Sunday, January 29, 2012

dakilang emo

kapag wala kang kwentang tao, wala silang pake kung ano ang gusto at ayaw mo,
lalo na sa nararamdaman mo...
wala din silang paki alam sa mga plano mo sa buhay
pero inaantay nila kung kelan ka mamamatay.

tingin nila sila ang nagwagi sa isang laban o laro na di naman ako sumali.
di ko nga magawang magsalita o lumaban eh, wala nga kasi akong kwenta diba...
may makikinig ba sakin? may paki sila?
kaya sa sobrang abnormal ko, masaya akong nalulungkot.
(masaya ako dahil nalulungkot ako).

naiimagine ko nalang na maglalabas ako ng pera para i hire ang isang killer.
plaplanuhin naming maige ang lahat. may naka takdang oras at araw.
may napaka gandang paraan ng pagpatay. ma t-tv dahil sa sobrang lupet.
at walang makakaalam kahit ang killer mismo na ako pala ang pinatay nya.

0 napaso: