Thursday, December 25, 2008

same sh*t...

aba'y bihira talaga ako makiuso. bihira ako mang-gaya ng kung anong bago. Hanggang tingin lang ako madalas at ni minsan hindi ko pinangarap na magkaron ng isang bagay na meron ang halos lahat.

Naririnig ko lang madalas na pinag kwekwentuhan ito. Di ako nag tanong kung anu ba un, ni di ko nga nagawang i search sa google kung ano bang meron sa kinagigiliwan ng halos lahat ng teenager.

Walang masama pero utang na loob, sa mga nagpapanggap dyan na kunwari fan kayo ng ganito o ganun, eh itigil nyo na. May kakayahan naman tayong umintindi eh para tanggapin na magkakaiba tayong lahat at bobo ka naman kung di mo kaya. Kung di mo gusto ang isang bagay, ehdi hindi mo gusto, wag kang panggap, wag kang makiuso sa usong di mo naman talaga trip. Kung di ka tanggap ng mga akala mong frends mo sa kagustuhan mo, eh mag hanap kana ng tunay na kaybigan. Yung irerespeto ang disisyon mo at tatanggapin kung sino ka bilang mamamayan sa bansa natin, na hindi ikaw ung taong may bitbit ng isang sikat na libro. bwahahahaha...

hindi twilight ang tinutukoy ko kundi Da Vinci Code. haha. Daming entry tungkol sa twilight eh, gagayahin ko paba sila? pero same shit eh... ganun din un eh.

Actually pinanod ko ung movie na Da Vinci at predictable sya kahit di ko binasa yung book. Ok naman sakin ung story pero hindi para pagtalunan kung ano ba dapat ang paniniwalaan ko. Kung ako nabuhay sa panahon ni Jesus eh maiinlove din ako sa kanya. Ang bait na, ang macho pa.

Napanod ko rin ung Twilight at ok naman ATA sya para sakin, lalo na ung settings. pero di ko rin nabasa yung book (kasi wala naman akong balak basahin talaga). Mas gusto kong manod nalang ng ibat'ibang palabas s
a sine kesa bumili ng librong halos lahat meron. Ehdi manghihiram nalang ako. (pero wala parin akong balak manghiram). bwahahahaha!

Pareho halos ang comment ng mga taong fan ng Da Vinci at ng Twilight. "MAS MAGANDA PARIN UNG BOOK". tapos kapag hindi mo na appreaciate yung palabas eh pangangatangan ka ng "EH HINDI MO NAMAN KASI NABASA YUNG LIBRO EH!" kapag hindi mo naman na-appreaciate pareho eh "BAKA KASI HINDI MO NAIINTINDIHAN?!" ang saya diba? Di porket di mo nagustuhan eh pagmumukhain ka na nilang jologs at ang masaklap pa nyan, jologs kana, tanga kapa. Kay lupet diba?

Sunday, December 21, 2008

--di porket x-mass--

may nabasa akong isang blog... (mantakin mo, nagbabasa pa pala ako). haha. Pero nakakatawa eh. Ang kulet ng mga sinusulat nya, hindi literal na makulet na nakakatawa kundi ang sarap nyang barahin. Halos lahat ng sinusulat nya eh tungkol sa mga hinanakit nya sa buhay, sa mga bagay bagay at kung ano ano. Wala namang kaso yun, kaso (labo) ayoko sa mga taong puro ganun lang ang alam, pero syempre uutuin ko nanaman sarili ko... (baka naman sa personal eh masiyahin syang tao at puro magaganda lang ang napapansin nya, o di kaya may iba syang blog na puro naman masasayang bagay ang nandoon). Malay ko ba, basta ako, gusto kitang apihin. Nako kung kilala lang kitang tunay at magkakilala pa tayo, patay ka sakin. Walang give love give love, di porket mag pa-pasko mabait ako. bwahahahaha...

Sabi ko nga, ayoko sa mga ganung tao. Papano nalang ang ibang mambabasa na puro negatibo ang nasa isip? Nanaisin mo pa bang madagdagan u
n? Nako, ewan ko lang kung ano kasunod nun. Malamang sa alamang, kung sino man ang magbasa nun eh bukas sya ang bida sa front page ng dyaryo. "ISANG EMO NA BINATA PATAY, UMINOM NG ACETONE MATAPOS BASAHIN ANG ISANG BLOG" katakot diba? (boooo...)

Fine fine... para naman akong nagmamalinis eh... negatibo nga tong sinasabi ko tungkol sa kanya, nangenge-alam pa ako ng may blog ng may blog, pero positibo naman ang gustong patunguhan nitong sinusulat ko eh. "hoy PO babae, e
asy lang po... parang di mo alam ang salitang relax eh. sabi nga ng ilang mga teenager dyan, CHILL." haha. sige ka, papanget ka nyan. hihi.

ps. hoy PO ulet babae... wag mong gawing hobby ang pag gegeneralize ng mali. hindi l
ahat ng tao pare-pareho sa lahat ng bagay. Masyadu ka eh... hehe.
sarap mang-api ng wala lang... tapos ako lang nakakaalam kung sino inaapi ko. bwahahahahaha...

Friday, December 19, 2008

what's your new years resolution

cute nung pic no? este bad yang pic na yan. tsktsk... tigilan na dapat ang paninigarilyo. nako kayo... sige, alam nyo naman siguro epekto nyan sa katawan nyo at sa katabi nyong malinis ang baga. Lalo na sa mga makakapal ang mukha na naninigarilyo katabi ang anak nila o nakikita ng anak nila, pati narin ang may mga katabing bata na hindi mo kaano-ano. mahiya ka naman. nako... impluwensya yan. Tigil nyo na yan pls... magbago na kayo.

kaya ako... ang new years resolution ko ay...
di nako mag po porn. di nako pupunta sa mga porn sites.
Promise... hihi.

Monday, December 08, 2008

sarap... pero sakit sa...

may mga bawal na alam mong bawal pero ginagawa mo parin.
may mga mali na alam mong mali pero go ka parin.
pero ang mga bawal at mali na iyon na alam mo eh ginagawa mo kasi posibleng masaya ka o di kaya'y masarap... weee...

tulad neto.
masama ang sobra.... (di ko alam kung ilan ang bilang ng mga yan basta gumastos kami ng 540 at lima lang kaming tumira nyan at may natira pa)
armi- 9? sticks?
leo- 10? stick?
tina - 9sticks
emer - 22sticks
pb - 21sticks

at pinag bawalan na ako ng magulang ko na kumain ng isaw...
(ok lang naman siguro pag minsan lang diba, este bihira pala. hehe)

Monday, December 01, 2008

--katangahan--

dahil sa pagpupumilit kong baguhin ang layout ng blog na ito eh nasira ko sya...

ang saya saya. bale napagdisisyunan kong gagawa nalang ulet ako ng bagong blog... aliw.

(katangahan kasi eh) haha.


ABANGANGAN ANG BAGONG BLOG NI PB