Kalokohan para sa iba ang mangarap sa wala,
pero may magagawa kaba,
kung ang mangarap lang ang paraan para sumaya sila?
Ang managinip habang tulog na inayawang gumising?
at ang managinip ng gising na inayawan ng matulog?
isang araw, nagsawa na sa kaka pangarap
pinilit tumakas sa sakit at hirap
pinilit mapalitan ng sarap at ginhawa
napatunayang, and dyo's talaga'y may awa...
Napapatula nako ah. Haha!
Ow well... Ano lang kasi, alam mo yun, nakakabilib ang mga taong marunong tumanggap ng katotohanan eh. Katotohanang sobrang sakit at hindi katanggap tanggap, pero sila, ang may mga malalakas na damdamin para maintindihan ang nangyari. Lufet eh.
Para sakin talent ang pang-uuto. Sa kapwa at lalo na sa sarili. Ang pang uuto, hindi naman yan panloloko eh (medyo lang). Puro negative kasi ang panloloko at ang pang-uuto eh kalahating panloloko lang. Pero kasi, may magandang patutunguhan kasi ang pang-uuto at isa na riyan ang pagbibigay saya, sayang panandalian. May problema ba dun? May problema ba sa pagkakaraon ng panandaliang saya? Di ka kuntento? Gusto mo pang matagalan? Di kita masisisi, kahit naman sino gusto ng pangmatagalan at matibay pa, kaso may kaso eh... hindi maaring maging ganun. Oo posible pero malabo.
Bakit posible? eh life is a constant change eh. Magbabago ang mga bagay sa ayaw't sa gusto mo at minsan hindi mo pa mapapansing nag bago na pala, pwera nalang kung hindi mo talaga pinansin. Pero syempre papasok nanaman ang salitang uniquness ng bawat isa at hindi ko dapat ipilit ang mga paniniwala kong para sa iba'y baluktot. Sa totoo lang eh kaya at pwede kong ipilit, hindi lang talaga dapat.
Hindi dapat kasi hindi sa lahat ng oras ako o tayo o ikaw ang mag bibigay ng sulusyon. Makakagising sa taong namuhay sa panaginip. Makakabago ng nakasanayang luma. at makakapagpaliwanag kung ano ang realidad. Hayaan mong iyong sarili ang makatuklas ng kung sino ka, hindi ung ibang tao ang makapal na nanghuhusga.
Aaminin ko, makapal ako minsan...
eh sa enjoy ang manghusga paminsan minsan eh. hehe.
8 napaso:
ewan ko..pero parang narinig ko n yan..at syempre ikaw ang nagsabi..tama dba..alam mo na din yung mga sagot at tanung..mwuah!
ok ang mang-uto! kung bata nakakatuwa...
kung matanda ang inuuto... nakakaloko! hehe
talent ba yun?
it's a gift! :)
panguuto sa sarili at kapwa na kalahating panloloko pero negatibo parin na minsa'y kelangan...
how ironic. hays..
humuhusays sa tula ah. tumatalento! ayus yan. keep it up.
sanay na sanay ka na talaga utuin ang sarili mo. bow!
medio may kalaliman uh, pero ayos na ayos..
sana magaling din akong mang uto, magaling lang kasi akong magpauto eh, sabihin mo lang na cute ako baka ilibre pa kita ng tiket sa concert hehe
kung may masarap utuin... ayun siguro yung sarili mo at sabihin mong sobrang pogi/ ganda mo sabay lakad sa kanto at sapakin lahat ng magsasabi sayo ng "pangit!"...
kung lahat naman ay gagawa nito... siguro wala ng pangit sa mundo kundi ang maging matalino na lamang at alam mong uto- uto ka.
like ur blog... kip it up!
Masarap ang maging uto uto... ewn ko pero feeling ko lahat ng tao ganun... at syempre sasabihin ng di matanggap na uto uto siya ay espesyal at di katulad ng nakararaming uto uto... Inuuto lang natin ang sarili para magpursige sa hamon ng buhay... kahit minsan inuuto nalang natin para masabi na may narating tau... Hehehe!!
Heto uuto ulit aq...
Nice blog!!! Astig!!!
Totoo yan... di ako nang uuto!!!
hehehe!! (May tawa pa)
Post a Comment