Saturday, January 07, 2012

Mga paborito kong palabas. Bow

Una sa lahat, hindi ko naman masyado i kwe-kwento kung ano yung storya. Wala din akong balak ikwento kung anong nangyari bandang huli, so wala... di ko na itutuloy tong blogging na to. Haha. Biro lang.

The God Father, Day 11, 29 December 2011
Sa sobrang kagustuhan ko dito sa palabas na to, balak kong ipangalan sa lalakeng magiging anak ko si Godfather. Actually may 3 part eto pero kahit panoorin mo sya ng hindi magkakasunod sunod, maiintindihan mo parin naman. Simple ang storya pero may lesson. Teka, may mga palabas bang walang lesson? Haha. Oo, old school kung old school at dito mo malalaman kung ano ang tunay na mafia.


The Green Mile, Day 12, 30 December 2011
Sobrang nakaka hulog ng puso, hindi sa kaba kundi sa pagod. Alam mo yung pakiramdam mo ang sama mong tao tapos wala kang kwenta at di mo magawang tumulong sa iba kahit may kakayanan ka naman. Ang gagaling ng cast, Tom Hanks ba naman eh. Basta ang tindi ng moral lesson netong palabas na to. Simple ang storya pero di mo sya makakalimutan hanggang sa pagtanda mo. Baka nga maikwento mo pa sya sa mga magiging apo mo.



Big Fish, Day #4, 22 December 2011
Nakakaaliw na palabas lalo na sa mga bata. Maraming kasing wirdong pangyayari na parang di na talaga makatotohanan. Isa sa hindi ko makakalimutan ang ganda ng mga lugar na pinakita dito, lalo na kapag may nangyayari ng kakaiba. Tim Burton ba naman eh. Anu bang palabas na ginawa nya na hindi maganda? Medyo nakakaiyak din tong palabas na to at pagkatapos mong panoorin parang gusto mo bigla ng kayakap. Haha. Simple ang storya pero may mabigat na impact. Isa rin syang kwentong buhay.






Pulp Fiction, Day #9, 27 December 2011
Isa sa pinaka gusto kong old school movie. Ang titindi din kasi ng mga cast saka ang ganda ganda ng flow ng story. Di ko nga nahuhulaan kung ano yung mga mangyayari eh. Ganun siya kaganda. Hindi rin to pambata pero nakakatawa sya. Walang part na babalakin mong magcr kasi medyo marami syang kwento. haha




The Professional, Day 13, 31 December 2011
Hindi happy ending pero sweet saka ang cute cute ni Natalie Portman. Isa itong action movie, title palang diba. Pero tungkol din sya sa friendship and love. Kakaibang storya pero posible namang mangyayari sa totoong buhay. Ang galing lang din ng mga action scenes kahit hindi ganoon ka dami. Pagkatapos mo tong panoorin, parang maiisip mong mamuhay ng mag-isa ng walang hinihinging tulong kahit kanino. Ang sarap lang din nung pakiramdam mo ang tapang mo.





I Saw the Devil, Day #6, 24 December 2011
Ay nako grabe, sa inis ko sa mga pangyayari sa palabas na to di na ko makahinga. Gusto ko ng tulungan yung good guy sa pagtorture dun sa bad guy. Ang tindi lang saka yung ending nya na la la liman ako. Simple lang eh pero alam mo yung kung sayo mangyayari parang di mo alam talaga kung kakayanin mo. Naaaliw din ako sa kulay ng film, hindi sya colorful yung talagang kulay palang nya pang terror na.




Imprint, Day #5, 23 December 2011
Tuwang tuwa ako dito. Gusto ko kasi nung mga nakakadiri at torture na palabas. Sa sobrang tuwa ko pa nga dito, enedit at kinuha ko yung pinaka gusto kong part ng palabas tapos inaupload ko sa Facebook. Haha. Ang wirdo lang din kasi ng storya nya saka hindi ko nahulaan kung ano yung mga mangyayari. Sa aking panlasa kasi, maganda ang palabas para sakin lalo na kung di ko nahuhulaan ang mga mangyayari. Sa paraan kasi din ng pagsusulat ko ng mga short stories, ganun din ang istilo ko. Ayun nga, sa palabas na ito matindi ka kung papanoorin mo sya ng wala kang kahit anong reaksyon. haha






Taken, Day 10, 28 December 2011
Nakakabilib talaga yung bida. Mag-isa lang talaga sya hanggang sa pinaka kadulo duluhan. Medyo bitin lang din kasi gugustuhin mo pang may mangyari ulet na hindi maganda dun sa kinidnap. Masasabi kong one of the best action movies ito. Ewan ko nalang kung sino pang hindi nakakapanod nitong palabas na to. Medyo sumikat kasi sya by word of mouth.




Audition, Day #1, 19 December 2011
Isang nakakagimbal na palabas. Ang ganda ng pagkakagawa lalo na kung papano nya pinapaikot ikot ang storya. May ilang parte na talagang mapapakagat ka sa diri at inis. Ito yung storyang di mo makakalimutan lalo nat may kinalaman sya sa pag-ibig. May katagalan na ang palabas na ito at alam kong maraming taong ayaw ng habang nanonood ay may binabasa pang subtitle, pero promise, ang ganda talaga neto.






August Rush, Day #2, 20 December 2011
Nung una akala ko boring saka di ko alam na isa sa cast si Robbie Williams. Masasabi ko kasing wala syang palabas na hindi maganda. Ayun nga, simula palang parang ang boring na pero ganun pala talaga ang istilo nya. Sa umpisa walang ka kulay kulay pero pa onti onti kang aaliwin hanggang sa gaganahan ka biglang mabuhay sa mundo. Ganon sya kaganda. Pag katapos kong panoorin parang gusto kong paghusayan ang mga bagay na alam ko. Napaiyak ako ng palabas na ito at kung iisipin mong mahirap akong paiyakin sa mga palabas, talagang effective ang palabas na ito. Di lang yon, kung mahilig ka sa musika, hindi pwedeng hindi mo ito mapanood.



Original Sin, Day #7, 25 December 2011
Oo, hindi ito pambata pero maganda ang moral lesson ng palabas na ito. Isa to sa hinding hindi ko makakalimutan na palabas dahil pinapakita nito kung gaano kalakas at katindi ng pagmamahal. Syempre mga artista palang talaga alam mo ng maganda diba? Basta hindi sya pambata okay. Tandaan yan. Mahirap na... di lang kasi siya patayan at kasinungalingan eh. haha




Perfume, Day #8, 26 December 2011
Ang weird lang din ng story pero syempre sasabihin ko nanamang maganda. Haha. Medyo marami nga lang tong usap usap pero nakaka excite kung papano sya matatapos. Nakakatawa, naalala ko pinanod ko to habang kasama ang ate ko, asawa nya at ang boyfriend ko. Tinulugan nila akong tatlo, ako lang tumapos dito sa palabas pero ewan ko lang talaga ah, marami akong kakilalang nagustuhan ang palabas na ito. Ang galing lang din ng set design nila.



Beautiful Mind, Day #3, 21 December 2011
Isang palabas din na hinding hindi ko makakalimutan dahil yung isang problema dito ang pinaka ikinakatakot kong magiging problema ko pag dating ng panahon. Ang galing lang din ng pagkakagawa dahil hindi mo talaga maiisip na ganun pala talaga ang nangyayari. Kung hindi ka mahilig sa puro usap na mga palabas, hindi mo masyado magugustuhan ito pero kung si Russell Crowse ang bida eh, alam nating magaling talaga syang umarte.

0 napaso: