ka

sama ko ang isa kong classmate na babae...

pb - kunin ko kaya?
sya - kaw...
pb - sige. c cr lang ako...
sya - geh.
pb - pagkuha ko neto alis na tayo agad ah...
sya - geh.
(mabilis na inilagay sa malaking bag ang tray)

pb - tara.
(nagmadaling sumakay ng jeep)

pb - nyahahahahha.. ayus na birthday gift to sa sarili ko ah. haha!


siguro tingin nyo ang sama sama ko at nangunguha ako ng mga gamit sa Jolibee. isipin nyo nalang na binigay sakin yan. nyahahahahahaha.

kapag topak nga naman ang tao... ang daming nagagawang hindi maganda. wag sanang tularan ang mga tulad kong kung anong kalokohan lang ang alam.


<-- kasama din sa mga koleksyon ko. sila ang nagbigay lakas ng loob para gawin ko ang mga kalokohan at katuwaan ko sa Jolibee. Hindi ko kinuha ang mga yan. Bigay sila sakin ng may mga topak din. ano bang nangyayari sakin? kada entry ko, puro masasamang ugali ko nalang ang naisusulat ko. siguro likas na masama talaga ko. nyahahahaha... saya saya. kaya dapat, patayin ang mga nagkakalat na demonyo sa paligid. wag silang hayaang impluwensyahan ang mga batang me potensyal na tutulong sa bayan.

Friday, March 07, 2008

-=ANG 18TH HABURDEY NG SU-WA-IL NA ANAK=-

Nakow! Masaya naman talaga minsan man-trip eh. Bakit ba masyado kayong nagpapaapekto sa mga kalokohan ko? Ang susungit nyo! Maaga kayong mamamatay nyan sige ka… o baka naman kulang ka lang sa romansa ha?! Anu? Sabihin mo lang… paliligayahin kita. Hehe.

Nag-birtday ako. Wala naman talaga akong balak mag celebrate at gusto ko lang talagang tulugan ang March 5 na yan. Minsan naiisip ko kung bat pa ko pinanganak at problema lang naman ang naibibigay ko. Maraming nagsasabing napapasaya ko sila pero sa tuwing nasasaktan ko sila eh parang dapat na kong ihawin ng buhay. Parang wala akong karapatang magkamali. Ano ako? Anghel? Ang masama pa nun eh hindi ko naman talaga intensyong makasakit. Bakit ba may mga taong ang hirap akong patawarin? Huhu… (taena, ayoko umiyak).

Masaya naman ang haburdey ko. Me mangilan-ngilan na nanggulo sa bahay. Pansit, Pancit Malabon, PUTCHINTA (puto na cunchinta), at Vanilla ice cream lang ang handa. Parang miryenda lang pero pang 18th birthday ko. Pero bigatin ang inumin namin…


bale sila yung mga pumunta para manggulo pero kulang pa ng 3 yan. mga classmates ko sila sa TUA na madalas kakulitan ko. hehe.-->

(parang wala ata ako sa pic nato.. kasi ako ata nagshot neto)




eto naman churprise nila... idea ni Nina to. cupcakes na me choco-choko na kunwari ice-sing na may 18 candles.-->
(kaya pala sila biglang nawala, sabi nila me inaantay lang sila sa kanto)
sweet nila noh... hehe. beh!

Ok naman talaga ang lahat. Walang nangyaring gulo pero syempre marami paring mga di inaasahan…

Umaga paggising ko…
Si mama at papa eh nag-aaway kasi me bagay na hindi mahanap. Parang di ata nila alam na haburdey ko pero wala akong pake. Sabi ko nga eh gusto ko ordinaryong araw lang. nagkakasenyasan na kami ng ate ko na “yan nanaman sila” habang nag aalmusal kami ng hotdog at pandesal.
Nagpaalam nako sa inakoh, sabi ko “ma, baon ko?” at binigyan nya ako ng 200 na dapat 180 lang. nagulat ako at napangiti. “wow, pag bday ba lumalaki ang baon?” natawa nalang ang inakoh at narinig pala ng amakoh ang sinabi ko.

PAPA – bday mo pala noh…
PB – oo.
PAPA – hapy birthday… ilan taon kana?
PB – 18
PAPA – sa 19 mo mag-aasawa kana?
PB – haha! Sira ulo!
PAPA – ako sira ulo?
PB – nyahahahaha… alis nako.
PAPA – ingat.

Nagulat ako sa sinabi ko. Nagulat ako nung pagkalabas ko nalang ng bahay. Takte… tatay ko nasabihan ko ng ganun? Pero hindi lang pala yun. Mas grabe yung sa inakoh. Medyo matagal na to nangyari, month of Feb.

Hindi ako pumasok nung araw na yun kasi tinatamad ako at me kelangan akong ipapalit sa Megamol. Bag na binili ng tatay ko para ke Laf-Lap kaso hindi ko trip kaya nagpasama ako sa inakoh para e-pa-change item.
Habang naglalakad kami ng inakoh papuntang sakayan ng FX sa Rosario…
MAMA – bili kaya ako ng crocks na tsinelas…
PB – ikaw… bahala ka…
MAMA – tama! Sarap impambahay nun…
PB – TANG-INANG YAN! PAMBAHAY? CROCKS?!
MAMA – hahahahahaha…
(tumahimik parehas)
MAMA – teka… minura mo ko ah?
PB – eh tang-ina kasi eh… mahal mahal nun tapos pambahay lang?
MAMA – ehdi sige… pang-alis ko nalang…
PB – pang-alis? Pamalengke mo?
MAMA – nyahahahahahahaha… galing mo ah.

Grabe diba… nagulat din ako eh. Nakakagulat din kasi yung sinabi nya. Parang gago lang eh. Pero napaisip ako, sabi ko tang ina eh ina ko sya eh. Pano yun? Haha!

Bale kung tatanungin nyo kung bumili nga sya.. eh hindi natuloy. Kasi yung pinang change item ko para ke Laf-Lap eh Samsonite. Pang laptop talaga. Pang executive ang dating. Ang mahal nya! Mas mahal pa sa letcheng Crocks na yan pero syempre para naman gumaan loob ng inakoh eh sinabi ko nalang na “sige, pa b-day mo na sakin tong bag”. Ayun… napangiti sya at siguro nakalimutan na nya yung mura ko sa kanya. Hehe.


ayus sa inuman diba... BAILEY'S mint chocolate flavor. 2 bote yan eh pero isang bote hindi maubos. tapos hinahaluan namin ng Vanilla Icecream. sarap! Try it! tapos pulutan nyo PUTCHINTA. hehe. -->

Tuesday, January 29, 2008

-=LOVE HURTS, BUT SOMETIMES ITS A GOOD HURT=-

ang daming nangyari. Nakakalungkot. Nakakapagod. Nakakabaliw. Nakakasawa.

Nakakalungkot. Nakakita ako ng pussy na nagwawala. Akala nung kasama ko me kinakain lang na daga pero sabi ko nasagasaan yan. As in kitang kita namin na nagwawala talaga sya. Talon ng talon tapos maya maya may tumatalsik talsik na na dugo. Astig pero
nakakalungkot pero masaya kasi malamang sa heaven sya mapupunta. Sa heaven ba napupunta ang mga
animals na namamatay?
Pinicturan ko para memories saka hindi naman siguro magagalit sakin ang mga kamag-anak nya dahil pinicturan ko sya. Kung ako naman mamamatay eh ok lang sakin gawin lahat ng gusto ng mga mahal ko basta ba masiyahan sila diba. Patay narin naman na ako nun, hindi nako magagalit saka bibisitahin ko pa sila kapag nawala ako. Diba ang sweet.



<-- ramdam ko ang kalungkutan ng dilaw na pussy... hayz...















Nakakapagod. Sinali akong cheering competiton sa skul namin, wala akong choice kasi onti lang talaga studyante ng medtech. Alam kong me maitutulong ako pag sumali ako kaya yun. Medyo me onting gastos para sa damit at shoes. Nakakalungkot lang, wala kaming place. Hindi namin alam kung san kami nagkamali. Maayos ang performance namin ganda pa ng costume. Problema talaga ang mga judge ngayon, kung hindi parang bulag, magaling magluto. Ewan ko ba. Pero ayos lang, masaya naman at medyo gumanda pa lalo ang macho kong katawan. Hehe.


































Nakakabaliw. Yung tipong ang dami dami mong iniisip, ang daming plano pero parang wala kang lakas para gawin yung mga yun. Naiipon lang sya sa utak at damdamin mo. Nakakasama ng loob kasi parang pakiramdam ko wala akong kwentang tao. Parang anong halaga pa kung sasabihin ko lahat ng gusto ko kung hindi naman maiintindihan ng mga taong nasa paligid ko lalo na yung mga taong mahal ko. Anung magagawa ko? Maghihintay ulet? Iintindihin ko parin sila? Ano?

gusto kong maramdaman ng lahat ang tunay na pag-ibig. masarap kasi talagang magmahal. masaya ang nagmamahal. hindi lahat ng tao naramdaman na yun.. gusto kong maramdaman nila.

Nakakasawa na talagang masaktan minsan. Gusto ko ng sumuko. Kelan ba ko pwedeng sumuko? Mas ok na yung isang biglaang sakit kesa sa paulet ulet na sakit pa. wala nakong tiwala sa sarili ko… parang gusto ko ng kalimutan mga pangarap ko. Pero tang na talaga… hindi pwede eh… mahina ako pag sumuko na ako agad… hindi pa ngayon eh. Pero.. masakit ang makasakit… ;’(

Monday, January 21, 2008

-=TALAMBUHAY NI ABNOY TOPAK=-


Mabuhay! Ako po si Phoebe Grace D. dela Paz. Nakatira sa bahay na mukhang Manila Zoo sa dami ng hayop dahil me higit sampu kaming aso at di mabilang na ibon sa Pasig City kasama ang aking magulang. Hindi po kami mayaman, kasi kung mayaman kami, dapat marami akong pera. Mukha lang kaming mayaman dahil me lahi kami ng kagwapuhan at kagandahan pero me kasamang kayabangan. Hindi lang kami gwapo at maganda, matalino din ang aming lahi. Nagkataon lang na tamad kaming mag-aral kaya wala pa ni isa sa amin ang nakatanggap ng diploma sa kolehiyo. Pero kahit na, san kapa? Ang aking ama eh may magandang trabaho at ang aking ina eh masarap magluto, hehe. Magaganda din ang trabaho ng aking 2 kapatid na babae. Lahat sila me pera, pero ako wala. Pero ok lang.. gwapo naman.. machopa. hehe

Kanina ko pa binabanggit yang pera na yan? Gano ba kahalaga to sakin? Satin? Bat ko paba tinatanong eh alam naman natin ang sagot pero wala akong sinasabing eto ang pinaka mahalaga. Pinaintindi lang kasi sakin ng ama ko na sa mga taong walang utak eh kelangan kahit pera eh meron ka. Sa sinabi nyang yon, parang naisip ko na madali lang bilhin ang lahat.. lahat… pagkain, tirahan, damit, luho, kaybigan at pag-ibig. Masakit man tanggapin pero yun ang totoo. Dumadami na ang masasama sa mundo. Dumadami na ang nakukuntento sa bagay na kung anong meron sila na hindi naman dapat kung marami ka pang pwedeng gawin at itulong. Kumbaga.. nakukuntento sa pwede na kahit me pwede namang maging kamangha-mangha.

Pera? Ako kelangan na kelangan ko yun. Gusto kong napapasaya ang mga mahal ko, isang paraan ko ang bilhan sila ng gamit, mahal man o mura. Pero ang pinaka gusto kong paraan eh yung pagtulong sa kanila. Kahit wala naman silang problema, andito ako para tumulong. Pero kelangan ko talaga ng pera eh.. bakit? PANGARAP ko ang maging isang PHILOSOPHER, me problema lang… ayaw pa ng panahon. Pero kung di talaga mangyayari yun eh kahit WRITER na matino eh ayos na ayos na sakin. Hindi lahat ng sinusulat ko matino, importante sating lahat ang saya kaya kelangan me saya din sa sinusulat ko. Alam naman nating lahat epekto ng saya sa buhay natin eh. Pero dahil nga sa letcheng pera na yan… kelangan ko sya. Kung wala publisher na makita na gagastos para sakin eh kelangan ko talaga ng pera. Do u get what I mean? Hindi ako mukhang pera pero reality check lang.. we all need money.

Ang pangarap kong yun.. di ko alam. Nung elem naisip ko yun pero dahil sa mga taong nakapaligid sakin na bi-ne-brainwash ako na walang pera sa pag-susulat eh wala parin akong pake. Sabi ko “hindi ako nabuhay para kumita at magtrabaho, nabuhay ako para tumulong sa paraang alam at kaya ko.”

Bata palang ako (pero bata pa talaga ako) mahilig akong maglaro. Palabas labas ako ng bahay. Kung san san napupunta na madalas eh wala pang paalam sa magulang ko kaya ayun, nagugulpi ako. kinakadena ako at hindi pinapakain. (biro lang) Pero dahil mas matigas ang busog na tyan sa ulo ko eh nahiya na akong lumabas ng walang paalam. Nagpapaalam na ko bago lumabas, kahit hindi nila ako pinayagan eh lumalabas parin ako, atleast nagpaalam. Tapos nun eh hindi parin nabago ang resulta, ginugulpi parin ako. Nakaisip ako ng bobong paraan para makaalis ng bahay. Bihis na akong aalis para wala ng atras pero dahil buo ang loob ng magulang ko sa pag didisisyon sa buhay eh wala silang pake kahit gano pa kaimportante ng lakad ko at kung gano pa ako nagtagal sa banyo dahil naligo ako ng kay lufet, kumbaga pinaghandaan ko talaga.

Nagbabago ang panahon. Umiinit, lumalamig. Dahil sa epekto ng panahon, eh pati ugali ng tao nagbabago rin. Hindi nako palaalis ng bahay. Taong bahay nako. Di lang yun, ako pa ang taga linis at bantay. Bago mag highschool eh madalas na akong iniiwan mag-isa. Mali! Me kasama pala ako.. isang dosenang aso at di mabilang na mga ibon. Enjoy sila kasama. Kapag kasama ko sila, parang ang tali-talino ko. Alam ko na kasi ang mga dapat gawin para matulungan sila. Kung puro hayop siguro ang kasama ko, baka kunin na agad ako ni Lord sa katalinuhan, kasipagan at kabutihan ko. Pero hindi eh.. mas marami ang nakakasalamuha kong tao na dapat bigyan ko ng pansin. Tulungan. Pasiyahin. At syempre mahalin. i love you.. yeah!

