Tuesday, December 25, 2007

-=para ke Ferbet na alien ata=-

Dahil sa isang blogger na madrama.. hindi ko sasabihin na si ferbert yun. Akoy ginanahang magsulat tungkol sa aking highschool life na oooohhhhhh.. kay saya at aaaahhhhh.. kay sarap. Bale kung maingget ka man Ferbert eh tama lang yun kasi yung naman talaga ang balak ko pero takte.. pag sineryoso mo tong pang-aasar ko at paninira ko ng araw mo eh wag kang papakita sakin. Letche ka! Haha!

1st day? Sabi ng mga dati kong klasmeyt eh mukha akong matalino. Maganda at mayaman. Nasa pananamit ko raw at dating. Eh takte.. isang polo shirt na plain white (Kamiseta), jeans (Levis Orig), at rubbershoes (nike orig) at mini body bag na green (galing ibang bansa) lang naman ang soot ko. Anung mayaman dun? Naka eyeglasses lang naman ako kaya nagmukha akong matalino at, di lahat ng maputi maganda noh. Ako maganda? Oo nga.. totoo nga. Haha!

(letche ka.. kung sino ka mang blogger ka.. nahawa ako sa kayabangan mo. Haha!)

2nd day? Apektado na ang ibang klasmeyts.. tatakot silang mataasan ko sila. Humahanap na sila ng butas sakin, (fine! 7 butas ng tenga ko). Eh tapos me parang inapi pa ata ako.. angas ko eh. Pero hindi ko naman talaga intensyon yun.. bait bait ko eh. Eh tapos ayun.. nagalit na rin ang iba sakin,, syempre tropa nila yung inapi ko eh.. ehdi yun.. sama na ng tingin nila sakin.

3rd day? Takte.. tama na toh.. baka umabot pa ng 10th day at nakakahiya kasi makakalimutin ako.. baka mali mali pa masabi ko.. magmukha pa kong sinungaling eh ang honest ko pa naman. Hehe.

Ang totoo eh gusto ko lang ilagay dito kung ano bang mga masasayang bagay at kalokohan ang naranasan ko nung highschool. (parang ang tagal na eh no eh kaka college ko palang naman. Haha!)

- humihiga sa sahig kapag walang ginagawa…

- nagkakantahan (sabay-sabay kahit mali lyrics at malakas, rinig hanggang kabilang section) kapag nagsusulat lang ang titser sa board…

- batas ako.. ako ata ang kauna unahang pwedeng mag-i-pod sa skul namin.. hindi nila maconfiscate kasi bago pa sa paningin nila yun tapos kasi mahal pa daw at baka mawala lang daw sakanila. Haha.. hanggang pag ka graduate ko batas parin.. pero 1 time kinuha na.. eh principal na nakahuli eh. Haha

- kapag topak ako.. kumakanta ako ng malakas sa canteen namin at wala akong pake kahit ang panget ng pagkakakanta ko.

- Nagkaron ng ibat-ibang laro dahil sakin, tulad ng X-bolls na gamit ang x-mas balls. Ang paghawak sa isang simpleng bagay tapos kelangan mag-isip ng kung anong pwedeng ipanggamit sa kanya. Ang “kapag eto na shoot, kupal ako o ka game” eh yun yong papel na binalot ng puro masking tape tapos ishu-shoot mo sa malayong basurahan. Tapos ang larong paramihan ng kantang nagsisimula sa bla bla bla… chu chu chu.. ek ek ek.. ayun.

- Kantahan galore kapag break na.. kahit hindi alam ang lyrics. Ang kakapal pa naming kumanta eh mali mali naman. (Me kasama namang beatbox.)
- PE naming nung 4th yr patintero. Ingay namin at batas ang batch namin kasi kahit me ibang naglelesson sa ibang yr. ang iingay talaga namin. Sigawan ng “WOI! MAGINGAT KA!, MUNTIK KA NA DON!, UMAYOS KAYO! MALAPIT NA! IKAW KASI EH! BANTAYAN NYO SI.., ISA NALANG! TANGA MO KASI!” at madami pang mga salita.. pagkatapos ng patintero eh me joke gallore kami.. na gagawa kami ng isang malaking bilog sa ginta ng court tapos me itutulak kami sa gitna at dapat mag joke sya (ako lagi ang tinutulak) tapos sasabihin palang ang salitang… “ano.. ah…, wala akong joke, lakas ng trip nyo” nako.. tawanan too the max na. para kaming mga gago na natatawa sa lahat o walang bagay.

- batas din ako sa pagkain… habang nag lelesson. Eh bigla ka nalang ma-papalingon sa likod dahil nangamoy ulam nanaman. Ako lang ata gumagawa nun sa batch namin at nagsisunuran na ang ibang hindi makapag-antay ng lunch o break.

- Masipag ako.. taga linis ako madalas ng classroom at ayoko talaga ng makalat. Utusan ako madalas ng mga teacher, nyemas sila.. alam kasi nilang hindi ko sila hihindian.

- Nakakagago. Bagong lipat ako ng skul nung 3rd yr.. tapos naging president agad ako ng section namin… naging student council pako. Haha! Akala nila magaling at matalino ako. (fine, papansin na.. pero mukha lang talaga akong matalino. Yun lang)

- Madalas akong kasali sa mga programs.. sayaw ang madalas. Hindi ako pinayagan ng inakoh kumanta dahil sa isang magandang dahilan. Ang totoo hindi rin naman alam ng inakoh na sumasayaw ako dahil ayaw talaga nyang sumali ako sa kahit anong okasyon o event dahil syempre.. bagong frends nanaman tapos kuha no. tapos chu chu ek ek na…

- Nung 2nd yr ako.. madalas ako nag le lead ng angelous… prayer yun. Di ko alam kung bakit. Sa libo libo ng studyante sa skul ko nun eh ako ang pinipili. Bakit ba? Dahil boses lalake ako kahit babae, o sadyang mabilis akong magsalita at gusto nilang matapos agad ang dasal?

- Mas nag explore ako nung 3rd yr dahil pati mga hindi ko alam na dahon eh kinakain ko… nung dati kasi papel, pulbos at lotion lang.


Teka.. tama na ang kayabangan. Ayoko na.. suko na ko. Naiirita ako sa sarili ko bigla. Puro ako papuri sa sarili ko. Si Ferbert kasi eh.. nag dradrama.. bale wala lang talaga to. Wala pa akong ma e entry na medyo seryoso naman. Kapag nagseryoso ako baka ma iyak lang ako. Ayoko namang e entry ang nangyari nong pasko.. ayokong dalhin pa sa mga alaala kong makakalimutan ko rin naman. Hehe. Ang sama eh no. ah basta..

Thursday, December 20, 2007

-=pasko nanaman=-

Malamig ang pasko ngayon pero bat ganun, ang bilis ng panahon. Next week eh pasko na? di nga? Tama ba ko? Kasi Dec 20 ngayon tapos next week na diba? Haha.

Kapag pasko, madalas hindi kumpleto ang pamilya ko. I mean me isang wala madalas, kung hindi tatay ko, mga ate ko. Nanay ko ang laging present, nakakasawa na este di pala.. kung wala inakoh, walang pagkain. Hehe.

Pagkain? Hindi mawawala sa noche buena ang kaldereta. Bahala sila.. basta kumpleto na pasko ko pag me kaldereta. Yummy kasi talaga magluto inako nun. Saka kumpleto din ang pasko pag maaga ako matutulog. Haha! Nyeta.. madalas kasing me sermunan kapag me mga okasyon so sira ang happenings pero sus! Yun lang eh.. ehdi sira kung sira. Ayoko naring ayusin pa yung sira.. me mga tao sa paligid na sila ang gustong masunod, tipong paraan nila ang susugpo sa kadiliman. Sino ba naman ako? Isang hamak na ano.. na.. basta masarap ang kaldereta ng inakoh.

Nakakatawa lang kasi me nabasa ako sa isang blog, hindi ko sasabihin kung sino. Haha! Para syang atheist. Nakakaaliw kasi yung mga sinasabi nya eh yun din yung sinabi ko nung nakipag debate ako sa Philosophy. Ang topic eh “God is an illusion” basta ganun eh dun ako sa pro-na si God eh ilusyon lang. maganda ang kinalabasan ng debate at nanalo ang aming grupo (ako leader eh) hehe. Akalain mong sabihin kong pauso lang talaga ang lahat ng relihiyon at marami ang sumang-ayon. Syempre bago sila sumang-ayon eh nagbigay muna ako ng mga katanggap-tanggap na halimbawa at dahilan.

Kalaban – bla bla bla.. chu chu.. ek ek…
PB – ok. Pero ang tanong ko.. kelangan mo ba munang maexperience para masabing totoo?
Kalaban – eh chu chu ek ek bla bla…
PB – oo nga.. pero kelangan mo nga bang munang ma experience para masabing totoo?
Kalaban – eh kasi chu chu ek ek bla bla bla…
PB – teka lang ah.. OO at HINDI lang sagot sa tanong ko eh.. wag ka namang bobo...

