Tuesday, June 30, 2009

pagbabago ay simulan

maraming galit sa ulan. kesyo daw ang messy ng feeling dahil wet ang settings, wala daw silang dalang payong o di kaya ayaw lang ilabas ung payong na alam nilang sira at hindi matibay, traffic madalas kada umuulan at iba pang dahilang hindi kana magtatanong kung bakit ba.

isa rin akong naiinis sa ulan minsan dahil sa traffic nga. pero kalaunan eh tanggap ko na. naiintindihan ko kung bakit traffic. mga atat silang makauwi. mga natetense ang iba sa daan dahil basa ang kalsada at aksidente ang kasunod. ang mga motorista ding nagmamadali, pagewang gewang sa daan, pasingit singit, tuloy naguguluhan lalo ang mga sasakyan at ang mga taong patawid-tawid, palakad-lakad na ang bibilis ngang kumilos nakakatama o nakakasangga naman ng iba. Mapa may dalang payong o wala eh pare-parehong mga natataranta.

mapunta naman tayo sa bagyo. halos ang mga kabataan naman eh tuwang tuwa kapag may bagyo. bakit kamo? eh malamang walang pasok. inis lang ung iba sa bagyo kapag nasa school na sila tapos sabay bumagyo, ung iba kasi walang payong o di kaya bumabaha sa paligid ng school nila. ung iba ayaw ng bagyo kasi kapag walang pasok, walang baon. ung mga studious naman eh ayaw din, mga atat kasing grumaduate. pero ako? ayoko ba ng bagyo?

ayoko. sobrang ayoko. kapag may bagyo, nalalagas mga dahon ng puno namin, syempre kelangang walisan un. nawawalan minsan ng kuryente at bumabagal ang internet namin. hindi ganun ka sarap ang ulam dahil hindi makalabas inakoh para makabili ng iluluto. ung tv kahit naka cable eh medyo gumugulo ang reception. nagsisilabasan pa ang mga cockroach and rats sa mga kanals, pumapasoks sila sa aming house. *ew wee...* sige nga, dapat ba akong matuwa sa bagyo?

seriously, ang pinaka apektado kapag may bagyo ay ang mga magsasaka at mangingisda. hindi ko na dapat pang ipaliwanag. kapag apektado sila, apektado din tayo.

bat ko ba to topic? ala lang. hindi na kasi napapansin ang issue tungkol sa ozone layer na tuluyan na atang nakalimutan. puro ah1n1 na nagagamot naman, buti nalang medyo wala ng nagpapatugtog ng careless whisper. eh pero anu bang dahilan kung bat nasisira ang ozone? anung mangyayari kapag tuluyang numipis ito? tsktsk... kaya itigil na yang mga bisyo. clean living na dapat tayo mga tols. hehe. yeah!

Monday, June 15, 2009

pagbabago ay permanente


masyado akong naging mapanghusga at masyado kong inaangat ang sarili ko eh wala pa naman akong napapatunayan. bakit ko ba to nasabi? di pa naman matagal ang pagmamasid ko at panget na agad ang tingin ko sa iba. bagong kursong gusto, pinili ko. maingay silang lahat. parang wala ng bukas. ang ilan nagfifiling na parang sila ang perpektong ginawa ng dyos. ung iba nag-aaksaya ng laway para sa mga salitang mas magandang di nalang sinabi. ang iba naman na medyo tahimik na hindi pansinin ay parang may planong masama sa mga unang kong nabanggit.

naiintindihan ko kung bakit sila ganun. pero sana wag naman araw araw. nanghihinayang ako sa oras na binigay sa kanila. pakiramdam ko kapag may tinanong na isang bagay na hindi uso at kelangan mong ipaliwanag eh wala silang masasabi. pusta ko tatawanan pa nila ung tanong, na may inaasam na malalim na sagot.

yun ang pagkakaobserba ko sa kanila. pero bilang isang makataong mamamayan, mabuting kaybigan ng kaybigan, napalaking maayos ng magulang, at mabait na anak ng dyos, kelangan kong maintindihan agad kung bakit ganun ang mga bagay bagay. tanggapin at respituhin ang kanya kanyang karakter na wala naman akong dapat gawin lalo nat wala naman akong pagmamahal sa kanila.(care meron). siguro naman hindi sila nag-aaral para manakit ng ibang tao. may kanya kanya lang talaga tayo ng piniling paraan kung papano natin magagawa ang mga pangarap natin.

ibat-iba lang talaga ang uri ng tao...syempre malamang diba iba iba rin nang hilig. iba iba ang galaw sa bawat sitwasyon. iba iba ang rason sa bawat dahilan. at iba iba ang plano sa buhay na wala namang kasiguraduhan.

oo walang kasiguraduhan, lalo na tong sinasabi ko. maaring mali lahat ng sinabi ko... gusto ko lang ilabas ang naiisip at nakikita sa mundong ginagalawan ko. kung sakaling dumating araw na malaman kong mali o tama ako, mababasa ko tong sinulat ko at magiging basehan ng pagbabagong inaasahan ko sa simula palang.

walang kasiguraduhan diba?

Thursday, June 04, 2009

hacker

ate, koya... click motongpic kung gusto mong lakihan
tsktsk. dumarami na talaga ang mga  taong walang magawang matino. hindi matino kasi nakaka purwisyo sila. nako naman, nung isang gabi nagulat ako nag bago itsura ng multiply ko, naisip ko may ng-hack kaso malabo, (pero aus na ngayon, nagconvert lang pla ung multiply ko at napag-aralan ko na kung pano gamitin). hehe.

hindi ko mawari kung bakit pa kelangang manira ka ng buhay ng iba, eh alam mo naman na kahit anong mangyari may mga magaganda paring bagay na mangyayari sa kanya. na ung mga magagandang bagay na un eh ang lakas nya para ipagpatuloy ang buhay na akala mong nasisira mo paunti unti. hindi ko alam kung naiisip ba ng mga maninira kung sino man kau na ang "lakas" ay nanggagaling sa sakit at kabiguan. tsktsk... 

nalulungkot ako ngayon. ang dami kong tanong tungkol sa paninira chuva ekers. pero alam ko namang kaya kong sagutin ang mga tanong ko, so bat pa ako malungkot? malungkot ako kasi wala akong kakilalang naninira ng buhay ng iba, gusto kong makakilala tapos babarahin ko sya, aapihin ko. kung may naninira... may nang-aapi. bwahahahaha.

kung wala akong kakilalang naninira ng buhay ng iba...
marami naman akong kilalang naninira ng sariling buhay nila...
naniniwala akong mas eksperto sila sa paninira ng buhay, 
kaya kaung mga naninira ng mga buhay ng iba...
beware sa mga taong sira na ang buhay.

ps. mag ingat kay "bornagainwannabe" hacker daw syang malupet. 
      (wow malupet, talented.)