Monday, December 26, 2011

Wag mo ng alamin

Wala na naman akong marinig kundi ang ikot ng elektripan kong madumi...
Iniwan na naman nila ako dito sa bahay, buti nalang di sumama si Yaya...

"Hoy Ashton, lumabas kana nga dyan sa kwarto mo ng malinis ko na"
"Yaya, ako na bahala dito... Usapan natin walang gagalaw ng kwarto ko"
"Ay nako, bahala ka na nga dyan, di naman ikaw pagagalitan ng Mommy mo eh!"
"Sweswelduhan ka parin naman ni Mommy kahit di mo linisin kwarto ko eh. haha"
"Diyosko Ashton, ang kulet mo talaga..."

Sa totoo lang, ayoko kay Yaya. Unang una di naman talaga sya masipag. Lagi kong nakikitang nanonood ng tv kahit may mga hugasan pa sa kusina. Ang gulo ng sarili nyang kwarto. Di marunong magpunas punas ng alikabok. Ang alam lang mag walis. Ewan ko ba, pero kapag kausap ko na sya, kapag tumitingin sya sakin, lahat ng inis ko nawawala. Tumayo na syang parang nanay ko, yung di mo magawang mainis sa taong lagi mong kasama lalo nat alam mong may malasakit sayo.

"Oh Ashton, anu nanaman tinitingin mo?"
"Yaya, ano ba talaga nangyari dyan sa isa mong mata?"
"Wag mo ng alamin, di mo magugustuhan..."
"Kwento mo na please, di ko pagsasabi kahit kanino... haha"
"Alam mo Ashton, ayoko ng maalala yun, unang una masaya ako at nakakakita pa ko kahit isang mata ko nalang yung gumagana, pero naiinis parin ako na nakikita ko yang panget mong mukha, haha"
"Kapal mo Yaya, ikaw kaya panget. Mukhang pang horror yung mata mo... haha"
"Salbahe ka talagang bata ka..."
"Okay lang, love naman kita eh..."

20 years na kaming magkasama ni Yaya pero hanggang ngayon ayaw nyang sabihin sakin kung anong nangyari sa mata nya...

Isang gabi, bigla nalang akong di makatulog. Di ako makahinga kaya nagpasya akong lumabas ng kwarto ko at kumuha ng tubig sa kusina.

Buti nalang at mukang tulog na si Yaya, makakainom ako ng sobrang lamig na tubig. Bakit parang ang lamig din ng hangin? oh?! Bat nakabukas tong pinto sa likod?

"YAYA!!! Yaya, anong nangyari sayo?!!! Yayaaaaaaaa!!!"

Huli na... ayon sa imbestigasyon, nanlaban daw si Yaya sa magnanakaw na papasok sa bahay namin. Mukang hinabol ni Yaya palabas at siguro may nakaabang pang isang magnanakaw sa may pinto... sinaksak lang naman si Yaya sa bandang tagiliran, at ang pinaka nakakainis sa lahat nabanggit sakin ni manong pulis na hindi lang pala unang beses may nagbalak na magnakaw sa bahay namin.

19 years ago, nanlaban din si Yaya sa isang magnanakaw... Ang kwento sakin ni Mommy at ng pulis na kaming dalawa lang ni Yaya noon sa bahay at nautusan si Yayang wag na wag akong pababayaan. Nakarinig si Yaya ng kaluskos sa sala, pinuntahan nya at nakipaghabulan papuntang kusina... natumba ang magnanakaw kasabay ng mga kubyertos sa lamesa, mabilis ang mga pangyayari, biglang hablot si magnanakaw ng tinidor at sinugod si Yaya.

Tama ka Yaya, hindi ko nga talaga magugustuhan...

Sunday, December 25, 2011

Kayo ang bastos!

Papano ko ba to tatapusin kung hindi ko naman talaga sinimulan?
Siguro nakalimutan ko lang talaga kung ano ang mga tama at mali, at hinayaan ko nalang kung ano ang tingin kong dapat.

Sa lahat pa ng pwede kong tanggapin, eto pang hindi talagakatanggap tanggap. Hanggang kelan ko to titiisin? Hanggang kelan ko hahayaan?

Nagsimula ang lahat sa isang aksidente. Sa dami ng tao sa lugar na iyon, bat ako lang ang nakakita sa kanyang mga kamay na sumasayaw sayaw sa ilalim ng ulap. Ano pa nga bang gagawin ko? Hindi ko naman gawaing manood ng taong unti unting nalulunod habang nanghihingi ng tulong.

Pagkalipas ng ilang buwan. Naging close kami sa isat-isa. Wala naman akong inaasahan na kahit na ano pero masaya ako kung ano man tong nararamdaman ko.

Marami kaming pagkakaparehas, madalas kaming magkasundo sa mga bagay, di kami maubusan ng pag-uusapan at lalong masaya kami sa lahat ng oras. Hanggang kelan ba ito? at bat ba kelangan kong malaman kung hanggang kelan? Kailangan bang lahat ng tanong ko ay masagot? Di ba pwedeng wag nalang akong magtanong? Wag ko nalang alamin?

Ang daming kumakalat na maling kwento tungkol samin. Bat ba hindi nalang sila maging masaya na masaya kami? Wala naman kaming ginagawang masama. Masama bang ilabas at ipakita kung ano ang tunay naming nararamdaman? Oo pag-ibig ito. Pag-ibig na hindi dapat kinukwestyon.

Di kami masagwang tingnan, lalong wala naman kaming intensyong manakit o manira ng araw ng iba. Di lang siguro sila sanay sa dalawang parehas na kasiraan na nagpapalitan ng puso't kaluluwa ng harap harapan.

Yung bigla lang naman naming naramdaman. Isang pakiramdam na alam naming malinis at wagas. Isang emosyong kayang makalikha ng libo libong paraan kung papano maging masaya. Isang bagay na alam naming hindi mawawala kahit anong mangyari.

Wala eh, di ko magawang tanggapin na maraming tao ang mas maduming mag-isip kesa sa maging masaya nalang sila para sa iba. Bat ko kelangang tanggapin ang isang bagay na hindi naman katanggap tanggap? Ano, wala na ba akong magagawa? Hahayaan ko nalang?

Oo, hahayaan ko kung ano ang dapat.