Tawanan ang mga klasmates ko pati prof kong HOT na me tattoo pa pero ang totoo hindi ko talaga sinabi “yung wag kang bobo.” Nasa utak ko lang.. pero madalas ko talaga tong sabihin pero pabiro naman. Hehe. Basta ang saya. Meron pa ngang isang kalaban na hindi sya debater pero biglang nagsalita…

Kagrup ng kalaban – EHDI SA SINABI MO NANINIWALA KANG ME DYOS?!!!
PB – teka.. bla bla bla… (me sinabi akong basta sinabi ko lang)
Kagrup ng kalaban – NANINIWALA KA EH.. SAYO NA NANGGALING!!!
Pb – teka ah.. bat mo ko sinisigawan? Kanina ka pa eh.. wag mo kong sigawan, nagmumukha akong tanga…
(tawanan ulet ang klase pati ang prof)

Kahit marami akong kapilosopohan eh nag wo work talaga ito. Kami ang nanalong grup at alam ko namang mangyayari talaga un. Haha! Tulad nga ng sabi ng mga ka grup mates ko eh magaling akong maghanap ng butas.. butas na papasukin ko at madali din akong makakalabas.

Eh yun nga.. masaya ang mag celebrate.. totoo naman diba. Importante sakin ang Christmas kasi malamig, maliwanag ang paligid dahil sa x-mas lights at magagandang dekorasyon sa mga bahay bahay, saka bakasyon syempre, saka masarap tumambay sa labas para mag senti tapos kape lang at isang taong matino na pwede mong makausap at makalampungan este makabiruan. Oh diba.. saya saya talaga ng x-mas. Pero bago ang unang araw ng simbang gabi.. nasabi ko sa sarili ko na AYOKONG MAGSIMBANG GABI. Nakakalungkot pero hindi ko talaga ma feel… parang kapag nanermon yung pari eh alam ko na yung sasabihin nya.. (anong parang?!) ah ewan… mag-aaksaya lang ako ng 1 oras (lang naman) para pakinggan ang mga bagay na alam ko na pero hindi ko naman ginagawa. Marami tayong alam, wala lang tayong gawa.. ay ako lang pala.

Kelangan lang naman maging masaya ang pasko ko ngayon. Ok naring lokohin ang sarili. Maraming gumugulo sa isip ko na hindi ko talaga alam kung san ba sila nanggaling. Tapos aalis sila bigla tapos babalik ulet. Nakakasira ng ulo. Nakakastress. Imbes na ma stress ako sa pag-aaral, nastre-stress ako sa mga bagay na hindi ko ba alam kung importante ba sa buhay ko. Ow well, take the risk lang kapag me mali sa mga sitwasyon. Basta ang alam ko…sa pasko, nasa tapat ako ng bahay namin, nakaupo sa katabing gate… at me hawak na paputok at hawak na lighter na kay ganda. Haha!

Sunday, December 09, 2007

-=PICPICS=-




Ang jeep na nakakaaliw.. nagaantay ako ng jeep na TAYTAY o JUNCTION sa LRT station sa Santolan ng makita ko tong jeep natoh. Napangiti nako agad malayo palang sya at nakatingin sakin ang drayber sabay ngiti. Alam siguro nya kung ano ang tinitingnan ko. Nakakaaliw kasi talaga. Kung iisipin mo, ang hirap mag mukhang gago kapag matalino ka. Kadalasan ang mga matalino nirerespeto which is dapat kahit bobo eh respetuhin din.. kaso hindi eh.. mga matalino nalang talaga pati me mga pera. Ow well…
Nang pinicturan ko toh.. nakangiti yung drayber kaso hindi sya kita eh.. haha!







Nakakaaliw din toh. Malapit lapit ang tindahan na ito sa bahay namin. Medyo malayong lakaran pero ok lang. Natuwa ako ng makita ko to lalo na dahil nakaramdam ako ng kabobohan, ang tagal ko na dito sa lugar namin, ngayon ko lang to napansin. Kasama ko si Ruthan ng mga araw na ito at kakatapos lang namin magsimba nun, maulan ulan pa.
Nakakaaliw ang pangalan. Parang karinderya malapit sa skul ko.. “KITCHENNETE”. Haha!







Ano ang inyong napapansin? Sa tingin nyo ba eh naiintindihan ng batang ito ang mga dvd at vcd na nasa giled nya at naka aprub sign pa sya? Ang batang ito ay aking pamangkin na si Tino. Ye yeah!



















Etong mga toh.. ano ang pinapanood nila.. ang isay mukhang gulat, ang isa namay namamangha at ako.. na nasa right side eh nagtataka.










Eto ulet.. ano toh? Yung nakaputi gulat na nagtataka na, yung naka dilaw natatakot naman.. at ako.. relax lang. hehe.