Di ko alam kung bakit parang ang seryoso ko ata. Nagseseryoso lang naman ako kapag me problema akong ke lufet talaga. Pati syempre kapag damdamin ko na yung nasasaktan. Kung mapapansin nyo, pero wag nalang.. masiyahin akong tao. Maraming nagugulat kapag nakikita nila akong tahimik o malungkot. Natatawa sila, tinutukso ako. Di daw bagay at wag daw akong ganun. Malamang kasi ako lagi ang pinagtritripan kahit san ako magpunta. Sabi sakin ng close frend ko… ako daw yung taong pwedeng pwede mong kausapin ng kahit na ano, pero dahil hindi maiwasan ang mga abusado sa paligid, eh kahit saktan nila ako eh pwede narin. Nung marealize kong aba, oo nga no. hindi ko na alam ang gagawin ko. Sabi ko nga eh baka masaya naman silang ginagawa yun. Kaya ko naman silang intindihin. (Nyemas, makikilala mo nako… baka maging katulad mo rin sila. Sasaktan din ako).

Matapang akong tao. Talaga! Tara suntukan! Pero sabi nila ang tawag daw talaga dun eh kakapalan ng mukha. Siguro nga oo. Marami na kasi akong nasalihan na kung ano-ano pero halos lahat ng yun eh katuwaan lang. Dahil sa madalas nga akong apihin eh sanay na sanay na kong napapahiya kaya kahit minsan, sa mga bagay na hindi ako kapanatag eh sumasabak parin ako. Makapal nga ang mukha. Sa kakapalan ko eh nalaman kong marami akong kayang gawin.. talentado ako. Kaya kong kumanta, sumayaw, maglaro ng mga sports (ng maayos), magpatawa, me itsura (ehem!) at mapagmahal. Pero ang nakakalungkot dun, hindi ko na ma master ang mga yun. Sa dami ng yun eh hindi ko alam ang pipiliin. Madalas maraming kontra sa paligid. Kesyo ganyan, kesyo ganun, dapat ganito, eto sya.. eto yun.. ang dami eh. Daming concern sa galaw ko dahil sa talentado nga ako. Ang totoo nyan, madalas gusto ko ng sumuko. Ang hirap maging perpekto eh. Hehe

Marami-rami na kong naranasan. Mga ka abnormalan sa buhay. Ayoko ng ikwento ng detalyado. Bibigyan ko nalang ng title.
- BUTI NALANG MAY PANTY (nalaglag ang palda pagkababa ng jip)
- MACHO HATE KIKAY STUFS (kumakain ako lotion at powder)
- DO U REMEMBER? (sobrang makakalimutin ako)
- NATURE LOVER (kumakain ako petals at dahon)
- PATAY GUTOM (kumakain ng panis, sayang eh)
- MULTI-TASKING (dami kong kayang gawin ng sabay-sabay)
- I WILL SURVIVE (2 times na dengue,sumusuka nako ng dugo nun)
- RUNNER WEARING SKIRT (Nanghabol ako ng snatcher,kinuha yung bracelet ko, nabawi ko naman)
- SO CLOSE (muntik na kong maholdup, tinitigan ko yung holdaper ng masama)
- EAT ALL I CAN (kinakain ko lahat ng pagkain, as in lahat at kahit hindi pagkain)
- MY CUTEST PET (nag-alaga ako ng ipis for 1 month)

Actually mahaba pa talaga tong mini talambuhay ko pero kelangan mag-isip na ko ng ending para matapos na. ang haba na masyado eh.

Yan nakaisip nako.
Ako po ay masiyahing tao. Labing pitong taong gulang, ako po ay babae (talaga) Masipag po ako pero hindi sa pag-aaral. Me ugali akong I wanna know everything but I have to understand it in a hard way that would make it stay longer in my memory. (makakalimutin nga kasi ako). Gusto ko ang nagmamahal. (ginusto ko narin ata ang nasasaktan, wala pa kasi akong magawa). I love reading, sleeping and eating. But what I really like most? It is… when im talking to my Boss, telling everthing to Him.. yelling at Him what I felt and wanted, but His not answering me.. (hindi pa tapos ah). Ang pinaka gusto ko talaga dun eh… “kahit hindi sya sumasagot at nag rereact sa mga sinasabi ko, alam kong nandyan lang sya lagi sa tabi ko”.
BOW.