Monday, June 15, 2009

pagbabago ay permanente


masyado akong naging mapanghusga at masyado kong inaangat ang sarili ko eh wala pa naman akong napapatunayan. bakit ko ba to nasabi? di pa naman matagal ang pagmamasid ko at panget na agad ang tingin ko sa iba. bagong kursong gusto, pinili ko. maingay silang lahat. parang wala ng bukas. ang ilan nagfifiling na parang sila ang perpektong ginawa ng dyos. ung iba nag-aaksaya ng laway para sa mga salitang mas magandang di nalang sinabi. ang iba naman na medyo tahimik na hindi pansinin ay parang may planong masama sa mga unang kong nabanggit.

naiintindihan ko kung bakit sila ganun. pero sana wag naman araw araw. nanghihinayang ako sa oras na binigay sa kanila. pakiramdam ko kapag may tinanong na isang bagay na hindi uso at kelangan mong ipaliwanag eh wala silang masasabi. pusta ko tatawanan pa nila ung tanong, na may inaasam na malalim na sagot.

yun ang pagkakaobserba ko sa kanila. pero bilang isang makataong mamamayan, mabuting kaybigan ng kaybigan, napalaking maayos ng magulang, at mabait na anak ng dyos, kelangan kong maintindihan agad kung bakit ganun ang mga bagay bagay. tanggapin at respituhin ang kanya kanyang karakter na wala naman akong dapat gawin lalo nat wala naman akong pagmamahal sa kanila.(care meron). siguro naman hindi sila nag-aaral para manakit ng ibang tao. may kanya kanya lang talaga tayo ng piniling paraan kung papano natin magagawa ang mga pangarap natin.

ibat-iba lang talaga ang uri ng tao...syempre malamang diba iba iba rin nang hilig. iba iba ang galaw sa bawat sitwasyon. iba iba ang rason sa bawat dahilan. at iba iba ang plano sa buhay na wala namang kasiguraduhan.

oo walang kasiguraduhan, lalo na tong sinasabi ko. maaring mali lahat ng sinabi ko... gusto ko lang ilabas ang naiisip at nakikita sa mundong ginagalawan ko. kung sakaling dumating araw na malaman kong mali o tama ako, mababasa ko tong sinulat ko at magiging basehan ng pagbabagong inaasahan ko sa simula palang.

walang kasiguraduhan diba?

3 napaso:

Jonas Balboa said...

At mantakin mo na pinagbabasa ko ang mga pinaglalagay mo dito...

Kakaibang karakter...

Ipagpatuloy...

Axel said...

Akalain mo nga namang seryoso ka pala pagdating sa school o baka naman nagiging pala-obserba ka lang...

Bweno, kanya-kanyang trip nga naman yan... Aku isa sa mga makukulit nung college, baka mainis ka lang sakin kung sa school tayo nagkakilala...

dotep said...

ok lang manlait kung kalait lait naman talaga...

tama ba?

siguro...